watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 135862 times)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #540 on: July 05, 2011, 08:59:12 pm »
...or sa crusie ship lang naman me mga umaakyat?huhuhuhu..help me!namamatay na ako sa selos,iniisip ko pa lang..bad!...
hi sis, ang version naman ni boyfie, sa cruise ship walang umaakyat kasi bawal. naka register lang kasi kung sino talaga pasahero nila (siyempre libre pagkain and amenities ang mga pasahero at ayaw nila na kung sinusino lang andun), tapos may ID naman mga employees. mahigpit security nila dahil nga they have to take care of their passengers' safety. pero pag bumaba naman sila, andun na, ang dami na daw mga mag-ooffer ng services lalo na pag asian country. and of course, andyan din yung pag may kasamahan ka sa trabaho eh pwede rin ma inlove sa isa't isa. but generally speaking, kagaya ng nabanggit ng iba nating mga sis dito, kahit saan, may temptation. kaya, pray, trust, keep yourselves busy, pray, trust, keep yourselves busy.  pray 'coz only God can protect us from these evil things. trust kasi hindi naman maganda na sayangin natin oras natin sa kaka doubt at kakaselos sa non-existent na babae. and keep ourselves busy and focused sa mga bagay na ikakayaman at ikakasaya natin.  :)

sis gelei, ang ganda nung "note" mo, you might want to share it here too  ;)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #541 on: July 05, 2011, 11:31:24 pm »
sabi bi hubby wala daw umaakyat, pero choice natin yun kung maniniwala tayo.. hehe, nananakot daw ba?

pero eto napulot ko sa iba, hindi na daw uso yung kahit naka anchorage pa lang nag babangka na yung mga AB (akyat barko) pero may naging kapitan daw sya na yun ang umoorder ng girls kaya pag dating sa port may clearance na yung mga girls at bugaw na umakyat, once/isang barko pa lang naman daw nya na experience yun ganun, talagang maniac lang daw yung kapitan nila, minsan nang lilibre pa ng babae dun sa mga goodboy na ayaw. Pero meron daw nag rerefuse. Sya hindi.

Pero ang sabi nga ni hubby maraming clubs malapit sa port. hay sis, just love your husband and trust them and pray, hoping lahat ng yan ay lagi nilang maiisip para malayo sila sa temptation at kung sakali man gumawa sila ng mali, at least satin wala silang maisusumbat at alam ni lord na we are good wives. Kesa mag isip tayo ng maisip ng ganyan baka pag uwi ng mga seaman natin eh mukha tayong losyang kakaisip ng negatives, tapos laging tanong tanong, parang nag papaamin ng wala naman, maasar lang yun. hehe. baka away mode lang yan.

kaya erase erase the negative thoughts.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #542 on: July 05, 2011, 11:40:11 pm »
^naks! parehong pareho ng paliwanag asawa ko at si h2b mo ah! tee hee!
pero totoo yan mga sis. walang sumasampa sa cruise ships. bawal talaga at mahigpit. hindi din pwede makipaglandian sa pasahero ever kasi bawal na bawal din. PERO madalas naman sa cruise ship yung mga kasamahan sa barko ang pinapatulan. Meron talaga kong mga kakilala na may asawa tapos may gf sa barko. yung isa pa, nabuntis yung kasamahan. ay naku! Yung sa port, madaming bayaran dyan. Pero isipin nyo nalang di naman papatol mga asawa natin dun kasi bukod sa matitino asawa/bf natin eh SAYANG KAYA YUNG IBABAYAD.  hahaha!

PERO gaya nga ng napagusapan na natin dito, nasa dagat o sa lupa man yan, kahit saan pa.. ang babaero ay babaero talaga. PERO ulit, pagtiwalaan natin ang ating mga asawa at mas mahalin pa.

at gustong gusto ko yung sinabi ng kababata ko na naishare ko na din nung isang araw..  Iba na ang mga seaman ngayon. MABABAIT NA SILA! =)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #543 on: July 06, 2011, 08:32:22 am »
gelei
health.gal
guilleanne
Nuna


thanks much girls for your advice,very powerful! :) hayst! magkakampi na nga tayong lahat dito..im sure lahat naman tayo talaga no matter how much we trust them,me times talaga na dumadaan sa isip natin yan..ayaw lang eentertain. ;D buti nalang me GT.. ask ko na din pala, how much na spent ng hubbys niyo sa review?si h2b ko kasi nagbabalak magreview pagbaba,and then saan magandang review center? (Manila Area) TIA

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #544 on: July 06, 2011, 08:57:43 am »
sis celsky sabi din ng hubby ko BAWAL NA UMAKYAT dahil nga sa nauuso ang nakawan, at matagal na ipinagbawal sa mga cargo at tanker, cruise ba hubby mo? cruise kasi bawal same with the explanation of sis health.gal.  as per sis guilleanne may kapitan talaga na ganoon, sa hubby ko noon unang sampa (di pa kami noon) si kapitan mismo ang nagbayad para sa babae niya, tanggap naman niya  ;D, palay na ang lumapit sa manok e. Sa mga bagong sampa madalas daw na ang regalo ni mas higher sa kanila babae, minsan/kadalasan di  nakakatangi dahil nga bago.

Para sa akin "tiwala ang pinakamahirap makuha, at pinakamahirap mawala" kaya sis, kesa mag isip ka ng di maganda (sa kalusugan mo at relasyon niyo) magtiwala ka na lang sa sinasabi ng h2b mo, YUN ANG IMPORTANTE kesa sa kung ano-ano ang naririnig mo o nababasa mo dahil nasa mga asawa / h2b natin narin kung paano niya ihandle ang sarili nila kapag nasa malayo sila.

Saka sis kapag asawa/gf ng seaman dapat MALAWAK ang pang-unawa at pagtitiwala mo
« Last Edit: July 06, 2011, 09:57:39 am by chasiderwin »

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #545 on: July 06, 2011, 09:16:54 am »
indonesia at thailand, open pa raw umakyat ang mga pukpok. supported pa ng government nila dun kasi sa hirap ng buhay dun, labor rin para sa kanila yun. the rest, bawal na as per international law. according naman yan sa hub ko.

sis celsky, try to control your thoughts, gaya nga ng sinabi ng mga sisses dito stop thinking about negative things. esp kung wala namang basehan talaga yang mga iniisip mo. kung out of nowhere lang at naaapektuhan ka lang ng mga nababasa mo, try to dismiss the thoughts. kaya mo yan. ganito na lang gawin mo, subukan mo lang, everytime maiisip mo si hub mo, isipin mo iniisip ka rin nya at namimiss ka nya the way you miss him. try to think that he's smiling and happy while thinking of you and your kids. cheer up! bawal magselos ang legal wife hehe

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #546 on: July 06, 2011, 09:24:07 am »

chasiderwin
babymom20


thanks! wala na talaga ako masabi sa thread na ito..ang bibilis magpost..thanks!

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #547 on: July 06, 2011, 10:39:57 am »
ang sabi din ng BF ko,bawal na daw talaga umakyat ang mga p*kp*k..pero at ang malaking pero, may mga BAR daw malapit sa mga port na choice na nung mga seaman kung pupunta sila o hinde..

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #548 on: July 06, 2011, 11:01:34 am »
serendipity02 thanks!

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #549 on: July 06, 2011, 11:08:32 am »
kila hubby din wala din daw umaakyat dun bawal daw, di daw yun uso sa kanila... kahit sa port bihira din naman sila magpunta at kung nasa port man sila isang araw lang loaded pa sila dahil provision at crew change, kung matagal man sila sa port, enjoy naman sila sa pamimili...

nasa pagkakakilala na din natin yun sa mga hubbies natin...kung kilala natin ang mga bf at hubbies natin mabuti di tayo mapaparanoid... kung may tiwala tayo bakit tayo mag iisip ng kung ano-ano, magmumukha lang tayo matanda pag nag isip tayo then wala naman pala... magpaganda na lang tayo para mas excited sila na umuwe... tsaka gaya ng sabi ng iba natin sis, pagsisimulan lang kasi yan ng away, pag pinagbintangan natin sila ang tendency pwede nilang gawen yun dahil na fed up na sila sa kabibintang natin, kaya gagawen na lang nila... tsaka ang hirap na nga kitain ng dollars pababa pa ang palitan, gagastos pa ba sila sa ganun... kakapanghinayang naman... madame na ang seaman na practical na lalu na sa hirap ng buhay ngaun... tsaka takot lang ng mga hubbies natin magkasakit, sira ang mga pangarap...hehe!

ako mas lumaki ang tiwala ko sa hubby ko nung nagsimula sya sumampa, kasi mas nakilala ko sya... kung ano yung tunay na ugali nya at kung gaano kaimportante sa kanya ang pamilya namin...  ;)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #550 on: July 06, 2011, 11:15:39 am »
to all the wives!  8)

ask ko lang, since malaki ang income ni hubby where do you invest?sa bank kasi maliit lang ang interest,soon to be wife na kasi,so now pa lang gusto ko talaga maalagaan ang kinikita ni h2b since alam naman natin na di ganon kadali kumita sa barko,plus yung sacrifice na malayo sila sa family. if you're into business as a full time mom, what business naman ang maganda?

ako kasi im into atm money lending, maganda naman ang return.but still looking for another business na madali imarket at maganda ang return,im still working now but im planning to resign talaga once na magpreggy. Nakaka bore naman kasi mag antay lang ng 15th-30th of the month para doon sa mga magbabayad.iba pa din yung me pinag kakaabalahan. i tried na din online selling, ok din naman, kaso gusto ko sana me mahanap ako na supplier for consignment, kasi sayang naman pag di mo maibenta.

share naman knowledge nyo where maganda mag invest, if not business other products na inooffer na na try niyo na ni hubby,na me magandang return..thanks!

sorry ha! dapat sa entrepreneurs na forum ako magpost, but since same situation naman tayo,i hope me mga businessminded pa din naman dito.

hirap pala dito pag probationary status,di ka makapag start ng thread. :)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #551 on: July 06, 2011, 11:17:07 am »
jhenrheign

thanks!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #552 on: July 06, 2011, 01:10:15 pm »
ako, chickboy talaga si hubby dati. (kaya minsan din nakakapraning pero natuto na din naman ako.) matagal na yun, di pa kami mag-asawa non. pero ngayon siguradong sigurado naman ako na mabait ang asawa ko. like sis jhenrheign, nakita ko naman gano kami kamahal ng asawa ko at gano kaimportante sa kanya family namin. alam ko na ayaw nya at di nya hahayaan na matulad kami sa ibang seafarer's family na nasira.

agree ako ulit kay sis jhenrheign, magpaganda nalang tayo lalo! tee hee!

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #553 on: July 06, 2011, 01:33:41 pm »
ako, chickboy talaga si hubby dati. (kaya minsan din nakakapraning pero natuto na din naman ako.) matagal na yun, di pa kami mag-asawa non. pero ngayon siguradong sigurado naman ako na mabait ang asawa ko. like sis jhenrheign, nakita ko naman gano kami kamahal ng asawa ko at gano kaimportante sa kanya family namin. alam ko na ayaw nya at di nya hahayaan na matulad kami sa ibang seafarer's family na nasira.

agree ako ulit kay sis jhenrheign, magpaganda nalang tayo lalo! tee hee!

thanks!

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #554 on: July 06, 2011, 06:36:34 pm »
good eve sisses!
hi sa lahat ng bagong sampa at sa mga laging sumasampa hahha joke!!

hmnnn for me siguro dapat magtrust kayo sa partner nyo kasi kung magtatamang hinala kyo for sure maiistress lang kayo and pag naistress kayo magkakawrinkles kayo at pag nagkawrinkles kayo hmnn mababawasan ang kagandahan nyo,,,, ;)at pagnabawasan ang kagandahan nyo baka sa halip na di nambababae si partner nyo ay baka biglang mambabae,,,ooopsss mahal nga pala ang magpabelo pag nagkawrinkles kayo ,,,hehhehe joke lang sisses...

seriously PUT GOD IN THE CENTER OF YOUR RELATIONSHIP!!!

ooopppsss sisses nagtext na ang lolo ko after 1decade hehhehe,,,baka maya ko pa malaman ang details why di sya tumatawag at mukhang sobrang [textspeak!] ng lolo ko... ;)


health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #555 on: July 06, 2011, 07:40:15 pm »
^wow sis, that's good news. at least hindi ka na kakabahan pa at alam mo na he's safe.

sis celsky, hindi po ako wife pa, pero makikisabat lang po...sa case naman namin ni boyfie, yung allotment na pinapadala niya, a part of it goes to the bills ng parents niya (breadwinner kasi siya), then sa wedding expenses and a part naman napupunta sa variable life product (insurance po siya with part mutual fund). aside from added insurance on his part, may part pa na napupunta sa mutual fund. so far, in the past 2 years, medyo maganda naman ang returns. not as big as how we wanted it to be, but better than nothing. medyo pinagaaralan na rin po namin ngayon kung paano ang stock trading, pero nakaka nosebleed. haha. after the wedding siguro saka namin ito susubukan. as of now kasi, we cannot afford to invest in long-term returns. employed din kasi ako eh, kaya ito lang ang way na nakikita ko as of now para hindi matulog ang pera.

marami tayong sis dito na self-employed at super business-minded. im sure they can help you too.

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #556 on: July 06, 2011, 10:35:12 pm »
sis nicolle, share naman bakit daw hindi tumawag hub mo? haha chismosa ako :D

re AB: haynaku mga sis, life is short. don't waste your time thinking about things na hindi pa naman nangyayari. i used to be paranoid too! but i entrust everything to GOD now. ayoko ma-stress! :)

share ko lang what my friend (who's a seaman's wife din) said: "naku ang mga lalaki, magkapitpitan man ng b*y$g, hindi yan aamin! kaya wag mo na pahirapan sarili mo" excuse me for the term haha!

re investment: sis you can learn a lot from gt. meron dito about mutual funds, meron din about different kinds of business ideas. kami ni hub up until now still trying to find ways to save/earn. dami na namin pinasok na business. merong nag-succeed. meron din naman successful pero hindi kami happy, some naman failed business talaga. so try and try lang until you find the one that's right for you :)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #557 on: July 07, 2011, 08:15:36 am »
good eve sisses!
hi sa lahat ng bagong sampa at sa mga laging sumasampa hahha joke!!

hmnnn for me siguro dapat magtrust kayo sa partner nyo kasi kung magtatamang hinala kyo for sure maiistress lang kayo and pag naistress kayo magkakawrinkles kayo at pag nagkawrinkles kayo hmnn mababawasan ang kagandahan nyo,,,, ;)at pagnabawasan ang kagandahan nyo baka sa halip na di nambababae si partner nyo ay baka biglang mambabae,,,ooopsss mahal nga pala ang magpabelo pag nagkawrinkles kayo ,,,hehhehe joke lang sisses...

seriously PUT GOD IN THE CENTER OF YOUR RELATIONSHIP!!!


ooopppsss sisses nagtext na ang lolo ko after 1decade hehhehe,,,baka maya ko pa malaman ang details why di sya tumatawag at mukhang sobrang [textspeak!] ng lolo ko... ;)

very well said!  :)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #558 on: July 07, 2011, 08:27:43 am »



nicolle

tama! LOVE+GOD+TRUST+CONSTANT COMMUNICATION


health.gal

thanks!naku po! isa pang problem yan ang mga in laws na nasanay sa allotee
while single pa si anak.then pag nag-asawa na eh,tayo pa naging masama  ;D kasi for sure nababawasan na ang sa kanila.
about naman sa stocks, yes nakaka drain ng utak..been reading a lot of
blogs about it,pero di ko talaga ma gets!

iggypop

"naku ang mga lalaki, magkapitpitan man ng b*y$g, hindi yan aamin! kaya wag mo na pahirapan sarili mo"  ;D

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #559 on: July 07, 2011, 01:53:34 pm »
health.gal
thanks!naku po! isa pang problem yan ang mga in laws na nasanay sa allotee
while single pa si anak.then pag nag-asawa na eh,tayo pa naging masama  ;D kasi for sure nababawasan na ang sa kanila.
you're welcome. sa situation naman namin sis, super bait naman ng side nila, although siya yung breadwinner kasi siya lang may sagot ng halos lahat ng expenses, not naman a total BIG obligation for him, kung may maiabot, okay, kung wala, ok lang din. tapos ngayon na alam nila nagpreprepare kami sa kasal, sila mismo nagsasabi na bawasan yung binibigay namin at si mga kapatid muna sasalo nung ibang gastusin para makaipon kami ng para sa amin. pero ako mismo nagsasabi na wag pabayaan parents niya, kasi parehong matatanda na (as in seniors na talaga). kasi ang point ko lang, pag nagretire na ang parents ko, dapat wag din namin pabayaan. yung mga kapatid naman niya, independent na rin lahat, pero mga single pa lang. sana maging independent pa rin sila kahit magsi-asawa na. hehe. ang downside naman, sa sobrang kabaitan eh andun na contentment nila sa buhay. hindi na naghahangad pa na umasenso. take life as it is. eh opposite ata ng personality ko yun eh. ang medyo problem lang extended family (mga ibang relatives), daig pa immediate family niya kung makahingi, tapos pag hindi naman nabigyan, parang kami pa mali.

re sa investment, tama si sis iggy, "try and try lang until you find the one that's right for you"
« Last Edit: July 07, 2011, 02:06:28 pm by health.gal »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close