watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95208 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #120 on: February 23, 2011, 01:57:38 pm »
so hindi kailangan na pareho ang billing address ng credit card mo at nung billing address ng cousin mo?? kerek ba?
usually kasi sa ibang websites.. kelangan pareho billing address mo sa billing address ng card mo

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #121 on: February 23, 2011, 04:14:14 pm »
speaking of disneyland, the best for me ang disney florida. actually pati universal studios, the best yung sa florida. sabi nga ng brother ko, pag nakapunta ka na sa mga theme parks sa florida, madidisappoint ka na sa ibang theme parks. pero sa kin naman, kahit ano basta theme park masaya na ko.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #122 on: February 23, 2011, 04:23:31 pm »
daya ng merienda eb. Alabang pa ako pero last day ko na sa work bukas! Sa monday iba na, mckinley hill na ako!

Tin, di ko alam yung disneysea ah. Gusto ko nga din mag disney cruise eh. Matagal tagal pa siguro ang project japan namin.

^ super enjoy ako dyan sa epcot at disney world sa orlando. Pati sea world na din. Bitin nga lang kami non kasi kasama parents ko. Oldies, bagal maglakad, maya't maya uupo o pupuntang CR.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #123 on: February 23, 2011, 04:29:16 pm »
Ate Lisa, yung disneysea, sabi ng cousin ko more on pang lovers and adults. Kasi parang mas nakakatakot ata yung ibang rides dun. Pero maganda din daw! Sa disneyland kasi talagang pambata. Hehe, superlove ko dun yung paranh horror house nila, lumulutang yung mga ghosts. Aliw! Punta kayo, ang saya!

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #124 on: February 23, 2011, 04:33:04 pm »
^ pang lovers talaga... ma google nga ;D

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #125 on: February 23, 2011, 04:43:34 pm »
^^ nyak, may ate pa. :P check ko nga din yang disneysea.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #126 on: February 23, 2011, 04:47:04 pm »
Weng, sabi lang ng cuz ko ha. Kaya mga Japanese kids nya lage sa disneyland, once lang sa disneysea. Hehe. Di pa ko nakakapunta so wala ako idea. Lol.

Lisa nalang ba? Hehe sorry. Ayun, sige check mo sis :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #127 on: February 23, 2011, 04:54:26 pm »
hahaha.. tin.. nag ate ka din.. lol

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #128 on: February 23, 2011, 05:23:14 pm »
question uli...
how do you discipline your baby?
16 months na si gianna... pero may "attitude" sya..  pag di mo binigay yung hinihingi nya..or may kinuha ka na thing na hinde nya dapat paglaruan.. sangdamakmak na blahblahblah at nononono aabutin ko..kungdi pa rin makuha idadaan sa iyak.. si hubby pag ginagawa ni gianna yun sa kanya.. natatatawa sya kaya binibigay na nya.. spoiled na sya promise!

andun si gianna sa mom ko ngayon.. i called her this morning to check on them.. eh inaagaw ni gianna yung phone..syempre di muna ibibigay ng mom ko yung phone since nag-uusap pa kami..pinagsabihan ng mom ko na sandali lang.. pero naririnig ko sa background..puro daldal sya blahblahblah na kala mo may katuturan ang sinasabi... natatawa nga mom ko kasi kanda kunot ang kilay at pahaba ng pahaba ang nguso..
na spoil na namin no?
i asked my mo if my niece was like that at that age.. hinde naman daw.. nakooo!!
phase lang ba ito? i hope!  i don't want her to grow up a brat

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #129 on: February 23, 2011, 05:30:43 pm »
^ She is starting to explore.  Curious siya about the things that she sees.  Let her be curious.  Instead of saying no, you cannot touch this Gianna, name the object, explain what it is for and why she is not allowed to touch it.  For objects naman that she can touch, let her touch then explain that since mommy/daddy is going to use it, she can only touch it for a few seconds.  Lalo iyan magpipilit kapag bawalan mo siyang hawakan lahat ng bagay.  Kailangan may explanation palagi.  Kahit na 16 months pa lang siya, naiintindihan niya yun.  Use a firm but calm and reassuring tone and simple words when you talk to her.

Keep objects that she must absolutely not touch such as adult medicine, toxic substances, sharp objects, etc. out of reach.

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #130 on: February 23, 2011, 05:38:42 pm »
sis lia, naku ganyan din son ko na 20mons.  Pag may nagustuhan o kaya may kalaro tapos ayaw bigay sa kanya kung [textspeak!]-ano sinasabi.  Di ko nga din alam kung stage lang ba 'to kase dati naman pumapayag sya pag pinagsasabihan ko.  Ngayon insist nya yung gusto nya.  Bibili nga ko ng book na "what to expect the toddler years" para at least aware ako dun sa mga development sa stages nila.  Helpful kase sa kin yung book dati na "what to expect the 1st years".  Naisip ko na baka nga na-spoil na namin since sya lang ang bata sa min pati sa mga pinsan nya ta lahat ng magustuhan nya talagang pinapaubaya.  Haay, kakatakot baka kami na lang lagi susuko sa gusto nya.  Hirap kase, yung mga tita ko binibigay lahat.  kaya pag weekends na nsa bahay ako, i make sure na ako mag alaga.

Sali sa EB :)  sis lisa, sa merville ako malapit nag work [textspeak!] kita daanan sa McKinley pag may EB :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #131 on: February 23, 2011, 05:43:46 pm »
Lia, Or offer her an alternate thing to play with.. say something like "what about this one? ito na lang laruin mo"..

Meron times na pag nagtantrums si kyle at walang tigil ang iyak pero alam kong unreasonable, hinahayaan ko sya.. Sya din naman titigil pag napagod.. then saka kami usap.. may times talaga na naiiyak ako sa frustration :( lalo na pag pagod na pagod na pagod ako and then may S sya pag uwi..

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #132 on: February 23, 2011, 05:54:16 pm »
thanks marose.. luz and pia..

marose, i try to keep all objects na dapat di nya laruin out of reach kaya l;ang sa sobrang curiosity may napapaglaruan pa din na di dapat..
one time, may nakuhang isang maliit na scotch tape sa isang box na ni-seal ko ng scotch tape para di nya buksan... pinag diskitahan nya talaga yun at kinulkol nya talaga yung scotch tape buti nakita ko na akmang kakainin na nya.. umiyak... sabi ko not for eating..sasakit ang tummy.. iyak pa din pilit hinihingi yung kapirsaong tape.. de-padyak pa ng paa.. binigyan ko ng ibang toy ayaw.. sa hinayaan ko lang umiyak like what Pia suggested..  sa sobrang iyak narinig ng lola nya.. pasok si lola.. whats the matter daw.. eto naman si hubby pumasok na rin ng room.. ano daw nangyari bakit ko daw pinapaiyak.. sabi ko kay gianna.... para tumigil na umiyak..go to daddy..sumbong mo si mama.. eh ayaw naman pumunta sa daddy nya imbes nagsumiksik lalo sa akin.. kasi alam nya di ko sya pinapansin..

sometimes madali sya kausapin..pero lately nagiging madalas... na spoil din kaya ni yaya... puro adults nasa bahay.. spoiled din sya sa mga househelp sa bahay..istariray nga yun eh..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #133 on: February 23, 2011, 06:21:48 pm »
^ Expect more challenging behavior from a toddler.

Ang mga anak ko, napaka (fill in the blank) these days.  Sobra talagang tunog ang "NO!" at marunong na mag-negotiate.  Hay, hirap talaga balansehin ang mga bagay-bagay.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #134 on: February 23, 2011, 06:38:43 pm »
i couldn't agree more.. parang walang specific advise on that issue.. instinct na lang siguro ang mag work...

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #135 on: February 23, 2011, 07:21:04 pm »
naku 1 yr old na baby ko lapit na maging toddler, parang natatakot na ko. hehe

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #136 on: February 23, 2011, 10:19:25 pm »
Hello!!!

Go ako diyan sa EB, near makati din lang ako so pwede kaso sana dumating mom ko para may mag-alaga kay baby. Ayaw ko naman kase na iwan kay kasambahay ko. Katakot!


huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #137 on: February 24, 2011, 12:02:47 am »
Lisa - try ko nga rin RL shoes. baka makasundo ng paa ni A.

Marose - nasa matunog na "NO" stage ka pala. dati akala ko na-influence ng classmate si K2 kasi biglang nagbago attitude nya. hindi lang sya basta NO, nangangatwiran pa.

Lia - basta lagi mo lang tatandaan na dapat firm kayo lagi at same wavelength sa pagdisiplina. example, umiyak/nagwala dahil di mo pinayagan sa gusto nya dapat si hubby at mga kasama sa bahay di rin sya pagbibigyan sa gusto nya. ang mangyayari kasi kung sino ang lenient sa kanya dun sya palagi lalapit dahil alam nya na ibibigay ang gusto nya.

hirap talaga magpalaki ng kids at hindi yan nagtatapos after toddler years.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #138 on: February 24, 2011, 04:44:17 am »
Lisa yan din yata yung RL shoes na gusto ko pero yung grey naman. Kaso parang gusto ko na din bikhin yung Pediped shoes na nakita ko sa GB.

Si Zoe forever ng nakapang-alis kahit sa house lang kase kelangan magamit ang clothes. Kaya this March magsh-shopping na naman kame ulit para ma-replace na yung mga maliit na sa kanya.

Regarding selling her stuff, parang ayoko talaga pero saka ko na iisipin ulit yan kapag wala na talaga kameng mapaglagyan. I'm sure bibigay din ako eventually pero yung branded stuff nya mejo matagal ako magho-hold on sa mga yon hehe

icee_star

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #139 on: February 24, 2011, 08:16:00 am »
^true sis. Naalala ko before nung maliit pa anak ko nagbenta ako ng mga gamit niya mostly shoes kasi sobrang dami talaga at hindi na magamit. Mga mahal din naman ang bili ko dun sa mga yun pero binenta ko ng palugi. Tarte Tatin shoes at Nike mga 150 lang and Guess shirts tig 50 lang nabenta sa Ebay, as in rarely used. Pero in fairness, malaki rin ang kinita ko, then yung napagbilhan buy din ng gamit niya or other things. Masakit i-let go lalo pa at favorite niya. Pero ayoko kasi ng natatambakan. So might as well pakinabangan.

Marami rin siyang rarely used na gamit dito sa SG. I am thinking na magbenta ulit kaso baka mahirap magmarket dito. Dami naman kasing sale dito and not sure kung mahilig sa pre-loved ang SG mothers. Balak ko, ipunin then ipa-box at dun ko ipopost sa Pinas.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close