watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95375 times)

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #320 on: March 04, 2011, 02:58:33 pm »
Sis grace, akala ko feb ka due.. Finally, the moment you've been waiting for. Sige, pasabay naman ako.

Sis van, she's big na. Her pedia says para siyang 4 or 5 months old baby samantalang 1 month and a half pa lang siya. Nakikipagusap na din siya at ang daldal pag ibang tao kausap. Pero pag ako nakita, very clever, biglang iiyak kasi gusto magpakarga sakin. Hehe binyag na niya tom and we're all excited. :) how about zoe?
« Last Edit: March 04, 2011, 03:02:13 pm by kimdimatulac »

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #321 on: March 04, 2011, 03:08:27 pm »
First out of town trip namin bukas. Clark lang naman so malapit lang. Sana magtagal siya sa carseat ng ganon katagal.

Overnight lang kami. Ayaw ko na sana magdala ng sterilizer. Dala na lang ako maraming bottles. Ayaw ko na din sana magdala ng bath tub. Paano kaya siya papaliguan? Any tips?

I'm hoping may huggies snug & dry size 3 don. Pero ok naman na fit ng mamy poko small ngayon. Dati kasi she was between sizes eh - masikip yung newborn pero malaki ang small.

My mom is going to baguio with my dad on sunday. Tutuloy sila from clark. Natataranta ako kasi wala siya til friday tapos may pasok ako eh yung yaya ko beginner yaya. :( nakikiusap nga ako na wag na sita sumama pero di pwede kasi titingnan daw nila yung isang property don. Hay. Sana everything goes well pag wala siya. Worry ko lang baka pag nakita niya na kaya naman kahit wala siya eh baka umuwi na yon sa province at iwanan na ako. :(

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #322 on: March 04, 2011, 03:12:47 pm »
^ Happy Christening to your baby sis! :-)

Ako naman, super stressed na sa kakahanap ng Venue. Okay na sana ako sa Sanctuario Social Hall kaso di naman pala accredited Passion Cooks dun. Di ko na alam talaga ano gi-give up ko. Medyo tanggap ko naman if mag-iba ako ng caterer kase hirap talaga hanap ng venue, kaso ayaw naman ni hubby  :'( Super big naman na kase ibang clubhouse near Makati, eh 100-120 lang guests ko. To add, mahal pa venue rental.

Tapos, di ko din alam if Yanple or Party Boosters, natatagalan ako sa response time ng inquiries ko for both. Or ewan if nasanay lang ako kay Maja ng PC na sobrang accomodating at bilis magreply.  Though, Yanple already pencil booked Alex L for me. 

Paano ba? sumasakit ulo ko eh October pa naman birthday ng baby ko.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #323 on: March 04, 2011, 03:17:46 pm »
Lisa - wow nice naman! Out of town, gusto ko yan! Kame siguro April :-)

Naku, ganyan din dilemma ko lagi pag umuuwi kame sa Province. As in sandamakmak na gamit dala namin, mostly for baby lang. Kaya naku, kelangan na ata SUV. Ako, I bring sterilizer kase mostly 2-3 days kame pero if overnight lang kayo, bring more bottles na lang to save space. Di na kame naguuwi bath tub, we use na lang palanggana (plastic lang) if wala mahiram sa kamag-anak nearby  ;D

Enjoy your out of town trip! :-)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #324 on: March 04, 2011, 03:24:47 pm »
Jen, we're staying at mimosa yata sa clark. Walang mahihiraman ng baby bath tub don.

Ay nako, speaking of SUV. Yung montero namin dati hindi kasya ng pa-horizontal ang peg perego pliko p3 stroller! Kailangan pa-diagonal. Di ma-maximize ang pagka 7 seater nya. Sa honda city namin kasya stroller sa trunk at super luwang pa. Pero bibili kami ulit ng 7-seater pero most likely innova na lang pero t-try pa namin kung kasya stroller sa likod.

Ako decided na sa 1st bday ni baby, punta na lang kami sa good shepherd sa aurora blvd to celebrate with the kids there. Pero tatanong ko pa sa tita ko na madre don how to go about it.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #325 on: March 04, 2011, 03:26:33 pm »
lisa, natry mo na yung chicco sterilizing solution? yun lang kasi dala ko pag travel. babad lang for 30mins tapos ang usapan hehe. mag work din naman ang madaming bote... isa pa, yung mga pang travel na bote, like avent tempo or playtex drop-ins they use liners lang so teats lang baon mo ayos na. magaan pa sa diaper bag hehe.

re: ligo, pwede kay tag team ni hubs sya maghawak sa baby then ikaw magpaligo; or if you are still using yung higaan na may net, yun na lang bitbitin mo. pwede din naman sponge bath na lang hehe.

enjoy clark!!!!

kami naman papuntang laiya tomorrow! beach na naman! for sure yung lukaret kong anak, mag aadik na naman sa tubig. magdadala na ako ng bengay saka salonpas. at isang malaking goodluck sa lower back ko :D

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #326 on: March 04, 2011, 03:46:46 pm »
Weng, matagal ko nang naisip bumili ng avent tempo pero may issues pa ako eh. Like san mo store extra nipples na dala mo? And diba kailangan din palitan yung ring? Eh wala naman binebenta na ring lang.

Pero tama ka about the chicco sterilizing solution. Nakalimutan ko na meron pala ako non. Hehe. Pinapa-check ko din pa kung may microwave eh kasi may microwave steam sterilizer bags ako.

Bahala na kung papano ang ligo. Pero tatanong kp sa sister ko kung magdadala diya bathtub kasi kasama twins niya. Kung magdadala siya, hiram na lang ako. Hehe. Pero sterilizer di magdadala yon kasi breastfed babies niya.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #327 on: March 04, 2011, 03:50:36 pm »
Lisa - that's a nice gesture naman! meron din tayong 1 sis na instead of celebrating yung birthday ng son niya ng bonggang bongga, she decided instead to celebrate it in an orphanage as thanksgiving daw kase super complicated pregnancy din yun. Ako naman, I already did my own little way (as thanksgiving) nung preggy pa lang ako, though syempre basta meron tayo, go pa rin ako diyan kahit paulit ulit  :D Even if mag-celebrate si Y ng 1st birthday, we will reach out pa din daw to a few street children sabi ni hubby a day before Y's birthday  ;D Sana milyonarya nga ako eh, kahit araw araw I want to help talaga. Naawa ako sa mga nasa kalye :-(

Weng - wow! outing na naman! hehe! Sis, dito ko na sagutin yung PM natin ha. Di ko gets ano WAHM eh, kung Work At Home Mom yun, yes ganun po ako :-) Working while taking care of baby :-)

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #328 on: March 04, 2011, 04:07:53 pm »
lisa, yung ginagawa ko sa teats, may lock and lock ako for the clean and used ones. yung ring, no need to buy an extra one. just rinse or wash (kung meron facility) it after using. nung nasa SG kami may dala akong messy baby na spray, yun ang pinapanglinis ko. rinse ko muna with water yung ring then saka ko spray nun then wipe. tapos palit agad ng nipple and replace yung liner para ready for action! pwede din naman may extra lalagyan ka na pang sterilize mo agad (using chicco) kung di ka pa happy sa pagkakalinis. yun lang, diaper bag mo panay container naman ang pumalit sa mga bote haha ;D pero overall super okay gamitin itong disposable system na ganito for traveling.
ibalita ko na din sa yo, kung gusto mo mag ganito, yung avent nabalitang diniscontinue na sa US. so dito ka na lang makakabili and kung till when may stocks di ko alam hehe. nag hoard kaya ako ng liners last year sa US!!! so kung mag ganyan ka, playtex na lang...

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #329 on: March 04, 2011, 04:14:38 pm »
grayce.. good luck sa panganganak mo!! kaya mo yan!!

lisa
wow out of town..
gusto ko din yan..
ganyan din kami pag umuuwi ng tagaytay.. kahit weekend lang kami dun karag karag namin ang sterilizer nya, small plangganas and basket + mga bottle brushes, pati toiletries nya, plastic box ng damit nya.. pati beddings/comforter, unan dala namin.. we also used to bring the playard pa nga noh! nakakapagod mag assemble at dis-assemble ng playard.

advise lang kita na bring her unan and comforter/beddings nya kasi pansin ko sa anak ko mas nakakatulog sya pag kilala nya yung scent ng beddings? one time kasi nag overnight kami sa hotel kasama sya.. dala lang namin eh damit at few bottles and diaper nya (long story) di na ako nagdala ng unan at comforter nya.. hala di nya ako pinatulog (6 months sya nito) gusto nya karga..pag nilapag mo na sa kama nagigising! pag di familiar ang surroundings nya hinde sya comfortable.

ang mura nung sterilizing solution na yon.. i have a small bottle na give away kasama ng chicco sterilizer last year.. 1 beses ko lang nagamit yon..nung nasa hospital pa kami

weng,
panay lakwatsa ahhh..sama naman kami!

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #330 on: March 04, 2011, 04:54:24 pm »
^company outing e!!!! ;D napapagod na nga ako kakalakwatsa, promise after next weekend, gymboree na lang ako pag weekends!!!

grayce, good luck din! di pala kita nabati today hehe. pray pray pray! :)

lisa, agree with lia dun sa beddings. yan din ang naexperience ko dati!! ay grabe, totoo palang namamahay ang babies hehe! parang lalong dumadami bitbit mo ah ;D di bale, lilipas din yan haha! saka pala thanks dun sa feedback mo about SUVs. lagi kaming binubuyo ni F.I.L na bumili ng SUV kasi naliliitan sya sa *pipitsuging* Vios namin  :'( i therefore conclude, hindi porket naka SUV kasya na lahat ng gamit. yung ngang isang officemate ko naka Santa Fe, angal pa din sa kin, pag out of town trips panay gamit lang ng anak nya yun laman ng likod nya e. ay sus. pagalingan na lang sa pag empake yan!!!

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #331 on: March 04, 2011, 05:29:14 pm »
^heller..kami parang kelangan van na dala namin!! :P minsan umuuwi kami sa paranaque galing ng tagaytay na natatabunan na kami ng gamit! SUV gamit namin!!! di ko alam bakit parang nanganganak yung dala namin...

korek weng! kuya ko isang mag 7 yr old at isang 1yr old ang anak..ang dala nya pag umuuwi ng tagaytay ngayon eh vios!! san ka pa! kumpleto rekados yan ha.. sterilizer, lata ng gatas, tubig, bote, snacks, panglinis ng bote, baskets at planggana..pati toys, sangkaterbang unan, damit ng mga bata, damit nila, damit ni yaya..silang mag-asawa, 2 bata, 1 yaya.. kasya lahat! bugbog sarado vios nya :P  muntik pa nga mag uwi ng halaman noon gisang beses.. umangal lang asawa nya kasi di na alam kung san isasaksak eh.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #332 on: March 04, 2011, 05:38:58 pm »
^ mare imagine mo kami, pag umuuwing province nila hubs, bibili pa kami ng bigas nyan hahaha. kotse ko nagiging lowered bigla e. mabigat na nga pasahero lalagyan pa ng bigas LOL!!!! yung subwoofer ko nga namimiss ko na e :D simula ng nagkababy di na bumabayo yun car ko haha ;D oops!!!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #333 on: March 04, 2011, 06:16:38 pm »
Kim, ganyan din sabe ng pedia ni Zoe sa kanya, she's about 2-3 months bigger than her size pero ok lang naman kase she's also long. Nakakainis minsan when people tell me that she's too big and kelangan ko daw i-diet. Kaloka noh?

Hey, happy christening to Katie baby. Katamad bumalik sa work noh? Iyak to the max ako when I was nearing the end of my ML tapos mas iyak pa nung first few days of work hahaha.

Tin, may sipon ulit si Kenzo? Poor baby, sana gumaling na sya.

Lisa, have fun on your trip. Buti na-mention mo yang tub. It never crossed my mind until now. Baka hinde na kame mgdala kase usually pag nililiguan namin si Zoe may assistant talaga ko, either hubby or yaya, kase she's so heavy and squirmy. I'm sure naman may hot water sa Taal Vista. Napaisip tuloy ako kung ano pa mga dapat ko dalhin. Please let me know how your trip went ah :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #334 on: March 04, 2011, 06:24:13 pm »
Weng, nalungkot nga ako non sa montero eh. Kaya kami nakipag-swap sa friend ni mike kasi akala ng magaling kong asawa kasya ang stroller sa trunk kahit di naka fold. Aba, eh kahit naka-fold di kasya eh. Buti na lang din nagaway sila so nagsolian ng kotse.

Sabi ko na ikaw yung naka-sound setup din ang car. Kita ko sa fb dati. Si mike yan ang hilig. Sa civic niya di kasya ang stroller (kahit yung maliliit na umbrella stroller) dahil sa sound setup niya. Di naman ako maka-angal kadi in fairness, national champion siya last year sa emma competition. At nag first place na din sa iasca.

Yung city dati wala na din halos malagay sa trunk dahil sa setup eh fi naman nagch-champion, panay 2nd place kaga ayon, binaklas ang sounds para kumasya ang stroller. Hehe.

Isipin ko ulit yung sa avent tempo. If ever, mas like ko yon kesa sa playtex. Sale sa baby company pa naman so if ever, goix time to buy ngayon.

Lia, thanks for the tip sa beddings. Now that you mention it, naisip ko. Kasi si baby mahimbing mag-nap sa araw sa playard sa kwarto niy. Eh pag gabi co-sleep kami sa kwarto namin. Nililipat naman namin yung comforters, bolsters at head pillow niya every night pero tuwing binababa ko na siya sa bed, umiiyak bigla. Isip ko baka di maganda pagbaba ko sa kanya kaya ganon pero di kaya dahil mas sanay siya sa kwarto niya kata sa kwarto namin di mahimbing tulog niya

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #335 on: March 04, 2011, 06:30:15 pm »
Van, sige will update. Nakikinita ko nang madaming lessons learned sa trip nato. Buti overnight lang and clark lang.

Paano na kaya sa december pag uuwi kami sa tuguegarao sa christmas. Pero at least 1 year old na siya non.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #336 on: March 04, 2011, 11:17:23 pm »
re: ligo - pinapaliguan na namen si Amber ng nakaupo sa tub niya minsan naman nakaupo. hehe. tuwang tuwa siya, nakakaaliw!

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #337 on: March 05, 2011, 05:35:06 am »
Thanks jen and van!

Van, big girls talaga mga babies natin. Hay nako.. Di pa nagsink in sakin na papasok nako sa monday since busy with the binyag nga.. Pero pag naiisip ko now, mejo nagwworry ako konti. Wala pa kasi kami nakikitang yaya so kay ej (while di pa open shop niya) and mil muna maiiwan si katie. Eh pano pag open na shop niya, nakakahiya naman na always iwan si baby kay tita.

Wow, good luck sa mga magout of town! Kami, baka may or june pa. Speaking of those months, first time namin magmother's at father's day! My god, babatiin na din pala kami ng mga araw na yun. Nadagdagan na okasyon sa buhay namin. Lol

May bago na naman ako natutunan dito sa gt. Chicco sterilizing solution lang pala katapat ng mga trips.:)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #338 on: March 05, 2011, 05:47:46 am »
hi mommies!

ang cute ng mga babies na meron fold fold na parang longganisa na ang sarap! lol ganon pala problem nila yung folds hindi natutuyo after bathing? or dahil napapawisan?

hindi namin naging problem kung SUV ba or sedan kasi si manong taxi driver and bus driver dito kahit anong kind pwede basta kaya mo buhatin :D

Weng, game ako kahit saan.. let me know what time ha.. sana hindi mag no show si tonette.. lol

Kim, wow exciting! binyag na pala ni baby today? ang aga mo naman nagising sis.. kami naman portable sterilizer.. 2 avent bottles kasya.. else meron din kami microwavable na bag..

sarap magbakasyon talaga.. and sa pinas dami mapupuntahan.. traffic jam lang kalaban.. pero saya pa din.. miss ko na pinas!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #339 on: March 05, 2011, 08:49:09 am »
May dalang bath tub sister ko so di nako magdadala! Yey!

Pia, naghahanap nga ako nyang portable sterilizer na yan. Sa mothercare daw meron pero kast time i checked, wala akong nakita.

Wala daw microwave don so di na option ang microwave steam sterilzer bags ko. Chicco sterilizing solution na lang unless umalma nanaman ang asawa ko, in which case magdadala ako ng sterilizer.

Rant lang ako ng konti... Same kami ng shift ngayon sa work ng husband ko, 3pm to 12mn. 1230 kagabi nasa house na kami, natulog mga 2. Nagising ako ng 7 kasi aayusin ko pa mga dadalhin. Nagpump ako ng 8. Ginigising ko siya para maligo na kasi sabi niya kahapon 9 kami aalis. Tapos niya maligo, ako naman.

Bumangon siya 840, antok na antok daw at ako daw ang magdrive!  >:(

3 weeks ago nung wala mom ko, 8am-5pm pa ang pasok ko. Dahil wala mom ko, ako lagi nagaalaga sa baby pag gabi. Tinutulugan ako ng husband ko, pero natutulog siya mga 3am, nagigising mga 11am-12pm kasi nga 3pm pasok niya. Nung friday ng week na yon, nag-SL kasi sakit daw ulo niya dahil "puyat na puyat" siya. Samantalang ako, minsan natutulog 4am pero babangon ng 7 kasi pump, ligo then pasok sa work.

NaPipikon ako kasi lagi siyang "puyat" at inaantok eh mas madami siyang tinutulog kaysa sakin!  >:(

Ngayon na 3-12 ang pasok namin, i wake up at 9 usually kasi ito ang time ko talaga to play with baby. Siya gigising pag magl-lunch na! Tapos lagi siyang kulang sa tulog!  >:(   >:(   >:(

Kim, happy binyag kay katie.

Babies niyo malalaki. Baby ko maliit. She's almost 4 months pero ngayon lang ok ang fit sa kanya ng 0-3months na clothes at finally kasya na sa kanya yung small na mamy poko.
« Last Edit: March 05, 2011, 08:51:25 am by clueless »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close