^ re email, yes may delay.. ang info sakin, yung mga outgoing emails daw kasi parang iniipon o naiipon yun then yung capt ang magsesend. so kung yung araw na yun tinamad o hindi nagsend si capt o talagang mahina ang connection, dun lang yun..kung kelan magsend si capt,saba-sabay yun mapapadala.
sa ibang questions mo, try ko sumagot base sa minimal knowledge ko, hindi kasi ako matanong masyado at hindi rin kasi pare-parehas ang sistema ng mga company.
1.may sariling bank daw po yung mga agency where they send the remitances kaso hindi ko alam pa bank nung company nila kasi yung BPI matagal na nyang account yun, may difference po ba kung magkaiba yung bank ko sa bank nang agency ni hubby? - usually may nominated bank ang agency. on-time ang remittance pag dun ang account. pag ibang bank, delayed ng 7-10 days ang remittance. (sa jebsen to)
2.anung difference kung lahat ipadala na lang nya as allotment tapos sabihin na lang nya na magtira na lang nang $150 para onboard nya?
hindi yata pwede to.yung basic pay lang yata ang pwede sa alotment then the rest, MPO na. ewan sa ibang company.
3.yung money po ba na marerecieve ko is mangagaling sa barko? sa principal? or sa agency? - sa company ngayon ni hub, allotment galing sa agency, unfortunately delayed sila ng one month at minus 2 pesos ang exchange rate

.. yung special allotment galing sa principal, greece yata galing, on time ang dating.
4.yung onboard pay nya po ba in dollars/euro ko po ba matatangap or peso na? yung onboard pay nya dollars yun binibigay sa kanila. but if ipapadala nya sayo,depends sa type of account mo. dollars kung sa dollar account, peso kung peso account (obvious) hehe..
5.mas ok po ba magopen nang BPInoy, BDO kabayan tsaka yung Global pinoy? or pwede regular savings pass book lang? may difference po ba? wala akong alam sa bdo kabayan at global pinoy. last year nakakuha si hub ng bpinoy, sa poea yata yun pinamimigay lang. and we learned na wala syang branch mismo. in case pag tanong ka sa mga transactions ng atm, tawag lang lagi sa call center nila. dko yun pinagamit na sa kanya. hassle yun for me. mas maganda na rin for me yung may branch talagang mapupuntahan at naghahawak ng account. unlike kong phone banking lang, mamaya nyan laging busy o walang sumasagot sa phone,e pano na.