Nung kausuhan ng swarovski bracelets, wayback 2003 ang initial cash out ko is 2K.
Sa Quiapo, andun yung mga raw mats for swarovski noon.
Kami ng asawa ko ang gumagawa. Binebenta ko ng 250php isa bracelet.
Tapos ang ginawa ko pa is, preorder ng color ng swaroski.
May list ako ng color ng birthstone. Malaki ang kinita ko doon.
Kasi super duper uso yun noon e. Tapos custom-made pa yung mga bracelets.
Kaso fad lang naman yun, kaya nawala din.
Then came a time na sa Chocolate Lovers naman ang raket ko. Mga 2k din yata ang cash out ko.
Pag pasko, nag-re-repack ako ng chocolates pag Pasko
Good income din, kasi pre-order sa mga kaofficemates ng mga kapatid, pang-give-away.
But the best income is, nung nagbenta ako online ng pabango at VS and BBW.
Grabe pala ang tubo dito ng mga ilang resellers!
Minsan, yung iba up to 1K, per bottle.
Mabilis ako nakakabenta kasi mababa ako tumubo.
Kaya ayun, ang dami kong returning customers.
Umabot nga sa time na super pagod ako kaka-meet-up sa mga MRT Stations...
At pati sa office, ako lang ang nagbebenta ng pabango.
Puro pre-order din lahat, kaya walang lugi.
Tapos, nagbenta din ako sa ebay ng mga used clothing ko.
Walang capital dito, kasi sunk cost na yung mga ginastos ko sa mga damit ko.
Kasi tumaba talaga ako since nung nanganak ako, kaya madami akong damit na
maayos pa, pero di na kasya.
OK naman din ang kita, considering nga na ipamimigay ko na lang dapat yung mga yun.
Majority kasi ng clothes ko noon Kamiseta, Bayo, Prp, so maganda ang resale value nila.
Kasi maganda [textspeak!] quality ng mga damit.
Actually, up until now, madami pa din akong mga pwede ibentang damit/bag/shoes.
Di ko lang maasikaso.
One of these days, mag-u-unload ako ulit.
Yun yung mga naging raket ko na mura lang ang investment....