watch now

Author Topic: Iloilo - Guimaras [Thread 2]  (Read 111714 times)

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #480 on: February 07, 2012, 07:58:05 am »
^sis si sis eeatrice nandun ngaun sa villa igang. dun din kami mag stay sa sunday 12 Feb-15 Feb ;)
« Last Edit: February 07, 2012, 07:59:50 am by lenierose928 »

madiday

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #481 on: February 07, 2012, 04:33:56 pm »
kakagaling lang namin guimaras-concepcion buti nalang di kami inabutan ng lindol. waaaaaaa!!! guimaras trip was okay.. ang linaw ng tubig pero sobrang mabato. sa igang kami ngstay unfortunately sa lumang room kmi nilagay. everything in the room is panget from bed to cr. pero yun lang ata yung room na luma, lahat ok na. ang ganda ng cave nila kaso may ahas!! walo walo ata tawag dun kulay blue sya. muntik pa kami matuklaw pambihira!!! nung tinanong namin yung bangkero sabi poisonous daw yun at nakakamatay. e bat di nila hulihin. grrrr! nagkasugat pa yung bf ko sa pagtakbo nung hinabol kmi nung ahas. yung island hopping naman mukang di magandang idea ang pagpunta dun ng feb.. ang lakas ng alon! super scary! tapos di pa panahon ng mangga so 80/kilo pa sya ngayon. trip to concepcion naman-- mukang wrong timing din kami dahil ginagawa ngayon mga kalsada so mga 10 yrs kami sa byahe pagdating namin dun super lakas ng alon buti nalang yung boat na pinahiram samin eh for 40 pax kahit 2 lang kmi kase may tumaob na daw na maliit na bangka dun. kaya para safe malaki na pinagamit samin. o diba lalo pa kming tinakot. LOL! sa sandbar lang kmi nagpunta kase nga maalon. di na kmi nagpunta sa ibang island. ok lang din.. mas ok kesa sa guimaras pero wala parin wow factor. pero sobrang naenjoy namin yung food sa iloilo lalo na sa breakthrough super sarap :) at yung pasalubong kong butterscotch lahat ng binigyan ko naghahanap pa :) yung favorite ko naman na napuntahan namin-- guisi lighthouse and san joaquin cemetery.. maganda magpre-nup. hehe!

michi247

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #482 on: February 07, 2012, 04:46:21 pm »
^^sis, saan yung maalon sa guimaras ba? mag island hopping kami next week e. sana hindi maalon, hindi ako marunong mag swim,  ;D. may lifevest ba?

madiday

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #483 on: February 07, 2012, 05:01:49 pm »
yup sis. sa guimaras. pati sa concepcion. baka dahil amihan??? hehe may lifevest naman, dala nalang kayo ng dry bag kase mababasa kayo sa boat para safe ang mga camera :) mukang mas ok magstay sa alubijod kase mas malapit yun sa mga island. yung igang kase nasa likod pa. gusto ko na nga magpababa sa alubijod nung pabalik na kami, nastress ako sa alon. LOL!
« Last Edit: February 07, 2012, 05:10:35 pm by madiday »

delisyus

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #484 on: February 08, 2012, 02:08:50 am »
lenierose... feedback pls ha?


I don't expect world class amenities naman kasi I know it's a super probinsya din, pero since we have kids nga, concerned ako sa bugs, init, safety, food, comfort.... which is why I decided to limit our stay there (guimaras) na. Tsaka na kami magra-rough ek when they're bigger na.

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #485 on: February 08, 2012, 07:47:44 am »
^sure sis! hinihintay ko nga din feedback ni sis eeatrice. sana okay ang pag stay nila sa villa igang. pero un friend ko sa raymen sila nagstay. sobrang nagustuhan naman daw nila dun. di tuloy kami makapagdecide kung san talaga kami  ???

cindylulu

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #486 on: February 08, 2012, 12:56:58 pm »
^^sis, you may want to google costa aguada resort. maganda rin ito but pricey. 

madiday

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #487 on: February 08, 2012, 01:00:21 pm »
sis lenierose.. di ako makareply sa PM eh. 2400 yung for 6pax sa villa igang. 2000 yung for 4pax eto yung contact number 0926-3753634 :)

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #488 on: February 08, 2012, 06:42:31 pm »
hello mga sis... kakagaling ko lang from our iloilo-guimaras last feb.5-7

we stayed at villa igang, nasa may beachfront kami na area, malapit sa "canteen/restaurant" nila
our room was ok naman, meron lang talaga mga lumang rooms, iyong sa taas na side, but meron din naman mga new rooms

anyway nagulat ako na meron na pala pool ngayon sa villa igang, kaya lang may fee na 50/head, and 4 feet is the deepest.

on our first day we had guimaras inland tour, pinakanagutuhan ko lang iyong shooting range, it feels good pala to shoot, first medyo may kaba, its 100/pax then 10/bullet.
tapos don't forget to eat at pit stop, sarap ng mango pizza nila! nagcomplement iyong mango at cashew nuts :)

then on our 2nd day, we had island hopping, tama si sis madiday, super alon, nagstand out lang sa akin during our island hopping was the sand bar at the marine sanctuary, first time ko makakita ng super laking lapu-lapu around 100kilos, then bangus na around 20kilos... sa ave maria pala meron din kami nakita na ahas :( kaya umalis na din kami agad

kikay iska

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #489 on: February 08, 2012, 11:59:53 pm »
^ wow. may pool na ang villa igang.

sis, andun pa rin ba yung room na nakadikit sa "canteen/resto" nila?  dun kami noon eh; luma yung room or madilim lang talaga. other than that naman, our stay in villa igang was pleasant and fun. :)

san may shooting range? :)

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #490 on: February 09, 2012, 08:12:24 am »
thanks sis madiday!

sis eeatrice - updated ako sa stay nyo sa guimaras. lagi kami magkausap ni kuya mai sa phone, sabi nga nya ng target shooting daw kayo! ang saya nun!  ;D. sis how much un room nyo na nasa may beachfront? at saan un pit stop?nag visit din ba kayo sa raymen sis? thanks sis!

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #491 on: February 09, 2012, 09:40:59 am »
@kikay iska, sis may room parin sa tabi ng canteen nila, parang ang luma na nga noon ng nakita namin,

@lenierose928, before trappist iyong pitstop, sabihin mo na lang kay kuya mai na idaan kayo doon, tapos pala i dont recommend going to balaan bukid, iyong may 14 stations of the cross, sobrang nakakapagod tapos hindi naman ganon kaganda ang makikita sa taas, hay...

we paid 2,000 per night good for 4 pax, malaki iyong room pwede mag-add pa ng additional 2pax,
then on our island hopping nagpadaan kami sa raymen, para makapagswim naman kami sa beach don,

infairness mas maganda talaga ang beachfront ng raymen, hindi mabato, iyong sea bed nila ang lambot sa paa, sand talaga unlike sa villa igang na mababato, ang sakit sa paa.

plan pa nga namin na magstay na lang sa raymen on our 2nd night dahil nga mas maganda ang beachfront nila, kaya lang dahil nagkatamaran na at dahil sa may "tsumani alert" we decided to just stay at villa igang (cove part kasi ang villa igang, its not facing the open sea kaya parang mas safe in case of tsunami, ahahaha)

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #492 on: February 09, 2012, 10:08:10 am »
on our 3rd day pala, we arrived at sm iloilo around 12noon na, we left our things at the traveler's lounge then proceeded to our DIY tour.

We ate lunch at tatoy's, so so lang iyong chicken nila, hindi naman kami masyadong nasarapan sa mga kinain namin,

ito pala iyong route namin
SM Iloilo - Tatoy's:
ride any jeep infront of traveler's lounge then pababa kayo sa may "stoplight" (7.50php)
then from stoplight ride a jeep w/ signboard "villa sta.barbara", sa tapat na kayo ng tatoy's bababa (10php)

from Tatoys - Miagao Church
ride any jeep across Tatoy's, tell the driver to drop you at "highway" (7.50php)
from highway, ride a jeep w/signboard miagao (50php)

Miagao - Guimbal church
ride any jeep bound to iloilo city (15php), just remind the konduktor to drop you at guimbal church

Guimbal church - Tigbauan church
ride any jeep bound to iloilo city again (10php),

Tigbauan church - Molo church
ride any jeep to Iloilo city, you will be drop at Mohon terminal (18php)
then from Mohon terminal, ride a jeep bound to "villa" (7.50php), ask the konduktor again to drop  you at molo church

Molo church - SM iloilo
ride jeep bound to villa again, drop at "stoplight" (7.50php)
cross the intersection, take any jeep bound to SM (7.50php)

that ends our "church hopping"
i like the outside structure of miagao church, maganda talaga, then
tigbauan church interior is superb, ang ganda ng loob ng church na ito.

we had dinner at green mango, ang sarap ng heaven torte nila :)

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #493 on: February 09, 2012, 10:30:36 am »
^sis so mas advisable sa raymen kesa sa villa igang? san nga pala un green mango? di ba kayo nag punta sa breakthrough?

thanks sis!


kikay iska

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #494 on: February 09, 2012, 11:05:24 am »
^ I've tried both - Villa Igang and Raymen. Although day tour lang kami when we went to Raymen in 2009. 
True, mas "maganda" ang beachfront ng Raymen. But note that, andaming resorts doon na nagshe-share ng beachfront na ito.  Nung andun kami, super daming tao sa beach. Di kami tumambay at all sa beach dahil sa dami ng tao. Inubos lang namin ang time sa swing nila at sa island hopping. Kung di naman "takot" sa crowded beach, ok lang siguro nag-Raymen. 

I prefer kasi yung walang masyadong tao, which was the case in Villa Igang kasi kanila lang yung beachfront nila.  Also, mas gusto ko yung service ng Villa Igang.

Kung beach lang, actually pareho lang naman na hindi standout ang mga beaches ng mainland Guimaras. Unless yung beach ay andun sa islands na mukhang super mahal naman ang rates, hindi na worth it... IMHO lang.

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #495 on: February 09, 2012, 11:15:19 am »
sis kikay iska, alin ang mas maganda na rooms? sa raymen or sa villa igang? pwede ba kami magdala ng cooked food? di naman nila sisistahin?

thanks sis!

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #496 on: February 09, 2012, 12:19:08 pm »
^sis we check out the rooms at raymen, iyong good for 4 pax lang nakita namin, mas masikip siya compared sa nakuha namin na room sa villa igang,
the room rates at raymen (good for 4)
1,600 -located at the 3rd floor, aircon, 2 double beds, w/cr
1,800 -located at 2nd floor, aircon, 2 double beds, w/cr
2,200 -was not able to check this personally pero this room has a TV

sa tingin ko kapag weekends marami tao sa raymen, dumaan kasi kami ng sunday sa raymen before checking in at villa igang, madami talaga tao,
but when we went there the next day (monday) wala ng tao, kami na lang iyong nasa beach :)

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #497 on: February 09, 2012, 12:20:55 pm »
^^green mango pala is located at SM city
our plan was to have dinner at breakthrough but hindi na natuloy since late na kami natapos sa "church hopping" namin,
sana nga breakthrough na lang kami naglunch, hindi kasi talaga kami nagenjoy sa tatoy's

lenierose928

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #498 on: February 09, 2012, 12:50:44 pm »
thank you so much sis eeatrice! pag dating namin sa iloilo sa sunday, diretso kami ng sm iloilo para dun mag lunch at mamili ng ibang food. try agad namin ang green mango. tapos after lunch punta na kami ng guimaras. baka sa raymen nalang kami. nag text kasi ako sa kanila. raymen nag reply pero villa igang hindi.

sis, panu pala punta breakthrough?

eeatrice

  • Guest
Re: Iloilo - Guimaras [Thread 2]
« Reply #499 on: February 09, 2012, 01:14:03 pm »
^sis may van sa iloilo airport hanggang SM city, fare is 50/pax
iyong taxi naman from airport to sm city range from 230-270 depende sa traffic.

try mo sis iyong heaven torte ng green mango :) tapos mura lang ng food :)

hay hindi talaga sumasagot ang villa igang kahit tawagan mo, kaya nga nagpunta kami ng guimaras ng walang room reservation, pagdating namin doon tsaka na lang namin tiningnan :)

downside pa pala sa villa igang, limited iyong food choices mo, they only have fish/chicken/shrimp then iyong luto na pwede is fried/adobo/sinigang and cost 180.00 good for 2 naman

for breakfast naman, they have tocino/tapa/bacon and chorizo

 

Latest Stories

Load More Stories
Close