watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136344 times)

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #240 on: March 21, 2011, 06:25:42 am »
Sis guilleanne : sis si hubby hindi ata cya nagiipon nang maraming pera onboard. before puro lang cya cash advance and pag may bibilin or pag mag shoshore leave lang cya kukuha. this time usapan namen everymonth pati onboard nya papadala rin nya pero sabi kelangan daw may account sila onboard so ginawa ni hubby next month hindi cya makakapgpadala nang special allotment para yun na yung pinaka deposit niya onboard. siya na rin nagsabi nyan kasi isa rin yun hindi marunong magipon at para iwas na rin daw sa tukso. then nakwento nya rin sakin dati nung pauwi na cya 500 dollars lang dala nya then the rest sa opisina na lang daw nya kukunin. kasi mahirap na daw baka [textspeak!] mangyari sa byahe pauwi sayang naman daw yung pinaghirapan nya.

Sis dontdothat Alpha kapal muks naman nung [textspeak!] ni hubby mu sa room. hindi man lang nagpapaalam. Si hubby wala pa cya nagiging ka room mate since unang sakay nya sabi nya lahat daw sila may sariling cabina tapos sa loob may vault din daw... tanker hubby ko sis share ko lang. sis panu nagka at&t sim si hubby mu? sarap naman nun sis tagal nyo nakakapagusap.

sis summer07 sis march 02 si hubby ko sumampa sa Ireland naman. naku buti na lang wala na si hubby mu sa Japan that time kasi nabasa ko yung mga pinoy seaman dun grabeh daw dinanas nila tapos kinailangan pa nila uli umakyat nang barko kasi yung mga papers nila at gamit nila andun pa. inaalala na nila buhay nila pati mga papeless nila hindi pa nila maiwan. but thank god their company provided hotel suite naman and now nakabalik na sila dito sa pinas.

sis sweetie28 tama si iggypop mahirap yun para sa master since cya yung representative nang company. but IMO lang if I am the master... cyempre hindi ko na lang itutuloy if there is really a higher risk... cyempre yung crew ko muna ang iisipin ko and yung damages na pwede bayaran nang company for lawsuits against my crews incase they will affected and expose to radiation. cyempre dapat long term kagad... maybe for now it would be costly but it would cost us more if all my crews will file a case against us.

Hello  mga sis... nakausap ko si hubby 20 minutes lang di pa cya nakakabili nang sim kasi hindi pa sila nakakadikit sa port pero nakakatext ko cya nung gabi kaso nung umaga na sakanila sabi nya wala daw work tapos sabi rin nya maliligo lang cya after nun namuti na mata ko pudpod na daliri ko kakatext wala reply buong madamag. I am starting to worry na nga eh. bigla na lang cya hindi nagtextback  :-[


babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #241 on: March 21, 2011, 10:03:48 am »
good morning everyone!

ask lang sana ako, nagbabayad po ba mga hubs nyo ng income tax? gumagawa rin ng income tax returns?

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #242 on: March 21, 2011, 10:47:21 am »
nope.. di sila nagbabayad ng ITR..
ang lahat ng ofw hinde na kinakailangan mag bayad ng income tax.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #243 on: March 21, 2011, 10:50:49 am »
^oh, really? ganun ba? bakit sa agency nila boyfie, sila nagbabayad for them, binabawas na sa allotment, and nakareflect na rin sa payslip. then nagbibigay sila ng copy ng 2316 (pero upon request nga lang). hala, bakit ganun? ano pwede namin gawin tungkol dito?

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #244 on: March 21, 2011, 11:19:43 am »
health gal
sa pagkaka-alam ko di talaga nagbabayad ang ofw ng income tax..
we don't issue 2316 to our seafarers.. kahit pa may mga misis na nag re-request ng ganun dahil hinihingi daw sa school ng mga anak nila..
please ask your bf's office kung bakit sila nag ka-kaltas sila ng income tax.. and read further muna before ka tumawag sa office nila ha?? mag investigate and research ka muna para may bala ka.. at hinde sabi sabi lang di ba? just google ofw income tax....or check www.bir.gov.ph


sa case ng kapatid ko..when the oil rig he was working on put up shop for 6 months in palawan.. he was  deducted income tax and his sweldo was in pesos.. kasi the contract he signed was with his office in manila and not the office in singapore.. something like that.. kaya nga he was complaining to me na may income tax sya na bawas..

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #245 on: March 21, 2011, 11:26:57 am »
^okei. thanks sis liya for your inputs.

summer07

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #246 on: March 21, 2011, 11:57:39 am »
good morning everyone!

hay im soo bored, di makalabas umuulan dito samin ngaun...

meron ba dito mga full time moms & wifeys? what made you decide to resign from your job?
I miss working...lalo ko namimiss si hubby pag nasa bahay lang ako. :(

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #247 on: March 21, 2011, 12:03:44 pm »
how about sa pagkuha ng sedula? how much ang nilalagay nyo? sweldo multiply months of contract?

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #248 on: March 21, 2011, 12:09:33 pm »
Sis healthgal, hindi ko alam ito. Ang alam ko na kinakaltas lang kay hubby ay savings at philhealth. Pero kasi hindi ko naman nakikita din yung pay-slip. hindi kasi ako maka log-in dun sa site nila. pero ang alam ko dapat nga hindi sila kakaltasan nun.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #249 on: March 21, 2011, 12:14:43 pm »
babymom
san mo gamitin ang sedula?

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #250 on: March 21, 2011, 12:24:38 pm »
kasi lapit na deadline ng submission ng Statement of Assets and Liabilities. at attachments dun yung sedula, kasama sedula ng hub pag married na. at kaya din ako nagtanong nung sa income tax. kasi dito nga samin tapos na nun. at yung ibang mga kasama ko meron silang sinasabi na pwedeng joint income tax daw ang mag-asawa. but kung exempted ang seaman sa income tax, then siguro disqualified naman kami nun.

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #251 on: March 21, 2011, 01:31:21 pm »
si hubby din tax exempt po sya.

haay super emote nung hinatid ko si hubby kanina, pero GOD is good talaga. Kasi although malungkot na magkahiwalay nanaman kami, pinawi agad nya yung sadness ko ngayon excitement naman.

Sa hongkong lang sya nag join ship kaya short trip tapos may good news sya agad, dry dock sila ng april so lagi sya may signal tapos after ng drydock may byahe na sya ng manila, so almost every month pwede ko sya makita, so always looking forward lang ako sa byahe nya dito.

kelangan ko pala i-continue ang contraceptives ko ngayon.. hehe..

So ngayon I'm looking forward na magkita kami ulit in less than two months. This will make his contract easier for us..

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #252 on: March 21, 2011, 07:57:37 pm »
sis babymom pag OFW hindi nagbabayad ng tax, pero they can still file sa BIR. i think may note lang dun na nilalagay na exempyed sa tax kase OFW.

re sedula, pag kumukuha si hub yung lowest lang na bracket ang binabayaran namin, ang explanation niya is "eh nasa lupa ako kaya wala akong income" :p

i suggest sis if magfa-file ka ng statement of assets and liabilities pagawa mo na lang sa accountant para walang hassle. that's what i do sis hehe... sila na din nagfa-file sa BIR :D

alam mo sis parang bawal yung ginagawa ng office ng hub mo na nagkakaltas sila ng tax. sis liya is right, better ask the office bat may ganon. baka naman may explanation sila :)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #253 on: March 21, 2011, 10:39:22 pm »
mga sis, ano ginagawa nyo pag yung mga anak nyo ang naghahanap sa daddy nila? umiiyak ba kids nyo pag umaalis ang daddy?

kawawa kasi yung baby ko 15 months old, nag wawala hinahanap papa nya. naka tulog nalang sa pagod sa pag iyak. sa gitna kasi namin sya ni hubby natutulog and after mag breastfeed sakin naka siksik na yun papa nya matulog. nag pasuot pa nga nang shoes at gusto lumabas ng bahay, hahanapin siguro papa nya sa labas, naka tulog tuloy ng naka sapatos. nadudurog puso ko habang umiiyak ang baby ko at tinatawag papa nya, tapos hinahampas pa ako sa mukha galit yata sakin.

akala ko ako lang ang mahihirapan mag adjust, naaawa ako sa baby ko, humihikbi pa habang tulog ngayon. after siguro ng contract na to, ayawan na talaga, lulubusin na lang namin ang ipon this contract para last na talaga.

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #254 on: March 22, 2011, 12:55:35 am »
sa office din ni hub walang kinakaltas na tax.. yun na nga lang kinakatuwa din ng mga ofw's kasi tax-exempt.. ask mo na lang sis healthgal office nila for an explanation..
sis ren pagdating sa sedula ganun din ginagawa ni hub like sis IGGY hehe yung medyo mababa lang kasi pag based on income times nos of months malaki-laki din eh sabi nya pabiro panggatas pa daw yun kaso parang kaka-guilty lang din magsinungaling.
sis kin hay naku sis ganyan talaga minsan hehe nakaka relate ako sayo..minsan nag-kakatampuhan pa pagdating sa ganyan hehe.. minsan kasi biglang nawawala yun may nag-alarma o kaya ibang reason.. minsan ka-chat mo biglang nawala like last time ang tagal nawala hehe ayun pala sinundo ng c/e nagpatulong mag-scan..kaya sis be patient and understanding na lang..minsan naman sila naman naha-highblood pag di agad tayo nagreply o di tayo mahagilap..minsan kasi late dumadating text last sunday 4 hrs na daw sya naghihintay mag online ako nagtetext na daw sya gamit chikka, yahoo at globe wala pa rin daw..e naghihintay lang din ako sa text nya.. nagtext sister ko kasi naka-chat nya dun ko pa lang nalaman..dahil wala nga sya..akala ko busy nag Sunday mass na lang kami..receive ko text ng sister ko nasa church na kami..ayun kaloka sis noh..hehe
sisguilleane mahirap talaga sis..pero try to pacify the kids na lang..ang ginagawa ko dinadaan ko sa lambing-lambing kwento-kwento na ang pinupunto ko is kailangan ni daddy mag-work para sayo para sa atin..etcetera kahit babies pa yan sis kahit paano mapi-feel naman nila eh saka sa rooms lagay ka ng family pictures nyo ..sinasabi ko sa mga bata before matulog paalam tayo kay daddy..mag-gudnyt kiss kay daddy paggising ganun din [textspeak!] morning ke daddy minsan literal kinakausap namin ang pics para kahit wala eh maging close pa rin sa dad nila..saka every now and then dapat tatawagan din nila para naman marinig boses nila..kahit di pa nagsasalita ilagay mo lang phone sa tenga nya at ipakausap mo minsan nakakatuwa parang naiintindihan nila at napapa-smile di bale sis at 2 ys old sis parang understood na ng mga  bata ang situation..ngayon nga pag may nagtatanong ang anak ko todo explain kung asan ang dad nya and why hehe.nakakatuwa pakinggan..
sis swettie musta development sa barko ng hub mo.. mahirap isipin ang ganyang situation siguro ako papauwiin ko din if may risk nga talaga sa radiation ang loading or discharging port nila depende sa news circular from their office..balitaan mo din kami sis ha..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #255 on: March 22, 2011, 09:33:33 am »
^^ parang naiiyak na din ako para sa baby mo sis. :-( kawawa naman. pray makaadjust din agad si baby mo. may mga ganun talagang bata. naging fear din nga namin yan nung paalis si hub kaya nagtabi talaga kami ng pinagbihisan nyang damit. para pag ganun daw na hindi makatulog ang baby o panay iyak , itabi o isuot sa baby yung damit. good thing ok lang naman si baby ko. manageable ang separation anxiety nya. hay! hirap naman nyan. sakin kasi di bale ng ako mahirapan wag lang ang baby, mas doble hirap satin.

^ sis gelei, yun nga mahal pag nideclare yung buong income ng past year. sayang din hehe

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #256 on: March 22, 2011, 10:34:32 am »


kila hubby wala pang nangyareng ganyan... mababait naman mga kasama nya... tsaka usually cash advance lang hawak nilang pera, ipon kasi sa office dito sa manila onboard nila, makukuha nila yun pag uwe na nila... kahit mga cp at laptops nila iniiwan lang nila sa cabin wala naman nawawala, marunong naman mag paalam pag hihiramin... kawawa naman yung nanakawan... hirap kitain nun tas ganun lang mangyayare...




wala binabayaran si hubby na income tax... philhealth and sss lang binabawas sa kanya, yung pag-ibig nga nila office na nila yung nagpapay di na kinakaltas sa kanila yun... may copy si hubby ng payslip sa barko, and naka-ipon yun sa kanya inuuwe nya dito...



I'm a full time mom... me and hubby decided na dito na lang ako sa bahay.... lalu na last year nung nagstart na si daugther mag school... kasi like namin na tutukan ang development nya... and one more thing preggy na ko uli ngaun, kaya he wants na alagaan ko na lang sila tutal kaya naman daw nya... wala na daw kasi sya ayaw nya din daw na wala din ako... and malilimit ang time sa mga kids... i miss working too, pero pag naiisip ko na mga kids, mas kontento na ko na ako magaalaga sa kanila... tsaka super kulang sa quality time with hubby pag nakabakasyon sya...




regading sedula, last year kumuha kami nyan kasi requirement nung bumili kami ng bahay, nagpunta kami manila city hall, eh halos 1k yung dapat bayaran pag declare nya yung sweldo nya,, ginawa namin dun kami kumuha sa non-employed, 5 pesos lang ata yun or 10... number lang kasi kukunin nila dun eh... hehe!!!




kagabi my 4 year old daughter was using my ipod, mahilig kasi sya kumanta, so hinahayaan ko sya manood ng mga video, kanta sya habang nanonood, we even send her daddy a video message sa fb kagabi na kumakanta sya... then nung magkachat na kami ni hubby with webcam, nagulat kami bigla tumayo then hinahanap picture ng daddy nya, miss na daw nya, nakita namin she was crying na... tinignan ko kung ano pinapanood nya bakit bigla na lang umiyak, yun pala watch nya yung video entitled "I MISS DADDY"... grabe iyak sya ng iyak, nakita ng daddy nya kasi naka webcam kami, tumalikod na din si daugther tas hawak pa din ang ipod ayaw nya ibigay sa akin, sabi namin wag na sya iyak, ask nya, uuwe pa si daddy di ba... uwe na sya... natigil lang nung sinabi namin na malapit na uuwe si daddy, almost half na contract nya... naiiyak na kami ni hubby pero pinipigilan lang namin...

daddy nya kasi nag alaga sa kanya, bago umalis uli, 4 months sya nag stay dito kaya super bonding sila mag-ama, even sa school si daddy nya naghahatid kasi preggy nga ako, si daddy ang nagaalaga sa amin...hay! super nakakamiss...

buti tumigil na din sya kakaiyak, and nagusap na sila ng daddy nya sa ym... pinatawa na sya ng pinatawa... mugtong mugto ang eyes ng daugther ko... before we sleep, pinanood ko yung video... well, ako naman yung naiyak... nakatalikod ao sa daugther ko para di nya makita, tinatawag nga ako pero bago ako humarap pinunasan ko muna eyes ko... saka ko sya niyakap... sa bandang dulo ng video may sinabi dun na "They say you will not come home..." then i realized kaya siguro tanong ni daugther kung uuwe pa si daddy nya kasi yun yung narinig nya sa video...  :(

actually kahit nung umalis ang daddy nya sila mag-ama yung nagiiyakan... i remember nung paalis na si hubby pag gising ni daugther nakita ko umiiyak na sya, alam nya aalis na daddy nya... kahit nung nagiimpake, sinakyan ang daddy nya sa likod at sinabi nya daddy anung gawa mo? di ka naman aalis eh...

hirap pag marunong na umintindii ang kids... super emotional sila... alam nya kung ano yung nagyayare...
« Last Edit: May 01, 2011, 07:21:07 am by jhenrheign »

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #257 on: March 22, 2011, 04:32:33 pm »
nakakaiyak naman yun sis... grabeh... naiyak ako... parang hindi pa ko handa and hindi pa ko ganun ka strong para magkababy... baka dalawa kami nang daughter ko magiyakan.

narecieve ko na yung very first allotment ko pati yung special allotment for this month. pero cyempre iniopen ko kagad nang new account na naka passbook. pag lumaki laki na ipapasok ko na cya sa time deposit. ang lungkot may pera ka nga di mu naman magalaw... hehe pero mas nakakalungkot yung first birthday ko na may asawa or first birthday ko since we met hindi ko man lang cya makakasama.
Now hindi ko na nga cya kasama, hindi pa ko makapagpaparty with my family kasi may work ako and I had to stay in clark pa for a night. hays...

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #258 on: March 22, 2011, 05:00:17 pm »
Hello mga sis!

Nung mas maliit pa ang baby ko, nagpapaiwan ako ng damit ni hubby. tapos yun ang tinatabi ko sa anak ko para makatulog sya or else iiyak ng iiyak. hay, mahirap talaga pag hinahanap na ng mga bata ang daddy nila. ngayon medyo mas madali na dahil madaldal na si baby, nakakapag skype na sila mag-ama lagi.

tungkol sa mga dugasan, wala pa naman naexperience na ganyan ang asawa ko. at ang alam ko meron silang parang vault sa cabin nila (yun kagaya sa mga hotels) kung san pwede nila ilagay yung important belongings nila.

PERO meron experience si hubby na inutangan sya ng kasamahan sa barko (na ilang contract na din naman nakasama, although hindi friend talaga) tapos hindi na sya binayaran until now. nasa 60k ang utang ng lalaking ito sa hubby ko. so goodluck sa kanya, wag sya magpapakita! haha!

eto pa, this same guy ha.. meron isang kasamahan sila na nagpadala ng pera sa mokong na ito. Para sana sa birthday/binyag ng anak. Aba, hindi ba naman nakarating yung pera. kesyo dineposit na daw nya sa BPI. baka daw mali yung binigay na account number at kung ano anong kalokohan nya. Syempre di naman bobo yung nagpadala diba. So hinunting sya, pagkita sa kanya gugulpihin sana sya, biglang lumuhod at sabi e sorry daw kasi nagastos nya. KAPAL ng face. Sana wag na sya makasampa!

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #259 on: March 22, 2011, 09:36:40 pm »
sa nakawan issue, since hubby works in a cruise ship there was an incident 2 weeks ago na may isa sila pasahero na nagrereklamo na nawala daw yung singsing niya sa cabina niya na medyo malaki din ang halaga. Kawawa tuloy yung room service dept. nila, kinapkapan, tapos sinearch yung cabina. Wala naman makita. Tapos hanggang may ongoing investigation, bawal sila lumabas ng barko. Kawawa nga yung isa dun kasi kumpare namin yun.Kilala ni hubby yung mga taga room service kasi nag work na siya doon before. Sabi niya malabo naman na crew ang kumuha nun kasi alam nila na i se search sila at alam na sila talaga ang unang paghihinalaan. Feeling nila, na misplace lang ng guest tapos sinisisi lang sa kanila.

 sis nuna, ganun din yung eldest ko, pag kakaalis lang ng hubby ko, kukunin niya sa hamper yung huling tshirt na suot niya tapos kasama niya yun sa pagtulog. Nakakaiyak talaga pag ganyan. Napaka helpless lang natin. Sana mabilis lang ang time na maka adjust ulit sila pero siyempre uulit lang yan pag aalis na naman sila. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close