hi everybody..ano ba yan dumaan lang ang weekend nag part 2 na agad..
marose..good to know ok na ang twins mo..
naconfuse na ako kung sino sa mga chikiting ang may sipon at ubo...hope they all feel better soon.
yapee? grabe.. kung ako parents nung pamangkin mo.. susugurin ko sila.. i can't believe na HS students can do that na.. eto tayo nagiisip na super gulo ang schools sa US..pero dito sa atin meron din palang ganyan.. may mga bullies pa din... nakakatakot naman isipin
sa mga new mommies ng thread.. hi! and welcome to the thread!
wengerts - syempre libre mangarap... petingin ako ng flyers mo ha? hahaha!!
at since libre mangarap.. magipon na ng pangbili ng oven.. sindakan na ito sa appliance showcase ng project bahay mo.. ano ba pag stove top oven - elba? elba at la germania lang kasi ang alam ko..
re: toys.. ang fave ng anak ko ngayon eh yung lutuan nya.. i have yet to introduce her to wooden toys.. medyo natatakot ako kasi mahilog sya magsubo.. eh since may paint yung kalimitan ng wooden toys.. medyo afraid pa ako..
re : 1st birthday... ang sabi ng mga grandparents wag na ipag birthday.. ang sabi ko naman kawawa ang bata.. kasi for sure titingin din yan ng baby pictures nya pag laki.. para bang nakakalungkot kung wala man lang syang celebration kahit na simple lang? kami simple lang,., we spent about 30-35k.. jollibee party.. had 100 guests.. no video.,.photog lang pero yung photo coverage biglaan pa.. jollibee lang at hetty.. balloon making tsaka face painting for the bigger kids.. gianna slept thru it.. nagising lang nung picture taking session na..
kumbaga.. simpleng party ok na.. pwede naman sigurong 2 di ba?? simpleng party at US trip.. kaya mo yan i-budget!!!
naka-leave ako nung friday ... nag tulog lang sa bahay atsaka nag-prepare ng gamit for the weekend kasi umakyat kami ng tagaytay sa parents ko.. iiwan kasi namin dun ang bata for 1 week.. we usually deport gianna there mga 1 every 2-3 months for 1 week lang..para makasama ng mommy ko.. tutal sa isip ng bata... si mama ko ang number 1 sa buhay nya.. ako pang number 2 lang at si hubby number 3. love na love ni gianna ang lola mama nya eh..
twelvth_g.... ok nga ang taal vista hotel
imo.. mas ok ang bulalo sa road side.. meron kaming kinakainan dun sa left side ng road going to taal vista.. i cannot remember the name.. they also serve tapsi..
may robinsons mall na rin in almost in front of josephines.. meron don.. shakeys, starbucks, giligans, and our fave teds batchoy.
syempre don't forget to eat at mushroom burger.. pasalubong na amira's pies and tarts.. wala kayong gagagwin dun kungdi kumain..

question: pano kumuha ng passport ang mga chikiting? tinatamad ako mag google eh.. meron na kami ni hubby so si gianna naq lang..
thanks po..