watch now

Author Topic: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?  (Read 338358 times)

superMeme

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #120 on: March 12, 2012, 04:44:05 pm »
Sis aiden the soap, how many times mo ginagamit in a week? And ilang days nagtatagal bago sya magamoy doggie ulet?

Yung balm havent tried yet...yung soap kasi nagwork sa rashes nya.  Un cologne, yun ba un nasa spray bottle?  How was it sis, Tumatagal ba amoy?

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #121 on: March 12, 2012, 05:02:06 pm »
^ako naman nung ginamit ko sa bulldog, wala pang 1 week lakas na ng amoy nya, actually kahit bagong ligo, may amoy pa rin sya hehe. Pero minsan kasi dahil sa food or natural scent na nila yun, ngayon na nakaraw kami, kahit di sya naliligo nalessen ang amoy niya. Mind you, inaabot kami ng months bago siya maligo ulit, cornstarch lang gamit ko as dry shampoo. pero pag nakabili ako ulit ng soap tignan ko kung may changes.

snix

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #122 on: March 12, 2012, 09:16:23 pm »
user ako ng giga pet cologne..yung giga pet soap rin dati okay siya kaya lang ng lumaki na baby ko hindi na kaya yung doggy smell niya kaya nagiba nako ng soap..

as for the cologne, panglalake yung amoy niya pero once naspray mo na okay naman..it lasts for about a week yung smell ng cologne sa baby ko..

gusto lo rin try yung balm kung effective talaga..

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #123 on: March 12, 2012, 10:30:58 pm »
^yung cologne ba nila sis, yung typical na amoy ng natural insect repellant like citronella? balak ko bumili pag napunta ako ng trinoma, lalo yung balm, sobrang gaspang ng foot pads at ilong ng panganay ko, magalasgas pag hinahawakan haha! ;D

snix

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #124 on: March 13, 2012, 11:54:12 am »
^hindi ko maexplain eh..alam mo yung pababgo ng lalake parang ganun haha..pero okay naman pag tumagal yung amoy hindi na ganun katapang..

siya rin magaspang yung ilong at paa..yung sa paa okay lang kasi kahit anung lagay ko ng balm du hindi mawawala dahil inilalakad ko.. yung ilong ewan ko dun kung san nun yun kinakaskas kaya naging maligasgas ;D

dun ako bumibili diretso sa giga mismo sa sm annex para walang patong

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #125 on: March 13, 2012, 02:02:43 pm »
^naiimagine at naaamoy ko yung amoy haha! iniisip ko nga kung kikinis pa ulit kaso parang wala ng pag-asa, parang nagcrack na talaga. kailangan ng scraper para maalis yung gaspang haha! iniisip ko din kung kaya ng vco at sunflower oil, kaso ang init na ngayon at baka madulas dulas sya pag naglakad.

snix

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #126 on: March 13, 2012, 10:29:57 pm »
^keri pa siguro yan sis kasi hindi naman diba mahilig maglakad lakad baby mo..baka bago magsleep pwede mo lagyan ng vco?

yung sakin kasi hindi ko pwede palambutin yung paa at mahilig magtatakbo yun..namimiss ko nga yung puppy paw pads niya na sa sobrang lambot eh ipinanghahaplos ko pa ng muka ;D

anyway, yung cologne okay naman siya..natural rin kasi eh alam mo naman ang lola mo mahilig sa mga natural ek-ek plus natatabunan yung amoy doggie

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #127 on: March 14, 2012, 12:38:49 am »
^mga ilang spray nagagamit mo sa kanya? haha!

dati halos everyday ko siya nilalagyan ng VCO, pero sa katawan lang tsaka pinapainom ko. Try ko nga ulit baka sakaling magmilagro haha! Yung sa kanya kasi effect ng distemper kaya di ko alam kung maaayos pa. Imaginin mo pag sunog kunyare yung food, ganun parang natapalan na ng dry skin haha! Tsaka yung area niya kasi kahit tiled, pag nakawala palakad lakad siya sa pavement at pebbles pero pinagdikit rin ng semento kaya matigas pa rin.

aiden

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #128 on: March 14, 2012, 11:06:29 pm »
Hi sisses!

Re: balm. My dog is 5 years old and lumambot naman yung kalyo niya. I put some sa footpads niya when I notice ma magaspang siya. My dog kasi is an indoor dog so hindi super malala yung kalyo except sa siko pero malambot na rin yun kalyo niya sa siko pero I dount kung magkakabuhok pa yun. Try VCO too for dry skin. Pero kasi kapag VCO nilalagay ko, my dog tends to lick it off kasi yummy para sa kanila yung VCO.

Re: soap.hindi ako alam kung gaano gumatagal since patong patong namin ginagamit yun products ng giga. Mga once a month lang namin pinapaliguan dogs namin kasi nakaka-dry ng skin and coat nila kapag lagi. We just wipe them down with a damp cloth para malinis coat tas reapply ng balm and perfume.

Re: perfume. careful in applying this kasi matapang ang amoy nito that it can irritate your furkid's nose. What I do, I spray once sa batok nila then I spread it na lang by massaging or combing.

snix

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #129 on: March 14, 2012, 11:28:26 pm »
^ako naman i use three sprays..sa neck, middle ng body and then yung rear end..takpan ko yung eyes niya pag inispray ko..actually gustong gusto ng baby ko yung amoy naghihiga pa para sprayan ko ying tyan ;D im not worried rin kahit dilaan niya since it's natural

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #130 on: March 15, 2012, 01:25:20 am »
^^thanks sis for the info. yung bulldog ko naman may kalyo din sya sa elbows, parang may sugat pa nga. pero napansin ko nitong nagraw kami parang nawala yung sugat kasi naglighten sya eh, ewan ko lang kung raw diet ang may gawa talaga, actually matagal na yun pero nung tinuloy-tuloy ko ang raw biglang nagiba yung itsura, para syang nabalatan. Pag umalis ako try ko bumili ng products nila ulit, tignan ko kung mapapatubo nya yung hair dun sa elbow.

Okay din sis ang cornstarch and baking soda as dry shampoo, madalang ko din paliguan yung bulldog kasi masyado silang sensitive, may mange pa siya kaya maingat ako sa skin nya. 2-3x/week brushing and natural dry shampoo lang gamit ko sa kanya, pero pag tapos para talagang bagong ligo, ang linis-linis at nawawala yung doggie smell.

superMeme

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #131 on: March 16, 2012, 08:38:27 am »
^sis panu gamitin dry shampoo?  As in parang pulbos, haplos lang sa buong body nya?

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #132 on: March 16, 2012, 08:46:51 am »
^yes sis. kailangan mo lang ng towel and brush para maalis mabuti yung powder. naabsorb kasi ng dry shampoo yung oils and dirt so para luminis siya, rub mo mabuti ng towel tapos suklayan para walang maiwan sa skin and coat na pwedeng magcause ng dandruff.

baliya15

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #133 on: March 18, 2012, 12:08:58 am »
Ano po magandang shampoo para sa maltese? Gusto ko yun nakakaputi at malambot na parang bagong groom. Di ko pa kasi napapagroom puppy ko. Thanks po.

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #134 on: March 18, 2012, 12:58:27 am »
Dahil white ang maltese, look for whitening shampoos. Pero gamit kayo ng conditioner kasi nakakadry ng coat ang whitening shampoos. Bilib ako sa galing ng Seargent's Hi-white, aside from very affordable, even yung red stains sa eyes, folds, and feet, napapaputi nya talaga. Maganda rin ang All Systems, pero conditioner lang ginagamit ko kasi namamahalan ako haha. Pero next time all systems na rin kukunin kong shampoo kasi maganda talaga sya sa coat. Silk Creation may whitening shampoo na rin sila, merong mga mas mura pero kung gustong gumanda talaga ang coat, mabilis makikita ang results pag premium coat products ang gagamitin.

baliya15

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #135 on: March 18, 2012, 09:14:44 am »
^thanks sis!!  :)

jieb_720_ohs

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #136 on: March 28, 2012, 04:54:12 pm »
My boys use Perfect Coat Shed Control. Kung ibang shampoo kasi sobra sila mag-shed. As in parang naka-kalbo sila.  ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #137 on: March 30, 2012, 09:22:24 pm »
^ano ang dogs mo sis? at ilang days bago mawala yung smell ng Perfect coat? Gusto ko itry to pero di matuloy-tuloy, Seargent's at All Systems kasi lagi kong nakikita.

galadriel

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #138 on: March 30, 2012, 10:14:51 pm »
Nakaka-inggit naman mga posts dito. I've been wanting to try those shampoo and conditioner brands that will make our tzu's coat really pretty. Since we are dealing with demodectic mange right now, soap lang with madre de cacao but I put VCO prior to bathing him. We've also decided to keep his coat short. Once this ordeal is over.. I'll go back to this thread and check those suggestions again.  ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: WHAT'S THE BEST DOG SHAMPOO/CONDITIONER/COLOGNE/POWDER?
« Reply #139 on: March 31, 2012, 01:51:01 am »
sis, ilang taon na ang tzu mo and anong ginagamit nyong medication aside sa soap with madre de cacao? My other dog has demodectic mange din. Recurring yung kanya pero nacontrol na namin, ang mahirap lang every month ang maintenance kaya liver nya ang iniisip ko ngayon. Tomorrow nga he will undergo some blood tests para macheck kung okay ang organs niya. Ilang araw na ako nagdadasal na sana wala naman problema.

Ano din pala ang food nya? I suggest to add protein sa food kahit pa premium dog food gamit nyo and regular dose of fish oil para mas mabilis ang recovery. Maraming benefits ang fish oil di lang sa skin, makakatulong yan to boost his immune system. Kasi ang mange, sign sya ng mahinang immune system. Pag puppy pa or wala pang 1 year, para lang syang juvenile mange kasi nga hindi pa ganun kalakas ang immune system, pero kung adult na it might mean something else, pwedeng may underlying health issue na mas seryoso like sa hormones and organs nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close