Hi..i just want to share with you iyong tampuhan namin magkapatid and at the same time, manghihingi na din sana ako ng advise.
i'm the eldest and 'yung sumunod sa akin 'yung nakatampuhan ko. i'm already based overseas and everytime na umuuwi ako dito para bisitahin ang pamilya ko, napansin ko na parang umiiwas 'yung brother ko sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. dati kasi, nung hindi pa siya nag-aasawa, ok naman iyong relationship naming magkapatid. since mas malapit ang edad naming dalawa, sa kanya ako nagshare ng mga problema ko/tampuhan namin ng hubby ko.
noon kasing ikinasal siya last year, hindi kami nakauwi ni hubby since may plano din kaming umuwi that year and pakasal din sa simbahan (civilly married kami). but bago 'yun, tinanong muna namin sila kung pwede din kaming pakasal sa simbahan since iyon ngang family noong babae eh, medyo mapamahiin and pumayag naman sila, wala naman daw problema since kasal na daw kami.
mas nauna akong umuwi kay hubby para asikasuhin na din iyong mga dapat pang asikasuhin, then one time, nabanggit ng brother ko na medyo namroroblema daw siya kasi baka daw ma CS iyong misis niya and wala daw siyang nakahandang pera, so sabi ko naman, bakit di mo i-consider ang PGH since may friend ako na doon din nanganak at CS pa and hindi siya nagbayad ng malaki. sagutin ba naman ako ng "eh, kung ikaw kaya ang mangangak at doon ka dadalin sa PGH, anong mararamdaman mo" instead na maiinis ako sa komento niya, sinabi ko na lang na hindi naman lahat ng dinadala sa PGH eh mga taong walang masyadong kaya sa buhay, opinyon ko kasi, mas magagaling pa nga ang mga doktor sa PGH. eh di sige, pinalampas ko na lang since naiintindihan ko na medyo pressured na siya.
then one time, noong sinundo namin iyong wife niya sa bahay nila (sa parents ng babae) para umuwi na sa bahay naman ng parents ko (since, nakatira sila sa bahay ng magulang ko) napansin ko na ober ang pagiging magalang ng magaling kong kapatid. mega mano sa mga in laws niya at bawat salita na lumalabas sa bibig niya parating may po at opo na hindi naman niya ginagawa on a normal basis kahit sa parents ko. kaya nga nasabi ko sa tatay ko na "napaka plastic naman niyan"
siya ang kinuha naming best man ni hubby (di po kasi pinoy si hubby) since wala naman siya msyadong kilala dito sa atin and iyong wife sana niya ang kukunin kong 1st reader para sa 1st reading, pero since medyo nagkakasagutan kami weeks before ng wedding namin, nagback- out siya and sabi niya pati daw iyong wife niya di niya papa-attendin sa wedding. so, i have no choice but paki-usapan iyong isa ko pang brother na siya na lang ang mag best man.
then, the wedding day came, medyo nagkaron ng konting problema, medyo nainis siya kay hubby kaya talagang ni anino niya hindi ko nakita pati na ng asawa niya. mula noon, hindi ko na siya kinausap, kasi sa akin, kahit na nga ba nainis siya kay hubby, alam naman niya na ganun talaga iyon, prangka, sana nagpakita siya sa simbahan, alang-alang na lang sa akin since ako naman ang kapatid niya at sinusuportahan niya ako sa isa sa importanteng araw sa buhay ko. but still, kahit na ganun ang ginawa niya, kinakausap ko pa din ang asawa niya, hindi ko dinamay sa away naming magkapatid iyong asawa niya. pero naman, alam naman ng SIL ko na may problema kaming magkapatid, wala akong nakikitang effort sa side niya na pag-ayusin kami. ako pa nga ang nagtetext at tumatawag sa kanya para tanungin siya kung OK ba siya bago siya manganak. ang masama pa dito, nakikita kong online si SIL at nagpopost ng kung ano ano sa Facebook eh, ano ba naman iyong iwan niya ako ng simpleng message na kamusta na or hi..WALA..as in wala..
ngayong uwi ko na ito, talagang pag nagkikita kami, super iwas siya sa akin. recently, talagang nagkasagutan kami at muntik na mauwi sa psikal na suntukan LOL..madami na akong naririning na sobrang nagbago nga daw si utol, naging mayabang na ewan ko naman kung bakit, siguro kasi tinutulungan sila ng tatay namin (binigyan sila ng capital so they can start their own business) may narining pa nga ako na ayaw daw ni SIL na gawin sa garahe iyong binyag ng anak nila kasi ayaw dw niyang mabuhanginan iyong sapatos ng guests nila, like hello??Ok ka lang??? sana kung sila ang gagastos, ang problema dito, si tatay din namin ang gagastos. may isa pa, sabi daw ng in laws niya sa dad namin, "pre, bilan mo na nga ng bahay itong mga bata, para makapag simula na" isa pang HELLO??? why would my dad buy a house for them??if they want a house for themselves, di ba may business sila, bakit di sila ang bumili ng bahay...nakaka high blood..grrr...
alam ninyo, hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang kapatid kong ito. sabi ko nga sa kanya, huwag kang ganyan, kasi sa bandang huli, kami pa ding mga kapatid mo ang tutulong sa iyo, hindi ang mga biyenan mo o hipag o bayaw. kaya huwag mo sana siraiin ang relasyon nating magkakapatid. nagkaroon ka lang ng konting pagkakabuhayan, umakyat na sa ulo mo na akala mo, hindi mo na kakailanganin ang tulong namin. hanggang ngayong malapit na ako ulit umalis, hindi sila umuuwi dito sa bahay pati na asawa niya. pag nagkikita kami ng asawa niya sa garahe (their place of business) hindi ako pinapansin. ako pa ba ang susuko sa kanila? naman....
hindi ko na kayang magpakumbaba sa kanila, kasi nagpakumbaba na ako dati pa...pero silang dalawa ng asawa niya, ang taas ng pride nila, parang dapat ako pa ang makisama sa kanila..
sorry po at ang haba yata ng post ko...wala lang ako talagang ma share-ran nito kasi lalo lang magagalit si hubby sa kanya. kaya dito na lang..need your advise sister..salamat po!!!