ako rin mukhang malayo pa sa 1M.. kasi unconciously may naitayo yata kaming "tita carmi and tita weng foundation" ng ate ko.. pinag-aral ako ng ate ko nung college, in return nung nag-graduate ako tinulungan ko na rin siya sa expenses.. maaga kami nawalan ng nanay, at ang papa ko may ibang family.. nasanay na kaming na magkakapatid na magkakasama..
kaso sa both sides ng mom and dad ko, kami lang ang sinuwerte.. yung iba kapos at yung iba wala talaga... ang bilin sa amin ng papa namin, magtapos kami ng pag-aaral.. kaya ginawa namin, no offense sa undergrad, pero sa amin siguro sa ugali na rin ng tao kaya kami umasenso, sila palubog ng palubog...
so anyway, in short, kami ng ate ko tumutulong sa mga kamag-anak namin.. hindi lang mga kapatid.. mga pamangkin na walang pang-aral, hindi namin sila matiis eh, mga pinsan na walang trabaho, mga tyuhin na wala na ring trabaho, tinutulungan namin sila although not all the time ay pera... naranasan ko pa na magtustos sa kapatid ko at anak niya, kasama pati pagbubuntis kasi hindi siya pinanagutan nung u***s na lalaki.. kaya hirap na hirap kami mag-ipon.. nag 2 work pa ako dati.. buti ang ate ko kasi malaki sweldo niya manager na siya.. pero sa tulad kong entry level lang, na 7k kinsenas lang tinatanggap, nagbabayad ng kuryente, nagpapa-aral ng pamangkin, gumagastos sa pagkain sa bahay, wala na akong savings..
until one day, sinabi namin ng ate ko, hindi na namin sila tutulungan, kasi kami ng ate ko hindi na umunlad dahil sa kanila.. ngayon papakasal ako, less than one year ang planning, pero naka-ipon kami ng more than 100k, siguro mga 60-70% ang sa akin dun.. narealize ko, ganong karaming pera ang nauubos ko kakatulong sa iba.. 6 years na ako nagwwork, palipat lipat ng work kasi nga hanap ng company na makakasagiot sa mga expenses ko dati.. sa 6 years na yun, naka 600k na rin siguro ako.. hay... siguro naman, hindi magagalit si God sa akin kung isipin ko naman yung sarili ko at magiging pamilya ko, at hindi na ako tutulong sa kanila..