watch now

Author Topic: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM  (Read 113857 times)

ubermame

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #220 on: October 05, 2015, 04:26:05 pm »
Mga sis help.
May anak na ako 10yrs na siya ngayon from my ex, sa birth ceritificate niya walang naka lagay kung sino ang father, nakalagay "unknown". Ngayon kasal na ako(different guy) at gusto ko sana ma fill yung blank space sa father's name ng anak ko at magamit din ng anak ko yung last name ng asawa ko ngayon. Ano kayang mga proseso na kailangan kong gawin. Gusto ko sana palabas na asawa ko yung biological father ng anak ko para wala na paligoy ligoy. Thanks in advance


sis pareho tayo ng case, Legitimation ginawa namin. Please check this topic, medyo na-explain ko dito yung ginawa namin. :)

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,289692.20.html

and eto sis, nakita ko lang

https://sabsuniverse.wordpress.com/2014/07/15/howto-legitimation-as-of-may-july-2014/

« Last Edit: October 05, 2015, 04:28:11 pm by ubermame »

pinklilac

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #221 on: October 05, 2015, 05:33:21 pm »
^^^sis agree ako sa idea ni sis mysterioza_me thru adoption  and dapat nyong gawin. napaka habang proseso nito pero  at least  dumaan  ka sa tamang proseso 
I think hindi applicable sa case mo  ang legitimation  dahil hindi biological  child ng husband mo ang anak mo.
Baka magkaroon ng problema later on ..

ubermame

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #222 on: October 05, 2015, 05:55:00 pm »
sis pinklilac hindi ako kumokontra ha  ;D ;D ;D :D ... pero so far wala naman kaming naging prob. Hindi din bio child ni hubby yung anak ko. Wala din kasi akong nilagay sa fathers name dun sa birth certi ng baby ko kaya walang naging problema. Basta submit lang siya nung mga affidavit signed by her hubby.  ;) :D

mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #223 on: October 05, 2015, 08:42:46 pm »
I'd opt for adoption instead of legitimization since it is more applicable for her case since hindi biological child ni hubby ang bata. It is better to do the process right from the start since gagastos ka na rin lang.

Suggestion ko lang to ha :)

pinklilac

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #224 on: October 05, 2015, 09:49:43 pm »
Hi sis ubermame ok lang. Healthy discussion  naman tayo dito sa GT.

Sis Coolhair it's  up to you sis ikaw lang makakapag decide  nyan. Pero kung gusto  mo mapanatag ang loob mo better lumapit ka sa isang abogado baka mabigyan ka ng gabay.
Noong nasa Pinas pa ako madalas ako makinig sa mga programa tungkol sa batas. Minsan may isang  caller na humingi ng payo dahil  namatay na ang  mga"umampon" sa kanya. May naiwang ari arian.At sa pagkaka unawa ni caller siya ang tagapag mana dahil sa birth cert yung namayapa ang nakasulat  bilang magulang.
Heto ngayon  ang mga kamag anak ng namatay at hinahabol ang mana saying walang karapatan si caller dahil hindi legal ang adoption.
 Lumalabas na simulation of birrh ang nangyari..
I know  mababaw na example dahil pera lang pero iba pa rin pag dumaan sa tamang proseso.

Isa pang example..
If kunwari mag apply kayo ni hubby bilang immigrant  for example  dito sa Australia  there is a possibility na ang case officer mag request ng DNA  test..








mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #225 on: October 05, 2015, 10:05:04 pm »
I agree with sis pinklilac, kadalasan yung akala natin na maliit na bagay sa present time ang laki pala ng impact sa future. Kaya talagang better to do the correct procedure para walang butas

ubermame

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #226 on: October 07, 2015, 12:51:10 pm »
ah ok,... sa case ko kasi requested na din ni hubby na siya ang gawing bio dad sa birth certi. Good luck kay sis coolhair. Sana maayos na din nya docs ng baby nya.  :)

chicafabulosa

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #227 on: October 19, 2015, 03:41:45 pm »
May friend ako ganyan ang case. Iba ang father ng unang baby nya before kinasal sya sa husband nya. According to her lawyer, the best way for her to do is gawin ang adoption process kasi even small details pwede gawing loophole/s in the future.

pinklilac

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #228 on: October 20, 2015, 03:00:21 pm »
^i agree. Adoption  talaga. .
Ang hirap pa naman mag ayos ng docs sa Pinas pag gusto na itama later..Matutuyuan ka talaga ng dugo  lol
Mahirap pa dyan  dahil may DNA testing  na kaya walang lusot..


coolhair

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #229 on: October 22, 2015, 04:57:08 pm »
thanks mga sis sa mga suggestion :D
sa ngayon kasi gusto ko din malaman yung gagastusin namin din dahil si hubby lang ang may work, ako nag aaply lang din ako kasi nalugi negosyo ko :(
sis ubermame, may idea ka na ba magkano totally gagastusin?
sa court ba kailangan din nandun yung biologica na tatay? ayoko na kasi talaga dumaan sa ganun baka mag open lang ng window para mangulit kasi alam niya na may karapatan pa din siya :( natatakot ako sis. tahimik na buhay ko e :(

thanks ulit!

mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #230 on: October 22, 2015, 07:55:01 pm »
Di na need ng appearance ng dad since "unknown" naman nakalagay sa birth certificate ng kid mo

pinklilac

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #231 on: October 23, 2015, 08:16:32 am »
Sis coolhair. .oh hayan  hndi na pala.need ng appearance  ng tatay dahil "unknown" nakalagay.
So, kahit papano mas  mapapadali  ayusin ang birth cert ng anak mo kumpara  sa may nakalagay na name ng tatay.
I know  magastos at  mahabang proseso pa rin pero once maayos yan eh may peace of mind  ka naman.

« Last Edit: October 23, 2015, 08:48:07 am by pinklilac »

ubermame

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #232 on: October 24, 2015, 05:03:51 am »
sis ubermame, may idea ka na ba magkano totally gagastusin?


Sis, hindi ko lam saktong nagastos, pero siguro 5k-7k. Or less pa :)

lueeeesa

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #233 on: November 15, 2015, 02:14:12 pm »
Help po... My fiance was born in Rome Italy pero filipino citizen siya and isa lang na NSO birth certificate lang ang meron siya. since ikakasal kami we need at least 2 more copies of it (original) for some requirements. I tried ordering it online and once nilagay ko nasa Place of birth na ITALY nirerefer nila ako sa DFA ichecheck kung may record daw doon.

anyone who have the same problem as mine? napaka hassle sobra.

mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #234 on: November 18, 2015, 01:03:59 am »
^sis try to call DFA hotline na lang (02) 737-1000) bakasakaling magbigay sila ng info over the phone kung ano dapat gawin and papers na need ipresent pagpunta or para magclaim ng birth certificate. Kahit saan govt agency naman hassle talaga maglakad ng papers

tischarmedlife

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #235 on: November 18, 2015, 01:23:02 am »
Question mga sis. My father's name on my birth cert is 'Charlie' pero yung name nya talaga sa birth cert nya is 'Charles'. How do I correct my dad's name sa birth cert ko? And magkano kaya magagastos? TIA!  :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #236 on: November 18, 2015, 02:13:50 am »
^Sis halos ganyan yung sa kin and mom ko nag-aayos ngayon. Yung sa kin naman, mispelled 2nd and last name ko and first name ni mommy. Name ng mom ko is "Ma. Marly" naging "Merly" na lang sa birth certificate ko. Hiningan mom ko ng latest copy ng authenticated birth certificate namin dalawa, certified thru copy ng birth certificate namin, school records namin ni mommy and voter's affidavit ni mommy. You have to bring valid ID na din. Dun mo siya aayusin sa city hall kung saan ka ipinanganak. Kung tama ang tanda ko 1600k ang bayad, di pa kasama yung mga pa-notaryo etc. Update ko sis in case may additional info ako makuha kay mommy pag-uwi ko
« Last Edit: November 18, 2015, 02:19:21 am by mysterioza_me »

tischarmedlife

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #237 on: November 18, 2015, 04:04:26 am »
^thanks sis!  ;D Medyo malayo pala ang lalakbayin ko para maayos lang to since I was born in Bataan.  Whew!  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #238 on: November 18, 2015, 08:50:12 am »
^Welcome sis. Ang mom ko 5x na pabalik-balik sa Manila City Hall until now di pa ayos birth certificate ko, dami aberya sa papeles. Hopefully yung susunod na balik niya ma-finalize na :).

SARAHnghae

  • Guest
Re: BIRTH CERTIFICATE PROBLEM
« Reply #239 on: April 03, 2016, 12:18:37 pm »
hello, buhayin ko lang tong thread na to. sana may sumagot pa.
papaano po ba ang process ng pagregister ng birth certificate kung sa bahay lang nanganak at sa kumadrona?
yung kapatid ko kasi and gf niya, nagkaanak sila last year. hindi sila kasal.
papaano po ang process nun and ok lang ba na gamitin ng pamangkin ko ang surname ng kapatid ko kahit hindi sila kasal?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close