Hi po sa lahat. Newbie here.

Nagkaron din po ako ng severe BB. And i found out na meron ako nito dahil napansin kong kumakamot sa ilong or nagpipisil ng ilong ang mga nakakausap ko. And minsan nasabi sa akin ng pinsan ko na bad breath ako sa pabirong salita pero lam nyo na po minsan jokes are half-meant. I started reading and researching about BB or Halitosis dahil nawawalan na rin ako ng confident sa sarili ko.
Noong una, parang ang hirap kasi ang daming bawal at maraming dapat i-change sa lifestyle ko pero nung kalaunan nasanay na rin ako. Nagkaron ako ng severe BB way back 2006 pa yun. Dahil na rin sa work and stress kaya affected ang lifestlye and health ko. Nawala lang po sya noong 2012. Imagine kung ilang taon po akong nag-suffer.
Alam ko pong may ibang mga readers na naghahanap din ng solution for this kaya naisipan ko pong mag-share dito. Marami na po akong na-try na products, mouthwashes, toothpastes pero walang nangyari hanggang unti-unti akong nawalan ng trust sa mga commercial products.
Eto po ang mga ginawa at sinubukan ko:
1. hindi po ako nag-skip ng breakfast, IMPORTANTE PO ITO.
2. hindi ako uminom ng softdrinks and coffee
3. hindi ako kumain ng mga instant foods
4. hindi po ako nagpuyat
5. hindi po ako kumain ng mga spicy foods
6. hindi po ako gumamit ng kahit anong commercial mouthwashes
7. hindi po ako kumain ng candies, tsitsiria
8. iniwasan ko pong kumain ng matatamis na pagkain most esp chocolates
9. iniwasan ko po ang sobrang ma-stress
10. ang pinaka-iniwasan ko po ay ang mga alcoholic beverages
11. iniwasan ko ring uminom ng distilled water kasi cause din daw minsan ng hyper-acidity, mas ok kung may sariling filter sa bahay or boiled water
12. iniwasan ko pong uminom ng gatas, lahat ng dairy products
13. iniwasan ko munang kumain ng malalansang pagkain like tuyo, tulingan, bagoong, etc.
14. iniwasan ko ang pagkain ng mga street foods at sobrang mamantikang pagkain
15. hindi po ako muslim pero hindi po ako kumakain ng baboy, lam naman po natin ang dulot ng laging pagkain ng baboy o karne.
Sobrang desperate na ako noon sa BB. I even consulted a dentist twice a year pero wala pa ring nangyari.
And the only thing na nakatulong sa akin ng malaki ay "BAKING SODA" dahil sa aking kababasa, kareresearch. I really didn't stop. Nakatulong din po sa akin ang pag-gargle ng rock salt, lemon, and calamansi mixed with water syempre po.
1. Right after kong bumangon sa umaga, gargle ako ng 1 teaspoonful baking soda mixed with 1 cup of water.
2. Eat healthy breakfast
3. Brush my teeth after eating and i don't forget to floss esp kapag karne ang kinain ko
4. Ginawa kong mouthwash ang Baking Soda at hindi po ako nawawalan nito
5. RIGHT AFTER EATING PO, "BAKING SODA ROUTINE" AKO
TAKE NOTE PO: bumabalik po sya kapag ginagawa ko ang kahit isa sa mga bawal na nasabi ko sa taas, most esp kapag kumakain ako ng mga SWEET FOODS.
***healthy lifestyle, positive outlook in life, fruits, vegies, drinking plenty of water and DIY experiment really helps***
I never stop experimenting til now most esp when it comes to my health. I REALIZED NA MAS MALAYO PO TAYO SA SAKIT IF WE CONSIDER MORE THE NATURAL PRODUCTS AND HERBAL MEDICINES.
and i don't forget to pray before meals, asking GOD to bless everything i eat. (it works, it really works)!
fruits & vegies and more fruits and more vegies kasi
"MAS MAHALAGA PO NA MA-CLEANSE ANG KATAWAN NATIN INSIDE" dahil nasa loob po ang lahat ng important mechanisms ng ating katawan kaya tayo ay nabubuhay, next na lang po ang ating outside appearance and syempre mas OK po kung BALANCE.
EAT HEALTHY & LIVE HEALTHY! Sana po ay makatulong. Pasensya na po kung sobrang haba.
pm nyo po ako kapag may gusto kayong itanong.