Author Topic: addict si hubby sa online games..  (Read 56125 times)

TomHansen

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #180 on: June 11, 2019, 05:03:13 pm »
^ Ilang months na bang umiiyak si friend mo? Sa team ba ng bf niya isa siya sa pinakamagagaling(top1 or 2) na players?

Kung hindi baka pwede pang maghintay kaibigan mo ng ilan pang months? Sa mga pro teams kasing ganyan after ilang competitions na di nagpeperform ng maganda ang team nagkakaroon ng sibakan/switch ng players, kung sakaling masibak si bf magka-time na siya para sa friend mo..

Kung oo naman ibig sabihin walang chance na matanggal siya sa team kaya mas mabuti pang makipagbreak na lang friend mo kung hindi na niya talaga kaya.. Hindi magbabago bf niya kasi yung mga tambay nga na-aaddict pano pa kaya yung taong kumikita sa paglalaro. Pumasok siya sa relationship para sumaya, kung hindi na siya masaya umalis na siya.

Nag-uusap ba sila tungkol sa issues ng bf niya? anong dinadahilan ng lalaki? nageeffort ba siyang magpaliwanag and at the same time nagccompromise? kung naglalaro bf niya kapag magkasama sila isa lang ibig sabihin niyan - wala na siyang respeto.

three8one

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #181 on: June 11, 2019, 06:08:29 pm »
If you are on my friend's shoes, what will be the best thing to do?

good timing at maayos na usapan/real talk ang kailangan ng magpartner. as in masinsinan?.. ngayon, sa kabila ng lahat walang gustong mag give way or mag sacrifice siguro its time na pag usapan na nila yung pag momove forward nila pareho na hindi na sila magkasama. pareho lang nila sinasayang ang mga oras nila sa isa't isa na wala naman patutunguhan. masakit sa una, kasi masasayang talaga yung mga oras at efforts na na invest pero mas Mabuti na din yun.

turing na lang ng friend mo sis AllHailFallon (haba ng name mo, hehe) na isang lesson ang pag daan ng bf nya sa buhay nya.  ;)

AllHailFallon

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #182 on: June 12, 2019, 04:03:26 pm »
Thanks for the replies! :)


Assistant team captain si boyfriend ni friend sa team nila ngayon.


Since February na nila pinag aawayan yan, kahit di pa masyado sikat si BF niya yun. Ilang beses na sila nag usap and everytime na magtatalo sila about dun, mas iritable pa si boyfriend instead na magsorry or magcompromise. Like sinasabi di makaintindi yung friend ko so lagi ang ending, nafoforce siya makipagbati para wala nalang pagtatalo.


Inadvice-an ko na tigilan na niya at mukhang hopeless na. Will let you guys know ano ending nila hehe. :)


three8one

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #183 on: June 17, 2019, 01:03:44 pm »
^ ma'am before your friend make an argument or serious talk with his bf, ask her self first kamo, if that person is matured enough to accept the concept of different perspective? kasi kung hindi rin lang naman, absolutely no point lang. sayang lang laway nya at panahon nya.  ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #184 on: June 19, 2019, 07:37:27 am »
^^ tell your Friend to find another bf Na mas ok. Why would she want to settle with someone ganyan


Ms. Undecided

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #185 on: June 19, 2019, 11:44:38 am »
her BF moved to the bootcamp (residence provided by their team's manager) eh nawalan na ng oras si BF sa kanya.

Pwede ba malaman kung anong team nila sis? :)

baby_yummy

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #186 on: June 24, 2019, 02:14:24 am »
@three8one.. Tried that i'm very vocal when it comes to my feelings kasi di ko feel yung kinikimkim kasi emotions piles up. I also tried to ask around about his game, who is he playing with, strat use kaso alam mo yun yung feeling na mas nagiging close sya dun kesa sakin. Meron pa siyang girl na nagiging close dun sa group chat nila. Honestly I'm a jealous type sinu bang girl ang hindi if mas maraming time yung Hubby ko makipag usap sa chat with his Guild.

Regarding sa healthy interaction, i always ask him to join me sa elorde. I do Muay Thai pero siya too many excuses like his feet is sore or lazy much. I'm an outgoing person and his my opposite although mas healthy option kasi yung sakin rather than staying at home and playing in front of the computer or mobile phone for hours.

One time pumitik na ako, Father's day and while we were having lunch with my side of the family ayun he is smiling by himself kasi busy kakachat at kakalaro and not even talking with my family. Sinita ko and told me he's not playing at naka "autoplay" daw yung charater. Sumabog talaga ako and inaway ko siya paguwi namin. I told him you don't even socialize with my family who made an effort celebrating Father's day with you. Sumama talaga loob ko nakaka-heartbreak to the point na pinapili ko na siya (Me or Ragna). I was so frustrated that I even pull out my wedding ring to give it to him kasi he told me unfair daw ako. Like WHAT? ako pa ang unfair after 15 years of trying to understand your so called Gaming Life at pinagbabawalan ko daw syia magplay at magchat sa Guild niya. WOW di ba as in ako pa talaga ang unfair because i want to spend time with him. I guess he realize what he is loosing after i handed my ring and beg to reconsider. He painfully admits being an addict and left all his chatroom sa Guild and stop playing. 

Now were ok but I'm still checking his playing time every now and then. I don't want to deprive him on something he is really good at pero i did remind him on Family time and being an addict (sabi ko nga intervension ko na siya or pasok ko sa mental) . He drops his position on the Guild as a leader so he doesn't have to be on the chat everyday like every minute plus no cellphone when he is with family and cuddle time. 

People change over the years and couples might grow apart if they let themselves grew apart especially with different interest and crowd.

@AllHailFallon.. Tell your friend to analyze her feelings if she's really up to a future with a type of guy. Not saying this because i feel trapped in mine but I'm thankful that hubby is trying to change and improve. Not all guys are willing to accept their faults. I suggest din to open up, dun niya malalaman ang reaction at thinking ng bf niya tungkol sa issue. It might be for the better or for the worse but at least she can decide from there on if its worth fighting for or letting him go. Again its boils down to loving yourself first.   

Sorry a bit long... ;D

milkyway28

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #187 on: December 11, 2019, 01:09:04 am »
My husband is addicted to mobile phone gaming. He's a slave to his phone and I hate it. We've been fighting about it for years, at mas lalong lumala when we had our baby. Our son is two now, but still the same old s***. I feel so trapped. It hurts when I just want to have a conversation but he's completely glued to his phone. Ako pa ang masama when I point out it's disrespectful. When we try to set rules, he keeps breaking them. I honestly wish he'd just left the house and spare me all the stress.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #188 on: February 16, 2020, 10:06:24 pm »
Ako naman hindi online games, pero feeling ko same ground lang ito. Super addict ang asawa ko sa Facebook. As in member siya ng kung ano anong car groups. As in doon umiikot ang mundo niya, anytime na may free tiime siya. Scroll up and down. Nakakapagod kasi, kung addict siya sa phone niya wala na siyang nagagawang iba. So ending AKO LAHAT NG CHORES. Seriously, hindi ko alam if tatagal ako ng ganito ilang years pa. Sana nga may divine intervention isang araw na magbago siya.

crzysxycl

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #189 on: May 07, 2020, 09:39:44 am »
^Huhu, I can totally relate. Yung hindi na nagagawa ibang bagay dahil masyadong addict. Asawa ko naman sa games, nahinto na dati pero bumabalik pa rin talaga sa nakagawian. As in pag gising sa umaga, laro na. Kung magkakabit ako ng CCTV dito sa loob ng bahay, makikita nya kung ilang oras sya nakaupo kaharap yung laptop nya. Napupuyat din sya doon kapag may event sa game.

Laging masakit ang likod at kamay ko kasi ako nalang lahat gumagawa ng chores. Yan din iniisip ko, parang ayoko ng tumagal pa ng ganito kasi may health issues din ako, at kasama sya sa stressors ko. Feeling ko hindi ako aabot ng 50 yrs old. Pinagdadasal ko na bigyan ako ng malakas na katawan para maalagaan ko pa anak ko. Pero hindi na ako umaasang magbabago pa asawa ko, talagang asikasuhin sya. Sad to say, mali ako ng pinakasalan.

TomHansen

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #190 on: May 10, 2020, 02:54:36 pm »
Just imagine sa daming free time ng mga partners niyo na maglaro kung ginagamit lang sana nila yun sa pag-aaral online. Yes as a gamer masarap talaga maglaro pero at the end of the day wala ka ring importanteng napala sa oras na naglaro ka kung hindi sayangin yung time na yun. Walang tangible, walang improvement sa sarili mo. If nag-aral ka na lang that knowledge na na-earn mo pwede mong magamit para kumita.. Or kahit di ka mag-aral e tumulong ka lang sa bahay para mabawasan trabaho ng kung sino mang gumagawa ng chores. Di naman masamang mag-games pero 1-2 hrs/day should be enough especially kung may nagssuffer sa katamaran mo..

crzysxycl

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #191 on: May 11, 2020, 08:13:04 am »
^Mismo. Yung nananalo sa games, saglit na feeling lang 'yon eh. Hindi naman counted as achievement sa buhay yon, kaloka. Sana yung mga asawa namin, kagaya mo mag isip. Haha. O baka kasi nasanay na may gumagawa at kumikilos for them kaya hayahay lang. May company ba na nagha-hire ng gamers, para dun nalang sya at mapakinabangan nya yung pagiging addict nya sa laro? Sa movies ko lang kasi nakita yung ganon eh.

mysterioza_me

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #192 on: May 11, 2020, 07:39:57 pm »
Na-try niyo na ba na gutumin mga asawa ninyo at di paglabhan ng damit?

TomHansen

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #193 on: May 12, 2020, 07:23:38 pm »
^Mismo. Yung nananalo sa games, saglit na feeling lang 'yon eh. Hindi naman counted as achievement sa buhay yon, kaloka. Sana yung mga asawa namin, kagaya mo mag isip. Haha. O baka kasi nasanay na may gumagawa at kumikilos for them kaya hayahay lang. May company ba na nagha-hire ng gamers, para dun nalang sya at mapakinabangan nya yung pagiging addict nya sa laro? Sa movies ko lang kasi nakita yung ganon eh.
Haha believe me na-addict din ako sa games dati nung college ako and i still play pa naman paminsan minsan kaya alam ko yung feeling ng satisfaction kapag nananalo sa games. Naglalaro lang ako kapag wala na talagang magawa or nagpapapagod ng mata para antukin. Ang problema kasi ngayon pati yung mga taong may responsibilities sa buhay, bahay nakakalimutan na nila priorities nila.

Naiintindihan ko gaano kahirap baligtarin mga addict sa games, my pamangkins at kapatid ko mga addict at kahit anong motivate ko sa kapatid ko para magselfstudy walang nangyayari - tapos maririnig mo madalas sasabihin wala siyang pera. Madalas nasa kanila na talaga kung titigil sila, nakakafrustrate baguhin mga tao lalo di nila nakikita sarili nila the way we see them.

Shadow Angel

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #194 on: May 12, 2020, 11:49:23 pm »
Eto rin problema ng friend ko game addict un hubby nya ilang beses na silang muntikan maghiwalay dahil dito. Un hubby nya di tanggap na game addict sya ayaw mag pa therapy. Imagine pagdating galing sa work hanggang madaling araw nag lalaro as in walang ginagawa sa bahay. Nagwowork din ang friend ko pagdating sya pa lahat. Madala di nya nakakasabay sa pagkain dahil hindi pwede i tigil un game. Na try na nilang mag travel pero walang epek dahil nagpapaiwan sa hotel para maglaro. Natry na rin ng friend ko na sabayan sa paglalaro pero di kinaya ng friend ko na nasasayang ang oras. Sabi ng friend ko hihiwalayan na nya nag iipon lang sya. Kaya importante talaga na before mo pakasalan tanggap mo or alam mo un flaw ng partner mo.

crzysxycl

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #195 on: May 13, 2020, 01:22:24 am »
^^^Sis, yung gutumin hindi keri ngayon kasi i cook for my 3 yr old. I make sure masustansya kinakain nya para magkaron sya ng healthy brain at di magaya sa ama nya. Haha. Though ngayon hindi ko na sya inaasikaso sa umaga, bahala na sya. Kung may tirang food the previous day, yun kakainin nya pero pag wala, mag instant noodles nalang sya. Yung paglalaba, di ko rin ginagawa dati, pero ngayong ECQ, dagdag pa to sa gawain ko dahil di na makapagpa laundry.

^^Ewan ko ba, wala naman nagbabawal sa kanya maglaro eh. Hindi lang talaga mapigilan pagka-addict nya, nakaka turn off! Hindi lang yun eh, pag naglalaro parang nasasaniban, sumasama ugali. Tama ka, nasa tao na talaga yon eh.

^Sis, may anak ba yung friend mo? Ito dilemma ko eh. Paano yung bata, kasi galing kami pareho sa broken families, so naawa ko sa bata lalo na ngayon na medyo nakakaintindi na sya. Natry ko na rin yang ginawa ng friend mo, na sabayan ng laro. Kaso di rin ako tumagal kasi daming nasasayang na oras. Yung gawain ko natatambak lang, hindi naman nya ko tinutulungan. Wala na, hindi na magbabago asawa ko. Di rin namin sya kasabay kumain eh, pag naglalaro at ayain mong kumain, galit pa sayo amp. Yun nga, di ko akalain na ganito sya ka-addict sa games bago ko sya pinakasalan. Sana pwede ibalik ang panahon hahahuhu.

Shadow Angel

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #196 on: May 13, 2020, 09:03:45 am »
^wala silang anak kaya sabi nya kaya nya hiwalayan. Lalo ngayon may pandemic tumatawag sya sa akin kasi wala syang makausap. Dahil parang wala sya kasama sa bahay dahil puro laro daw ngayon lockdown mula pagmulat ng mata until madaling araw.

crzysxycl

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #197 on: May 13, 2020, 11:04:09 am »
^Grabe, ganyang ganyan asawa ko. Paggising palang, laro na tapos magpupuyat para sa laro. Kahit nasa CR hawak cp nya. Tablet ng anak ko ininstallan din nya yung laro nya. Nung wala pa kaming anak, di ko rin ramdam na may kasama ko. Eh paano makakaalis friend mo, ganitong lockdown. :( Ang hirap din, kailangan talaga nya ng kausap. Nakakawalang amor yung ganyang klase ng asawa.

Shadow Angel

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #198 on: May 13, 2020, 06:44:52 pm »
^wala na nga rin amor un friend ko.  Everytime na tatawagin ni friend para kumain galit pa alam daw nya kung kelan sya gutom at hindi nakakaloka sabi ko kung ako un nilyasan ko na matagal na lalo na kung wala naman anak. Hindi pa nya hihiwalayan ngayon dahil di pa daw nya kaya magsolo.

crzysxycl

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #199 on: May 14, 2020, 10:24:24 am »
^Aww.. :( Same na same talaga. Naiimagine ko yung magagalit kapag inaya mong kumain. Sana kayanin pa ng friend mo, sis. Ok din na wala silang anak para mas madaling layasan. Nakakastress talaga at nakakawala ng amor pag ganyan. Minsan sasabihan pa ako na "Hwag mo kong pakialaman". Susko, hindi asawa ang turing sa akin. Nasasaniban sila dahil sa games, tsk tsk.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close