hi reese & qtme! im joyce!
si ate joyz ang nasa saudi. kami ni mommy fritz (happymom), ang andito sa dubai. :-)
ay fave din namin yung didi's, large combination tsaka chicken at pansit palagi namin order. toll house, hindi masyado, baked mac lang kinakain ko dyan. camalig hindi pa ako nakakain dun. yung aling lusing sisig, yan ba yung sa likod ng chevalier, o yung sa may crossing? dyan kasi sa dalawang yan lang kami bumibili ng sisig.
teka, aling lusing ba yung parang may kubo kubo? ang gusto naman ni hubby dyan, yung fried crablets na sawsaw sa suka, tsaka mga ihaw ihaw.
ate joyz, kaaga namang lumilitaw nung aswang na yan! sabuyan mo ng asin para malusaw! ay para sa aswang ba yun? bawang nalang pala. :-)
ay ate joyz, ako kasi pag nakagawa na nga schedule, gusto ko nasusunod. ayoko ng paiba iba, naiinis ako pag ganun. hehe. effective kasi sakin yung ganyan. o diba, masinop na masinop ang dating. lahat may schedule. time sheet ba ito? hehe.
kaye, buti nga pumayag si mil sa schedule. e may karapatan din naman ako sa washing machine kasi nag share kami sa pambili nun. ang mahal mahal! 2400dirhams! 800dirhams ang share namin. sabon ko na, downy ko pa. tubig at kuryente e nagbibigay din kami.
lyn, kasyas na ata ning mais mu! :-) meron kami binibilan ng sweetcorn, malambot tsaka matamis, sa may friendship hiway, tapat ng westfields. tuwing susunduin namin si jing nun, bumibili kami, kaya naging suki namin.
sabi ni brother inlaw, may ni-rape daw sa holy angel nung isang araw, second year college (or high school daw). tapos tinapon lang sa gilid ng simbahan, pero buhay naman. nakakatakot naman. ganyan naba ka-horny ibang tao? kahit sino nalang na ma-spot-an.
mommy, may terrace kami, sa kwarto ni mil. e baka daw maalikabukan kaya sa hallway namin nilagay sampayan namin. yung steel na naitutupi. madali matuyo kahit ganun lang siya, kaya everyday pwede maglaba. dito sa kwarto namin minsan nagsasampay ako sa double deck nung dalawa. meron din ako sampayan dito sa kwarto namin, yung isang bar lang na mataas tapos may gulong sa baba. para sa ibang damit na naka-hanger, tsaka sa towels din.
hi ging, ice, ysa, mav!
mitch, nananu ka kanyan? emo mode ka kanu? haha!
qualified nanaman ako essay writing contest! :-)