Hi! Ganito rin ang wedding namin ng hubby ko on September 18. Wedding rites/blessing lang sya.
We've been together since 1999. Had our first child in 2002. Then nasundan ng two little ones in 2010.
So, meron na kaming bible, coin and ring bearer.

So far, we only have two sets of Principal Sponsors. Pero depende sa budget, baka mag-add pa ko ng one pair.
Dress ko wala pa as of now. Pero sabi, magpasadya raw ako kahit simple wedding gown na matatawag kong akin. So, yeah baka magpatahi ako pero simple lang talaga, basta may belo kasi required ng church.
Si hubby, nanghiram lang ng slacks sa brother nya and mag-rent na lang ng barong. Shoes na lang nya ang gagastusan. Meron naman mura lang. Hindi rin naman sya nagsusuot ng formal shoes.
Since simple lang lahat, ang gusto ko sana is medyo unique naman yung veil and cord namin. So, magpapagawa ako ng cord kay Ms. Eyzel ng PDW. Para maganda naman.
Ang bayad nga pala namin sa church is 2500. If gusto raw namin ng may tutugtog and kakanta, additional 600. Hindi na kami nag-add since maiksi lang naman ang wedding rites.
Sa cake, naghahanap pa rin ako. Ang budget ko is 2K lang, kung pwede mas mababa pa. Hehe

Sa giveaway sa sponsors, I'm thinking windchimes or bible na lang.
Ang problema ko is yung wedding ring namin. Kasi ayaw ni hubby ng stainless steel, ayoko naman ng silver lang. Kaso wala kaming budget, siguro 2K max lang din. May idea ba kayo mga sis? Or hindi na masama
[textspeak!] silver?
Ayun, update ko na lang kayo ulet.
