watch now

Author Topic: UAE: Dubai, Abu Dhabi  (Read 136050 times)

shoutingwind

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #460 on: August 02, 2011, 01:39:49 pm »
http://gulfnews.com/news/gulf/uae/crime/waiter-and-saleswoman-held-for-indecent-act-1.845949

Kaloka naman si ate. Sana man lang hindi na lang nagpahuli! Kahihiyan. :(

j27

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #461 on: August 02, 2011, 01:58:28 pm »
^ngek! goodbye kiss ko nga lang si hubby sa labas ng building nagdadalawang isip pa kami e. hehe. bawal ba mag goodbye kiss sa labas ng bahay? parang smack lang naman yun.

bhey0624

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #462 on: August 02, 2011, 02:05:28 pm »
@shoutingwind, alam naman nilang bawal eh sige pa rin sila! pasaway lang talaga!

@j27, cheek to cheek na lang para safe hehe

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #463 on: August 02, 2011, 02:18:42 pm »
kaloka nga minsan ang mga kababayan natin. last week me nabasa rin ako na kasambahay naman. buntis at nalaman ng amo, hayun ni report sa police. kulong sila ng lover nyang pakistani. tumatakas pala sya sa bahay pag tulog na mga amo at nakikipagkita sa dyowa ::)

yun last december naman, na meet lang nya sa bar at ni hindi nakuha ang name ng guy. sa cr naman sila pero di naman nahuli. nabuking lang nung nag pa check kasi masakit ata tyan or dinudugo. hayun nabuntis din pala at di nya alam. tawag agad ng police yun hospital kasi dalaga sya.

j27

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #464 on: August 02, 2011, 05:16:38 pm »
^bhey, kiss ko siya sa noo. parang lolo noh? hehe.

^happymom, ay talagang ganun pala noh? mahigpit sila, kahit sa hospital, sila na mismo magsusumbong pag nalaman na dalaga pa.

shoutingwind

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #465 on: August 02, 2011, 05:50:23 pm »
^depende sa ospital yan. Yung mga private hospital hindi naman nagsusumbong.
Pero nga dahil siguro kakaiba yung case nya (hindi nya alam na buntis sya), sinuplong na sya ng ospital.

Madami ako kilala na buntis sila out of wedlock pero nakakapagpa check up pa din.
Hindi naman kasi itatakwil ng ospital (lalo kung private) kung hindi kaduda duda ang mga kilos mo.

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #466 on: August 03, 2011, 01:05:13 pm »
^oo nga. usually sa mga government hospital ang nagsusumbong. lalo na me mga naka station na mga pulis dun.

hayan, headline pa rin sa mga newspapaer yung dalawang kaso na pinas uusapan natin :-\

seraphine

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #467 on: August 06, 2011, 04:31:31 pm »
panggulo lang po.

tanong ko lang may alam kayong shop/service center na pwedeng magpa-open line ng usb modem? meron kasi akong nabili na etisalat modem. gusto ko rin sana gamitin sa du sim ko. any ideas? thanks in advance.

blaire.witch

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #468 on: August 07, 2011, 03:08:33 am »
ang gulo-gulo talaga ng isip ng gobyeno ng dubai. may mga batas sila laban sa indecency pero talamak naman ang prostitusyon! hay..

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #469 on: August 11, 2011, 03:26:38 pm »
tanong lang po... totoo ba na hindi ka na makukulong ngayon pag di ka nakakabayad ng mga loans dito? me mga bagong repayment scheme na daw mga banks?

nag si search ako ng news tungkol dito pero wala akong makita.  :-\

southpaw

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #470 on: August 11, 2011, 05:03:58 pm »
^sis, wala pa akong naririnig na ganyan.

Ikwento ko lang, may isang kakilala yun tito ko na nakautang ng kulang-kulang AED 350K sa bank/s. Pinambili daw ng mga sasakyan at ng property sa Pinas yun funds. Although maganda naman daw ang work dito (managerial level na sya sa Emaar), hindi sya nakakabayad ng monthly installments nya sa loan, so nakulong. 3 and a half months lang sya sa kulungan dito, and sabi pag labas daw ng kulungan, eh parang cleared na sya from his debt.

I don't know how true. Pero kung ganun nga, marami talaga ang mae-engganyo na mangutang at magpakulong na lang - kasi syempre ang mentality ng mga OFW, para naman yun sa ikauunlad ng buhay ng mga naiwan sa Pinas. Malaking money nga naman yun pag i-convert sa Pesos. And ang kulungan dito, hindi naman katulad sa Pinas na overcrowded at talagang miserable. Sabi nga ng mga galing sa loob, parang nagbarko lang daw. ::) Kasi maayos naman daw ang tulugan pati ang food. At least pag-uwi nila, medyo mas maginhawa na ng konti ang buhay sa Pinas kasi may mga properties na.

Buhay Dubai nga naman. ;D

shoutingwind

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #471 on: August 11, 2011, 05:11:46 pm »
^madami na ako narinig na ganyan actually. :D

j27

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #472 on: August 11, 2011, 05:26:07 pm »
so totoo nga? :-) tempting nga yan kung ganun lang pala ang parusa. pero wag muna pakasiguro, baka mamaya biglang mag iba ihip ng hangin. hihi.

southpaw

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #473 on: August 11, 2011, 05:36:32 pm »
^true! :)

Madami din akong friends na on-purpose nag loan sabay bye-bye UAE! :P

Pero nakakakonsensya pa rin kasi it's still considered pagnanakaw. Kahit pa sabihing hindi individual kundi bank naman ang inisahan mo. ::)


imnuttz

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #474 on: August 11, 2011, 06:33:03 pm »
kaya nga yung naiwan kong cc dati binayaran muna bago ako nakabalik sa dubai though hindi naman nireport ng bangko kasi maliit lang naman talaga wala pang 4k. kinukulit ko kasi sa clearance letter, di na daw kailangan at wag daw ako mag alala at hindi naman hihingin sa akin sa airport  ::)

sakit siguro ng ulo nung mga nasa pilipinas na ngayon at umutang muna sa dubai bago umuwi. kasi mayat maya kukulitin ka ng mga naniningil at threatened ka pa na sasampahan ka ng kaso.

iba na ang may peace of mind ka.

j27

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #475 on: August 11, 2011, 11:16:11 pm »
sa hirap ng buhay sa pinas, talagang papatusin yung mga loans na ganyan.

tama, pwedeng nakautang sila ng malaking halaga ng walang kahirap hirap, pero walang peace of mind yung mga yan hanggat hindi nila nababayaran. kahirap kayang matulog ng may inaalalang utang (pwera nalang kung talagang dedma, akala niya naka jackpot siya). yun lang makaligtaan ko ng isang araw yung due date takot na takot na ako sa mga late charges e.

keisha_sophia

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #476 on: August 12, 2011, 03:18:17 pm »
hi mga sissies im a newbie here po..2nd week po ng september alis na ko papuntang abu dhabi..kakalungkot man dahil maiiwan ko 1 yr old baby girl ko pero sa hirap ng buhay ngayon sa pinas kelangan mong tiisin ang bigat sa loob ng pagiwan sa baby mo for their sake namn kaya ka aalis..=(..ask ko lang po sa mga sissies na nsa abu dhabi, makakauha po ba ng jobs even undergrad ako but with experience na ako dito sa pinas.. call center, marketing assistant and admin assist po past jobs ko..ang may alam po ba kayong companies that don't require college grads..?thanks in advance po..anyway my hubby and his family is in electra st..
« Last Edit: August 12, 2011, 03:42:18 pm by keisha_sophia »

southpaw

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #477 on: August 12, 2011, 10:12:02 pm »
Aww, sis... mahirap talaga pag may baby na maiiwan. At least andito naman ang hubby mo, give it a few months, baka ma-work out nyo ang pagkuha kay baby para makasama nyo sya dito.

About companies hiring undergrads - meron yan, sis! Your job experience will surely count.

I was jobhunting din 2 weeks back (mid to end July, just before Ramadan started), and may mga companies din from Abu Dhabi na tumawag sa akin. I didn't attend the interviews na kasi i prefer to work within Dubai lang. Try ko hanapin sa email ko yun name ng companies and i'll pm you. Malay natin di ba.

Nga pala, kaya naman may Abu Dhabi-based companies na tumawag sa akin, kasi I paid for this CV distribution service. AED 150 sya, no guarantees na makakahanap ka ng work - they will distribute your CV and it ends there. Pero super dami naman yata talaga ng companies sa data base nila. Kasi the entire 2 weeks andami talagang tumawag sa akin - although karamihan small-medium sized enterprises. The same day na dinistribute nila yun CV ko, as in super daming phone calls ko natanggap - halos sunod sunod ring ng phone ko. Basta if you need more info pm me kasi di ko alam kung pwede ilagay dito name nun jobsite.

Goodluck!

blaire.witch

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #478 on: August 13, 2011, 02:16:19 am »
yah i also tried this kind of jobhunting. same day din na dinistribute yung CV ko, grabe, sunod sunod ang tawag ko. kaso mahirap din kasi yung field of work ko kaya mahirap din makahanap ng work through ganito. effective ito sa mga office jobs. talagang ikaw na ang susuko sa dami ng tatawag sa yo, grabe! tapos nung panahon na yan, bago pa lang ako sa dubai, hindi ko pa alam masyado ang mga lugar. so naghire ako ng carlift para madali lang ako magpunta from one interview to another. :) nakalimutan ko na nga lang yung site, siguro kapareho din nung kay sis southpaw. try n'yo.

euwie

  • Guest
Re: UAE: Dubai, Abu Dhabi
« Reply #479 on: August 13, 2011, 07:41:54 am »
meron po bang may alam sa inyo dito kung san pwede makapag-boxing? gusto ko kasi tong exercise na to itry. may additional benefit pa, matututunan ko mang umbag ng di mabait na tao. joke! :) thanks! pati na rin yoga. sabi meron daw sa al nadha area. how true? parang showbiz lang e :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close