watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136272 times)

intela_vista

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #320 on: April 19, 2011, 08:14:13 am »
sis guilleane, dnt worry sis malapit na mag may ilang tulog na lang...yeyy!

hirap din maging asawa ng seaman hindi mo laging kasama tapos paguwi ang bakasyon sandali lang tapos tatawagan na agad ng company para sumampa.. minsan naiisip ko sayang ang oras na hindi kame magkasama tapos paguwi nya mga 2 or 3 months lang bakasyon nya minsan hindi pa...pagbalik nya nadagdagan na naman ang age namen... kaso walang magawa kase ganun ang linya ng trabaho nya... hehe mag emote ba =) sanay naman ako kase nagstart naman ang relationship namen na ganun ang sitwasyon nakapag abroad pa nga me ng almost 3 years pero nagkikita naman kame dun sa ibang bansa kung minsan pag nadadaan ang barko nila... nakasurvive naman.. after almost 7 years ng relationship namen nag settle down kame.. ang dami kong iginive up and isinacrifice.. nahirapan din akong magadjust.. and now magtatatlong taon na kmeng kasal.. syempre di maaalis ang ups and downs sa buhay mag asawa... ang mahirap pa sa part ng babae pag manganganak wala ang asawa nakasampa sa barko.. ako yung dalawang chikiting namen ipinanganak ko yun nang wala siya ang hirap kaya... hayy! buti na lang kinaya  :)

share ko lang ^_^

a pleasant day to all of you mga sis  :)


babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #321 on: April 19, 2011, 09:59:36 am »
^ kahit naman midnight sila dumating, hindi ka rin naman yata pwedeng dumiretso talaga sa barko as in pagdating na pagdating? kasi syempre di ba may operations din sila. at sa "pagkakaalam ko" depende sa boarding inspector na aakyat kung papayagan kayong mga bisita na umakyat ng walang boarding pass. merong inspector na mahigpit kasi. kung dito sana sa south, kahit hindi pumayag si hub mo, makakaakyat ka hahaha! magugulat sana sya hehe. pero sa north ganun din yun eh. wala lang kasi akong kilala sa bay service dun. tigas talaga ng ulo ko sis noh? sinabi ng wag aakyat e kulit pa rin hehe. 

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #322 on: April 19, 2011, 01:22:43 pm »
oo nga daw, icocoordiante pa daw nila sa office yun sis, para mapayagan umakyat yung mga misis at misismisisan, pero sabi nya eescortan daw ng welfare office yung mga aakyat kasi may photo op daw at salo salo sa barko pero tanghali pa yun, hindi kami sasama kasi balak nya mag swimming kami dito sa malapit na circle island.

ang worry lang nya is yung matagalan ako mag hintay sa pag baba nya kasi minsan delayed dumikit ang barko diba. swerte kasi sa position nya wala silang duty pag loading and unloading, yung mga AB nila halos lahat asawa ang aakyat kasi may duty.

ang ganda ng byahe nya parang gusto ko pagkakitaan! hehe ano ba pwedeng bilhin mga sis sa singapore, malaysia, indonesia at japan na magandang ibenta dito???

sis intela_vista, iba talaga challenges pag malayo ang asawa, although hindi ko pa naexperience manganak mag isa, kasi buong pagbubuntis ko hindi ko pina akyat si hubby, 13 months sya nag bakasyon nun kasi takot ako magpa iwan. Ako nga dahil wala sa mister, marunong na ako magkarpintero, mag tubero, mag electrician, ano pa kaya susunod na kelangan ko matutunan. last week inayos ko yung washing machine binuksan ko yung makina. mag drive pala kelangan ko aralin, medyo may phobia lang kasi ako! hehe.

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #323 on: April 19, 2011, 01:33:23 pm »
intela vista: oo nga ang hirap manganak na wala ang mister..haaayy naalala ko tuloy sa pangalawa ko. talagang gumawa ako ng notes ng mga kailangan gawin at asikasuhin sa hospital at instructions para sa sis ko. iba talaga sis mahirap. humihirit nga ngayon na sundan na daw namin pagbaba nya gusto nya daw kasi magka baby girl naman- sagot ko, papayag lang ako pag nangako sya na andito sya sa duedate ko hehe. anyway sis, sacrifice talaga bilib din ako sa mga couples na pati misis wala sa pinas. dobleng hirap yun diba. pero nalagpasan nyo naman kaya depende talaga.

sis guilleanne: sayang kung sa south pala sana pwede mo i-surprise c hub mo ayan c sis ren eh pwede ka matulungan.. sis Ren sa company nina hub naman batangas at bataan lang sila. ok pala sana pag dito manila.hehe..

hello sa mga sis ko here.. have a blessed holy week!

zarenn

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #324 on: April 19, 2011, 02:13:10 pm »
hi everyone! pasampa din! :)

glad to find this thread...grabeh parang nahilo naman ata ako kakabackread pero naaliw ako ang saya dito nakakarelate din ako sa mga experiences nyo at nakakatuwa din kasi super bonded na kayo dito.pasali din ako ha.hehe

im a seafarer's wife din...almost 2 years married na with a 1yr old baby girl, next month na 2nd anniv. namin ni hubby. :) so sad nga lang wala nanaman sya dito kasasampa nya lang last March. pero masaya na rin kasi nakasama naman namin sya last christmas, new year & 1st bday ng baby namin. :)

like most of us here wala din si hubby when i delivered our baby, after a month pa bago sya nakauwi.
so sad talaga na hindi nyo both maeexperience lahat ng bagay together pero ganun talaga eh kaya kelangan macondition mo na talaga sarili mo both mentally & emotionally para di gaanong madisappoint.

hope to be a part of your family here...daming insights dito & ansarap ng feeling na may nakakarelate sa mga pinagdadaanan mo. :)

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #325 on: April 19, 2011, 04:42:14 pm »
yan din nga iniisip ko dati, nung nalaman kong preggy ako... parang di ko alam kung ano gagawen ko wala sya pag nanganak ako... i'll be giving birth on July... buti na lang sakto july din uwe nya... a week before my EDD ang tentative date ng uwe nya... sana matuloy yun and sana mahintay sya ni baby... :)

then after a month binyag na agad kasi lam nyo naman ang seaman paiba iba ang length ng bakasyon, eh gusto nya na nandito sya on our baby's baptism...

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #326 on: April 19, 2011, 09:54:50 pm »
hi Zarren welcome  :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #327 on: April 19, 2011, 10:10:25 pm »
wow dami na bago!!! WElcome sis  chasederwin, akireyhoj, scorpio-teq,  intela - vista and zarren !!! Daan daan lang muna ako  mga sis, pero i always read this thread for updates, have a blessed holy week to all my sisters!!!


iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #328 on: April 20, 2011, 11:25:52 am »
wow ang saya! ang dami na natin!

welcome aboard mga sisters :)

hub is onboard right now and nakaka-3 ships na siya in less than a week. kawawa nga and pagod na pagod. pero sagarin niya na daw para maka-vacation naman next month.

sis ren katuwa naman ang offer mo :D remember ko one time nag-dock ship ng hub ko sa north harbor. naglagay siya sa security guard para lang makapuslit ako LOL! 100pesos lang katapat, pero malaki na yun nung time na yon 1996 LOL!  ;D ;D ;D

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #329 on: April 20, 2011, 01:34:26 pm »
sis iggy, bakit palipat lipat ng barko si hubby? na curious lang. hehe

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #330 on: April 20, 2011, 02:59:31 pm »
hello mga sis...

nakaalis na si hubby yesterday. super sad kase hindi kami prepared. una kasi ang sabi may 1 ang alis niya. then 2 days ago, tumawag ang ofc ang sabi nila today ang alis. pero kahapon ng umaga, tinawagan ulit siya ng ofc, ang sabi ay punta siya dun. nung andun na siya tumawag siya sa akin at malungkot na sinabing 6pm ang flight niya ng araw na iyon din. naloka ako, akala ko nagbibiro lang siya. hanggang sabihin niya na seryoso nga siya. ayun, pareho kaming nablangko tas ng nung tumanim na sa utak ko, bigla na akong nataranta. kase hindi talaga kami prepared. dapat nung araw na iyon kami palang mamimili ng mga kakailanganin niya pati na rin pagbili ng laptop. ang nangyari tuloy, mil ko na bumili ng mga necessities niya. while me and my tatay bought his laptop. as in mabilisan lang. pagkadating dito inayos ko na un mga gamit niya. buti na lang at naiprepare ko na rin kahit papano sa luggage niya yung ibang dadalhin niya. hayyy! di na siya nakauwi dito sa bahay. dumiretso na siya sa airport at ganon din kami. as in 5mins. lang tapos pasok na siya sa airport. ganun lang. ni hindi na kami nakapagusap o kung ano pa. dahil inayos pa namin yung mga dala dala niyang gamit sa barko from the ofc. pano 45mins na lang before siya pumasok at flight na nila. natraffic din kami dahil nga sa long holiday itong week na ito.

nakaka-sad pero mas okay na rin siguro ang ganoong biglaan hindi na ako naiyak pa sa airport dahil sa taranta. pag-uwi namin dun ko na naramdaman ang loneliness. nung makita kong kami na lang ng anak ko. although kasama namin sa house ang parents ko, separate pa rin in a way na sa 2nd flr. sila at kami naman sa 1st flr.  di ko napagilang maiyak nung nakahiga na kami. pinipilit kong libangin ang sarili ko pero deep inside nakakaramdam ako ng kirot sa puso. tapos ang luha ko kusang pumapatak na lang. pilit ko mang kontrolin eh sadyang hindi ko makontrol ang pagpatak. mahirap talaga sa umpisa pero alam ko makakayanan ko rin ito. right now, medyo okay na rin ako.
kakatext lang din niya at sabi niya nasa frankfurt airport na sila. wait lang sila konti papunta naman na sila hamburg.

ewan ko namiss ko lang talaga siya ngayon ng sobra. kase iba yung bonding namin ngayon. ibang iba sa mga nakaraan. mas masaya, mas maganda at mas prioritize kami. ramdam na ramdam ko pagmamahal niya sa amin ng anak ko. hindi rin niya ako binigyan masyado ng sakit ng ulo aside sa unang week niya rito. pero the rest is bawi to the max.

pasensiya na mga sis, napahaba. just my sharing what i feel. thankful talaga ako at merong thread na ganito na nakakarelate ako. aja para sa amin ng anak ko. aja!
« Last Edit: April 20, 2011, 03:58:02 pm by yang21 »

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #331 on: April 20, 2011, 03:18:26 pm »
^ waaa hirap naman nyan sis! hugs to you!! haba ng holiday, iinom na lang natin yan hehe! yang ganyan ka urgent ang ayaw na ayaw kung nangyayari. parang nangyari na rin yan kina sis doris.

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #332 on: April 20, 2011, 03:59:47 pm »
babymom20 naku ayoko talaga ng ganoong klaseng set-up. 2nd time na nangyari sa amin ang ganito. ang hirap. :( but i have to be strong for my son.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #333 on: April 20, 2011, 04:52:56 pm »
hay sis yang...i feel for you kasi ganyan din nangyari sa amin nung umalis siya nung Dec. Di kaya pareho tayo ng agency kasi parehong pareho lahat ng ang experience natin?  :o Napaaga din siya ng 2 weeks tapos same sayo na nalaman na lang na aalis  na siya kinabukasan ng gabi na. The last day niya nasa office lang siya kasi inaantay niya ticket niya,  tapos nagkita  na lang kami sa Bonifacio High Street dala ko maleta niya and had our last dinner together bago ko siya ihatid sa airport. 2nd time na rin nangyari sakin yun at ang sakit talaga sa dibdib kasi di naka kundisyon  utak mo na aalis na siya on that day. eh wala naman tayo magagawa, ganun talaga....

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #334 on: April 20, 2011, 06:09:42 pm »
waaahh sis yang ang hirap ng ganyang biglaan! mabablangko ka talaga.. once ko pa lang na-experience yan although nasabihan naman sya na be prepared anytime that week. kaso walang early advice sarap sarap pa ng tulog namin biglang tinawagan si hub na punta na ng office at flight na rin ng 4pm. sana man lang a day before naman diba. pero talagang ganun daw eh kasi depende din sa dating ng barko sa port..pag nade-delay naman sila sobrang saya para sa atin kahit isang araw lang yan parang feeling isang linggo na hehe. kaya ako kinokondisyon ko na rin sarili ko everytime na nakapag medical na si hub.. ayan na pag tapos na ang medical medyo malungkot na at naghahanda na ako emotionally  :(

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #335 on: April 20, 2011, 10:12:58 pm »
sis yang be strong na lang. masakit talaga everytime umaalis pero ganyan talaga... di bale holy week naman kaya distract mo na lang sarili mo with your family activities. God bless sis!!

guilleanne nag-shift ng career si hub. hindi na siya seaman, well seaman pa din pero nagi-inspect na lang siya ng mga barko kaya palipat-lipat depende kung saan ma-assign. musta sis ang preparation mo sa pagdating ng hub mo? hehe remember ko lang yung friend ko na wife din ng seaman, may seremonyas talaga siya pag padating ang hub nya. from head to foot and those in "between" hehe

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #336 on: April 20, 2011, 10:16:47 pm »
nakaka sad talga pag ganyan sis yang. nangyari na rin samin yan sis nung mag bf gf pa lang kami, napaaga sya ng 1 week. dapat mag date lang kami after nya kunin yung mga cover alls sa office, sinundo pa nya ako nun sa office ng umaga kasi nasa call center pa ako nun, biglang natagalan sya sa loob yun pala flight n anya nung hapon, na iiyak na sya nung lumabas kaya ginawa namin diretso kami sa motel! LOL... yung kapatid na nya nag impake ng maleta nya. kaya pag dating nya sa barko napakamot na lang sya ng ulo sa laman ng maleta nya, puro pambahay at mga damit na hindi naman nya sinusuot ang laman.

sadness talaga sis pag bagong alis, I super hate the feeling, naiinis pa nga ako sa sarili ko kasi bakit ba hindi pa ako sanay! kaya lang pag love natin ganun talaga. Dito samin may ibang asawa ng seaman dito na nag cecelebrate pa pag alis ng asawa nila. hehe..

sis iggy, galing naman ng career ni hub mo ngayon? so mas ok ba ngayon ang job nya? dati sis nung hindi pa ako nabubuntis major prep ako, as in full costume may practice pa ang sayaw. hahaha. kaso ngayon ka room namin si baby, ligo na lang ang prep. saka starting may 28 every two weeks nandito sya for this contract, mauubusan ako ng performance act, kaya medyo napabilis din ang adjustment period ko. usually umaabot ako ng 3 months bago nakaka adjust.
« Last Edit: April 20, 2011, 10:29:21 pm by guilleanne »

betty

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #337 on: April 21, 2011, 08:02:52 am »
ako naman pag may allotment na, adjusted na hahahahaha

hope some of you will enjoy your vacation...share ko lang, anyone na gustong sumama,let me know, MY TREAT!!!!

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=205347566153627&set=a.100192523335799.209.100000351543766&type=1&theater

intela_vista

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #338 on: April 21, 2011, 11:33:50 am »
good day mga sis!

ganyan talaga ang buhay seaman minsan nadedelayed ang alis minsan naman biglaan nakakalungkot pag ganun... minsan nga hindi pa ready si hubby tapos papasampahin na sya sa barko agad.. pag ganyan nakakasad talaga..tipong kung pwede lang na patigilin ang oras gagawin na naten kaso hindi pwede..ako naiiyak na lang ako pag ganun pero everytime na mangyayari yun sinusulit namen bawat minuto as in hindi talaga kame naghihiwalay andun lang kame sa kama LOL  (hehe) tapos bigla na lang tutulo ang luha ko ganun din sya.. ang gawain ng hubby ko pag paalis na sya pinipicturan at vinivideo nya kameng mag-iina kaya mas lalong nakalungkot..

si hubby ko malapit ng umuwi nagpaplan nako kung saan resort maganda para makapag unwind at makapgrelax naman kasama ng mga kids.

nagiisip isip na rin ako kung anong mga foods ang pwedeng iluto para sa kanya...nakakapagod kaya sa barko ang hirap din kase ng trabaho nila dun kaya dapat pag uuwi sila asikasuhing mabuti.

sa totoo lang pag andito si hubby sa bahay, pagod na pagod ako parang kulang ang oras ko kakaasikaso sa kanila pero happy naman ako feeling ko lagi akong inspired.. pag wala sya hindi ako ganun kabusy pero sad naman kase nakakamiss din ang presence nila..kaya lang kung minsan pasaway din sakit sa ulo sana pag uwi nya mabait na sya (LOL) hehe =)

happy holy week mga sis  :)





« Last Edit: April 21, 2011, 11:37:47 am by intela_vista »

zarenn

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #339 on: April 21, 2011, 09:34:10 pm »
thanks sa pag-welcome mga sis =)

hay nakakainis talaga yang paiba-ibang schedule ng pag-alis nila, lalo na in our case na from Mindanao pa kami pag tinawagan ng office report sya agad tapos pag may delay sa pag alis nila uwi na naman sya.hay ang gastos kaya ng pamasahe.ngayon nga before sya sumampa tatlong beses pa syang pabalik-balik uwi.magastos pero tiis lang sayang din kasi yung araw na hindi kami magkasama.parang pinag-iisipan na nga namin na mag Manila base na lang.hehe


 

Latest Stories

Load More Stories
Close