watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136223 times)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #340 on: April 22, 2011, 10:17:42 am »
welcome aboard to all newbies! doris here.

sana matuloy na pag uwi ni hub next week. april 13 sana uwi nya kaya lang wala sya reliever.

sis ren sana maabutan pa kita pagluwas ko. 

sis zarenn, magastos nga sis sa part natin kasi pag may time pa talagang uuwi muna si hub para makapag bonding sa family. taga visayas naman ako (iloilo)

betty

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #341 on: April 22, 2011, 10:25:23 am »
sis Doris message mo kame if luwas ka ha? meet up ulit tayo

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #342 on: April 22, 2011, 04:16:19 pm »
naku sis intela vista mahirap talaga nang wala ang hubby sa panganganak. naexperience ko rin iyan. grabeh 15 hours labor pa ako, nakakainggit na makita ang mga hubby ng nasa labor room na inaalalayan mga misis nila. ako mag-isa lang sa labor room although ang tatay ko pasilip silip naman. super proud ako sa tatay ko dahil wala nga si hubby siya talaga ang nandoon. ang nanay ko naman kasi eh mahina sa ganyan. kaya tatay ko ang andun, pablik balik siya sa labor room, ask kung okay na ako, kung hindi ko na nga raw kaya ay magpa-cs na ako. pero kinaya ko talaga dahil ayokong ma-cs. :) di pa nga alam ni hubby na nag-la-labor ako. nag-worry pa siya nung una
dahil di daw ako nagrereply sa kaniya. kaya napatawag ng di oras. umuwi si hubby, 5mos. na baby namin. lagi kasing 1 yr. ang contract ni hubby. pero ngayon, mas mabilis na dahil 6mos. na lang siya sa barko. 

bago lang siya sa agency na iyon sis silverbarrow. hindi nga kaya pareho sila ng agency. :)

sis betty medyo matagal ko pa makuha allotment kaya malamang adjusted na ako non. hehe

sis guilleanne, iggypop, gelei tama kayo sabi nga ni hubby sa akin, walang magagawa dahil iyon ang nature of work nila. kaya dapat nang masanay. pero i know naman
na kahit sinasabi niya rin iyon, nahihirapan din siya at di pa rin siya sanay tuwing paalis siya. at alam ko na mas mahirap para sa kanila dahil sila yung malayo sa atin. at least
tayo kasama natin ang mga anak natin. siguro nga dapat ko na munang libangin ang sarili ko.

thanks sa inyo.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #343 on: April 22, 2011, 10:36:03 pm »
sis doris, sana maabutan ko pa kayo pagbalik ko hehe

sis betty, sana umabot din si trunki koooo..

so tired. nag beach kami with some of my cousins. missing my hub sooo mmuucchhh. wishing he's with us the whole time.. hay.

scorpio_teq

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #344 on: April 23, 2011, 01:37:13 am »
I need help po.. my bf is in Greece...Pinapatwag nya ako sa cabin nila, eto number 0113039824xxx. tapos ibigay lang daw cabin number.. Di ko matawagan, correct ba format, as in dial lang as is yung number or may kelangan pang prefix? TIA!

betty

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #345 on: April 23, 2011, 08:30:09 am »
ren, baka po umabot kino coordinate ko na po peace hehe..... i also feel for you, pag ganitong may outing miss ko din hubs ko huhuhu

to all the ladies my offer still stands, my treat for the saturday class

intela_vista

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #346 on: April 23, 2011, 08:55:15 am »
hello mga sissies!

sis scorpio_teq, natawagan mo na ba? try mo mag add ng zero sa unahan nangyare na rin saken yan pero nacontact ko din nag add lang ako ng zero sa unahan pag ayaw iadd mo dalawang zero hehe.

sis yang21, tama ka dyan libangin na lang ang sarili para kahit pano hindi ka masad makakapag adjust ka rin after ng mga ilang araw.. saglit lang naman ang six months.. ako hubby ko 8months lagi ang contract.. sa unang linggo ng alis nya malungkot pero after nun okay na ako kasi occupied din ang oras ko dahil sa mga chikiting kaya minsan kahit gusto ko magemote hindi ko magawa masyado kasi ako busy ang liliit pa kasi ng anak namen.

sis workingmomzie, good luck malapit na rin pala dumating si hubby mo,  enjoy his vacation  :)

sis zarenn, ang hirap talaga pag malayo ang office ni hubby sa bahay pati mga wifey apektado tapos nakakapagod pag panay ang luwas..sayang yung oras.. kung sa manila naman kayo titira magastos naman bawat galaw nyo dun may bayad pero okay sa manila daming mashashoppingan (hehe).. kung ako papipiliin mas gusto ko sa province kasi presko at hindi polluted.. kame naman from bataan.

sa iba pang mga sis hello!
thanks sa pag welcome saken dito sa thread :)






Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #347 on: April 23, 2011, 09:51:00 am »
message kita sis beth, tentative date dating ni hub april 29. miss ko na kayo lalo na at di ako nakasama sa inyo right after dinner natin last august.

sis ren report ka ba agad sa office nyo on May 4? hanggang kelan leave mo sis?


Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #348 on: April 23, 2011, 11:39:07 am »
Waaah! iwan na naman ako dito. scan scan ko lang, makapag backread muna. WELCOME sa mga sis na bagong sampa!

Question
lang mga sis, meron po ba tayong taga P&O australia? how true na ibabalik na sila sa princess? tsaka meron po tayong mga taga Cunard at Royal Carribean diba? if totoo kasi ang balita tungkol sa p&o, hanap kami ng ibang malilipatan. :( hay life..

sis betty, pareho pala kayo ng church ni MIL ko. ^_^

lors1025

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #349 on: April 24, 2011, 06:09:23 pm »
ganda gabi mga sis, grabe.. tagal ko ng di nakakatambay dito.. dami bago sampa.. hehe... welcome po sa lahat, sis lors here.. pasilip silip paminsan minsan at medyo busy pa rin ke hub hehe.. selos na nga sa kaka fb ko e.. kaya lie low muna hahaha... anyway, back read muna ako, napagiiwanan na, sobra!..


health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #350 on: April 25, 2011, 02:11:23 pm »
Hello to all! Happy easter po. Medyo matagal-tagal na rin ako hindi nakakapagpost, pero andito lang ako, napapadaan-daan. Welcome po sa lahat ng newbies. Sa mga kakaalis lang ng boyfie / hubby <hugs> and <prayers> for you. Sa mga uuwi naman ang ka-partner, enjoy your upcoming days. Saka na ako magkwekwento ng updates tungkol sa amin ni boyfie. Andito pa rin siya.  ;)

zarenn

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #351 on: April 28, 2011, 10:41:55 pm »
hi sis workingmomzie, taga ilo-ilo ka pala...my husband's mom is from ilo-ilo also. :)

sis intela_vista, hahaha madaming mashashoppingan...natawa naman ako dun.si hubby kasi panay convince na sa manila na lang daw kami mas convenient kasi sa work nya pero like you mas gusto ko sa province pa rin.

Ey mga sis, baka may alam kayo news or any current update sa port condition ng Hachinohe, Japan lalo na about sa radiation. Pabalik nanaman kasi vessel nila hubby dun mid of May.

Thanks!

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #352 on: April 29, 2011, 01:20:44 am »
hi mga sis, I was so happy naka video chat ko si hubby kanina, pero medyo napaisip lang ako kasi nalaman ko may bading na OS sila.

Actually nalaman ko lang kasi nga nakapag online sya at nag add ng friends sa facebook so tinignan ko yung profile nung mga inadd nya and isa dun sa mga bagong add kasama nya onboard now and nung binasa ko yung wall at mga comment sa pictures nya, eh ayun bading. common na ba ito now? hindi naman ako natatakot na aswangin nya si hubby pero parang weird yata ano?

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #353 on: April 29, 2011, 04:17:38 am »
si hubby din may kasamang bading sa ship, yung cook nila, actually sila pa magkasama kasi sa kitchen sya naka assign ngaun... actually nung una medyo nabother din ako, pero i know na may bf sya... knowing hubby din kasi sanay na ko may gay friends sya kasi super friendly si hubby, tsaka lam ko din na di sya pumapatol sa bading...tsaka mabait yung kasama nya in fairness... ipapakilala nya nga sa akin pag uwe nila, and 1 more thing magiging ninong/ninang sya ng upcoming baby namin...hehe!

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #354 on: April 29, 2011, 09:32:09 am »
natatawa naman ako sa mga posts ngayon,  si hubby meron din nagpaparamdam na bading na european. May access kasi ako sa FB niya kasi  tamad yun mag update.Minsan kasi may mga kaibigan siya na dun nag me message pag ayaw siya i text  (tamad kasi sumagot din si hubby )at binabanggit ko sa kanya yung mga nag PM. At ayun nabasa ko yung isa na message na may content na alam mo na bading. Pero kampante naman ako din kay hubby, natatawa lang ako, kinuwento ko nga sa kanya yun nung huli kaming nag usap at tawa lang din siya ng tawa. Sobrang kulit daw at iniiwasan na lang niya.Sabi ko i unfriend na lang niya sa FB  ;D

hello29

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #355 on: April 29, 2011, 01:06:53 pm »
pasampa din po, hello sa inyong lhat :-)

seaman din po si hubby, kakatuwa nman me thread pala na ganito, si hubby ko nandito pa din sa pinas, ayun ineenjoy muna namin habang andito pa, siguro talagang adjustment lang ang need natin, si hubby din dami nami-miss na event sa buhay nmin, tiis tiis lang, buti at uso na ang ym at skype, hehe hello sa lhat. :D

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #356 on: April 29, 2011, 09:47:39 pm »
oo meron din kina hub cook din..sana harmless lang sila hehe..

anyway, medyo nakaka-sad lang ang news kina hub.. may mga kasama kasi sila yung isang fleet nila nag-welga few months ago ito re: GOA transit.. ipinaglalaban nila ang No Armed Security Escort, No GoA Transit.. (this means yung security sa loob) not only convoy escorts.. Nagtagumpay naman sila approved na ang armed guards pero sad news kasi matatanggal ang mga nagwelga.. at kasama dun ang mga super close na ke hub.. Sobrang sad ito for him!!! nagpalit kasi kami ng phone ni hub before so sa akin nai-sent ang ibang messages for him.. I'll share some --Thanks a lot Kosan Boyz, it's been a pleasure working with you guys for almost 8 years. As the saying goes" some things never lasts! Bye and good luck to all of you. See you next time & place. I'm leaving...... and another msg goes:  Boy (referring to hub) everything happen for a reason... The process of disposing the pieces and creating a new one is challenging...we salute u sophia guys! Till we meet again. Hindi rin nasayang ang aming ipinaglaban  :(


curiousbebe

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #357 on: May 02, 2011, 02:43:21 pm »
Hi. Im new here. Nagbasa muna ako mula sa simula. Nakakatuwa naman mga kwentuhan nyo. Im a wife din ng seaman.
« Last Edit: May 02, 2011, 02:46:59 pm by curiousbebe »

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #358 on: May 02, 2011, 02:49:39 pm »
Welcome aboard curiousbebe!

curious_bebe

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #359 on: May 02, 2011, 03:32:18 pm »
Thanks Nuna. -curiousbebe.
Talaga bang mas mababa ang sweldo na nakalagay sa contract ng  seaman. Nabasa ko kasi sa contract sweldo niya is $____ plus fixed overtime plus allowance.

Yong isang kakilala ko din mas maliit ang sweldo nakalagay sa contract. At saka wala pang plus, plus katulad ng fixed overtime and allowance.
« Last Edit: May 02, 2011, 03:35:38 pm by curious_bebe »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close