watch now

Author Topic: Eastwood Residences Montalban, Rizal  (Read 133070 times)

leighjassen16

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #240 on: October 20, 2014, 09:49:03 am »
phase 1 po EM... sana nga magustuhan ko rin pagtagal  :'(

leoanmsotelo

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #241 on: November 05, 2014, 08:44:34 am »
Hi Ms leighjassen16, sa phase 1 din ako nakakuha ng house and lot. Kelan turnover nung sayo?

leighjassen16

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #242 on: November 05, 2014, 08:52:09 am »
wow kapitbahay ko.. na turnover na pero di pa kami lumilipat... antay pa namin marami na tao pati matapos ang school year...

leoanmsotelo

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #243 on: November 05, 2014, 08:52:48 am »
Ms tisaygirl123, gano katagal po bago naturnover sa inyo yung house and lot nyo?

junlenjames

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #244 on: November 10, 2014, 03:25:48 pm »
Hello po sa inyo! Nagbabalak po ako kumuha ng bianca model. Malaking tulong po ang mga feedbacks na nakukuha ko from here.

friendlyneighbor

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #245 on: November 13, 2014, 02:48:07 pm »
@Leighjassen magkapitbahay lang  pala tayo.EM din kami phase 4.. magkaharap lang tayo.. :) ituturn over palang sa amin, aantayin din namin dumami tao before lumipat..

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #246 on: November 13, 2014, 04:48:47 pm »
hi sis beigh ako po yung nag kwento naikwento lang din po heheh :) .. kaya hindi ko na din tinuloy sayang yung reservation and DP ko :(

leighjassen16

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #247 on: November 14, 2014, 09:59:59 am »
oo kasi yun kasamahan ko sa office lumipat sila pero sa condo sila nagstay ng mon to fri kaya ayun paguwi nila ng sat limas na gamit nila dapat makisama sa mga kapitbahay para pwede magbilin o magalaga ka ng aso... yung malalaki para kapag wala ka pwede yun ang taga bantay.... so sad nangyari sa kanila kaya ang alam ko pinatirhan nalang nila sa kamaganak nila para di daw masira house... kung iilan lang kayo ang focus ng mga salbaheng magnanakaw sa inyo lang... ok lang manakawan eh kung adik pa mameligro pa buhay nyo ng anak mo....kailangan marami na tao para pagsumigaw ka marami na makakarinig...

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #248 on: November 14, 2014, 01:16:37 pm »
sis leighjassen16 san yan happend?

beigh

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #249 on: November 16, 2014, 11:42:58 am »
You mean sis nalimas dahil sa mga magnanakaw, hindi naman sa baha, ganun ba? Sa simula kasi konti konti pa lang talaga ang house may mga ganyang eksena.Kahit naman sa ibang lugar ganun din, so security wise, befriend your neighbors (kung meron man), at kung wala pa, tama ngang mag alaga ng aso, pakawalan sa bakuran kung wala mapag iiwanan ng house. Of course, need mo din i-lock house, yung makapal na padlock para mahirapan naman ang mga masasamang loob sa pagpasok diba.


My hubby is planning to buy house sa East Bellvue kaya nagawi kami duon. Bianca ang offer sa amin, thinking twice pa din kasi pwede naman ipagawa na lang namin yung house namin sa GB para maging spacious din. My prob. lang kasi with GB is wala space for garage, pero as per my neigbors, pwede daw ipark na lang yung kotse sa loob ng cluster na supposedly intended for garden (I don't know if you're familiar with this so-called cluster/alley, nalaman ko na lang kasi nung nakalipat na kami)Dun sa mga balak kumuha, think twice talaga kasi yung offer na rowhouse na around 32 Sqm. baka magsisi kayo sa huli lalo na kung nasanay kayo sa malalaking house. Maliit kasi talaga, ang hindi ko pa nagustuhan dito, pag convert mo into two rooms, hindi magkakasya yung double sized bed at mga cabinet for clothes. As of now my family consists lang naman of me, my hubby, and our two daughters. Kami pa lang masikip na, pano pa kung may madagdag pa? FYI pala, thru pag-ibig ko lang loan yung house sa GB, wala pa si hubby nung time na kinukuha ko to so I thought I would be a single parent forever. I never though na darating ang right one for me.Explain ko lang kung bakit maliit lang kinuha ko..=)

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #250 on: November 17, 2014, 08:27:42 am »
hello mga sis!
we went there last saturday sa east bellevue!
gawa na yung mga bahay.. nakakatuwa lang na makita na gawa na sya :)
medyo maliit nga lang.. sana makaipon para mapalagyan nalang ng second floor :)

junlenjames

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #251 on: November 17, 2014, 10:56:56 am »
Hi sis @beigh sa technohub po ako nagwowork And yung hubby ko around batasan area so convenient yung location. Kinukumpleto ko pa yung requirements. Hopefully makapagstart na ko before the 2014 ends. OkaY ba sa EB? Malayo ba yun sa highway? Thanks!

shyreen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #252 on: November 17, 2014, 01:59:28 pm »
balak sana namin ipasecond floor yung unit namin na bianca sa Eastwood phase 8, january this year naturn over samin tapos after 6 mos pinagawan na namin ng bakod. Gusto sana namin na ipasecond floor na this january kaya lang nung nagtanong mother ko pag major renovation daw kelangan maprocess muna yung title. After 2 years pa daw mabibigay yung title. E gusto sana namin mastartan na talaga yung bahay. Ayun, kaya kahit di muna second floor gagawin, extension nalang muna saka nalang namin pataasan.

beigh

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #253 on: November 17, 2014, 05:41:24 pm »
@sis junlenjames, EB malayo talaga sa highway, bandang dulo na po kasi yan. Hindi ako sure kung meron pa ibang EB ha, pero kung iyan yung katabi ng GB2, malayo nga po. Mas maganda sana kung may car ka.Ang maganda nga lang sa atin compared to other subd. is may terminal sa loob ng Eastwood. 2 biyahe nila-Trinoma saka Cubao. Malapit o malayo P50 ang pasahe. Mabilis lang ang byahe mo nyan sis kasi sa litex ang daan niyan. Saka,mabilis din magpuno pag umaga,madami din kasi sumasakay.

Sis, nagawi kami one time dun sa Ultramega, lumampas kami konti dun, then may nakita ako bumabyaheng jip, hindi ko nakita kung saan punta byahe nya e, so nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay ko. Ang sabi "duon-duon" lang daw ang byahe nun, pero sabi nila, pag nadevelop na yung daan dun, pwede din dumaan dun papunta litex. Mas malapit na tayo dun kung sakali diba. May bali balita din na magkakaroon na ng linya ang mga PUJs duon. Sa laki ba naman ng Eastwood,dami nila magiging pasahero, although dami din may mga cars na. Baka dumating ang time, maging baranggay tayo. Pero sa totoo, opposed hubby ko sa pagkakaroon ng linya ng mga PUJ dun (kung sakali man ha) kasi hindi na daw fresh yung hangin =(  Sa akin kasi okay lang yun kung mas magiging accesible naman tayo sa kabihasnan diba. Hindi ko natanong kung may car-laloo ka sis e, from luvers to GB P15 ang fare, hindi ko lang alam kung magkano hanggang EB. Mabilis din naman magpuno ang tricy so carry lang.

@sis Shreen, Okay lang ba ask sayo kung magkano inabot ng pabakod u? Para may idea lang ako =) TIA sis.

shyreen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #254 on: November 18, 2014, 07:25:17 am »
@beigh - sis 81sqm yung lot area namin. Inabot ng 100k+, nagpamahal yung gate at bakal paikot.

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #255 on: November 18, 2014, 09:31:26 am »
@shyreen, magkano po yung estimate nyo ng pa 2nd floor? and pa extension? para lang po may idea din.. thank you :)

beigh

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #256 on: November 19, 2014, 06:21:56 pm »
Naku sis, ang mahal pala. Kunsabagay maliit lang need ko bakuran eh. Madali lang ba makuha ang construction bond, saka strict ba talaga sila, I mean kung ano nasa construction plan, ganun na ganun dapat?

j.adore

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #257 on: November 27, 2014, 04:36:12 pm »
Verdant Point is the worst developer I've seen. Mukhang pera sa dami ng charges pero sila naman yung delayed magrelease ng mga requirements >:(

Kung pwede lang talaga makarefund, withdraw namin ang purchase dito!

friendlyneighbor

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #258 on: November 28, 2014, 08:48:13 am »
Naturn over na bahay namin sa EM pero baka next year pa kami makalipat. Pinapalagyan pa namin ng grills ang window at door para safe ang bahay especialy may linya na ng kuryente.  Next year pa kasi balak namin iparenovate at ipapabakuran.. naturover sa amin last nov 22, tapos may iilan na rin na lumipat.

friendlyneighbor

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #259 on: November 28, 2014, 09:15:31 am »
@SIS Shyreen. Ang laki naman ng ginastos nyo sa bakod. Magkano naman kaya aabutin sa akin nit? Sa likod namin meron ng bakod courtesy ng subdivision. Commercial lot na kasi yung likod namin. Bale sa harap at gilid nalang yung palalagyan pero lot area ko is 159 sqm.

For  those na di pa makalipat at wala  pang budget magpabakod. Suggestion ko lang na palagyan nyo kaagd ng steel window. During turn over, may nag offer sa akin ng grills sa bahay, 1k per window sila then 2500 per door pag palalagyan ng steel door. Libre na yung window sa cr. Ang sabi ng engineer, di mo daw kailangan ng permit kung assembled na ang steel window at isasalpak nalang pagdating dun..  though di kami nagpagawa sa kanila, si father in law lang gumawa ng grills ng bahay kasi mas makmura daw kami, 7 windows kasi meron sa bahay at kumpleto naman sya sa gamit. Halos lahat ng mga bagong lipat dun, sa kanila nagpapagawa.


« Last Edit: November 28, 2014, 08:41:23 pm by friendlyneighbor »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close