watch now

Author Topic: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo  (Read 20260 times)

ysmem

  • Guest
count me in...presently working here in Doha, Qatar for 4 yrs. kasama si hubby...i left Dubai last 2007, worked in Breadtalk...stayed in Deira :)

yancy

  • Guest
wow i belong... kmusta mga sis  ;D pa join..

SnowBall

  • Guest
Mga sis, RN kasi ako, pag naiisip kong mag work sa middle east, natatakot ako, kasi siyempre
sa mga nababasa ko sa news, and napapanood na din. Siguro may lakas pa ako mag work sa Dubai, or UAE
gaya ng mga nababasa ko dito, pero sa saudi, parang nakakatakot kasi...

chedz.03

hi sis! i'm here in saudi with my husband. not yet working but looking for a job ako. if you would apply as nurse naman dito sa saudi usually live- in ka sa hospital. so hindi delikado rin. weekday
s lang kayo makakalabas and may limit since may service kayo paglabas nyo. hindi naman delikado sa saudi as long as pag-iingatan mo sarili mo at wala ka lalabagin na batas. mas tahimik pa nga dito kesa sa manila...

Periwinkle25

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #24 on: September 07, 2011, 08:29:02 am »
tama sis..hindi nakakatakot dito..basta syempre behaved ka..i've been here for more than 3 yrs, pag govt hospital..ok ang salary..mukhang stay ako dito ng 5yrs eh..ang isa pang maganda dito, libre lahat except luho..hehe..kaya kung matipid kang tao, mayaman ka na pagbalik mo..kami, nkaparenovate na ng house at nkabili ng car..tapos paaral ko pa 2 brothers ko..and of course, i love gold!!! mahal na nga lang ngayon.. :( ..though balak ko pa rin bili pagbalik ko.. kasi im eyeing on canada..eh sabi ng friend ko, walang pure gold dun  or siguro mahal kaya while im here, indulge lang..hehe.. like ko umalis dito kasi ikakasal na kami ni h2b and i personally believe na hindi conducive dito to have a family..hindi enjoy dahil sa restrictions..pero sa cities naman, ok na rin kasi mas open..yun lang, medyo nagiging demanding na ang work ko ngayon kaya superlike ko nang layasan.. :(

chedz.03

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #25 on: September 12, 2011, 02:36:21 pm »
@sis periwinkle- san ka dito sa saudi? hopefully by end of this month magkakawork nako... but need umalis ni hubby dito for 2months kasi may training sya sa cali... a lil bit sad kasi maiiwan ako dito mag-isa though may mga kasama naman kami dito sa house na kapwa pinoy/ pinay... naghahanap pako ng service since transpo allowance ang ibibigay sakin ng company na papasukan ko...masaya sana kung bakasyon muna ko sa pinas pero di ko mabitawan ang job offer dahil sa OPM-SANG ako mapapasok and maganda ang salary sayang naman kung di ko itutuloy...

jpsv72

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #26 on: September 13, 2011, 11:45:58 pm »
Wow ;Dwelcome sa inyong lahat, kitams marami palang taga ME dito. I'm from Jidda (Jeddah), di naman ganoon ka strict, pero kahit saan ka naman di ba kung immoral ka kahit saan di ka tatanggapin ng madla. Yun ang problema sa iba nating kababayan, gumagawa sila ng kalokohan di nila sina alang alang na di lang sila ang affected pati yung mga tao na maayos naman kung mag trabaho. Anyway ilan lang naman yung mga ganoon, but still mahal na mahal ng mga Saudis ang mga Pinoy kasi magaling silang mag trabaho at matyaga. At working here for 6 years in 1 company masasabi kong safe ako. maliban na lang dun sa mga nakukulong dahil sa mga kalokohan nila, manlalaki ka ba naman, asawa ng may asawa, samahan mo or mahuhuli kapang nakikipag holding hands sa di mo asawa, di kalaboso ka. Yun lang ang mga ayaw nila, dance with the tune, hwag mong gawin ang bawal para safe ka. ;D

Periwinkle25

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #27 on: September 14, 2011, 04:11:55 am »
^^ sis, im here sa sulok ng Saudi..near Kuwait pero strict dito..we still have to wear burga though now, we can go out anytime we want basta walang kababalaghan..hehe..super nice din samahan dito and safe naman talaga..di ko rin maiwan ang work ko dahil sa compensation.. salary sa Pinas x 6 dito so it's really hard to leave..ipon muna tapos aalis na by 2013 if hindi ako matuksong magstay..im still funding the schooling of my 2 bros..yearly naman uwi kaso like ni fiance,1 year na lang eh..kaya dapat talaga yung mapapanindigan kong umalis..haha

^tama sis, it's even safer here basta abide by the rules..more than 3 yrs na rin ako here..but sad to say, there's no place like home talaga..iba pa rin ang ligaya sa pinas..hehe

chedz.03

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #28 on: September 16, 2011, 05:26:41 pm »
@jpsv- tama, kung wala ka naman gagawin kalokohan dito sa saudi hindi dapat matakot na tumira dito although be aware pa din sa paligid kasi iba ibang lahi na ang kasama natin. pero ako takot pa din ako lumabas na mag-isa lang kasi yun area namin ngayon eh madalang ang mga kabayan. saka di ako nagtataxi na di kasama husband ko.

@periwinkle- goodluck sanyo sis ng h2b mo... once matapos na sa schooling ang mga kapatid mo pwede na magbabushhh sa saudi hehe...

speaking of bawal sa saudi, kwento ko nalang din... may kakilala kami dito na nahuli ng pulis kasama yun jowa nya na pinay din. eh siguro may nagchuchu na kabayan din, paano ba naman dinadala ni kabayan ang jowa nya sa bachelor's flat. ayun kamalas malasan nadamay pa yun isang kabayan na kasama sa bahay kasi nagkataon na nung niraid eh andun din sa flat si kabayan. 3 silang nakulong at nalatigo. sakit kaya nun talagang di sila makalakad sa sakit. tapos after a year napauwi yung 2 guy at banned sila dito. yung isa  for 2 yrs. yung isa naman eh for 5 yrs. yung babae hindi napauwi kasi naasikaso agad ng company nila yun clearance nya...

kawawa naman lalo yung pamilya sa pinas... mas yung kabayan na nadamay lang diba.... =(

xirtej

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #29 on: September 18, 2011, 12:46:50 pm »
Hello mga sis. Isa rin ako sa mga nagbabalak na magtrabaho sa Dubai (ang isa ko pang option is Singapore). Currently, isa akong IT auditor for one of the biggest banks dito sa Pinas. Pero bago palang ako, wala pang one year. I used to work naman for one of the Big 4 firms, pero one year lang ako nagwork as external auditor. Ask ko lang sana if madali ba ang makahanap ng work kahit mga 3 or 4 years palang ang experience mo working dito.

blackberryqueen

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #30 on: September 18, 2011, 01:08:36 pm »
Sis, you've got good chances sa UAE. I know some with the same background as yours.

xirtej

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #31 on: September 18, 2011, 01:24:12 pm »
Sis, you've got good chances sa UAE. I know some with the same background as yours.

Really sis? That's very good and comforting to know that I stand a chance.  ;D What about sa call center or customer service industry? I'm also looking for opportunities for my boyfriend. Nursing graduate siya but he did not pass the board. He has been working as a CSR for almost two years.

blackberryqueen

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #32 on: September 18, 2011, 01:41:38 pm »
I'm not familiar with the call center industry. I can only speak for the opportunities available for CPA's here, being one myself.  ;)

xirtej

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #33 on: September 18, 2011, 03:30:20 pm »
I'm not familiar with the call center industry. I can only speak for the opportunities available for CPA's here, being one myself.  ;)

It's okay sis.  :D Ano ba ang mas preferred ng employers dyan? Iyon bang I'm already there for interviews or okay lang sa kanila na phone interviews lang tapos andito pa ako sa Philippines? Mahirap kasi magresign sa work tapos wala pang sure na malilipatan...

blackberryqueen

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #34 on: September 18, 2011, 03:59:43 pm »
^I will send you a PM sis, baka ma-OT tayo dito.  ;) :)

jpsv72

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #35 on: September 21, 2011, 07:15:47 pm »
sis chedz.03 , maraming ganyan dito, inuuwi sa bachelors pad nila ang mga gf nila, kaya ayun, kalaboso ang uwi, minsan nga sabi nila, asawa nila pero pag bakasyon may kanya kanya silang inuuwian sa Pinas. >:(

chedz.03

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #36 on: September 22, 2011, 01:02:38 pm »
sis chedz.03 , maraming ganyan dito, inuuwi sa bachelors pad nila ang mga gf nila, kaya ayun, kalaboso ang uwi, minsan nga sabi nila, asawa nila pero pag bakasyon may kanya kanya silang inuuwian sa Pinas. >:(
oo sis... may mga kilala din kami na ganun... some has their own reasons like hiwalay sa asawa sa pinas or nagloloko din yung asawa na naiwan sa pinas... pero ang di ko keri is pag alam ko na matino yung naiiwan sa pinas at nagagawa pang lokohin ng asawa nasa abroad... nakaka-sad lang. oh well, that's their life. i just feel sorry for their family in the Phils...

pag nahuli ka kasi ng mga pulis, di ka talaga titigilan sa kakatorture hanggat di mo inaamin na may nangyari (sexually) sa inyo ng girl. kaya pati yun isang guy na hindi naman talaga nagloloko, nagkataon lang na kasama sa b.pad yun mag "jowa" ayun napilitan aminin na may ngyari din sa kanila ng girl...

lakas nga ng loob nila, nakakatakot pag nakulong ka sa banyagang bansa lalo na dito sa middle east... dahil dito kadalasan, pag nakulong ka, kahit wala ka kasalanan paaminin ka padin nila eh lalo kung di ka marunong mag-arabic...patay kang bata ka hehe

chedz.03

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #37 on: September 22, 2011, 01:06:23 pm »
start nako ng training next week! finally, after 6 mos. of being a bum here in saudi magwowork nako tee hee!...

excited but a bit worried... nose bleed ako sa mga workmates ko eh hahahah... i'm the only filipino tapos puro americans na... =(

chinkyaise

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #38 on: September 22, 2011, 01:15:33 pm »
Joining the thread, I'm from Dubai and I'm working here for more than 3 years already.  Super common talaga ang infidelity, I've seen so many cases na ganyan, sad pero I guess that's the reality of life.  I have a boyfriend, single naman ako and never married, we have a choice to live together but it's our decision to live separately. I'm staying in bur dubai, he's staying in deira, I guess it depends also on the values instilled to us by our parents.  I used to have friends who happens to have illicit affairs but I'm very glad that they realized it's wrong and now they enjoy being single. 

chedz.03

  • Guest
Re: GT's working in Middle East-Anyone working in the Middle East here, dito tayo
« Reply #39 on: September 22, 2011, 01:22:03 pm »
@chinkyaise- i'm glad you chose to be on the right path... keep it up sis! ^__^ kasi in the end naman, tayo din ang mag benefit sa mga ginawa natin eh, good or bad...

Latest Stories

Load More Stories
Close