watch now

Author Topic: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice  (Read 53951 times)

smm_0411

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #20 on: April 01, 2011, 10:59:05 pm »
i also bought my baby stuff during my 6th month kasi walang ibang gagawa nito kungdi kami lang ni hubby.. now am on my 31stweek and everything is okay... siguro coincidence lang yung mga ganong cases, mahirap na din kasi kumilos pag malaki na ang tummy.....

*jyn*

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #21 on: April 04, 2011, 09:34:10 am »
bawal daw kumain ng talong pag buntis?

bawal aw uminom ng malamig pag buntis?

jhenrheign

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #22 on: April 04, 2011, 11:48:33 am »
may nagsabi din sa akin about talong... pero kumakain pa din ako... kahit 1st pregnancy ko, wala naman nangyare... no bad effect naman kay baby...

sa malamig naman di rin naman yun totoo, kasi pina pakain nga ako ni OB ng yelo pag feeling ko nasusuka ako eh...

a_y_e_n

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #23 on: April 04, 2011, 11:56:20 am »
^^ why, what's with the talong? ???

ang mga pamahiin talaga o. ako, yung sinunod ko lang yung wag muna mamili ng mga gamit ni baby pag wala pang 7 months. kaya ngayon palang pang 7th month ko kame nagstart mamili ng mga gamit. yung iba, keber nalang. :)

jhenrheign

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #24 on: April 04, 2011, 12:04:52 pm »
wala din ako sinusunod sa mga pamahiin eh... wala naman nangyare sa 1st baby ko... ngaun preggy ako uli, di ko pa din hehe!!!

it's how you take care of yourself naman during pregnancy and having faith kay God na walang mangyayare masama kay baby...

ronalene

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #25 on: April 04, 2011, 09:52:00 pm »
ang sabi mataas daw kasi sa uric acid ang talong un lang naman daw yun..

eto yung mga sinabi ng mommy ko at MIL ko.
- maglagay ng buntot ng pague together with asin at bawang sa bintana para sa tiktik..meron ako nito kasi nung 7 weeks palang ako parang may umaaligid sa may terrace namin di kami nakatulog ni hubby kaya naglagay ako
- bawal mamili ng gamit until you reached 7th month bukas palang ako mag 7th month pero  mamimili ako sa april 19 pa after na ng babyshower ko sa 17th hehe
- bawal tumambay sa pintuan mahihirapan daw manganak
- at eto ang pinakaclassic paglabas daw ni baby wag ipasuot ang bagong damit luma daw ipasuot sa kanya para di raw maging maluho - eto pinaiisipan ko pa..

blueberrycheesecake

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #26 on: April 05, 2011, 01:32:40 am »
may nagsabi din sa akin about talong... pero kumakain pa din ako... kahit 1st pregnancy ko, wala naman nangyare... no bad effect naman kay baby...

sa malamig naman di rin naman yun totoo, kasi pina pakain nga ako ni OB ng yelo pag feeling ko nasusuka ako eh...

naku favorite ko ang tortang talong. bawal daw yan sabi ni MIL so sinunod ko naman kay daughter, and i asked my mom to bring tortang talong sa hosp pagkapanganak ko LOL. sabi daw kasi magkakaron ng mga balat yung bata. eh hello yung daughter ko may balat sa left hand nya hindi nga ako kumain ng talong! hmpf!

kaya this time, kumain na ko ng kumain. favorite nga eh.  ::)

---
add ko pala, sabi din ni MIL wag daw lumipat ng house hangga't di pa nabibinyagan yung bata. kung san daw nagbuntis yung mommy dun daw dapat iuwi yung baby, pwede lang daw ilipat na ng bahay pagkatapos mabinyagan. may ganun?  ???  :P
« Last Edit: April 05, 2011, 01:40:41 am by blueberrycheesecake »

kLeng

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #27 on: April 05, 2011, 03:23:39 pm »
^^ sabi po nila ang talong daw kasi after na mabiak.. nangingitim.. parang ganun ang sabi ng MIL ko.. so ayaw na din ako pakainin ng talong..

wag din daw ako kakain ng puso ng saging, sitaw, tapos langka or kaimito (kasi daw may dagta - meaning daw kumakapit mahirap manganak)..

bawal din uminom ng malalamig kasi nakakalaki daw ng tiyan at saka pampalaki ng baby..


a_y_e_n

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #28 on: April 05, 2011, 03:34:35 pm »
^^oh di ko alam na meron ding pamahiin sa mga lilipat ng house..  we plan to move pa naman a month after ko manganak.

eizej

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #29 on: April 05, 2011, 04:27:41 pm »
naku kahilig ko pa naman sa malalamig..
share ko lang, ang sabi ng matatanda bawala daw mag alkansya ang buntis, mahihirapan manganak... mas mahirap ata manganak kaoag walang ipon.. lol

jhez

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #30 on: April 05, 2011, 06:38:27 pm »
LOL! i like this thread! nakakatuwa...
super common na naririnig ko na pag gumaganda daw yung mommy, girl daw tapos pag pumapangit or nagbabago itsura, boy naman daw.
naloloka na ako dito.... kasi naman noh, ang panget ko magbuntis, wala ako matandaan na nagsabi na Girl ang baby ko.... eh GIRL nga... minsan nagtataray na ako kasi, oo na panget na kung panget... basta maganda anak ko paglabas kahit super panget ko pa.... hays...

ana mimi

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #31 on: April 05, 2011, 07:44:48 pm »
ako naman lahat ng hula nila e girl ang baby ko kase nga daw blooming ako pero it's a baby boy.

shoutingwind

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #32 on: April 05, 2011, 07:58:23 pm »
Sabi naman ng iba pag pumapangit ang mommy, baby girl daw yun kasi inaagaw yung ganda ng mom.

bbmack

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #33 on: April 05, 2011, 10:20:27 pm »
Sabi naman ng iba pag pumapangit ang mommy, baby girl daw yun kasi inaagaw yung ganda ng mom.

eto medyo naniniwala ako kasi baby GIRL yung akin at super panget ko haha! lahat ng kapangitan sa pregnancy na to nasalo ko.. sige kay baby na lahat ng ganda ok lang yun sakin hehe  ;D

HeartHeart

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #34 on: April 06, 2011, 03:29:58 am »
"kapag maarte daw ang buntis, girl daw ang baby."  - sabi ng friend ko.   :-*

bbmack

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #35 on: April 06, 2011, 04:31:57 pm »
^hindi applicable sakin hehe.. di ako maarte ngayon, mapagpasensya at cowboy ako ngayon kumpara noong di pa buntis hehe.

Kaninang umaga pagkuha ni hubby ng breakfast, MIL asked daw if we left our windows open kasi neighbors are saying that they saw a TIKTIK in the city (?) lol.. i was awake the entire night infront of the PC, i slept 7am kanina lang, wala naman akong narinig nor naramdamang kakaiba and i don't actually believe that but my husband believes e so he put salt sa windows at terrace, hindi talaga ako naniniwala and sa family kasi namin pinalaki kaming hindi mapamahiin, pero respeto ko nalang sa family ni hubby, kaya di ko sinasabing di ako naniniwala hehe..

a_y_e_n

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #36 on: April 06, 2011, 06:50:21 pm »
^my friend also told me about tiktik. dito talaga ako di naniniwala. ;D natutulog pa nga ako sa side ng room namin na katabi yung window eh. katabi pa ng room namin isang big vacant lot pero wala naman ako naririnig na kakaibang sound. pero meron din sa room namin na buntot ng page, pangontra daw sa mga ganyan. :) nandun lang sya sa taas ng dresser namin kahit di pa man ako buntis.

bbmack

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #37 on: April 06, 2011, 06:58:11 pm »
^ako din sis di naniniwala, e family ni hubby naniniwala.. naman, ang bahay namin nasa gitna lang ng quezon avenue at e.rodriguez halos along high way lang kaya tiktik in the city tawag ko e haha... kesyo may nakakita daw lol.. pero respeto ko nalang sa kanila, smile nalang ako haha :D

jorhen

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #38 on: April 06, 2011, 09:12:23 pm »
ano nga ba talaga ang totoo? pag girl ang baby maganda/blooming si mommy? or pag panget girl ang baby kase kinikuha ng baby ang ganda ni mommy? pag boy panget kase mas nangingitim daw?

IMO, kung working ka natural lang na mag ayos ka before going to office dba kahit boy or girl pa baby mo..at ngayon kase iba na ang trend ng mga preggy, i mean pati mga preggy clothes may style at nasa uso na rin. may mga organic/natural na beauty products na pwede na rin sa preggy.

ana mimi

  • Guest
Re: Pregnancy Myths, Old Wives Tales and Advice
« Reply #39 on: April 06, 2011, 09:17:52 pm »
feel ko nakakapangit talaga kapag boy. kase pansin ko gumaganda lang naman ako kase I wear make-up sa work e. haha. at matagal na naman ako maganda. LOL

regarding tiktik naman, naniniwala sila pero ayoko nalang maniwala kase matatakot lang ako. hehe. ayoko pa naman ng ganun at lagi pa naman ako umuuwi nang gabi.

eto naman ang query ko, totoo ba na kapag lagi ka nahahamugan e mahihirapan ka mag-labor?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close