Author Topic: addict si hubby sa online games..  (Read 56022 times)

mikhia

  • Guest
addict si hubby sa online games..
« on: February 18, 2011, 10:14:00 am »
hi mga sis! naiinis ako kay hubby everytime na maglalaro sya ng online games.. dahil halos wala siyang kilala and inaabot ng ilang oras para lang maglaro.. like kahapon, almost 5 hours sya naglalaro.. and pag gabi, minsan ppasok na ko, hindi pa pala natutulog si hubby dahil hindi pa sya tapos maglaro.. wala naman akong magawa dahil parang yun na lang ang libangan nya.. hayy.. :(

ysa.belle

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #1 on: February 18, 2011, 10:17:15 am »
as long as hindi kayo napapabayaan ng anak mo eh pagbigyan mo nalang. as least nasa bahay siya kesa naman if naglalalabas siya ang nakikipag inuman sa mga barkada niya di ba?

pinkpotato

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #2 on: February 18, 2011, 10:20:38 am »
asawa ko hindi. ako mas addict esp sa cityville ngayon. waaaah. pero i'm trying to control. wala na sa ayos e.

meron ako friend ganun din asawa nya, pinag aawayan nila lagi. :(

mikhia

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #3 on: February 18, 2011, 10:21:04 am »
agree! hindi naman sya yung type ng guy na mahilig lumabas with friends.. hinahayaan ko na nga lang sya kasi alam ko na yun lang libangan nya.. kaya lang kasi, nagpupuyat pa sya para lang makapaglaro..

mikhia

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #4 on: February 18, 2011, 10:21:58 am »
pinkpotato: nakakainis lang minsan.. pero iniintindi ko na lang din talaga..

pinkpotato

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #5 on: February 18, 2011, 10:23:35 am »
^ sa friend ko she understood naman. even upgrade or download the latest pra mapaglaruan ng asawa nya pero masyado na addict. kaya na puno na sya.

ysa.belle

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #6 on: February 18, 2011, 10:29:32 am »
syempre minsan maiinis ka rin... basta tell him na hindi naman aalis yang mga OL games niya... pag nagkasakit kamo siya eh siya rin ang hindi makakapag laro kaya he should watch his health...

Aien0728

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #7 on: February 18, 2011, 04:41:29 pm »
haha! good thing na parehas kaming mahilig sa online games kaya ayos lang! haha! minsan inaabot pa kami hanggang madaling araw kakalaro siyempre we make sure na tulog na baby namin para hindi naman kawawa hehe!

sweety_paige

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #8 on: February 18, 2011, 04:57:08 pm »
My hubby is addicted to online games too, anong nilalaro niya Sis?

Nasanay nalang ako, hindi na ako nakikipag argue, malabo din naman akong manalo eh.  Away lang ang kalalabasan.  Madalas till morning na siya naglalaro...




mikhia

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #9 on: February 18, 2011, 05:00:44 pm »
^ before nung Christmas season, every week naglalaro sila ng DOTA kasama mga pamangkin nya.. ngayon naman, mga laro sa facebook ang pinagkakaabalahan.. imagine, ginawan na nya ng account baby namin para marami syang character, to think na sa May pa lalabas si baby.. nakakainis lang kasi na nauubos yung time nya dun.. and medyo papansin ako sa kanya kasi nga buntis ako..

sweety_paige

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #10 on: February 18, 2011, 05:05:47 pm »
naku, yung sa akin Sis mas malala, araw araw gabi gabi, hanggang umaga yan naglalaro.  Pray nalang na huwag magtuloy tuloy.  Pag facebook lang may pag asa pa yan na tumigil.

mikhia

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #11 on: February 18, 2011, 05:22:17 pm »
^ sakin din.. araw araw naglalaro.. basta may chance na maglaro, maglalaro talaga sya.. sana nga tumigil na paglabas ni baby eh.. mas mabuti ng kay baby maubos oras nya kesa naman sa kakalaro..

ana mimi

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #12 on: February 18, 2011, 05:30:45 pm »
same here.. naadik sa mga facebook games.. kaya ang ginawa ko e pinalitan ko ng password yung fb nya.. ayun, inaway naman ako.. mas mahalaga pa ata na makapaglaro sya.. adik na talaga.. nakakaloka.

kailangan na matigil ang kahibangan na... buti sana kung an hour per day lang yun e

nadialicious16

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #13 on: February 18, 2011, 05:38:04 pm »
naku ! sa akin naman si hubby bago bago pa lang kasalanan ko rin kasi.one time naglalaro ako ng typing maniac eh kailangan ko mag toilet pinalaro ko muna sa kanya aba aba naman nung bumalik na ako sabi ko alis na jan ! ay neng ayaw ng umalis.kaya hayun everytime bakante ang laptop laro ng laro ng typing maniac inaabot na minsan ng madaling araw wala naman improvement sa level nya kaya inaaway ko sya lmfao ! kasi amphibian pa rin sya. pero ako controllable,sya naman frustrated ma upgrade ang character nya. kainis. >:(

books_mags

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #14 on: February 18, 2011, 06:24:11 pm »
girls huwag ma-high blood sa hobby.

just like how much we like window shopping - which men cant understand...
men like to engage in hobbies, mostly games.  yes it is time consuming and addicting, as long as wala naman monkey business, be happy with it. 

ana mimi

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #15 on: February 18, 2011, 06:34:35 pm »
yun na nga yung sinabi nya e. minsan na nga lang daw sya magkaron ng hobby pinipigilan ko pa..

iba naman kase kapag naadik na, yun talagang whole day and night na.. yung ganun talaga, kakaiba na yun.

sweety_paige

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #16 on: February 18, 2011, 11:15:10 pm »
^correct sis, iba ang hobby sa addiction...


reb_woods072683

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #17 on: February 19, 2011, 02:33:38 am »
same here. so addicted to cabal ang hubby ko. inaabot na ng madaling araw. minsan nakakairita pero tama nga yung sinabi niyo na ok na yun kesa naman mag inom kasama ang barkada diba? kaso minsan talagang hangin ako kapag naglalaro. naku!!!

mikhia

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #18 on: February 19, 2011, 09:08:08 am »
^ hay nako sis, ganyan din ako noh.. parang hangin kapag naglalaro sya.. na kahit anong papansin mo eh dedma ka.. dati pag dadating ako galing office, inaabangan ako sa gate.. aba ngayon, walang pakialam basta makapaglaro lang.. hay nako!

sweety_paige

  • Guest
Re: addict si hubby sa online games..
« Reply #19 on: February 19, 2011, 05:10:38 pm »
Minsan napapaisip talaga ako kung mas okay nga ba talaga na maglaro nalang kesa ang uminom at lumabas...

Feeling ko kasi pag wala ka ng pera at walang kasama hindi ka na makakalabas at makakainom, eh yung addiction sa online game hanggat may kuryente sige ng sige...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close