watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68714 times)

orangerain

  • Guest
Lending Money to Relatives
« on: February 26, 2011, 09:18:18 am »
Hi everyone! I'm not sure kung may na-post na ganito, but I want to ask lang kasi may dilemma kami ngayon.

The situation:

My boyfriend and I are getting married this April/May (civil wedding lang muna), it depends kung kailan matapos papers. Our baby is due on June. We have savings already, almost enough for the civil wedding and for my birth. Konti na lang, more than the goal budget na kami. But, something came up.

My boyfriend's parents called and told him na may debt problem ang kapatid niya. They're asking him to help pay kahit part of the debt lang. Ito namang si boyfriend pumayag, saying na we have something saved. Ang tinutukoy niya dito yung para sa wedding and kay baby. Sinabi lang niya sa akin na pumayag siya after he said yes to them so parang di ko na mabawi. He assured me that his parents will pay us before May.

Ok lang naman sa akin magpahiram ng pera pero tama ba na hayaan ko magamit doon savings namin? Ang concern ko kasi, what if di nila mabayaran? Malaki-laki rin yun, more than 90% ng ipon namin ang ibabayad sa utang na yun. Edi kami maiipit ngayon pag malapit na lumabas si baby. Ayaw ko naman lumabas na parang kontrabida. I do want to help them, kaso iba situation namin ngayon. Kailangan din namin nung pera.

Ano ba masasabi niyo dito and ano pwedeng gawin?

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #1 on: February 27, 2011, 12:54:03 am »
mahirap yan, sis. matinding sama ng loob pag hindi nabayaran at kayo ang nagkaproblema sa pera. talk to your bf. tell him na ayaw mo magdamot pero sure ba na babayaran? paano kung hindi at kailangan na niyo? where will you get the money? isa pa, pag-usapan niyo na before he commits, he should consult you first. anong klaseng debt yun? kung hindi kaya bayaran ng brother now, what makes his parents sure na he can pay by may? are they willing to give you money pag nagipit kayo or bahala na kayo lusutan? ang rule kasi namin, pag may extra ok lang magpahiram. kung wala, big NO. mahirap magkasamaan ng loob because of money. saka huwag niyo hayaan na masanay ang iba na kayo na lang lagi pupuntahan pag may financial issues. ok pa kung single pero magkakaanak na kayo.

orangerain

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #2 on: February 27, 2011, 07:18:49 am »
^ credit card debt sis and kailangang-kailangan daw bayaran kasi baka matanggal sa work pag makita yung record na yun. kinausap kami ng parents niya. ang sabi nila by april daw ibabalik na yung papahiram namin, ibebenta na lang daw nila yung kotse ni bf sa province na di ginagamit. ang takot ko lang eh paano kung di mabenta yun? kami magigipit nyan kasi yun na talaga lahat ng savings namin.

kaso desidido si bf ipahiram eh. ayaw daw niya matanggal sa trabaho kapatid niya kasi mas malaking problema yun, which i understand naman. most likely ipapahiram talaga yung pera. pero next time talaga sabihin ko sa kanya wag siya magcommit hanggang di niya ako kinakausap about it. iba na kasi situation ngayon na magkakababy na.

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #3 on: February 27, 2011, 10:51:10 am »
sis, where does he work? read the credit card debt thread here. baka naman kasi pressured yung brother by the bank to pay. ganun naman pananakot ng collectors lagi. why did he rack up that much debt? you have to discuss this with your bf. baka kasi ang mangyari kayo mahirapan at ang ending everytime may financial issue, kayo magsolve.

ysa.belle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #4 on: February 28, 2011, 10:14:48 am »
if credit card debt lang naman eh pwede naman ipasok sa convert to installment ng credit card na yun. tapos may interest nga lang. he will pay this amount for ganitong years. at least yung interest hindi na papatong & mababawasan pa yung loan niya. pwede yung ganun. all he needs to do is call the hotline ng cc niya.

di ba savings niyo yun? so technically may say ka sa savings na iyon since pera niyo yun. sana naman pinagusapan niyo na muna.

how sure naman kayo na talagang mababayaran yung hinihiram nila? if si brother nga ni bf mo hindi mabayaran yung utang niya tapos heto sa inyo manghihiram kase alam nila na meron kayo. i dont want to sound bastos pero dapat wag niyo siyang pahiramin. kase baka mawili, makikita niya na may magsasave sa kanya. baka umulit pa di ba? saka di ba may paglalaanan na yung pera niyo? wag nalang sis kase baka kayo pa ang magkaproblem sa huli.

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #5 on: February 28, 2011, 02:15:58 pm »
^tama ka diyan, sis. hindi lang naman kung ano ang pinaglalaanan eh. baby ang dapat unahin. paano kung hindi mabayaran? kayo naman mangungutang sa ibang tao at magbabayad to think na kayo dapat ang walang prob? i understand family ng bf mo yun pero may sarili na rin siyang family. dapat top priority kayo. baka mamaya umiire ka na, wala pa rin nababayad sa inyo. saka dapat kinausap ka muna niya. turuan kaya ng parents nila yung brother na solve ang sarilu niyang problema. walang damayan sa issue lalo na magkakaanak na kayo. hindi diyan matatapos ang issue niyo if ever. kung medical emergency ok pa sana. kung may bebentang property, ibenta na. baka kasi mamaya sabihin na walang bumibili pa kaya hindi pa mababayaran.

solution number 1: sell the brother's car now na. huwag muna kayo magpahiram.
« Last Edit: February 28, 2011, 02:18:42 pm by thebratinella »

ysa.belle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #6 on: February 28, 2011, 02:21:02 pm »
and one more thing pala sis... kayo na ang Primary family ng asawa mo. ang parents niya, extended family nalang.

thebratinella

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #7 on: February 28, 2011, 02:29:53 pm »
correct, sis. baka hindi pa magets ng bf mo yan kaya dapat discuss niyo. don't be scared of voicing out your feelings kasi kung hindi mo gagawin yan, mas malaking problems ang haharapin niyo someday.

ysa.belle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #8 on: February 28, 2011, 02:36:30 pm »
there is nothing wrong in helping others kase may blessings naman na babalik. pero sana before maghelp ng other eh siguraduhin na extra lang talaga yung cash, hindi yung may paglalaanan talaga. mahirap kase pag nabvitin yung nanghiram ng pambayad... kayo ang kawawa.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #9 on: February 28, 2011, 02:40:17 pm »
@ orangerain: ay naku, sana nag-consult muna si bf mo sa iyo. savings nyo yan so dapat kayong dalawa ang nagde-decide dyan. talk to your bf. sabihin mo yung punto mo. malapit ka na manganak sis. mas kailangan mo yun. tsaka kung ako ang nagkaroon ng ganyang problem, di ako magpapahiram. sabihan na akong madamot. di bale ba kung ang pahihiramin ko ay naospital, kailangan ng gamot, etc. kaso credit card debt? a big no.

paano kung di nila kayo mabayaran? paano na yung panganganak mo? oo nga, kayo ang magiging kawawa pag nagkataon.

evilwoman

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #10 on: February 28, 2011, 03:53:56 pm »
@orangerain - bakit daw matatanggal sa trabaho ang kapatid ni bf pag di nakabayad? ngayon ko lang nadinig yan a.. baka naman nagpapaharass lang sya sa collection agency..

orangerain

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #11 on: February 28, 2011, 04:12:20 pm »
Thanks sa replies, pero nabigay na namin yung pera. Nag-away pa kami ng grabe kasi pinipilit ko na kahit half na muna ibigay namin para kahit papaano eh may pang-emergency kami (kasi ang alam ko rin pwedeng installment ang bayad kaya di ko maintindihan bakit kailangan bayaran ng buo ngayon na). Kaso ang pinipilit niya kailangan na raw bayaran yung utang para di na mag-interest. For promotion kasi ang brother niya (he works sa bank) and pinapa-submit ng records, kasama raw doon yung sa credit cards. Pag makita raw yung record na yun, baka matanggal eh marami rami na raw na training ginawa ng kapatid niya para maabot yun kaya gusto mabura na yung debt na yun.

Binigay ko na lang yung pera kasi nagkakainitan na kami pero sabi ko last na yun. Next time kailangan niya ako kausapin bago siya magcommit sa ganun. First time lang naman ng brother niya manghiram, pero wala talaga sa timing eh. Gusto ko rin sana kausapin parents niya about boundaries pagdating sa financial issues. Tama kayo, kami na immediate family niya ngayon at mas importante na financially secure muna kami bago magpahiram. Magiging issue ba yon pag ginawa ko?

Sinabi ko rin kay bf na kung magkaproblema kami sa pera pagdating ni baby, siguraduhin niyang magagawan nila ng paraan yun. Ayaw kong humingi sa magulang ko. In the first place, kaya nga kami nagsave para walang masabi parents namin. Tapos biglang ganito nangyari.

Na-sad talaga ako kasi alam ko nasa tama ako, pero parang ako kontrabida ngayon. :(

barbwire

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #12 on: February 28, 2011, 04:41:39 pm »
^ Magiging issue ba kung kakausapin mo parents about boundaries on financial? Depende kung gaano ang relationship mo with his parents. Pero para sa akin pagdating sa usaping pera, madalas nagiging issue.

Tama ka sis you should be firm na gawan nila ng paraan yan especially when the baby arrives.
Alam mo sis I feel for you, naghahalong lungkot at inis. Kasi you save up for your wedding and baby para hindi ka makaperwisyo na ibang tao sa gastusin ninyo. Tapos bandang huli ang pera na nilaan mo ay may ibang gagamit dahil kung hindi ipapahiram ikaw pa ang lalabas na masama.

Kami ng husband ko less than a year pa lang married. Recently nilapitan si hubby ng kapatid niya. Nakikiusap kapatid niya magloan daw si hubby sa bank tapos babayarang ng kapatid niya in 2 years. My husband declined the pakiusap. Because my husband learned from me that lack of planning on their part doesn’t mean emergency on our part.

Update ko lang, the money to be loaned daw will be used for tuition fee ng pamangkin ni hubby. So, hindi nga pumayag si hubby at para kahit papano matulungan kapatid niya, nagbigay na lang siya ng pera pambili ng uniform para sa pamangkin niya. So, okay na iyon.
Ang nakakairita lang kasi itong kapatid ni hubby ay may scheduled out of town vacation come end of this year. Package daw yung nakuha niya and may money siya para dun. Buti pa ang vacation pinaglalaanan.
Kaya mas lalo kaming naging strict ng hubby ko when it comes to lending money because of this.
« Last Edit: April 25, 2011, 12:27:52 pm by barbwire »

ilyababy

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #13 on: February 28, 2011, 04:51:01 pm »
Teka, ang pambayad sa inyo is yun pagbebentahan ng kotse ng bf mo rin? E di parang hindi rin kayo binayaran kasi hindi naman yun kotse ng nangutang e. Bakit ganun?

It's funny that the brother had plans to improve his career, but at the expense of your bf. Your bf's family should learn to let him solve his own problems and not bail him out. Ano naman mangyayari sa inyo pag di ka binayaran when the baby comes, alangan naman ikaw ang kawawa habang siya nagpapakasaya. Be sure to remind your bf when you need the money and to make sure that everything is returned on time.

orangerain

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #14 on: March 01, 2011, 02:23:39 pm »
^^ Kaya nga sis napaisip ako kung paano kaya mangyayari pag kasal na kami. Ito pa namang issue ng pagpapahiram sa relatives ang ayaw na ayaw ko ma-encounter biglang ganito ang nangyari.

^ Oo sis, kotse ng bf ko rin ang pambabayad ng parents niya. Regalo nila yun sa kanya a year ago eh iniwan na rin naman sa province since dito siya sa Manila nagwowork. So technically, "sa kanila" yung kotse na yun at yun pagbenta dun ang ibabayad sa amin. Yan din iniisip ko. For his brother's career we have to go through this dilemma. Unfair ng sobra kaso nandun na pera eh. Basta ang sa akin, ngayon lang ito mangyayari. After this, bawal na ang pahiram kung wala naman kaming extra.

ysa.belle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #15 on: March 01, 2011, 02:36:12 pm »
grabe naman. kailangan mapagbigyan ang bro niya at your expense. hindi naman tama yung ganun sis kase may sarili na rin disposiyon sa buhay yung brother niya at obvious na hindi kasing ni bf mo kaya siya yung inaasahan na sumalo ng problem ng isa.

malabong mabayaran ng brother niya sis kase sa dating umaasa pa ito sa parents nila.

nadialicious16

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #16 on: March 02, 2011, 07:20:15 am »
sis orange, wala bang sinusweldo ang brother in law mo para di mabayaran ang utang nya at lumaki ng ganoon?  ayaw ko rin ng ganitong issue yung mag papautang sa kamag-anak.kasi ang madalas mangyari hindi sila nagbabayad ng hiniram nila dahil iniisip nila na okay lang kasi nga kamag-anak naman. hay.. buhay nga naman pagdating sa usaping pera.

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #17 on: March 02, 2011, 07:35:19 am »
Sorry sis ha, pero maling mali ang situation eh.  Now na you are getting married, pag-isipan mo mabuti ano ang pag-usapan ninyo regarding money matters. Nakakatakot. Ito nga pamilya ninyo na at stake (yung pagbubuntis mo), and yet kaya ng bf mo icommit ang savings ninyo sa kapatid nya?  Eh what more yung daily pag-iipon? Hindi naman ata puede na nag-iipon kayo for the house at laging argument ng parents nya na may pera naman kayo, eh kelan kayo mkakaipon kung lagi nila sinasalat yung konti ninyong naiipon?

Secondly, the brother. How irresponsible can he be?  pinasok nya yan, sya gumastos sa cc nya, sya ang nag-enjoy, pwes sya ang magbayad!  Labas na ang magulang dyan.

Third, by lending them the money, you are creating your own grave ulit.  Yan ang problem sa culture natin kasi, lahat tayo magkakadikit, damay damay sa pera. Kung abot sa point na lahat kayo walang pera, mag-aaway away din.  So ang solution?  Make sure independent ang money matters at walang ganyan na mangyayari sa future. Kung ano ang sayo, sa iyo lang at kung ano ang sa kanila, sa kanila lang.

Fourth, sis, you have to first be financially INDEPENDENT before ka magpautang.  Pano ngayon mangyayari kung ikakasal kayo at manganganak ka nang wala kang cash on hand? 

Lastly, kaninong savings ba yun?  sa bf mo ba?  kasi kung may participation ka doon, then sige, ipautang nya ang share nya, pero wala syang right na magpautang ng ganun nang hindi ka pumapayag. 

Don't allow this to happen. Sige palampasin mo kasi tapos na. Pero hindi na puede sa susunod. May baby na kayo. Ano nalang ba ang kakainin ninyo nyan kung lagi nya kayong ic compromise ng ganyan dahil lang nagpakasasa ang kapatid nya sa pagswipe sa credit card?

orangerain

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #18 on: March 02, 2011, 08:59:00 am »
@ ysa.belle - sabi niya sa akin ngayon lang naman daw humingi ng tulong brother niya. pero hello, one time big time naman! yan ang pinag-awayan namin the other day bago ko binigay sa kanya yung pera. i keep telling him na parang malabo mabayaran, nagalit naman siya. he did apologize after pero nasabi na niya mga nasabi niya eh. ang sama ng loob ko talaga kasi ako ginagawang kontrabida.

@ nadialicious16 - may sinesweldo pero maliit lang compared sa sweldo ng bf ko. kaya feeling ko ang tingin ng family niya ok lang manghiram sa amin kasi malaki naman ang sweldo ni bf and may pera rin ako. pero sana inisip din nila na may pinaglalaanan kami ng pera. from experience ganyan din ang alam ko, usually pag nanghiram ang kamag-anak di na nababayaran. i'm still hoping na maibalik yung pera though. kailangang-kailangan namin yun. hindi ako papayag na macompromise yung panganganak ko para lang sa utang ng iba.

@ blooming - savings naming dalawa ni bf yun. although mas malaki ang nacontribute niya, may contribution pa rin ako dun at kasama ang contribution ko sa pinahiram niya. kaso yun na nga, palampasin na lang kasi nabigay na eh. ang sabi ko na lang sa kanya kahit anong mangyari, yung pera na natitira sa account na nakalaan sa baby namin cannot be withdrawn unless para sa baby. magiging mas firm na ako ngayon kahit mag-away pa kami. intindihin naman sana niya situation namin. nakakainis kasi ngayon sobrang tinitipid niya kasal namin. tipid na nga yung unang plano, mas tipid pa ngayon dahil walang-wala kami. tapos di pa kami makabili ng gamit ni baby kasi nasaan pera namin? nasa kapatid niya. hay.

ysa.belle

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #19 on: March 02, 2011, 09:45:04 am »
naku sis. IMO lang ha, masasanay ang bro ng bf mo na may sumasalo sa gulong ginawa niya. ang nakakatakot niyan is baka masanay kase alam niya na idadaan lang niya sa parents niya para makalapit sa bf mo.

sana naman naiintindihan nila na pinag-ipunan niyo yung para sa pag-give birth mo. as if naman kaya nilang bayaran yun in time noh. tama lang na alam ng bf mo na sa tingin mo hindi nila kayang bayaran yun. may share ka pa rin naman sa pera na hiniram nila at hindi naman para sa kung kanino yung pinaglalaanan ninyo eh. hindi ata nila gets yun or ayaw nilang intindihin.

sa dating ng parents ni bf mo parang mas kinikilingan nila ang bro ni bf kesa kay bf. kase kahit na may responsibility na si bro eh sinasalo parin nila problem nito, yun nga lang at the expense of bf.

so porque mas malaki ang sweldo ni bf okay lang na utangan siya? nope. ang tao, the more na malaki ang sweldo eh the more na madami ang expenses niya.

grabe ang bro ng bf mo. siya ang gumastos ng bonggang bongga pero papabayad pala sa iba. kapal ha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close