sarap naman nyan EB. sana makasama din ako minsan.kaso medyo demanding baby ko di ko pa na try iwanan ng more than 1 hour, pure bf kasi althoug 17 months na sya now and she takes solids na, may separation anxiety yata kami pareho. hehe.
kwento lang mga sis, first time nag manila port yung barko nila hubby nung may 28 and from then on every 2 weeks nandyan sya sa north harbor. dapat ang sched nila ay 10am, mga 8 am palang nasa tapat na sila ng moa pero wala pa pala silang definite time para makadikit. yung mga misis nung iba 9am palang nandun na sa port, yung iba galing pang province, some with kids pa. ako wait lang sa house kasi 1 hour lang naman from north harbor to imus cavite and sabi ni hubby hindi rin naman daw pwede umakyat si baby so wait na lang kami.
dumaan ang lunch time naka anchorage parin si hubby, hagang nakadikit barko nila 6 pm na, as per vessel tracker port maps, mga 6pm nga sila nag moored, naka uwi si hubby 8pm na kasi wait pa sya ma clear sa immig para sa shore pass.
kwento ni hubby nagmamaktol na raw yung mga kasamahan nya dun kasi kawawa yung mga pamilya nila na naghihintay sa port mula umaga, sa moa na nga lang nag palipas oras yung mga pamilya nila, plus yung iba pa hindi pinasampa yung mga anak, nag hotel na lang tuloy.
natulog si hubby sa bahay tapos nag mass kami sa sm bacoor, umalis sya dun ng 11am kasi 3pm daw alis nila. pag dating nya daw dun wala na bisita kasi utos nung hapon na capt before start ng shift na 8 am uwi na mga bisita. sana nga raw bumababa na yung capt kasi madamot daw, nakalagay daw dun sa bulletin board nila "visitors must bring their own food."
tapos 6 pm pa sila nakaalis, emote mode si hubby sa phone habang nasa cabin sya sabi nya sana daw kung alam lang nya eh hapon na sya bumalik sa barko sayang daw oras.
at ang mag ama ko emote nanaman. grabe maka yakap yung baby ko at kiss ng kiss sa papa nya. pag tinanong sya where's papa hindi yung picture ang tinuturo nya yung papa nya sabay kiss pa. tapos nung aalis na yung papa nya sa sm, parang alam nya ayaw lumipat magpabuhat sakin nag ba bye bye sakin. paiyakan pa nung pinasa sakin ni hubby, kelangan pa namin piliting tumalikod si baby para makaalis papa nya. kaya ayun pag balik sa cabin mega iyak sa phone ang tatay, feeling daw nya kaaalis lang nya ulit at kelangan ulit mag adjust, sabi ko na lang, mabilis lang ang 13 days hon, nandito kana ulit, next time masasanay kana na every 2 weeks makikita mo kami, daig mo pa nga yung katulong natin sya once a month lang nakikita baby nya.
sa totoo lang parang panaginip lang sa bilis yung uwi ni hubby pero atleast ok na yun kesa straight na wala. simula ng naging kami pinaka matagal nyang on board 5 months, ngayon hagang kaya daw nya papa extend sya kasi nga ang ganda ng byahe nya 3 days ang pinaka matagal na wala syang signal, so sabi ko tiis tiis na lang, let's make the most out of it para kung malaki maipon natin eh di last na sampa mo na yan. last month ang target nya 1 year uwi daw sya summer, ngayon kung kailan naka tikim na ng manila port ang target na ay december hehe, umiksi! pero ayos lang, mas nahihirapan sya ngayon dahil sa baby namin to think 10 years ng nagbabarko si hubby, ngayon talagang pinipilit lang nya sarili nya magbarko.