watch now

Author Topic: How to tell a kid re concept of rich and poor?  (Read 9607 times)

thess

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #20 on: March 01, 2012, 03:53:06 pm »
Yung mga kids ko nagkukwento na si ganitong classmate nya daw ay rich. Sabi ko bakit mo nasabing rich sila? Sagot nya kasi daw malaki bahay nila, minsan yung classmate nya daw ang may sabi na rich sila, parang uso na rin yata sa mga bata to think grade 1 pa lang yun, na magpayabangan hehe..sabi ko naman sa anak ko kasi tinatanong kung rich ba kami, na hindi kami rich kasi sa small subdivision lang kami ang rich yung nasa executive village at may 3 or more car, at hindi rin kami poor dahil may car din naman kami...

whinx

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #21 on: March 06, 2012, 01:48:56 pm »
Sometimes hindi din maganda yung effect sa kids pag msyado expose sa rich and poor concept lalo na pag financial status yung basis... I have an 8-year old pamangkin and masyado sya affected by this rich and poor thing... feeling nya pag madaming pera automatic rich na agad pag mas konti yung pera poor na... ang nangyayari ang hilig nya mgcompare... pag yung ibang kids may gamit na ganito and sya wala sabihin nya agad mahirap lang sila or buti pa sila mayaman...

Wala naman masama to explain what is rich and what is poor kailangan lang maging maingat tayo sa pag explain sa kids... baka maging iba ang interpretation nila and pg humarap na sila sa tao ganun na yung ipakita nila.

mameejhy

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #22 on: March 06, 2012, 02:34:39 pm »
Sabi ko nga sa anak ko, hindi porque may iPad (may iPad daw classmate nya -6yrs old) eh mayaman na kasi may mga mayaman na walang iPad pero maraming bahay o lupa. Nagpapabili na kasi ng iPad ang anak ko.

skyrimgal

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #23 on: November 17, 2012, 11:50:08 pm »
naalala ko yung laging sinasabi ng nanay ko when i would ask kung mayaman ba kami nung bata ako kasi nagaabbroad tatay ko lol sabi niya, "anak, ang mayaman hindi kailangan magtrabaho dahil marami na silang pera. pero kung kailangan mo magtrabaho para magkaroon ka ng maraming pera, hindi ka mayaman." lol

Kady_14

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #24 on: February 12, 2013, 10:16:07 pm »
Hindi naman nila (our kids) kami tinanong if mayaman ba kami o mahirap. Pero alam nila yan kasi naririnig ko sila like "si __ mayaman, laki ng bahay nila sa ___, dami nila yaya, dami nila car"

Deadma lang kami kasi silang magkapatid lang naman ang naguusap, and true enough mayaman yung family nun kids na yun kasi kilala ko personally ang Mom (classmate ko sa MC) and alam ko na may kaya sila.

Ang naaalala ko lang na conversation namin ng daughter ko similar to this was when my bestfriend came over so we could talk about her wedding preps, she stayed till the wee hours in the morning. The next day my daughter asked anung oras umuwi ang Ninang nya, sabi ko umaga na. Sabi nya "Pwede ba yun? doesn't she have work today?" (kasi she's used to mga "ay di ako pwede me pasok bukas" - employee reasons from us and other fam members) Sabi ko, honey they own the company, she can opt to not go to work. Coz she's the boss. Sabi nya "Cool!"  :o

Kaya sabi ko sa kanya aral sila maigi and be their own bosses too in the future.
« Last Edit: February 12, 2013, 10:23:35 pm by Kady_14 »

angeleigh

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #25 on: February 18, 2013, 07:06:42 pm »
Kapag nagka-anak ako, I will not teach him/her concept of "rich" and "poor", but rather teach him/her concept of "hardworking" and "tamad".
Kung ano man ang material things na meron ang ibang tao, it is because they work hard for it. If they want it, they got to work for it.

jtansanco

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #26 on: February 18, 2013, 07:14:15 pm »

bluegintonic

  • Guest
Re: How to tell a kid re concept of rich and poor?
« Reply #27 on: April 10, 2013, 02:27:14 pm »
hard to explain to a 5 year old kid in question.Iba iba kasi ang concept ng "rich"at "poor",lalo pag may mga playmates na panay yabang na "meron kami ganito, kayo wala kaya hindi kayo rich".In my case, my eldest is about 8 nung nakarinig ako na mga classmates nya na neighbors din namin who said something similar.I told my daughter this: Hindi lahat ng mukhang mayaman eh mayaman nga.Hindi lahat ng kids na sunod sa uso sa toys,gadgets,panay trips abroad eh mayaman nga. Minsan UTANG ng parents nila yon-on the form of CREDIT CARDS.Ang tunay na mayaman,tahimik lang,simple kasi hindi naman dapat ipagyabang yon dahil sa panahon ngayon, NAKIKIDNAP ang mga batang "mayaman".I told  it to her that way.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close