watch now

Author Topic: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs  (Read 232336 times)

pol pretty lady

  • Guest
Sa ganitong capital malaki na ito sa mga direct selling like avon or natasha.. kahit ipart time mo lang malaki kita mo.. kahit sa ibang direct selling siguro...

Ang ginagawa ko lalo na sa avon every 15 days kumukuha kami ng brochure 14 pesos lang then paorder na, ipahiram ko yung brochure sa mga kilala kong friends na mga teacher or may work na kapitbahay lang then pagmakasalubong ko sila sasabihin nila may orders na sila,
then sabi ko sige baka bukas mabigay ko na sayo yung products or mamaya pag sinipag  :)

then yung iba cash talaga, bayad agad pag abot ko ng products, then yung iba sabi pag magorder pwede utang sa mga avon diba? sabi ko sige basta half bayaran mo then 2 gives lang 2 weeks lang ako magpautang.. then ginacash ko agad sa office ng avon bale 75% ng price yun kaya ako muna sasagot sa kulang na 25% kung mgainitial na bayad sila ng half.. yung mga classmate ko dati ang lalakas magpaorder umaabot sila ng 15 k worth ng products, iba pa yung free na products every month

yung tutubuin mo 25 % kaya malaking bagay na yun sa mga student dati dagdag allowance pa. ;)
may isa pa akong classmate grabe yung credit line nya almost 60 k na kaya means umaabot sya ng 100 k na sales kada month 2 years na yata sya sa ganitong business.. not bad sa kitaan..  :) nagstart lang daw siya ng maliit na puhunan sabi nya 2 thou lang..

kaya masasabi ko kahit anong direct selling maganda to basta yung mga products needs talaga ng mga consumer  ;)

heartfortress

  • Guest
^i agree with u sis na magandang extra income ang direct selling basta ang mga customer ay ok sa payment. 1 month to pay  naman ang saken. Yung ibang customer ko advance magbayad, di naman maiiwasan na yung iba late magbayad pero saken ok lang malate basta complete payment. Ako naman sis sa mga business center (na andon na halos lahat like avon, natasha, mse, etc.) ako umoorder kasi mas malaki ang discount, cash mo nga lang babayadan pero ok lang kasi mas malaki naman kita.

pol pretty lady

  • Guest
Akin sis 5 thou lang kasi puhunan ko nakaraan, kasi gusto ko mapaikot, pero 1 month to pay naman sa office ng avon kaya hindi ako medyo mahigpit sinasabi ko lang na 2 weeks to pay para pag sumobra sila sa due date ko ng kaunti okay lang... :) walang business center sa amin sis eh mismong branch office nila.. although cash talaga pag sa natasha, yung avon ko ginacash ko rin pero pag may sobra ginagamit ko credit line ko... ilang % discount syo sis? yung mga classmate ko dati ang gagaling sa ganito samantalang part time lang nila ginagawa, gawa nya pinapaorder nya raw yung kilala nya na may sarisari store.. ;D

yung mother ko malakas sa ganito direct selling naman sya ng makeups at anti-aging.. sya mismo ginacontact ng mga repeat customer nya.. umaabot yung sales nya sa 30 k dati minsan 40 k.. minsan 15 k or 10 k lang pag hindi sya ginatrabaho.. ang galing nga eh..pero now vacation mahina daw wala masyado umoorder taghirap daw sa amin nakaraan eh hehe.. mary kay yung kanya... 10 years na kasi syang user pero bago lang sya naging seller.. yun nga lang minsan umaabot daw ng 2 months to pay yung iba, kaya pinipili nya na lang yung binibigyan nya.. marami syang repeat customer...

Nabibilib ako sa ganitong tao ang gagaling sa direct selling... sabi ko nga sa classmates ko dati ang mamaw nya magbenta nagatawa lang sila.. madali lang yung sa mga ganito sis di ba kasi lahat naman ng tao kelangan bumili ng mga underwear  ;D ako kasi medyo mahiyain pa sa ganito.. nagstop ako ngayong vacation sa ganito eh maybe sa june balik uli ako lalo na now maga pasukan marami magaorder :D

mura lang registration sa ganito mga 50 pesos lang kelangan mo to register  ;)
« Last Edit: May 20, 2015, 03:20:43 pm by pol pretty lady »

heartfortress

  • Guest
^galing naman sis ng mom mo laki ng kita siguro ma sales talk siya? I remember din nung college ako yung classmate ko nagddirect selling din dami nga umorder sa kanya e pero ako di umorder wala kasi ko extra budget para sa mga ganyan. Have you encountered sis mga pasaway na customers? Kung makaorder wagas tapos pag bayadan na waley na?! Sa dati kasi nameng tinitirhan dami ko naencounyer na ganyan kaya nakakainis kasi imbis na kumita e lugi pa tsk tsk. Dapat kung di naman pala magbabayad e wag na lang umorder di ba. Buti na lang ngayon wala na ko ganong problema hehe.

Maliit lang market ko sis kasi mga neighbors lang ang customers ko. Actually mom ko ang nag aalok sa kanila friendly kasi siya hehe mahiyain kasi ako pagdating sa sales kaya siya ang kumakausap, kumukuha ng order at payment kaya ang ginawa ko 50-50 kame sa commission. 30% ang discount sis, so may 5% additional mark up mo sa avon at 8% sa natasha, not bad di ba? gusto ko nga malaman kung pano ang takbo ng business ng mga business centers kasi mas malaki ang pwedeng madiscount. Kung nabibigay nga nila 30% discount sa clients nila, e di mas malaki pa commission nakukuha nila.

Underwears din ang mabenta saken sis and foot wear. mahina nga orders ngayon  sana lumakas ulit next month. nagstart ako neto sa neighborhood namen last year lang tapos nagkataon pa na pumasok na ber months kaya madaming order hanggang 1st quarter of this year.

napapaikot mo ba mga kinikita mo sis? Ako hindi pa e haha next time pilitin ko talaga na hindi na galawin pati puhunan as in paikutin lang muna para makita ko yung kinikita.

twenty5

  • Guest
I just started AVON December 2014. Order lang kasi ako ng order before and realized ana jwhy not be a member nalang. So far malaki na ang credit line ko hehe. Pag good payer ka pwede mo dagdagan ang CL mo.

Dealer din ako ng MSE: comment ko lang dito, order should be amounting to 3k. Malas lang kasi nung nakapag pa order ako ng worth 3k. Hindi available yung mga products. Sad to say, hindi nko umulit... Napahiya nko sa mga umoorder sakin na mga officemates ko... Ang tagal kasi...

Dealer din ako Human Nature. so far so good okay naman. Maglalabas ka lang talaga ng money to purchase then 1 month to pay ginagawa ko same with Avon.


ilove090509

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #525 on: June 26, 2015, 04:16:32 pm »
​Started my frozen siomai, siopao,sharksfin and empanada business. At first mga neighbors ang customers since malakas for kids baon, then my empanada, sa neighbors din and sa canteen ng schools inside the village.

sis interested din ako sa ganitong business, pwede ko ba malaman yung supplier mo sis?

astarte

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #526 on: June 26, 2015, 04:38:53 pm »
^ oo nga sis ako din interested dyan kasi malapit kami sa school. :)

fidz

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #527 on: June 26, 2015, 08:49:52 pm »
RTW, locally made.

i'm into it right now. i get it by bulk from the maker. can be started at 5k. ako kasi i opt for a higher capital para mas marami ako stock kasi i dispose them at wholesale. my retailer started at 5k or were they can earn at least half of their capital. ako kasi as wholesaler meager margin lang since wholesale as long as madami kunin and repeat orders naman, patok na sa akin yun. my usual resellers are workers too and stay at home mom. they sell it by hulugan or online.

mayumi18

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #528 on: October 28, 2015, 02:24:58 pm »
I just started with selling bags, watches and wallets with less than 5k as an initial capital. Since I am based here in China, maraming source ng murang bags, wallets and watches, mas bumababa ang presyo if madami kang bibilhin.

Seasonal lang sa akin kasi sinasakto ko ang pagbebenta kapag may biz trip ako sa Pinas. Para no cost na sa courier fee kasi kasya naman sa bagahe ko.
What I did bumili ako ng bags at watches from the initial capital then binenta ko sya sa friends sa pinas (online lang, i took photos of the items then I send it out to friends) at 100% mark up. Isinasabay ko na lang paguwi ko ng Pinas yung mga confirmed orders.

I make sure na may kakaiba sa bags na binebenta ko. Yung sa akin is shoulder bag na reversible then may isa pa syang bag sa loob na pede mong idetach and gawing another bag, may detachable strap so it's like you are buying 3 bags for the price of 1.

I'm no good in sales at hindi ako maboka kaya ang mga items na preferred kong ibenta are items that can speak for itself. Yung tipong konting description lang madami ng maiintindihan ng customer kung ano sya. hehe!
« Last Edit: October 28, 2015, 03:15:04 pm by mayumi18 »

eloisaco

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #529 on: November 02, 2015, 04:42:28 pm »
bags and tester perfumes po. dito ako nagstart. so far, so good

iampennylane

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #530 on: November 03, 2015, 08:03:30 am »
Patok pa kaya magtinda ng ukay online?

singkit1178

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #531 on: February 17, 2016, 09:55:31 am »
started my ukay business with 5k capital, I was able to buy a box worth 4k up then isinama ko mga old clothes namin. First, sa garage lang then we joined this weekend bazaar near my in-laws place. So far, okay namn sya, in 3-4 hrs every saturday and sunday we're getting like 2k up. Not bad for a start.

shopaholicforkids

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #532 on: April 16, 2016, 01:21:36 pm »
another option, with 5K, you can be a reseller for other stores.  you can even take advantage of dropshipping by online stores

iampennylane

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #533 on: April 19, 2016, 05:00:20 pm »
^^ sis plan ko yan before magstart ng school mga bagets ko sa June :) They love selling sa mga friends nila, lahat sila grade school haha for sure patok ang cake pops sa mga bagets :D


Pwede na din magjoin sa Royale with just P3950 :) You get the same discount with those na bumili ng starter package na worth 14k na ngayon eh 17k na :) Yung P3950, with products worth 4k-5k+ na :D

fidz

  • Guest
another option, with 5K, you can be a reseller for other stores.  you can even take advantage of dropshipping by online stores

true yan sis. yan ginagawa ko sa mga resellers ko at as low as 1k.

saltedcaramel

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #535 on: June 17, 2016, 09:11:41 pm »
Many service businesses require very little capital to start. Such as events hosting, house cleaning, tour guiding, ghostwriting, etc. :)

julietm

  • Guest
Re: business with only 5K capital MODS NOTE: NO Ads/Soliciting/PM call outs
« Reply #536 on: August 07, 2016, 10:32:40 am »
i just put up another business na less than 5k ang capital. pocketbook rental :-) nagpagawa lang ako ng shelves na ipinuwesto ko sa lang sa tabi ng shop ko.tapos bili lang ng brand new and 2nd hand pocketbooks.

sis magkano parent mo? tsaka paano maeensure na mababalik yung books? maganda ba roi? pangarap ko kaseng magkaroon ng book store para hindi na ako bibili ng books lage pero syempre small time lang so pocketbooks. Though hindi ako mahilig sa mga pocketbooks talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close