watch now

Author Topic: Guangzhou  (Read 5780 times)

zhanne8

  • Guest
Guangzhou
« on: February 24, 2011, 05:50:38 pm »
Meron ng nakapunta doon mga sis? Any tips on what to do there and where to go?

heart-shapedbullet

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #1 on: August 03, 2011, 10:56:35 pm »
im in guangzhou right now. what do you want to know about this place?

badmonkey

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #2 on: August 05, 2011, 10:59:31 am »
San ang magagandang pasyalan sa GUANGZHOU?

sweety_paige

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #3 on: August 06, 2011, 07:55:36 am »
^^Sis, ilan hours from shenzhen?  good place to shop ba dyan? 

lizziegirl

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #4 on: August 07, 2011, 09:39:49 pm »
sis, question :) we're planning to go to guangzhou from hongkong. we have hongkong PR id, kelangan pa ba namin kumuha ng china visa? thank you :)

zhanne8

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #5 on: December 03, 2011, 12:30:22 am »
when entering china sis, what I know is you really need to apply for a china visa. :)

sima

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #6 on: December 18, 2011, 06:41:45 am »
^Sis, ilan hours from shenzhen?  good place to shop ba dyan?
  Malayo ang Shenzhen sa Guangzhou, mga 1 to 2 hours drive kung hindi ako nagkakamali.

Guangzhou is a nice place to shop.  Although sa Shenzhen, doon mo makikita yung mga grade AAA products nila, yung nga lang ingat at ang daming mga snatcher doon.

Kahit di ka marunong mag-Cantonese or Chinese, ang gamit lang sa pakikipagusap ay calculator.  At kung ano ang presyo, ALWAYS ask for half the price of what the seller is asking.  Wag kang mahiyang baratin sila kasi di naman din sila nahihiyang magbigay ng presyo sa iyo hahaha.  Kung ayaw mo yung presyong binibigay, talikuran mo -- you will see, kadalasan eh hahabol ang mga iyan at ibibigay sa iyo yung merchandise sa presyong di nalalayo sa IYONG original prize.

prettynvain

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #7 on: December 19, 2011, 01:27:56 pm »
sis, question :) we're planning to go to guangzhou from hongkong. we have hongkong PR id, kelangan pa ba namin kumuha ng china visa? thank you :)

yes sis, kelangan. PR din ako dito. dun ka sa china embassy sa wanchai mag-apply, cheaper than agencies. mas maganda if multiple visa kukunin mo kase mas makakamura ka.

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #8 on: October 09, 2018, 11:35:28 pm »
  Malayo ang Shenzhen sa Guangzhou, mga 1 to 2 hours drive kung hindi ako nagkakamali.

Guangzhou is a nice place to shop.  Although sa Shenzhen, doon mo makikita yung mga grade AAA products nila, yung nga lang ingat at ang daming mga snatcher doon.

Kahit di ka marunong mag-Cantonese or Chinese, ang gamit lang sa pakikipagusap ay calculator.  At kung ano ang presyo, ALWAYS ask for half the price of what the seller is asking.  Wag kang mahiyang baratin sila kasi di naman din sila nahihiyang magbigay ng presyo sa iyo hahaha.  Kung ayaw mo yung presyong binibigay, talikuran mo -- you will see, kadalasan eh hahabol ang mga iyan at ibibigay sa iyo yung merchandise sa presyong di nalalayo sa IYONG original prize.

wala naman snatcher sa Shenzhen. China is pretty safe country. :)

hushush

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #9 on: October 10, 2018, 07:32:45 am »
^oo nga walang snatcher tho meron mga akyat-bahay . like sa zhuhai yun mga pinoy ofws na kasamahan ng asawa ko nasa condo na inakyat pa. But 3yrs ago na daw yun nangyari. Pero kagandahan sa kanila indi ka nila papatayin unlike dito sa pinas na ninakawan ka na, mangrape pa at papatayin pa. Hehe.
But most of the time, i agree na safe sa china, kasi maraming trabaho kaya halos lahat ng tao may work, may pera, no need to steal, at saka madiskarte sila. Kahit sa tabi-tabi magtinda ng kung ano-ano para kumita.. atsaka may pangil ang batas nila. Matindi ang parusa sa mahuhuling magnakaw.

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #10 on: October 10, 2018, 12:53:23 pm »
^hi sis, I could not agree more sa lahat ng sinabi mo. Although wala pa naman ako bad experiences while living here for 8 years. Maunlad talaga bansa nila, no wonder its considered as the 2nd largest economy in the world. If I can speak and read their language then I guess everything will be fine and I can enjoy everything like locals do.

hushush

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #11 on: October 10, 2018, 04:10:17 pm »
^angtagal mo na pala sis. Ever thought of taking mandarin class? Yun husband ko gumastos ng basic/advance class pero di masyado natuto. Angmahal pa naman..Ang teknik daw as per kasamahan nya na natuto ng fluent mandarin in 3yrs, dapat daw ang teacher mo yun hindi marunong mag-english. Then ang way of learning mo start from scractch na para kang baby na learning to speak words. Word by word talaga.. Hindi daw yung magjump agad sa sentences. Tho indi naman maiwasan yun ganun hehe.. pero pag wala ka na kasi time mag-aral labo-labo na talaga haha.kung ano lang yung mga phrases or words na pinaka-importanteng matutunan yun na lang hehe.. "Qing dao! Qing dao!" (Para di maiwanan ng bus haha!)😂

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #12 on: October 10, 2018, 06:07:09 pm »
^No, when I first came here gusto ko talaga magaral kaso yun company ko that time hindi nagooffer ng free mandarin class. Ngayon as in ayoko since nakakasurvive naman using translator apps or unless I see myself living here for another 5-10 years siguro. Pero hindi na siguro ako aabot ng ganun katagal pa haha :)

Ilang years na hubby mo sa China?

hushush

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #13 on: October 10, 2018, 06:34:40 pm »
^3rd year na nya ngayon sis. Buti nga nagtagal eh. 1st year nya winter season nag-iiyak yun kasi hindi kinaya ang lamig hehe. Nagkasakit ng 1week. Nanigas ata mga ugat hehe..E lalo na sa shanghai diba nag-i-snow dun hehe.nakapunta ka na ba sa OCT sis? Nagpunta kami dun sa TeaStream Valley..na-underestimate ko akala ko hindi malamig kahit december... Pagbaba namin ng bus, 10deg pala but feels like 5deg. Grabe ang nginig ko hehe. E mataas na lugar at mabundok. Shunga ko lang hehe. 😆 gusto ko balik dun for the Knight valley kasi andun ang mga extreme rides. Kaso di naman pede sa mga bata hehe.

Nagustuhan ko naman sa Guangzhou yung Safari Park ng Chimelong. Super sulit. Dun lang ako nakakita at natalsikan ng laway ng Giraffe kasi malapitan talaga.. Then dami pa like hippos, rhinos, Pandas! Zebras! Saka koalas!at napakarami pa! Josme! Di ako magkandatuto hehe. Para din akong bata na ngayon lang nakapunta sa zoo hehe! Sa zhuhai naman yung Ocean Park ng Chimelong din.yun napakalaking aquarium nila na Guinness holder.. At napakalaking shark! Haha. Magastos nga lang hehe.. 😅

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #14 on: October 11, 2018, 12:24:41 pm »
^ Alam ko yun OCT pero mukang ibang OCT yun sinasabi mo hehe. Hindi pa ako nakakapunta sa any theme parks here, dun sa Happy Valley lang peron once lang and gabi pa. Kuriport mode kasi mga kilala ko dito and hindi ako masyado maexplore dito because of the language barrier. Mostly shopping malls lang ako pumupunta and yun at yun lang din. Mas naexplore ko po HK and Macau.

Meron ngang Chimelong sa Guangzhou and yun bago sa Zhuhai. Been to Zhuhai once lang dun ako nagstay for a night then tawid ng Macau the following day.

Problem ko nga din dito ang winter since hindi centralized ang heating system sa Southern China and mostly ng mga apartments especially the old ones walang heating function yun mga aircons, so portable heater lang ang solution. Minsan kasi naiiwan yun lamig sa loob ng bahay dahil made of cement and tiles yun flooring and walls which is hindi good if may winter. There are times mas malamig pa sa loob ng bahay kesa sa labas. So yeah winter here is also a pain for me.

darna88

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #15 on: October 16, 2018, 01:34:31 pm »
what are the nice places to visit in guangzhou aside from chimelong resorts safari, and oceanarium..

hushush

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #16 on: October 16, 2018, 03:45:25 pm »
@eischied_21.

Sa OCT east yun napuntahan namin sis.. Nagustuhan ko talaga sa Tea Stream yun napakaraming flowers na Interlaken inspired..
Been to Happy Valley angkaso indi kami natuloy bumili ng tickets dahil umulan so nag-pic taking na lang.... Sa Windows of the World kami madalas hehe. naka-3x kami.
Marami naman sa Sz na free parks like yun Baoan park, Lingzhi park.. Saka yung Children's museum. Marami din mga hills na pede mo akyatin. Like yung Phoenix mountain.. (Target ko to akyatin this dec) Mapapagastos ka lang sa mga tianggehan like sa Dong men at Xixiang na talagang ang mumura ng winter clothes. may mga shoes at bags din dun nakakabili ako tig-10rmb-25rmb pasalubong . wag ka lang bibili nun mga memory cards na nasa sidewalk, mga non-working units yun. Nadale ako nun, dami ko binili tapos pag-uwi ko ayun nag-eerror...

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #17 on: October 16, 2018, 04:27:56 pm »
^muka ngang maganda dun sa Tea Valley bandang OCT may kilala ako na nakapunta dun.

Sa totoo lang mukang mas naexplore mo ang Shenzhen kesa saken haha. Marami ngang parks dito at ang laki. Nakapunta ako sa Childrens museum na park. Anong meron sa Xixiang? Sa Dongmen lang ako madalas pumunta ikot ikot pag walang magawa. Sa Huaqiangbei naman ako bumubili ng mga memory cards and tinetest muna ng seller sa pc nya kun ilang gig at kun nakakapagstore ng files pero no brand naman yun binibili ko.

eischied_21

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #18 on: October 16, 2018, 04:28:42 pm »
@darna88 you can go check Canton Tower also

hushush

  • Guest
Re: Guangzhou
« Reply #19 on: October 16, 2018, 06:27:38 pm »
^haha! Pag may mga bata kasi sis maghahanap at magpapasama ka talaga sa mga locals na kakilala mo o ng asawa mo hehe. 😆Sa case namin, minsan sinasamahan kami. But most of the time binibigyan lang ng instruction kung anong bus #or anong train ang sasakyan. Syempre madalas maligaw hehe.. Kagandahan dun color-coded ang MRT lines diba hehe.atsaka ang mga bus makikita sa internet kung anong oras ang arrival kaya makaka-plan ka kung anong alternate bus ang pede mong sakyan..kaya efficient ang mga tao.. Yung Tea Stream valley sis matinding lakaran lang talaga nakakapagod lalo pag may bata..yun food lang talaga ang mahirap dun kasi pagdating ng 7pm halos nagsasara na sila... Bilib talaga ako sa mga chinese grabe yun effort nila to make such big nature park.. Parang anghirap imaginin kung pano nila ginawa at gano katagal.. Parang galit na galit sila sa space, malaki kung malaki eh..hehe.. Angsaya dun sis yung train na nasa bangin at makikita mo overview ng buong park.. 😅

Mayron pa pala kami napuntahan like Shenzhen bay atsaka Children's Park na sandamakmak ng playground at rides. Malapit lang sya sa Catholic Church dun. Basta tanungin mo lang mga pinoy dun san ang nearest Church then walking distance na yun Children's Park. I had to look at our photos para maalala ko yung mga pinaggalaan namin hehe. May napuntahan pa kaming napakalaking bookstore/library nuon pero yun nga lang puro Chinese books naman ang meron hehe 😃
Huaquangbei nakapunta din kami to buy rolling piano hehe. We got it for 130rmb only. Then parang angsarap bili ng drone kasi angmumura din hehe.kaya lang required ang license daw to use a drone.. Sa may Xixiang naman sis puro damit karamihan dun lalo na kung winter clothes. Kung bag at shoes bibilhin mo i suggest sa Guangzhou ka mas mura pati mga damit... Bus 22 yung sinasakyan ng mga pinoy from Zhuhai to get there.. Di ako nakasama sa kanila kasi rainy days na nung nag-aya sila. 😃

 

Latest Stories

Load More Stories
Close