mga bru, happy women's day, too!
mitch, nung first meeting namin nila jeng & lyza, nagcoffee kami sa balibago. yung second, sa house naman nila lyza, despedida na ata. :-) pero si jeng nagpupunta talaga sa house, nakikikain ng cake. hehe!
sino naman a-agree sa kanya? oo mas matanda siya, mas alam niya magpalaki ng bata. e pero, anak ko naman yung pinapakialaman noh? hehe. buti pa si father inlaw, hindi masyado, nasa lugar naman.
mommy, sabihin mo kay daddy, bili siya ng ear phone. saksak niya sa tv para wala talagang istorbo. haha.
kaye, korek! kontrabida na nga ang drama ko at siya ang inapi. haha! actually, siya na ang reyna ng tahanan, hindi naman ako kontra dun. ako pa magreyna reynahan dito? ni ayoko nga lumalabas ng kwarto kung hindi lang ako tawagin ni hubby o kaya kung may gagawin lang ako sa labas, dun lang ako lalabas. nakilala nila ako na ganyan, hindi machika sa kanila. not that i dont like them, hindi lang talaga ako ma-PR.
ang sakin lang, oo nga nakikibahay kami ng anak niya at ng mga apo niya, pero hindi naman niya kami palamunin kaya wag nalang sana nagsasabisabi. in the first place, ngayon lang ako naka-meet ng magulang na pinagbabayad ang anak sa pagtira lang sa bahay niya. oh my!
ate joyz, haha, sino igi-greet natin ng happy kidney's bukas? :-) ay rugo, yaku naman ing masermun ngeni. hehe. ang sarap basahin ng paulit ulit yung sinabi mo ate joyz. para kang mommy. super swak yung pasok sakin ng mga sinabi mo. pwede bang mommy joyz nalang din, tutal para ka din si mommy fritz? sige, ganyan ang gagawin ko. thanks mommy joyz! :-)
matagal tagal na din kami nakikitira. ever since kinasal kami, sa kanila na kami dahil bata pa kami nun. gusto ko sana sa amin kami tumira, open na open & welcome si hubby, gaya mo, kilala ko rin ang family ko, hindi sila nangmamata ng tao kaya kampante ako sa kanila. pero naisip ko, baka si hubby naman ang mahirapan, kaya i choose na ako nalang ang makikisama, kahit hindi ko pa kilala mga inlaws ko.
hindi pa kami nakakapagsolo, kahit apartment, dahil tinuloy pa namin college for how many years. ineexpect ko nga, dahil lalaki ang anak nila, baka ikuha kami ng apartment or bigyan kami ng bahay. haha. hindi pala!
by the time na nagkawork naman si hubby, e nagbigay naman agad ng dagdag bayarin ang MIL, paano naman kami makakaipon para makapag umpisa. hindi ko naman mapilit si hubby na magsarili na kami dahil siya din mahihirapan. siya lang nagwowork para samin e. kaya sabi niya, tiis muna kami.
hi lyn!
lunch: adobong manok :-)