watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68696 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #60 on: April 21, 2011, 07:48:20 pm »
^grabe.. pag pera talaga, walang kama-kamag anak. si Lord na bahala sa kanila.  :)

potpotpo

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #61 on: April 21, 2011, 08:06:32 pm »
oo si Lord na bahala......pero sana bayaran pa din ako kapag nagkita kami  :D....kung makikilala pa niya ako  :o

tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #62 on: April 21, 2011, 11:21:03 pm »
malamang troops sila ng mga ligots - may sakit sa limot.

nadialicious16

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #63 on: April 22, 2011, 07:03:49 am »
Sis potpot,ngayon alam mo na kung sino na ang hindi mo pauutangin next time na manghiram ssila sayo. Bad record na ang mga ganyang klase ng tao,nangungutang ng hindi nag babayad. Mga walang konsiderasyon, i wonder kung naiisip ba nila kung gaano natin pinaghihirapan ang perang hinihiram nila ng walang solian.. eh paano na lang kagaya ni sis orange na may mahalaga talagang paglalaanan? pero ipinahihiram natin kasi concern tayo makatulong. I may souund mean pero sometimes i wish them na sana may manghiram sa kanila ng malaking halaga at di din sila bayaran,just to make them feel how we feel nung tayo ang inutangan.

tabbru

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #64 on: April 22, 2011, 08:51:22 am »
Ako talaga nasabi ko na sa sarili ko na hindi na ako magpapautang sa mga kamag-anak at kaibigan. Di bale ng masabihang maramot kesa naman ma-stress ako sa paniningil sa kanila. Alam ko naman na napakaliit na ng chance mabayaran ako eh.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #65 on: April 22, 2011, 10:26:35 am »
@potpo: kilala ka nila sis.. i'm sure hindi ka nila makakalimutan, members nga lang sila ng alpha kapal muks.  ;D

PinKisH_23

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #66 on: April 22, 2011, 11:43:54 am »
Asan na kaya si TS? Nakapag bayad na kaya sila?

Anyway, ako I hate lending money to relatives, kahit sabihin pang magbabayad, naku eh di naman ako mahilig maningil.

potpotpo

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #67 on: April 22, 2011, 02:50:30 pm »
oo nga mga sis ngayon alam ko na. Kasi naman kala ko magbabayad talaga kasi ang laki laki ng sahod ng asawa niya kaya ayon pinautang ko  :-\

sis dhee dhee oo nga lifetime ata membership nila dun. Pinapasingil ko kasi dati kay mama ayun pala magkaaway sila, dahil sa kayabangan ng tita ko  :-X

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #68 on: April 22, 2011, 07:01:36 pm »
^hala sis, magkaaway sila ng mom mo? naku, kaya rin siguro hindi nagbabayad yung tita mo.. hay!

potpotpo

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #69 on: April 23, 2011, 01:51:23 pm »
^ parati naman sila nagaaway kasi yung tita ko tsismosa much  ;D nanganganak yung mga pinagsasabi  :o

pero ng nangutang siya sakin magkaaway na sila nun, pinautang ko lang kasi kala ko talaga magbabayad. Saka pag nagaaway naman sila, silang 2 lang, pero mukhang mali ako  ::)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #70 on: April 23, 2011, 04:41:59 pm »
^haha, chismosa much, may dagdag pag nagkwento.. naku po, i think you're right, hindi lang silang dalawa ang magkaaway.  ::)

SweetieNela

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #71 on: April 23, 2011, 10:40:59 pm »
mahirap kasi maningil pag kapamilya mo eh! pero kapag ibang tao madali lang mahiya kapag kamag-anak hindi nahihiya eh! haha

kettlekorn28

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #72 on: April 23, 2011, 11:40:42 pm »
Kami ni hubby, never kami nag-away tungkol sa pera until last december. Dahil sa tamad kong SIL, nagkaroon kami ng major fight ni hubby. That time, nakaayos na ang budget. As in naka-specify na lahat ng gastos. Di pwedeng magkaroon ng unplanned purchases/gastos kasi kukulangin na kami. Talagang saktong-sakto lang.

Umuwi kami sa in-laws ko. At eto namang si tamad kong SIL nanghihiram ng pera kay hubby without my knowledge. Alam ko kapag sila ang nanghiram, it's already considered as hingi. Wala akong kamalay-malay nang bigla na lang kumuha si hubby ng pera sa wallet namin tapos iniabot kay SIL. Ako naman parang timang, nagtataka sa nangyayari. Kasi inexplain ko na kay hubs ang sitwasyon ng pera namin, tapos biglang ganun. Pagsakay namin sa car, nagtalo na kami. Parang lumalabas pa kasi na nagdadamot ako. Sobrang iyak ako nung time na yun. Nung malaman ko kung bakit nanghiram (na naging hingi na eventually) si SIL ng pera, lalo akong nagngitngit. Maglalamierda lang pala sa MOA ang bruha kasama ng mga barkada, bibili raw ng mga damit. FYI, andito kami sa laguna. Ayaw nya magtrabaho tapos kay hubby pa sya hihingi ng pantustos sa luho nya. Samantalang ako nga nahihiya pa magpabili kay hubby ng blouse dahil alam kong pinaghihirapan nya bawat singko ng perang ginagastos namin. Tapos sya napakakapal ng face. Hay nakakaimbyerna pag ganito mga inlaws.

SweetieNela

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #73 on: April 24, 2011, 12:02:12 am »
^
grabe sis,ilan taon naba SIL mo? hindi ba siya pwede magtrabaho. better na kausapin mo si hubby. dapat kasi minsan lalaki ang nagbubudget para malaman ang gastusin!  >:(

kettlekorn28

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #74 on: April 24, 2011, 12:11:37 am »
She's turning 26 this year. Last month, natanggap sya sa trabaho. One day pa lang nag-quit na. To think na nagbigay ang dalawang kuya nya ng pera para may panggastos sya sa pag-apply tapos 1 day lang nagback out na. Ang nakakagalit pa, yung pera na binigay ni hubby eh yung ipambibili ko sana ng fertility pills. Di tuloy ako nakabili. Yung binigay naman ni BIL eh dapat ipambabayad sa utang. Sa sobrang tuwa nya dahil after ilang years ng pagtambay, finally naisipan na rin magtrabaho ni SIL. Kaso ayun, major fail. Tambay ulit sya.

Gusto ko nga iinvolve si hubby sa pagbudget, kaso sobrang busy nya sa trabaho. Sabi ko, ok lang na tumulong kami kung karapat-dapat tulungan. Pero kung tulad ni SIL, hay naku, wag na lang.

SweetieNela

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #75 on: April 24, 2011, 12:51:22 am »
minsan kasi naooffend ang mga lalaki kapag ka binabasahan mo ng budget. pero kapag ka day-off niya magbudget kayo together. atleast malaman niya kahit papaano kung san napupunta at yung mga hindi kaylangan pagkagastusan at hindi basta ilabas na pera.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #76 on: April 24, 2011, 01:18:07 am »
Sobrang ingat na ingat nga ako kapag sinasabi ko yung tungkol sa budget. Ayoko kasing lumabas na parang nakukulangan o nagrereklamo ako sa binibigay nya. Actually, hubby's salary is more than enough kasi wala pa kaming anak. Mas malaki pa salary nya dun sa mga friends namin abroad. Pero sa laki ng mga binabayaran namin, we were left with almost nothing. Masyado kasi mabait si hubby. Kahit mga relatives ko pinapahiram nya. Pero nagbabayad naman sila. Yung family at relatives ni hubby ang mga garapal. Pag sinabing "utang", ang equivalent nun ay "hingi" so wala na talagang saulian. Hay...buhay!

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #77 on: April 24, 2011, 05:27:28 pm »
@kettlekorn: kaimbyerna naman yang SIL mo sis. kala mo kung anong importanteng pagkakagastusan. ganyan talaga ang tao kapag hindi pa nararanasan kung gaano kahirap kumita ng pera eh. sana hindi na maulit yang paghingi nya ng pang shopping sa hubby mo..

sieggy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #78 on: April 24, 2011, 08:40:39 pm »
^^Ang hirap naman ng ganyang set up. di malinaw kung ano talaga goal nyo sa buhay at target. Pag kase meron, focus kayo. Kahit na anong distraction talagang mas mangingibabaw talaga kung ano talaga yung goal nyo.

Ako sa hubby ko nung kailangan ang BIL ko ng pera para application sa abroad. Kahit na duda ako sige lang, kung ano yung gusto ibigay ni hubby dinagdagan ko pa. E tama nga ako, walang nangyari, so ayun sinabi ko sa kanya yun. OFW kase si hubby kaya alam nya kung gaano sakripisyo kumita ng pera. Until now di na nya pinapansin mga parinig tungkol sa pera na nangangailangan. Isip nya, kung kami nga mag asawa nag tiis e.

Sa kanila kase yung BIL ko lang na yun ang hirap so buhay, Sabi ko pinili nya maging ganyan. di nyo fault yun.  Mag anak ba naman sya ng karami tapos pag kapos daing lang? duh... buti nalang at may mga project kami at don kami focus na matapos. Kami muna bago silang lahat. Kung kami maluwag at puro enjoyment nalang at di kami magbigay palagay ko yun na ang madamot. Pero kung puro ka tipid at pag titiis, bahala na sila sa mga iniisip nila.
 

kettlekorn28

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #79 on: April 24, 2011, 11:54:12 pm »
hay naku mga sis, kaimbyerna talaga si SIL. parehong-pareho sila ni MIL na mahilig magpasarap sa buhay. gusto nilang makatikim ng ginhawa sa buhay pero ayaw nilang kumilos. puro sila asa kay hubby, kay BIL at sa sister ni father-in-law na nasa abroad. kapag nga di napapadalhan ng pera sila pa ang galit. kapal talaga.

sabi ko nga kay hubby na kapag yang kapatid nya eh nanghiram/nanghingi na naman ng pera na pang-apply sa trabaho, naku, wag na wag nya bibigyan kundi mag-aaway na naman kami. di na ako naniniwala sa mga apply-apply nya. nakakadisappoint lang.

sabihan na nilang madamot pero natuto na ako kung sinong dapat tulungan AT hindi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close