hello mga sis, I have questions po and this will not mean to offend anybody who is working for government agencies. I have been dealing with government employees several times already and in every transactions I've gone through with most employees were quite drastic. I mean di tlaga pwedeng daanin sa pasensya sa lahat ng pagkakataon at laging magpapakumbaba. Bat po ang iba sobra kung mag procrastinate? Kahit office hour pa nag aayos na pra umuwi, buti sana kung di halata pro halata eh, the worse sabihan ka pa "wait lang maam ha may utos c bossing" pro pag titingnan mo ayon nkikipag chikahan lang sa officemates nya. Isa pa, ang naka paskil cut-off time is 12noon pro 11 am pa lang closed na. Tapos yong iba may mga anak na dinadala sa office, ang nangyayari imbis na mapadali ang trabaho at ma serve agad ang client, ayon nakikipag habulan pa kasi ang kulit nong bata need din niyang sawayin. Tapos yong iba past 2pm na kong bumalik sa post nila, dba 1 hour lang din po ang break time allowed at minsan nga yong ibang government agencies no noon break pa. Tapos ang pinaka nakakawala ng pasensya talaga yong pasigaw ka kung bigyan ng instructions tapos kung magkamali ka pa ng intindi pagagalitan ka pa. Naaawa ako don sa mga matatanda na dahil lang sa mahina ang pandinig sisigawan tlaga. Mostly, wala talagang pasensya at maiirita ka talaga. Kahapon lang, went to a government agency di ko nalng papangalanan. 10am ako dumating 3 lang kaming clients at sa window niya ako lang ang may transaction, syempre ang saya ko kasi feeling ko matatapos agad ako. Nong nakita na ako nong girl, bigla siyang tayo lumabas, syempre ako naman inisip ko ay baka nag cr lang. Syempre sa kagustuhan kung ma entertain agad, lumipat ako sa kabilang window at nag tanong kung pwede siya matanungan, sinagot ako ng hindi kasi yong lumabas yon ang pwede lang sumagot at may alam sa transaction ko, so no choice ako I have to wait. Dang! I've waited for one and a half hour! and what made it worse, she never entertained me at ang sabi lang, maam balik na lang po kayo 1:30pm mag lunch break pa po kasi ako. Mali diba? Kaya sa galit ko, sinabihan ko sya, "umalis ka kaninang 10am sa pwesto mo, san po kayo nag punta noon maam? No answer and insisted that I'd be back at 1:30pm, syempte ako imberna na talaga, sabi ko pwede ko bang maka usap officer-in-charge nyo dito maam? Ayon, nakuha nya ata ibig kung sabihin at inasikaso na niya ako. Sakit talaga sa batok. Pasenysa na sa story ko alam ko meron akong matatamaan pero sana po yong gumagawa ng ganitong bagay matauhan naman, sana maisip din nong iba kung sa kanila mangyayari ang ganito, masakit din. Wala naman sigurong tao na gusto makipag away, at syempre ang pasensya may hangganan.