Author Topic: addict si hubby sa online games..  (Read 56159 times)

new_iza

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #140 on: October 15, 2012, 07:10:41 pm »
Si hubby laging female ang hero nya.. tapos pagirl din yung name  :P
minsan name ko pa yung gamit nya..

Naaalala ko tuloy once, Naglalaro siya ng PS3, naiwan nya naka on yung mic nya.. Bigla akong nagsalita.. Nagkagulo daw yung team nya.. Akala chicks siya.. haha! :P

hedonista

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #141 on: October 29, 2012, 04:43:56 am »
hi mga sis! naiinis ako kay hubby everytime na maglalaro sya ng online games.. dahil halos wala siyang kilala and inaabot ng ilang oras para lang maglaro.. like kahapon, almost 5 hours sya naglalaro.. and pag gabi, minsan ppasok na ko, hindi pa pala natutulog si hubby dahil hindi pa sya tapos maglaro.. wala naman akong magawa dahil parang yun na lang ang libangan nya.. hayy.. :(

We have the same sentiment sis. I have gotten past that already now that we are married and have a 1 year old kid. I let him be. Let the child play, sabi nga. When we are just living in - umabot pa sa point na pati ako inaral ko yung laro. I created my own account, play and even chat online. there are a lot of players and surprisingly others are professional like us too. and we do meet ups. gimmicks dinner out of town.

I understood him and we gained friends online and real life [textspeak!] iba naging ninong at ninang pa ng anak namin. He said it's his way of connecting to outside world, hindi man sya lumabas, nakakausap nya friends nya.

ANd Id rather have him that way minsan dun pa kumakain sa harap ng PC. kesa naman umalis sya at mapraning ako kung san pumupunta di ba. I just make it a point na pinag usapan namin na may time sya sa bata, sa akin at sa household chores. :)

bigbox

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #142 on: October 29, 2012, 05:19:55 am »
dami pala namomoroblema sa online games  :D si hubby addict na talaga yun kahit nung magbf pa kami as in walang tulugan, nung kinasal at nabuntis ako tuloy pa rin sya kahit gusto ko sya katabi bago matulog. pero tyumetyempo rin naman sya ng oras ng paglalaro at tatapusin muna lahat ng gawaing bahay tapos pag ok na magpapaalam na sya sa akin or magsasayaw sayaw na papuntang computer nya, wala naman ako magawa kase tapos na sya sa gawain. nilalambing ko na lang pag naiinis na talaga ako para lang tumigil pagminsan. nung nanganak na ko tumigil na sya sa paglalaro at laging puyat sa pagaalaga ng bata hahaha... pagtinitingnan ko nga sya naawa rin ako kase nga adik maglaro tapos biglang tigil, sabi ko sa kanya gusto mo ba maglaro? himala, ayaw na talaga.  :D nagiba sya ng hobby nagcollect na lang sya ng mga car models. unawain nyo na lang mga sis mga lalake kase ganyan talga yang mga yan pero mas ok na yan kesa sa mga bruskong palainom at nambabae. pampatalino rin daw ang online games sabi sa akin ng mister ko  ;D

KrisKulit

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #143 on: November 03, 2012, 06:35:05 pm »
Okay lang sa akin na maaddict si hubby sa online games.. nung mag bf/gf pa lang kami parang wala kaming tulugan makapaglaro lang.. nagaaway lang kami dahil sa online games pagnakakatulugan ko siya.. mejo addict din kasi akong maglaro, pero ngayon consoles naman ang kinalolokohan namin.. ;D

che051986

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #144 on: November 15, 2012, 12:41:37 am »
Wahhh^^ ganyan din hubby ko, addict talaga sa online games,, kulang na nga lang wag na matulog.., pag kakausapin mo parang walang naririnig,,, hayyy kaloka,,

frapuccino

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #145 on: February 05, 2013, 11:47:30 pm »
mag bf/gf pa lang kami ni hubby addict na sya sa online game. Madalas namin pag awayan dati ang sobrang paglalaro nya. Lahat ng rants ng mga gf at wife dito dinaanan ko rin yan. Until, I started my own business and have my home office dito sa house. Ngayon, nakikita ko na as advantage ang paglalaro nya. At least andito lang sya sa house and I can concentrate sa pagwowork. I normally spend 10-16 hours working per day. At least, andyan lang sya at nakikita ko sya at hindi nya ako hinihingan ng mahabang  QUALITY TIME every day. But on his rest day naman we go out para may isang buong araw na kami lang ang iniisip namin. no games and no work.

babyboo.0326

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #146 on: February 06, 2013, 03:35:14 am »
hi mga sis! naiinis ako kay hubby everytime na maglalaro sya ng online games.. dahil halos wala siyang kilala and inaabot ng ilang oras para lang maglaro.. like kahapon, almost 5 hours sya naglalaro.. and pag gabi, minsan ppasok na ko, hindi pa pala natutulog si hubby dahil hindi pa sya tapos maglaro.. wala naman akong magawa dahil parang yun na lang ang libangan nya.. hayy.. :(

This reminds me of myself and my ex.

Sadly, I wasn't able to tolerate it further. I broke up with him after almost 5 years of relationship. He is not growing up. And hindi naman ako nagkulang ng pagsuporta sa mga gusto niya. Like if he wants to enrol sa gym, give ako money. If he wants to buy this and that, give ako money. If he wants to go out with his friends to play sa computer shop, bigay ako money. Just so wala siyang masabi na pinagbabawalan ko siya sa gusto niyang gawin. But then, the child is growing up, and ako lang ang nagttrabaho. I just couldn't take it anymore kasi kahit I was the one looking for a job hiring sa newspaper, ginawan ko na siya ng CV, ang dami pa rin niyang reason why he doesn't want to apply.

Nung nakipaghiwalay ako, good thing din na hindi kami kasal, gulat na gulat pa siya kasi daw ano daw ginawa niya? May lalaki daw ako sa office, et cetera... Hinayaan ko nalang. Now I have peace of mind :)

Hope all is better now for you :)

caramelli

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #147 on: February 06, 2013, 04:34:06 pm »
si hubby addict na sa games before pa maging kami. dati hindi ko pa iniinda kasi hindi pa naman kami magkasama sa bahay pero nung kinasal na kami, dun ako namulat sa katotohanan. titigil lang maglaro kapag kakain at maliligo. pag gising sa umaga, laro ulit. iniisip ko nalang na ok lang basta hindi naaapektuhan yung mga importanteng bagay na dapat naming gawin like kanya kanyang chores, or pag may errands kami. ang ok naman sa bisyo na to eh nakikita mo asawa mo kung anong ginagawa kesa yung nasa labas ng house kasama ang barkada.

ngayon OL game naman sa itouch ang kinalolokohan ng asawa ko, naku paputol putol sya ng tulog dahil minomonitor yung laro. hinahayaan ko nalang minsan para wala ng away. binabawian ko nalang ng sermon kinabukasan. :P

princeszheng

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #148 on: February 06, 2013, 05:03:34 pm »
Oks lang yan mga sis. Ganyan rin ako noon, naiinis ako, minsan naiiyak pa ako kasi mas gusto pa nya yun laro nya kaysa sakin. wahahaha. Pero ngayon nagsawa rin.

Minsan Kami na lang naglalaro dalawa. Kailangan lang talaga na makipaglaro sa kanila at alamin yung nilalaro nila, it's another way of showing how we understand them kahit ano pa man.  :D

caramelli

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #149 on: February 06, 2013, 09:16:46 pm »
^taamaa! :)

Misstakenforgranted

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #150 on: December 09, 2017, 02:37:18 am »
Asar na asar din ako this past months sa bf ko nawalan sya ng trabaho, naawa ako sa kanya hinahayaan ko lang sya maglaro pero my golly! Yang laro naglalabas sya ng pera buti sana kung sarili nyang pera kaso nangungutang sya sakin. He knows how to make me feel guilty kapag di ko sya napapabigyan. Ako nga sex life namin zero na pati affection nya dahil naadik na sya sa ragnarok. Kahit magkasama kami naglalaro pa din sya to the point na di nya na ko pinapansin. Naiinis talaga ko. Wala syang time sakin pero ako lahat binibigay ko sa knya. I want to give up na sa relationship namin na to kaya lang sobrang nahihiya ako sa mga taong nakapaligid samin. On and off kasi kami ayoko masabihan na we were right since then. Nasasawa na ko sa ganitong lifestyle namin. What to do🤦🏻‍♀️

Evolet027

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #151 on: December 09, 2017, 08:36:19 am »
Nakaka adik talaga online games. Lalo na kung may nakilala pa kalandian. Papiliin nyo if kayo or online games. Pag di ok ang sagot, leave. Hahaha!

Miss Granger

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #152 on: December 09, 2017, 10:34:05 am »
I joined him haha so 2 pa kami magkasama pag meron guild war. Most of the times naman pag nakauwi na siya from office so tulog na ang bagets namin pag naglalaro kami.

I know from the start i married a gamer so i let him be, he's not the abusado type naman so it's fine with me.

naizlabonita

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #153 on: December 09, 2017, 10:50:42 am »
My partner is working from home.. Mahilig na talaga siya sa online games even before na hinde siya work from home.. Tapos recently nahuli ko nga na nagpupunta pala sa mga spakol..so syempre tumigil siya pero napansin ko mas dumalas na ang pag oonline games nya as in.. Hinahayaan ko nalang siguru bored siya kasi di na siya makalabas at wala na mapuntahan.

shinies

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #154 on: December 11, 2017, 04:12:35 pm »
Asar na asar din ako this past months sa bf ko nawalan sya ng trabaho, naawa ako sa kanya hinahayaan ko lang sya maglaro pero my golly! Yang laro naglalabas sya ng pera buti sana kung sarili nyang pera kaso nangungutang sya sakin. He knows how to make me feel guilty kapag di ko sya napapabigyan. Ako nga sex life namin zero na pati affection nya dahil naadik na sya sa ragnarok. Kahit magkasama kami naglalaro pa din sya to the point na di nya na ko pinapansin. Naiinis talaga ko. Wala syang time sakin pero ako lahat binibigay ko sa knya. I want to give up na sa relationship namin na to kaya lang sobrang nahihiya ako sa mga taong nakapaligid samin. On and off kasi kami ayoko masabihan na we were right since then. Nasasawa na ko sa ganitong lifestyle namin. What to do🤦🏻‍♀️

Una sa lahat, di naman kayo kasal. Naligaw ka man ng thread sis, madali naman kumawala sa ganyang sitwasyon.

Saka kailan pa naging sapat na rason ang sasabihin ng ibang tao para manatili sa ganyang klaseng relasyon? Mamili ka, pride o happiness?


yasbabyangel

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #155 on: December 22, 2017, 06:14:06 pm »
Si hubby ko nung bf ko palang adik sa CoC. Pupunta samen tapos nagccCoC lang. Tapos nung magasawa nakame asar na asar ako kase handa yung food ayaw pa kumain tatapusin muna daw yung laban sa mobile legends. E halos 30minutes pa minsan yung laban. Dinownload ko din mobile legends out of curiosity. Kase di sya maistorbo pag nagmomoba. Ayun. Nakakaadik naman pala talaga. Haha. Ngayun dalawa kameng nagrarank game. Naging bonding na din namen maglaro. Try nyo nalang sabayan sila baka maenjoy nyo din sisses. Haha. Difference lang namen di ako gumagastos. Sya bumibili talaga ng diamonds

kaythrielle

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #156 on: December 24, 2017, 02:00:18 am »
Hubby used to be always playing games. I sometimes join him, but most of the time i just let him be. Kasi sooner or later nagsasawa din naman at titigil din. Just wait for that time na lang. 😄

TomHansen

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #157 on: December 24, 2017, 10:01:03 am »
Ok naman maging mahilig sa online games ang partner niyo huwag lang aabot sa time na gumagastos na sila ng malaki para sa mga virtual items because once bumili na sila tuloy tuloy na yan and the more maginvest sila sa game/character the more ma-aattached sila sa game. Also wag niyong itolerate kapag inuuna nila yung games kesa sa mga bagay na dapat nilang ginagawa especially sa paghahanap ng trabaho, pagtulong sa bahay etc.

Kapag dumating ang time na naging mas focused sila sa games imbes sa bonding at feelings niyo then pagisipan niyo na lang if ganun ba talaga ang partner na pinangarap niyo. Yung gaming dapat ang hobby hindi kayo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #158 on: December 24, 2017, 10:48:13 am »
Naalala ko yung nabasa ko sa Peso Sense, 2-3 weeks ago na nilustay ni bf ang ipon ni gf na higit 90k sa Dota. Sobrang depressed si gf kasi more than 2yrs niya pinag-ipunan ang amount na yun.

kaythrielle

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #159 on: December 24, 2017, 11:44:42 am »
^huwaaat?! In the first place gf shouldn't have given bf access to her hard-earned money hindi pa naman sila kasal. Pero mali pa rin talaga ni bf yun he should have taken into consideration his gf's hardwork and time spent in saving that money. :(
Grabe naman na yang ganyan.
Did she break up with the guy na? Or maybe sue him para ibalik nya yun. Lol!

Just like what Tomhansen said, it should just be a hobby and the partner shouldn't neglect his responsibilities. 
If sobrang extreme na at nakakalimutan na to do other things at doon na naka-focus imbes na sa relationship nyo, aba mag-isip isip na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close