watch now

Author Topic: ang auntie at nanay kong makitid ang utak  (Read 13081 times)

strawberryfieldsforever

  • Guest
ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« on: January 14, 2011, 03:44:45 am »
lumaki ako sa isang seaman na tatay at housewife na nanay. typical family, ako panganay then may 2 pa akong kapatid. dati nakatira kami sa isang compound na half-squatter half-civilized na lugar pero nung nakaluwag nakapagpatayo ng bahay sa subdivision at nagkaroon ng sasakyan. dati nagsisimba pa kaming buong pamilya pero ngayon hindi na. nagsimula lang ang lahat nung high school ako dahil palaging sinasabi sakin ng nanay ko na dahil sa amin kaya hindi sila nagsasama ng tatay ko dahil nga nagtatrabaho sa ibang bansa. kesyo hindi nya nabibili ang mga gusto at hindi nagagawa ang mga gusto nyang gawin dahil daw sa pag-aalaga sa amin. hindi napapagod ang bunganga sa kakasalita kahit paulit-ulit na ang mga sinasabi at maraming salita na nasasayang. alam kong mabunganga ang mga nanay pero bakit may iba naman na hindi? dito nagsimula ang pagka-inggit ko sa mga kaklase ko na maayos ang pamilya nila dahil nung HS pag may project nagpupunta kami sa bahay ng mga classmate at dun gumagawa. ang setup, may trabaho mga magulang nila. pag nag-uusap sila maayos mukhang close samantalang kami hindi. hihingi lang ng pera madami pang lalabas na negative words. parang deprived kami. kaya doon nagsimula ang pag-iiba ko ng pakikitungo sa magulang ko. mas madalas ako sumasama sa mga kaibigan ko dahil pag kasama ko sila mas masaya ako, nagiging inspirasyon ko ang family nila na sana ganun din sa amin pero pag sinasabi ko sa mom ko "buti pa sila ganito ok family nila. sana may trabaho ka para maayos sana tayo hindi ka namomroblema" dahil palagi nyang sinasabi ginagawa naming katulong etc dahil sya nagtatrabaho sa bahay. pag sinabi ko naman yun sasabihin samin, tumigil ako sa trabaho ng dahil sa inyo. doon nagsimula ang pagkamuhi ko sa nanay ko dahil ginagawa nya kaming reason sa mga frustration nya. hindi na ako nagiging masaya dito sa bahay dahil onting galaw lang may maririnig na kaya nainis ako at nasasagot ko na sya. kung kakain sa labas ayaw nya pa sumama dahil wala daw magbabantay sa bahay at dagdag gastos lang. lumaki kaming hindi kumakain sa mamahaling mga kainan kagaya ng italianni's, eat-all-you-can. ang alam lang namin jollibee at mahal na para samin ang max's at aristocrat. to think na officer ang daddy namin sa barko pero ganito buhay namin. hindi ko alam kung ano problema pero ang sa akin lang kailangan ko ng magulang na iintindihin ako. naging ganito ang pag-uugali ko dahil sa kanya na kahit sabihin ko ayaw nyang tanggapin. "anak" lang daw ako. pati mga ibang tao minsan nadadamay sa diskusyon namin. mga kapatid ng daddy at nanay nya (na patay na ngayon) na humihingi ng pera, mga kaibigan nyang ginagawang modelo (mas malala pa daw sila kung mangaral sa mga anak nila at yun ang ginagaya nya). umabot na sa puntong gusto ko na talagang lumayas pero hanggang simbahan lang ng baclaran inabot ko at nagdasal na lang ako doon. nanood na lang ako ng pyrolympics kaya naubos pera ko. pag nag-aaway kasi kami yung past inuungkat pa hanggang sa kung saan-saan na napupunta ang usapan.ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw ako diretsahin ng nanay ko sa puntong gusto nya iparating sa akin dahil yun lang ang hinihintay ko. naoperahan sya at natanggal ang buong matres pero nung gumaling na patuloy pa rin kami nagsasagutan at palagi nyang giunagawang dahilan ay ang pagkawala ng matres nya kaya palagi umiinit ulo nya which is i find a DUMB reason. palagi nya pa sinasabi sa akin na magiging katulad ko sya at pag nagkaanak ako sasagutin din ako pag lumaki na kinokontra ko naman. hindi ko balak palakihin ang anak ko kagaya ng pagpapalaki nya sa amin. hindi ko pa nga pinapanganak ang bata nadadamay na sa isang usapang hindi nya iniintindi. nagbarko ako para lumayo pero palagi kong kinukwento sa mga katrabaho ko na mas masarap pa niluluto ng nanay ko kesa sa mga kinakain namin dun, in short, nadiscover kong may natitira pa pala akong pagmamahal sa nanay ko.

pag-uwi ko, nag-asawa na ako dahil umaasa na baka sakaling magbago na buhay ko dahil magkakapamilya na ako pero malaki ang kabaliktaran. madalas naming pagtalunan ng nanay ko ang mga walang kwentang paniniwala na walang scientific explanation. palibhasa lumaki sya sa probinsya pero dinala dito sa maynila ang ugali. nagbuntis akong problemado at hindi masaya dahil kontrolado nya pa rin ang buhay ko at naospital ako nung 5mos ako at pinipilit nyang pauwiin habang nakaconfine ako. may uti kasi ako nun at umabot na sa hindi ako makahiga ng maayos at sobrang sakit ng likod ko. ang sa akin lang nag-aalala ako sa baby ko kasi sabi ng OB baka mas malala pa pag hindi naagapan dahil mas malaking problema. ang opinion naman ng mom ko magpagaling na lang sa bahay na walang iinuming gamot w/c is unavoidable. palibhasa nakikitira kami ng asawa ko sa bahay nila at binibigyan kami ng pera ng dad ko. seaman din napangasawa ko nagkatotoo ang sinasabi sakin ng nanay ko. sa isip ko siguro pinagdadasal nya talaga na matulad ang buhay nya sa akin para marealize ko na tama sya at mali ako. never kasi syang nag-admit na mali sya. may ipon naman kaming mag-asawa pero hindi sapat sa panganganak kaya pinautang kami ng pera. nung nanganak na ako mas lalo pang naging komplikado to the point na naiisip kong dahil ba sa anak ko kaya nagagalit sa akin ang nanay ko? 25 ako nung nagbuntis at nanganak. unemployed ako ngayon at ang asawa ko nasa barko. siguro post-partum yung mga naiisip ko dati na anak ko ang dahilan kaya kami nag-aaway. pati bata nadadamay at ang masaklap nung 4months sya biglang nagseizure. dinala ko sa hospital kaya medyo nawalan kami ng budget ni hubby dahil 1month pa lang syang nakakasampa. eto na naman ang pinag-awayan naming mag-ina, itigil na daw ang pinapainom na gamot (Phenobarbital) dahil nakalabas na si baby at magaling na. sinaniban lang daw sya, nabati at pinatawas ang sabi ko continue lang dahil may possibility na mag-seizure ulit mabuti na ang sigurado pero nagdadalawang-isip sya na baka makasama yung gamot at dahil NAPAGOD nga lang si baby kaya nangyari yun. ayun tinigil ko after 5 days katakot takot na seizure ang naganap at binalik ko na naman sa hospital at tinanong ng doctor kung bakit ko daw ginawa dun. mas malaki ang risk kasi kung hindi iinom ng gamot kaya eto ang naging consequence. sa nakikita ko anak ko ang nadadamay sa selfishness ng mom ko na walang kamalay-malay. ang sinasabi nya na lang pag nagtatalo kami mas gusto nya sa probinsya kesa dito sa bahay dahil wala syang problema don. same sa akin, pag wala sya tahinik ang buong bahay, magkasundo kaming magkakapatid pero ang auntie ko naman minsan matigas din ang ulo kagaya ng nanay ko magkapatid kasi sila. parehong ilokano kahit ang kausap ay nasa harap lang sumisigaw pa rin. may time din na hindi ko na kinakausap mom ko dahil ang paniniwala ko, pag mag-aaway at mag-uusap, afterwards may confidence silang awayin ako ulit so why have a conversation again if the cycle still continues? hoping that it will be an eye opener for her to stop her irrational way of viewing things in this imperfect family.

ngayon, ang wish ko lang (at ng mga kapatid ko) sana magkaroon na ng peace of mind. ako nagbabago na dahil nahihirapan na rin ako. i tend to be emotional kasi sobrang frustrated na ako sa mom ko na ganon ang ugali. ang nakikita kong way para maging maayos ang lahat ay mawala ako sa bahay na ito pero what to do? wala kaming ibang mapupuntahan. in-law's are worse than ours and it's a seperate matter i don't want to get involved too. worst version sila ng family namin na hiwalay ang magulang at nagsasagutan din lahat ng anak. in my opinion, pinagtagpo kami ni hubby dahil pareho kami ng family background (good thing our dad is still w/my mom) at gusto naming takasan ito kaya pangarap naming bumuo ng isang "family". pero hindi namin ma-achieve dahil sa mga tao sa paligid namin. katulad kanina, narinig ko ang auntie ko na nag-aalaga kay baby na sumigaw in ilokano na parang may masamang nangyari sa baby ko. ang sabi ko baka pag kaming mag-asawa ang nagtrabaho overseas at iiwan sa kanila, mas maigi pang sa ampunan namin iwanan. sumagot ang mom ng "sige! dalhin nyo na doon!" na ikinasama ng loob ko. ang ibig ko lang naman sabihin mas mabubuting tao mag-aalaga sa kanya don at matututo ng mabuting asal ang anak namin kesa sa bahay, papalakihin ang anak ko kagaya ng sa amin. lalaking walang alam at puro kakitiran ng utak ang matututunan. minsan nababaliw ako dito sa bahay dahil walang makakausap na matino. walang kwenta ang pinag-aralan ko dahil pag binibigyan ng advice sasabihan pa akong may pinag-aralan kasi parang mayabang daw kasi sila hindi nakatapos samantalang pag may kailangan sa akin at nirerefuse ko dahil gusto kong gawin nila yun independently, sasabihan ako na ako ang may pinag-aralan hindi ko daw ginagamit.

gusto ko na talagang lumayo sa "cold & uncomfortable" house (hindi home) pero wala akong magawa dahil wala kaming pera ni hubby para bumili ng bagong bahay. pwede mag-rent pero sasabihin lang ng auntie and dad na hindi ko pa daw kaya alagaan anak ko buti pa sa bahay may mag-aalaga at ipunin na lang ang pera panrent para bumili ng bahay pero hindi ko na matiis ang ganung klaseng pamumuhay. one more thing mahilig magparinig mom ko pag may gustong sabihin na ayaw ako diretsahin like yung perang pinautang at sino daw ang nagbayad ng panganganak at binyag pati civil wedding namin. pera naman namin yun at alam kong may utang kami kaya sa sobrang inis ko, kinuha ko yung iniipon kong pinadala ni hubby at binigay ko sa kanya para wala nang pairinig pero nagalit pa sa akin at ayaw tanggapin dahil ayaw nyang magbigay ako ng pera sa ganoong way, nakakastress at high blood talaga

ganito ba sya dahil wala akong maibigay na pera sa kanya ngayong naka-graduate naman ako? o dahil nag-asawa na ako kasi nagsimulang ayoko na syang maging ina nung nabuntis ako dahil sa pinapakita nyang ugali sakin? mahirap manghula kasi pag tinatanong ko iba ang sinasagot dahil ang isang topic naglabas na ng maraming sanga hanggang sa nawala na kami sa pinag-uusapan namin na kahit maglupasay ako ang suntukin ang pader walang magbabago. panandaliang show of concern lang dahil nag hyperventilate ako at pag ok na hindi na ako papansinin. ni minsan wala akong narinig na sorry at i love you sa magulang ko na matagal ko na inaantay dahil pag narinig ko yun ay umaasa akong magbabago sya pero anong petsa na wala pa. dina-down din ako at nirerestrict nang gawin ang mga nakalakihan kong hobby dahil nga may anak na daw ako. nagiging katulad ko na talaga sya. siguro ganito na habambuhay kaya naiinip na akong kumawala. hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sobrang madami na akong naiisip na hindi maganda

sisses pinipilit ko namang baguhin pakikitungo ko sa magulang ko pero hihintayin ko pa bang i-volunteer ang sarili kong i-out sa pamilyang kinalakihan ko? mas maganda pa nung nasa slums pa kami nakatira jollibee lang masaya na kesa ngayon. ang wish ko lang sa anak ko sana maging healthy at maging masaya na hindi ko naranasan habang tumatanda ako kasi andaming nasayang na oras. maraming nasayang na salita. kung kilala ako ng mga kaibigan ko noon na palabiro at palatawa ngayon hindi na. medyo nakakalimutan ko na rin tumawa at miss na miss ko na gawin ito. sinasabi ko sa hubby ko mga problema ko at nacocomfort naman ako dahil nakakalimutan kong may problema ako pag sa kanya ako nagsasabi pero naghahanap pa rin ako ng comfort sa ibang tao. naghahanap ako ng counselor pero wala ako kakilala. hindi ko rin alam kung magkano bayad sa mga ganito kasi wala naman akong pera.

1choi_ko9

  • Guest
Re: ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« Reply #1 on: January 14, 2011, 11:40:22 am »
sis sa tingin ko alam mo na ikaw lang din mismo makakasagot sa lahat lahat ng mga tanong mo sa buhay. Sabi mo nga ayaw mo maging katulad ng nanay mo...so...nasasayo ang desisyon na wag gawin ito...pero kung sinasabi mo wala ka magawa at mukhang dun ka naman patungo....sis walang ibang makakatulong sayo o saatin kung hindi ang mga sarili lang natin.

sa ngayon ang mainam mo gawin siguro ang intindihin ang nanay mo sa kung ano ang pinagdadaanan nya ngayon. Sabi nga ng iba kung gusto mong intindihin ka ng iba, matuto ka at intindihin ang ibang tao rin at wag puro ikaw lang. Minsan mas mabuti ng nakakalamang ang ibang tao at nalalamangan ka...dahil ang biyayang matatanggap mo hinggit pa sa inaasam mo....too good to be true? It is true, you just have to believe that there is God and nothing is impossible. Dasal kalang sis, at ipaubaya sa Diyos lahat lahat... :)

ebiko

  • Guest
Re: ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« Reply #2 on: January 15, 2011, 08:47:41 am »
^^ sis curious lang ako, ilokano siya, saang province?  pangasinan? la union? ilocos?

 

strawberryfieldsforever

  • Guest
Re: ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« Reply #3 on: January 15, 2011, 10:21:07 pm »
sis 1choi_ko9 siguro ganun na nga lang gagawin ko tatatagan ko na lang loob ko haay.. thanks sa advice =)

sis ebiko sa cagayan valley

showermist

  • Guest
Re: ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« Reply #4 on: January 29, 2011, 01:37:12 pm »
TS,  nasa sa iyo naman yun sis kung hahayaan mong maging ikaw ang nanay mo. 

Kung ayaw mo, ngayon pa lang, baguhin mo na ang dapat mong baguhin.  Lagi kong sinasabi ito, change attitude(for the better ha),change mindset.  Even if that would mean moving out of the house.  Kaya naman kayo sigurong buhayin ng mister mo.  Siguro you need a 'space.' Toxic na siguro dyan sa inyo. Have the backbone to make decision for your own family kung (gaya ng sabi mo) ayaw mong matulad ka nga sa nanay mo.

Sis, every home is different.  May nanay na bungangera.  may nanay na nananakit.  May mga kumakabit.  Iba ang napunta sa iyo. Kanya kanyang kapintasan, kanya kanyang magandang katangian. 

Try mo kayang maging malambing sa kanya? Huwag mong patulan mga pagpaparinig nya. Kasi mai-stress ka lang. Sasagot ka, magagalit nanay mo. It's a cycle. kaya nakakahapo na rin minsan.

I am blessed with a very loving mother. Ang bait sobra, kaya siguro maaga syang kinuha :(  Sis, treasure your mom kahit gaano pa sya kasama ngayon sa tingin mo. 

ebiko

  • Guest
Re: ang auntie at nanay kong makitid ang utak
« Reply #5 on: January 29, 2011, 04:17:20 pm »
sis 1choi_ko9 siguro ganun na nga lang gagawin ko tatatagan ko na lang loob ko haay.. thanks sa advice =)

sis ebiko sa cagayan valley

vizcaya ako particularly,  :) parang weird lang ang ugali ni mother  ???

 

Latest Stories

Load More Stories
Close