guy ako pero makisawsaw lang mga sis ha?
sis TS, somehow i have an idea what you mean with "signs", but, di ba dapat "factual events/evidences" ang kailangan para maghiwalay na?
eksampol: kadalasan naghihiwalay ang mag-asawa/mag-jowa dahil sa 3rd party di ba?
signs - makipaghiwalay ka ba agad if on the 100th time, naamoy mong
amoy sabon ng motmot ang mister mo?
- nakakakuha ka ng condom sa bulsa ng pantalon nya?
- nakakabasa ka ng sweet text messages sa cp nya?
facts - nakakuha ka ng mga resibo ng motmot sa wallet nya
- you've recovered used condoms sa bulsa nya (kahit na di kayo
gumagamit)
- nakita mo sex videos/pix nya sa cp
- you got him under surveillance... pumasok sa gaybar
after an hour, lumabas, nakapulupot sa isang macho dancer.
sumakay sila ng taxi, pumasok sa bahay ni Aling Vicky.

kung signs lang, wag muna makipaghiway lalo pag married kayo.
kung namura ka ng isang beses o nasampal ng isang kamay, patawarin mo muna. ask for help/guidance/counseling at baka magbago pa.
but kung naging recidivist na, hobby nya na ang murahin ka, at pastime nya ang iuntog ka sa pader... aba sis, wag kang lumayas, sya ang palayasin mo.

actually maraming SIGNS na not necessarily hahantong sa hiwalayan.
SIGNS na nadadaan sa masinsinang pag-uusap/medication para magbago/magamot, pero pag nakaligtaan at pinabayaan, it would surely lead to separation.
example: alcoholism
drug addiction
gambling
impotence
insanity
well, sign rin siguro if...
yesterday, dahil mahal na mahal ka nya, ikinuha ka nya ng multi-million insurance
today, he bought a can of pesticide
tomorrow, he''ll cook your favorite dish at susubuan ka pa.