watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136099 times)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #140 on: March 08, 2011, 07:07:34 pm »
sis ren - grabe naman agency ng hubby mi? 2 pesos!!! Ako nga centimo lang  ang difference, nanggagalaiti na ako  >:(

sis chie - umalis na ba si boyfie? tagal din nya no? Ano nga pala barko niya sa Princess? May mga kaibigan kasi ako na dun din work, iba iba lang nga assigned.

sis Kin - mas maganda siguro  pag uwi ni hubby mo, magrequest siya sa agency niya ng second allottee na remittance, tapos maganda nga dun din sa bank din ng agency niya para sabay lang nung sa principal allottee. Pwede ikaw na mismo mag open nun tapos  ibibigay lang naman ng hubby mo yung account number nang para sa second allottee sa agency niya.

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #141 on: March 09, 2011, 06:06:05 am »
@sis babymom20 - Grabeh P2!!!!!. naimagine ko bigla si silverbarrow  ano kaya magiging reaction nya dito  ;D

Japan yung principal now ni hubby. Sakanila naman sis from what I heard bawas nang $100 salary nila. $50 sa Amosup and $50 naman sa retirement pay.

@Health.gal - ano bayan bakit yun lang DAW pwede hehe. si hubby rin kasi may gusto na ganung amount lang ititira nya siguro para makaiwas siya sa tukso at makapagipon kame. Tsaka mas malaki kasi yung onboard pay nya kesa sa basic kaya mas makakaipon daw kami pag malayo sakanya yung money sabi nya. biniro ko nga panu nayan sakin malapit yung money makakaipon kaya tayo... sagot ba naman sakin hindi daw magandang biro hehe.

@silverbarrow - sis may second allotee na cya 70% nung basic nya sakin 30% naman sa mom nya. Hmmm... ask ko nga yung agency nila kung anung bank ang tagal nang email ni hubby eh, hindi ko tuloy alam kung makakapunta ako at makakapamili nang konti sa 168 this weekend para malibang or magoopen nang bank account sa Friday. 5k kasi yung initial deposit sa BDO tapos Metrobank ganun din sa BPI naman 10k yung passbook savings. Yung bank ko kasi Metrobank e cyempre advice sakin nang nanay ko ibahin ko yung bank namen magasawa.


Need talaga namen magipon since next year cya mageexam and malamang may new trainings trainings nanaman yun. nawalan na nga ko  nang gana sa church wedding namen na dapat this year since delay yung pagalis nya postpone muna siguro.

naku mga sis THANK YOU talaga. as in THANK YOU SO MUCH. kung di ko nakita tong GT hays ewan ko lang kung ano mangyayari sakin. medyo ok na ko now pero super pray talaga ko and minsan sad padin pero di nko umiyak lastnight.
 
THANK YOU mga sis!
« Last Edit: March 09, 2011, 06:08:24 am by KIn0928 »

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #142 on: March 09, 2011, 10:28:11 am »
at ang mas nakakairita pa mga sisses, ayaw makipag-usap ng accounting nila! at ang hirap nilang tawagan,parang lahat ayaw sumagot. nakakawindang talaga. first contract to ni hub sa kanila and maybe the last na rin hehe. kakaiba talaga sa lahat. consolation na lang e nagamit na ni hub yung license nya. pag umalis sya baka sabihin na namang ginawa lang stepping stone.oh cmon! may kinukwento pa nga si hub na nalaman daw nya sa mga kasama nyang ratings. prior contract signing daw kinakausap yung mga tao na sa whole contract nila babawasan sila ng 300usd. ask para saan? yun naman daw ang para sa opisina. pero sabi ni hub wala daw syang maalalang ganung usapan sa kanya nor may naaalala syang kakaibang papers na pinirmahan. grabe. the company is crew and ship management inc. 

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #143 on: March 09, 2011, 10:47:41 am »
Magandang umaga mga sis!
Pareho kami ng sagot ni sis health.gal sa mga tanong ni sis KIn0928 kasi same company ang mga hubby namin. hehe!

Oo nga sis chie asan si bf mo ngayon?

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #144 on: March 09, 2011, 02:00:27 pm »
sis chie - umalis na ba si boyfie? tagal din nya no? Ano nga pala barko niya sa Princess? May mga kaibigan kasi ako na dun din work, iba iba lang nga assigned.
Oo nga sis chie asan si bf mo ngayon?
andito pa rin siya sa tabi ko! LOL! malapit lapit na ako sumigaw ng SOS sa mga finances namin. nauubusan na kami ng mga gusto namin na suppliers para sa wedding, eh ayoko naman ipabook ng hindi pa siya umaalis, baka mabitin kami sa budget. hehe. sis tet, i PM po kita kung nakaalis na siya at sa anong barko.

since ito na napagusapan, mai-consult ko nga sa inyo situation ni bf..... ganito kasi, may schedule na dapat siya ng pagalis last November pa. kaso, days before flight niya, na-approve yung application niya for career path - application yun na ginawa niya onboard para sa ibang position. Kaso nga lang, dito sa agency nila, first Filipino siya sa agency na maaassign for that position, kaya sabi ng agency ipapa-accredit pa daw nila yung position title sa POEA. Hanggang ngayon, hindi pa lumalabas ang accreditation galing sa POEA. mga sis, may na-experience na ba kayo na ganito? if yes, ganun ba talaga katagal? TIA

simplyme

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #145 on: March 09, 2011, 02:24:35 pm »
Hi mga sis! try nyo itong website na vesseltracker.com, nag-create ako ng free account dito kung san eeemail nila yung mga activities ng ship ng hubby natin, delayed ng 2 hrs yung status sa website. Pero on-time naman yung pagdating ng email, as in ilang beses ko na nasubukan magka-chat kami ni bf biglang umalis sa port yung ship nila, nag-email yung vesseltracker na "the ship has left the berth." Galing nga eh yan lang ang inaasahan ko sa tuwing nasa sea si bf, nalalaman ko kung may signal na ba para pwede na i-text. Pwede kayo mag-set ng email alerts kung nasa port na ba yung ship, nakaalis na, sinasabi din nya kung san papunta yung ship at ETA. So far eh accurate naman ... dapat lang eh sakop ng AIS yung port. Pag wala sa list yung port wala ding alert. hth!

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #146 on: March 09, 2011, 04:49:10 pm »
Sis Babymom - may nkwento sakin si hubby before na may ganung company lalo na pag newly hired daw yung seaman. tapos meron pa daw kahit na baksak sa medical babayaran yung agency. kasi diba nung January natangal si hubby dun sa una nyang agency dahil sa medical tapos may nagkwento sakanyang seaman din dun sa kalaw hehe na dun ka sa ano magapply (i forgot the name) pasok ka dun bata kapanaman eh yun nga lang kokontratahin yung sasahurin mu buwan buwan.

Sis NUna - binasa ko yung blog mu from page 1 hehe. nung panahon na super miss ko si hubby. Seksi mu pala sis  :)

Sis Simplyme - kakacomment ko lang sa kabila reg vessel tracker then kaka alert lang din sakin nang marine traffic na nasa Milford Haven na si hubby.  :)

Sis health.gal - buti kapa nagpeprep na for your wedding and nasa tabi mu pa si boyfie kaingit naman... reg dun sa POEA baka kelangan sila kulitin. wala ba sila nabigay na date? sorry po pero in my own opinion lang po ito and I dont mean to offend anyone pero kasi minsan yung mga goverment agencies naten kelangan ifollow up nang ifollow up eh nakakadala lang minsan yung ibang department nang ibang goverment agency naten kung wala kang kakilala sa loob parang lahat ang bagal.

ayun tapos nanaman ang araw ko for today... wala nanaman akong email or text natangap from him kahit na according sa vessel tracker at marine traffic nasa milford haven na sila. naalon siguro or naharang nang mga whales yung emails nya kaya wala me natangap today   :(

ingat po kayo mga sis, God bless you all. bukas uli hehe parte na nang buhay ko tong GT hehe.

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #147 on: March 10, 2011, 05:31:58 am »
morning sisses :)
 sis ren lumipat ba ng ibang comp si hub mo?
 sis tet natawa ako dun "centavo ha" sabagay malaking bagay na yun,,,what more kung P2 like kay sis ren..

si hub tagal pa dito,sinusulit talaga ang vacation...
sya sgeh medyo busy pa pro hopefully by april oks na uli ang buhay ko hehe....

kakamiss na nga mag gt eh... ;)
ingat sa lahat GOD BLESS

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #148 on: March 10, 2011, 09:47:49 am »
^ lumipat sya sis kasi hindi naman daw tinupad nung dating company yung usapan nila. gusto nya na kasi magamit yung license nya. so yun na nga, sa CMI nagamit nya. pero ngayon lang naman nya nalalaman daw yung sistema ng opisina. pero sa ngayon may nirerecommend syang isang pinsan ko. never pang nakasakay at 29yrs old na rin. ok lang din naman daw sa pinsan kahit pa yung may bawas nga, importante daw makasakay rin sya. today katatapos nya pa lang ng mga requirements nya. wait and see lang ako sa progress ng application nya.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #149 on: March 10, 2011, 10:46:14 am »
if i may answer...

-may sariling bank daw po yung mga agency where they send the remitances kaso hindi ko alam pa bank nung company nila kasi yung BPI matagal na nyang account yun, may difference po ba kung magkaiba yung bank ko sa bank nang agency ni hubby?

sis, tumawag ka na sa office ng hubby mo and ask them kung anong bank ang gamit nila for payroll... sabihin mo na mag open ka ng account. may difference kasi yan..pag other bank ka..tatakbo pa ng 3 days ang processing ng bank (parang clearance din ng cheke, ganon).. so imbes na makuha mo na kaagad ang allotment mo.. aantay ka pa ng additional 3 days...
tapos.. ask mo din sa office ng hubby mo kung pwedeng bigyan ka ng bank enrollment form ng opisina sa nominated bank ng office.. particularly yung payroll account na P100 (or P500 na ba?) ang pag open ng account.


-yung money po ba na marerecieve ko is mangagaling sa barko? sa principal? or sa agency?
dito sa amin...sa office mangagaling.. accounting department ang nag-aayos ng allotment.. the principal..sends remittances every month depende sa napagkasunduang date pero usually.. end of the month yon.

-yung onboard pay nya po ba in dollars/euro ko po ba matatangap or peso na?

yung onboard pay na natatanggap ng seaman ay USdollars.. kaso yung MPO or special allotment na ipapadala ng seaman thru the office (agency) nagiging peso na dahil ang sistema nito..
yung seaman magbibigay ng MPO sa kapitan.. si kapitan ilalagay sa cash box ng barko.. tapos mag email si kapitan sa opisina na si seaman may MPO na lets say $500. so si accounting dept. dito sa pilipinas mag-dedeposito ng $500 pero converted to peso (prevailing rate ng bank ang gamit na forex at hinde ng black market) at ide-deposito sa allotment account ng recipient ng MPO (usually wife).
kumbaga ini-advance na ng opisina dito sa pilipinas yung $500 na hindi pa natatanggap ng opisina sa end nila. dahil nasa kapitan pa ang pera... the office will just include that in their billing sa principal.

ang daming nagrereklamo tungkol sa forex.. kesyo mababa... kasi ang gamit ng office hinde rate ng blackmarket/sanry's or ng SM forex... ang gamit nila eh yun sa bank which is normally lower than the black market.

wag po kayong papatol sa mga agency na may cut sa salary ng seaman.. isumbong sila sa POEA..pero make sure lang na opisina mismo ang may patakaran non at hindi ng fleet manager..mamaya mo yung fleet manager pala ang may cut.. may extra curricular activities pala sya..bad yon!

sa violent reactions against sa accounting department ng mga agency/office na hindi sumasagot ng calls lalo pag panahon ng allotment.. ganito kasi yan..
pag dumating ang remittance ng principal.. sobra na silang busy..usually sa isang opisina they have 10 principals na meron tag 10 to 15 na barko.. sa isang barko may 20 to 30 na seaman.. usually there are 5 to 7 accounting staff who handles the  allotments.. so loaded sila pagdating ng ganun.. (currently sa opisina namin we have 3000++ na crew onboard) mantakin mo naman kung lahat ng allotee ng seaman ay tumawag para mag inquire kung kelan papasok ang allotment.,.syempre minsan sa isang seaman meron syang 2 to 3 allotees pa! ,jusme! usok ang telepono.. so most of the time kesa sumagot sila ng sumagot ng calls hinde na lang sila sasagot ng phone at kung sumagot man ay nagmamadali kasi para na din yon sa allotees para mapabilis nila ang trabaho nila at matapos na yung allotment para ma-submit na nila sa bank...
hinde mo pwedeng sabihin na bakit hinde nila i-prepare in advance?? they do that.. pero di ba may mga emergencies minsan.. like special allotments.. mga ibang deductions.. meron pa yan slopchest.. so hinde lahat ng seaman every month pareho ang sweldo.. inu-update  din nila yan.

i hope makatulong ang post ko..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #150 on: March 10, 2011, 11:45:53 am »

tapos.. ask mo din sa office ng hubby mo kung pwedeng bigyan ka ng bank enrollment form ng opisina sa nominated bank ng office.. particularly yung payroll account na P100 (or P500 na ba?) ang pag open ng account.

referral from the agency yata ang tawag dito para qualified kang mag-open ng allottee or remittance account. pag ganung account kasi pwedeng 100 lang ang maintaining balance. pwede pa ngang mag-zero yan.


yung onboard pay na natatanggap ng seaman ay USdollars.. kaso yung MPO or special allotment na ipapadala ng seaman thru the office (agency) nagiging peso na dahil ang sistema nito..


i dont think this applies to all na peso na ang mpo dahil nanggaling sa philippine agency. in dollars ang mpo ko kasi yung dollar account namin ang ibinigay naming bank account sa kanila.


ang daming nagrereklamo tungkol sa forex.. kesyo mababa... kasi ang gamit ng office hinde rate ng blackmarket/sanry's or ng SM forex... ang gamit nila eh yun sa bank which is normally lower than the black market.

but i doubt it na aabot sa two peso difference ang bank forex rate vs black market. madalas nga hindi pa umaabot sa one peso ang difference eh. but hindi ako nagrereklamo. i respect kung yun ang patakaran ng agency nila. baka dun din sila kumukuha ng ikakabuhay nila.


sa violent reactions against sa accounting department ng mga agency/office na hindi sumasagot ng calls lalo pag panahon ng allotment.. ganito kasi yan..


ako talaga sis sobrang violent reaction ko sa office na to.which is so unlikely of me. if i can avoid it ayaw na ayaw kong tumatawag sa office ng asawa ko. kahit pa inuutusan na ko nyan,madalas nag-aalibi pa ako. but this one really pushed me to the edge. but not to the point na susugod ako sa mismong office nila. hindi pa naman kami magugutom kahit hindi nila ipadala yung pinaghirapan ng asawa ko. but at least sabihin nila ang sistema nila kasi normal namang iccheck naming mga wives ang pinaghirapan ng mga asawa namin.

the scenario, january 8 nakaalis na hub ko. so most likely mag-eexpect na may papasok at least first week ng february. nagtatanong na rin sakin si hub. so wala pa nga. 2nd week ng feb,negative pa rin. feb 15 wala pa rin. so parang very uncommon so i tried calling their office. from feb 15 - feb 23 akong tumatawag pero wala talagang nag-aangat ng phone. cellphone nga lang hindi masagot e nakakairita na. feb 24 merong sumagot, so paconnect kako sa accounting..ang daming connect-connect pero walang accounting. sabi pa ng kausap ko,pumasok na daw kaya i-update ko na lang daw. araw-araw akong nag-uupdate online so alam kong wala. was asking kung kelan nila pinadala kasi bakit hindi pa pumapasok sakin. who knows baka sa maling account nila napasok di ba. then tinatanong ko kung kelan ba talaga sila naghuhulog at least alam ko kung kelan ieexpect. walang masagot na matino yung kausap ko. so kako hingin ko na lang pangalan mo, WTF!! at pati pangalan nya ayaw sabihin sakin! hindi daw kasi sya taga-accounting.sa crewing daw sya pero itinanong na rin daw nya yung concern ko. oh cmon! kahit pa gwardya o janitor lang sya, why conceal her name diba?! i bluntly asked her " so in short delayed kayo ng one month sa pagpapadala ng allotment?" , hayun at ang kawawang nilalang nag-sstammer na. nagbye bye na lang ako at baka lalo akong mahighblood.

hindi naman yun sa pangungulit na ipadala agad. but mostly sa mga company meron namang schedule kung kelan nila pinapasok. so yun lang naman ang kailangan nilang sabihin. at least alam kelan mag-eexpect at kelan magwoworry. na baka akala nila napasok na nila tapos yun pala sa iba naman napunta kaya walang natatanggap ang recipients. concern ko yun kasi sa akin naman nagtatanong ang asawa ko.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #151 on: March 10, 2011, 12:03:39 pm »
babymom..
palipatin mo na lang sya ng agency after ng contract nya..kung ganyan din lang sistema nila.  officer na ba hubby mo?

re mpo..oo.. pwede din na dollar mo makuha basta may prior arrangement... [textspeak!] ibang seaman they send money thru offsigning crew.. tapos iniiwan dito sa family center then the wife or relatives pinupuntahan na lang dito sa office...

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #152 on: March 10, 2011, 12:18:37 pm »
^ lilipat yun sis. kung nalaman ko lang na ganyan ang sistema nila bago sya nakaalis, hindi ko sya patutuluyin dun. sa jebsen nga nun, pinaalis ko sya kahit pa alam kong malaki ang babayaran namin pag nagback out sya sa contract na napirmahan nya. 

kung magpapadala sa offsigning, special delivery minsan ng mga kasama nya dito sa office ko..hehe

anong agency nyo sis liya?

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #153 on: March 10, 2011, 12:48:34 pm »
ang laki ng difference ng forex nila kung $3

minsan kasi nakakarinig ako dito sa opisina..misis nag rereklamo.. cents lang ang difference.. actually maski ako kung ako nasa lugar ng misis magre-reklamo din ako.. kasi ang basis nya ng forex rate sa black market! pero nung napaliwanawagan naman naman si misis na ganun ang ginagawa hirit ni misis bakit daw hinde sa black market magpapalit ang opisina....haaay!

yup yung iba special delivery.. or special na ipapadeposit sa account nila..

mga sis...
inform ko lang kayo..kung magpapadala kayo ng gamit for your bf or hubby sulat na lang.. wag na food (bawal sa airport, sayang lang baka pag na-confiscate), bawal din mga nakalagay sa babasaging bote, liquids bawal din.. most cigarettes bawal lalo na pag joining port nila eh singapore.. tsaka as much as possible wag naman malaking item.. kasi kawawa naman yung joining crew dahil meron din naman silang bitbit na sarili nilang gamit..

one time kasi may nag courier ng item via jrs or lbc yata yon.. 2 malaking plastic bag ng boy bawang, dried pusit tsaka dried fish.. bawal po yun..

mga fhm mags na request ng mga huuby at bf nyo..wag nyo na patulan.. mahigpit sila sa mga ganon.. may mga ports na nag iinspection ng ganyan.. basta naka bikini they say pornographic material na yan

one time may natanggap kami..isang box ng chinese medicine... upon closer inspection medicine sya for stamina.. chinese equivalent ng viagra...you know.. di tuloy mahawakan ng staff sa family center kasi dalaga pa sya nung time na yun at kiye-kiyeme kiyeme pa.. sabi ni misis higpit na bilin.. bawal din po sana yon..di ko na nasundan kung ano nangyari sa chinese meds na yon..

one time wala si staff sa family center so nag temp ako.. SOP po na binubuksan namin ang package na ipapadala nyo sa mga hubby nyo sa harap ng seaman na magdadala.. para masiguro na kumpleto ang laman.. at alam nila na OK yung laman.. anyway, i was checking this item na sobrang pagka-wrap..sabi ng onsigning crew..sige mam pakibukas..tignan natin baka mamaya shabu (pabiro naman) sabi ko o sige.. hayun naman pagbukas ko napasigaw ako..panty! :P

nakakabaliw no?  :)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #154 on: March 10, 2011, 01:08:31 pm »

one time may natanggap kami..isang box ng chinese medicine... upon closer inspection medicine sya for stamina.. chinese equivalent ng viagra...you know.. di tuloy mahawakan ng staff sa family center kasi dalaga pa sya nung time na yun at kiye-kiyeme kiyeme pa.. sabi ni misis higpit na bilin.. bawal din po sana yon..di ko na nasundan kung ano nangyari sa chinese meds na yon..

kawawang misis hehe.

bagong tanggal pa yata yung panty. hahaha

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #155 on: March 10, 2011, 01:17:56 pm »
hehe! nagulat din si onsigning crew.. i forgot na kung dinala ba nya or what!! basta na windang kasi ako!

tsaka pala po..wag po magalit kasi binubuksan po namin yung mga padala din ni mister via the offsigning crew... lalo kapag may pera..
precaution po namin yun kasi baka mamaya iba yung nakalista sa labas ng envelope sa nakalagay sa loob kami pa tuloy ang masisi.. tsaka kung kumpleto ba yung mga items na nakalista.. paniguro lang po yon


babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #156 on: March 10, 2011, 01:36:15 pm »
^how about flash drives? check nyo rin mga laman? how about letters?binabasa nyo din?

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #157 on: March 10, 2011, 02:21:38 pm »
thanks sis liyapot sa mga inputs,  in my case sis with jebsen ok naman si hubby sa kanila, kahit sa allotment hindi sila nala late, madalas pa nga 1 day ahead bago magkatapusan kaya hindi ako sumasabay sa mahabaang pilahan pag sweldo. If there  would be a case na nadelay ang allotment, like last month, hindi rin ako tipong tatawag dun. as much as possible ayaw ko rin tumawag kasi naiintindihan ko naman na very busy sila at minsan lang mangyari yun. May kinukwento kasi si hubby na mahirap makilala yung asawa ni ganito dahil tawag ng tawag sa office. bad record ? 

Kaloka about the panty ha, ano ba yun?  :o

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #158 on: March 10, 2011, 02:32:58 pm »
sis liyapot, nakakatawa naman yang panty na yan. eiks! thanks din for sharing your answers.

sis ren, share ko lang din sa iyo. may kasamahan daw si bf dati sa barko na nadetain sa US. kasi may nagpadala dun sa tao ng usb para ibigay sa asawa dito sa Pinas. eh hindi chineck yung laman. pagdating sa airport daw nakita at chineck. eh may mga child porno na laman. eh sa kanila pala super higpit ang batas nila sa child porno. kaya nadetain yung seafarer ng ilang months.  :(

sis tet, thanks sa reply sa pm.  :)

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #159 on: March 10, 2011, 03:12:06 pm »
^how about flash drives? check nyo rin mga laman? how about letters?binabasa nyo din?

we do check flashdrives..if it's for the crew onboard...we check for pirated downloaded movies.. porn movies.. pics na malaswa..kasi kawawa ang onsigning crew pag natyempo na i-check tapos may bawal pala na content..
if it's coming from the crew na nakasakay hinde na namin yon chinecheck...

we open the letters to check kung may nakaipit na pera pag galing barko...to check lang kasi baka may nakaipit na pera..tapos sabihin ng recipient kulang.. eh di kami ang kawawa panigurado lang
we do not read the letters.,.syempre private nyo na yon.. we do this in front of the crew who brought the letter/envelope.. para may witness
tsaka kung ang mga misis naman ang magdadala ng package dito sa office binubuksan namin sa harap nila and tinatanong kung ano laman.

mahigpit sa US ports..
malamang ang kanilang child pornography na nakita eh mga pics ng anak na naka panty lang.. di ba tayong mga pinoy we are very fond of taking pics of our babies na nakahubad? kahit kita gender... lalo pa yung mga expectant fathers na nagka-anak ng lalake.. so most probably ganyan nangyari
kung na-detain man yun crew na sinabi ni ms health gal..grabe ang perwisyo na nangyari sa crew na yon...

silverbarrow..
hinde naman bad record... more on "famous" ka sa office pag ganun...
we have those wives ng seaman na ganyan..mag long distance call pa.. maya't maya tawag ng tawag.. follow up ng allotment..

ang ayaw lang namin dito syempre sa opisina yung nangmumura..syempre sino ba namang tao me gusto ng ganun di ba?

alam nyo i have been working for this company for years.. dito na ako nagka-edad... i promised myself di ako mag-aasawa ng seaman :P nakikita ko kasi yung hirap ng mga misis.. emotionally and financially... maski ng mga seaman mismo..
kalimitan kasi ng na-e-encounter ko.. di pa man time ng allotment naiutang na ang sweldo..i-aadvance na naman ang sweldo for next month..malalaki ang sweldo tapos dollars pa but they can barely get by.. mismanaged ang pera nila..
sabi ko kalimitan po..hinde ko nilalahat. .. kaya ayun.. di ako nag-asawa ng seaman..
pero nakakatuwa yung mga nagsimula dito sa office na as cadet... tapos ngayon officer na.. engine man or deck!! ang galing kaya!  mga itsura nila noon parang batang pinabili lang ng suka sa kanto ng nanay nila noon.. tapos ngayon officers na.. yun ang mga magagaling kasi may ambisyon.. meron kasing iba.. basta makasakay lang.. kumita ng dollars ok na.. walang room for improvement.. sayang sila.
« Last Edit: March 10, 2011, 03:28:55 pm by liyapot »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close