watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136211 times)

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #180 on: March 11, 2011, 04:22:48 pm »
actually sis my company doesnt offer anything LOL phil health lang. Nung nag asawa lang ako tsaka ko lang naisip kumuha nang maxicare for me and hubby kaso nasa 4k ata or 6k yung kelangan ko bayaran after 3 months or 4 nakalimutan ko na eh. Tapos nung pakuha na ko sinabi ni hubby na wag na daw may AMOSUP daw sila. Private ba yun sis? I mean yung facilities nila and doctors ok naman? nabasa ko sa website ok naman daw. and nung nalaman ni hubby na may AMOSUP yung new company nya parang proud nya pa sinabi sakin. na blessings in disguise nga daw talaga yung pagkatangal nya sa unang company nya. kasi dun sa bago daw may standby pay na may AMOSUP pa.

sis yung mga seaman nyo sa company usually at what age do they retire? and may mga pinoy din kayo na nagiging captain? or cheif engineer? tapos sis totoo pag naging captain na pwede na isama onboard yung asawa?


sis babymom20 tska sis workingmomzie, nawindang ako napagbaliktad ko si sis ren at sis doris.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #181 on: March 11, 2011, 05:24:26 pm »
sis KIn, oo sis. ang alam ko pwede magpasampa. di ko lang alam gano katagal ang pinaka matagal na pwede. intayin natin sagot ni sis liya. :)

ako sis hindi naman kapitan ang asawa ko pero pwede daw kami sumampa/sumama. basta yata officer may ganung privilege. or siguro sa mga matagal na sa barko. hehe! meron ako mga kilala na nakakasama yung wives nila sa cruise. ako hindi pa, maliit pa kasi baby ko at wala naman ako pagiiwanan. mahirap din naman yata lalo kung isasama ko. e gusto ni hubby yung matagal tagal.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #182 on: March 11, 2011, 05:48:12 pm »
...sis yung mga seaman nyo sa company usually at what age do they retire? and may mga pinoy din kayo na nagiging captain? or cheif engineer? tapos sis totoo pag naging captain na pwede na isama onboard yung asawa?...
....ako sis hindi naman kapitan ang asawa ko pero pwede daw kami sumampa/sumama. basta yata officer may ganung privilege. or siguro sa mga matagal na sa barko. hehe! meron ako mga kilala na nakakasama yung wives nila sa cruise. ako hindi pa, maliit pa kasi baby ko at wala naman ako pagiiwanan. mahirap din naman yata lalo kung isasama ko. e gusto ni hubby yung matagal tagal....
btw, same ang company ni boyfie at ang hubby ni sis nuna.  ;)

sis kin, yung tito ko, chief engineer. 51 years old na, ewan ko lang kung kelan niya balak mag retire. hub naman ng isang sis natin dito CAPTAIN.  ;)

regarding sa kung totoong pag captain eh pwede isama onboard ang asawa, i think, depende pa rin yun sa company. yung tito ko na chief engr., yes, pwede niya isama onboard tita ko kahit gaano katagal. sa case naman ng company ni boyfie, (sis nuna update lang kita ha), pwede daw nila isama immediate family sa cruise, free lahat, except for airfare papunta sa port, basta nakatapos na sila ng 5 contracts. kinocompute ko nga eh, so by the time na kasal na kami, pwede na ako sumakay. LOL.  ;)

sis liya, thanks for the reminder regarding philhealth. reminder lang po sa iba ha, ang philhealth ay insurance po, which means, pag hindi nagkasakit in a year goodbye na yung contributions. unlike sa ibang govt mandated benefits na may roi. pero sabagay, since mura lang ang philhealth, its still very safe to have one.
« Last Edit: March 11, 2011, 06:06:03 pm by health.gal »

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #183 on: March 11, 2011, 06:03:33 pm »
^ ayun, buti nilinaw mo sis health.gal. hehe! palibhasa iniisip kong malabo pa ko sumampa dahil kay baby, hindi ko masyado natutunan ng pansin kung ano ba talaga. hmp! mukang hindi na yata mangyayari kasi lilipat na yata si hubby ng company. hmp! e kung sa sister company ganun din.. hihintay pa ko ng 5 years uli, baka may bago na ulit kaming baby nun. ano ba yan!  ;D

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #184 on: March 11, 2011, 06:07:31 pm »
^hahaha. wag mo muna palipatin, sakay ka muna. hehe. pero kung mas malaki naman sweldo niya sa kabila, kahit hindi ka na mag avail ng free cruise, kayang kaya mo na bayaran yan. tee hee :)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #185 on: March 11, 2011, 07:48:55 pm »
sis kin yup pwede sumampa ang wives pero depends sa company. kina hub kahit 3rd mate pwede magsama altho medyo naghihigpit sila now dahil sa mga pirates. depende din sa voyage kung gano katagal pwede sumama ang wife.

sis nuna meron akong friend 4 months pa lang ang baby niya nung nag-join siya sa husband niya. hindi ko kaya yon! kase baby na baby pa ang hirap iwan... pero kinaya ng friend ko. nung umalis siya hindi pa gumagapang baby niya, pag-uwi niya expert na mag-crawl :D same friend nung nag-join siya, hinabol sila ng pirates sa GOA! grabe hindi niya daw alam saan siya magtatago. iyak daw siya ng iyak after dahil sa takot :(

mommy naman ng student ko nasa carship daw ang husband niya. and every summer nakaka-join siya along with her 10 year old son. buong summer doon sila sa ship ng husband niya. ang sarap di ba? last year daw nasa Africa sila for 2 months. this year daw baka New York :)

gandang experience daw talaga maka-join sa ship kase kakaibang bonding daw talaga with the husband. unfortunately hindi ko na ito mae-experience kaya sa mga sis na merong opportunity, go go go!!

btw, sana naman walang mga ships na affected ng tsunami sa Japan. grabe nakakatakot!

God bless us all!


gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #186 on: March 11, 2011, 09:03:58 pm »
Re: Philhealth : malaking tulong pag updated ang bayad kasi when I gave birth nagamit ko ito along with my SSS. kaso yun nga muntik na magkaproblem kasi may months na di nakahulog c hub nung nasa Pinas sya buti na lang nung ni-review e pasok pa sa months na dapat may hulog. kung nagkataon e mababalewala yata. Ang SSS din super big help! I was able to get back 39k laking tulong din...mas okey din na aside from our hubby may sarili tayong philhealth and SSS. Kaya after I resigned from work nung may mga kids na nag-voluntary member na ako. Yung philhealth nga lang wala pa pero I really want to continue my membership. Medyo tinamad nga lang pero nung nabasa ko post here naalala ko ulit hehe. Sayang din kasi benefits.

Sa company din ni hub I am glad na meron silang PHILAM CARE.. Si hubby, ako at ang 2 kids binigyan ng card. I was able to use it nung nagkasakit ang panganay ko ng PYELONEPHRITIS grabe ang mahal ng mga diagnostic tests.. Buti naalala ko itong card, medyo hassle nga lang ang process para magamit sya kasi alam nyo na mga sis, pag ganyan eh minsan may matataray na nag-a-assists or kelangan mong pumila pero okey na din malaki din ang nalibre ko..mga worth 20k yata sa UST at sa ST. LUKES. Ang laking bagay na nun diba.. pwede din sya sa check ups pero di ko na ina-avail kasi sobrang pahirap sa pila..

RE: pagsampa ng misis: pwede din sa company nina hub at gusto ko itong ma-experience..One time nung dumaong sila sa bataan sabi ni hub pwede ako sumama kahit hanggang singapore at ibang parts ng Asia lang at saka ako bumalik kaso di ko maiwan mga kids maliliiit pa kasi. Pero I really want to experience this mga sis..may mga napag-usapan na rin dito sa thread before  regarding this at nakaka-excite ang mga kwento nila. According to them sobrang ma-rerealize nating mga misis ang hirap ng work ng  mga hubby's natin at lalo tayong magiging supportive sa kanila. We will be proud of them and understand them even more..

Re: Amosup: bakit kaya may mga sabisabi na di okey manganak dito .. kasi sabi ng kamag-anak naming seaman din o, dun ka ba manganak..sabi ng hub ko..ay naku wag na! delikado mnganak dun! Pero when we went to Cebu meron silang affiliated na hotel doon may discunt for amosup members, laking tipid din..

sis Liya---- aside from that ano pa mga benefits ng Amosup members? limited lang kasi ang alam ko about it..

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #187 on: March 11, 2011, 09:57:59 pm »
huhu buti pa kayo mga sis, sa agency ni hubby walang ganung benefits, philhealth lang.

Tapos sa pagsampa naman, free din kami basta hindi kasama airfare. Ang siste naman, ang barko ni hubby usually is cruising around North and South America and Europe. Magaganda sana dun lalo na sa Santorini at Montecarlo kaso  Good luck naman sakin niyan sa mahal ng pamasahe LOL!! Pero tomorrow dadaong yung sister ship nila na nag world cruise... swerte din nang mga kamag anak ng mga crew dun kasi they can check out the ship.... hay buti pa sila!!!

 


Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #188 on: March 11, 2011, 10:22:25 pm »
So paano kung may mga ilang months na hindi nabayaran? Magagamit ba yung philhealth? Kasi parang simula naman ng ikasal kami ng hubby ko wala akong alam na nagbabayad sya ng contribution sa philhealth habang nandito sya sa pinas. :(

health.gal - sis mas malaki talaga doon sa kabila eh. ang iniisip ko lang bagong pakikisama nanaman yon, kaya ako nalulungkot. :( tungkol sa pagsampa, nakupo! hihintayin ko nalang yung 5 years kesa magbayad ako. hahaha!

iggypop
- oo sis pareho tayo, hindi ko talaga kaya yun. di ako napapalayo ng matagal sa anak ko. eh sabi pwede naman daw isama. kaso lang gusto ko naman yung maeenjoy na nya kung sakali. at para enjoy din ako. Gusto ko din talaga maexperience, kasi alam kong magiging happy talaga si hubby kung sakali. Gusto nya talaga yun. Sana someday.  :)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #189 on: March 11, 2011, 11:37:23 pm »
sis chie, 2 po ang captain natin dito.

sis tet, nung nasa jebsen si hub, meron syang valucare. pero very limited naman yung coverage. di ko rin nagamit yun.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #190 on: March 11, 2011, 11:46:31 pm »
sis ren - sa pagkakaalam ko sis wala valuecare si hub. Baka available lang yun sis sa mga  hindi taga hotel/cruise  ships na assigned, pero matanong ko nga kay hubby just in case. Thanks!!!

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #191 on: March 14, 2011, 06:27:18 am »
weeeee... ipupush ko si hubby maging captain... iniingit nya ko sa aurora na nakita nya eh. kaso goal ni hubby by 40 hindi na siya magiging seaman. so ayun meron bang naging captain na wala pang 40? sabi kasi nya parang dun sa una nyang company wala pa cyang nasasakyan pinoy na captain. pero dito sa new company nya meron nang 27yrs. old  na 2nd mate so baka daw meron capitan na pinoy dun. tapos sabi nya pa bihira lang daw nagiging capitan na pinoy, karamihan daw indian. swerte naman mga sis naten na captain na hubby. sana si hubby maging captain din.... to the highest level ko yun susuportahan ehhehe para makasama ako. hehe.

 mga sis share ko lang first time nakatawag na si hubby saken...  ;D gamit nya satellite phone. sobra sobra sobra happy ko na natetears of joy ako nung patapos na yung usapan namen kasi ang daldal ko para kong newscaster tapos lahat nasabi ko sakanya pati GT nakwento ko. 20mins lang kami nagusap kasi parang $2/min. eh. tapos wala pa cya sa cabina nya nasa bridge daw siya. nilalandi ko nga tawa lang nang tawa. sabi nya nakakawala daw nang hilo boses ko kasi super lakas daw nang alon sa north Atlantic galing silang europe tatawid papuntang new york sabi nya super suka daw cya kahit na pang apat na barko nya yun. super happy ko talaga. kilala na nga nya yung ibang GT sisters eh kasi kahit nung nasa lupa pa cya lagi ko na nikwekwento.

regarding sa philhealth, tama si sis Health.gal pag hindi ka nagkasakit wala nang reimbursement. Una ayaw ng mom ko kumuha neto sabi ko sakanya whats 1k or 2k every year na mawawala sayo kung yung isang kainan lang sa labas gumastos ka nang ganun. tapos sabi niya sakin atleast nakakain daw ako nang masarap. sabi ko sakanya "Mama yung guard ba naten na pinapasahuran mu buwan buwan e wala naman magnanakaw buwan buwan hindi ka nang hihinayang?" ayun kinabukasan kumuha na mom ko tas binayaran nya one year na kagad. hehe.

Sis Nuna - alam ko sis pag hindi ka nakabayad nang ilang months pwede mu pa sila bayaran and yung iba naman nilalaktawan nila but like what sis gelei may number of months of contribution bago ka magqualify eh.

mga sis share ko lang nagworry kasi ako kay hubby nung lumindol sa Japan safe pala sila
http://www.ufs.ph/2011-12/node/130

God bless us all and our hubbies  :)
« Last Edit: March 14, 2011, 06:31:16 am by KIn0928 »

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #192 on: March 14, 2011, 09:00:04 am »
ayun meron bang naging captain na wala pang 40? 

sis friend ko captain na by age 28. 22 yrs old 2nd mate na sya hehe. C/O at 26. hindi ko lang alam kung possible din ito sa hindi pmmaer.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #193 on: March 14, 2011, 09:33:49 am »
basta may drive si mister at supportive and company at principal na sinasakyan ni mister mabilis syang magiging kapitan or chief engineer..

sorry di ako masyadong familiar sa amosup... meron din sila slopchest as far as i know..you can do your groceries there..pero ganun din hinde sya libre.. they will deduct that sa salary ni mister kasi ibi-bill yan sa office.

korek... may certain number of months na kapag di mo nabayaran di mo na magagamit ang philhealth mo..

maraming manning agencies ngayon and principals na nag-o-offer ng health cards.. sa amin cocolife ang binibigay.. mas competitive na kasi ngayon ang salary ng officers.. kaya manning agencies are looking for ways to attract more officers by adding other benefits and incentives..

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #194 on: March 14, 2011, 09:39:46 am »
re Philhealth: hub applied individually paying or self employed member last august 2011. he paid P100.00 monthly. kasi one of the requirements to avail Philhealth benefits - "Payment of at least three monthly premiums within the immediate six months prior to confinement."  nag decide si hub mag apply kasi akala namin hanggang 6 months vacation nya.

pero nung mag join na sya pinag fill-up ako ng philhealth ER2 Form (philhealth membership form from self-employed to employed). para daw ma update yung record nya.



Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #195 on: March 14, 2011, 09:42:25 am »
correction lang po...august 2010 pala.

hi sis liya welcome and also to other newbies! doris here...

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #196 on: March 14, 2011, 09:48:25 am »
by the way po pala mga sissies, agency pala ni hub nag fill-up nag ER2 form. hindi pala ako hehe. dapat pala office ang mag fill-up nun kasi sila employer. then ibabalik yun sa philhealth office para ma update yung status nya.

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #197 on: March 14, 2011, 10:52:23 am »
Pa join mga sis...

Im a seafarer's wifey... pang 4th contract na ni hubby ngaun... sa DSV (offshore) sya naka assign... :)

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #198 on: March 14, 2011, 11:32:15 am »
sis friend ko captain na by age 28. 22 yrs old 2nd mate na sya hehe. C/O at 26. hindi ko lang alam kung possible din ito sa hindi pmmaer.

wow!!! ee-email ko to kay hubby. thanks sis! para naman mainspired cya... medyo nasasanay na ko na wala siya hehe. medyo ok na rin yung pagtulog ko. Thankyou sa mga GT sister talaga as in sobra salamat. nalabas ko na lahat nang kadramahan ko sa buhay LOL. ayun...

mga sis yung mga deals at ensogo tsaka sa agoda? yung mga cheaper deals nila naavail nyo ba? parang ang hirap magpa book kasi wala silang sure date na pagdating. san kayo nakakakuha nang magagandang deals na hindi kelangan nang exact date booking? parang ayoko na kasi magcelebrate nang birthday ko this month [textspeak!] naman si hubby so im planning to buy or book hotel or travel deals in advance pag dating nya para mas mura. may nakasubok na po ba sainyo here?


health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #199 on: March 14, 2011, 11:40:56 am »
sis chie, 2 po ang captain natin dito.
oopss...sorry, isa lang kilala ko. :D

good day sa lahat!  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close