watch now

Author Topic: Eastwood Residences Montalban, Rizal  (Read 132886 times)

chardonnay

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #20 on: February 03, 2011, 03:00:40 am »
^ Hi sis, saang phase mo balak kumuha? Ready for occupancy na ba? Kami ng sister ko magkatabing bianca lang din kinuha namin sa phase 1. Naengganyo na rin kasi ako dahil sabi nya ayaw nya matulad sa mga tita namin na matatanda na bago nagkasariling bahay. Okay naman na sya for a small family and ang maganda dun, pede syang ipa 2nd floor pag nagkapera ka na uli.

Breadwinner din ako and so far, kahit walang natitira sa akin, sarap na rin sa pakiramdam na me napupuntahan naman pera ko and in the long run, masasabi kong sarili ko na yung bahay na yun. Na inspired pa nga akong magsikap and magtipid para makapag pa extension na ako kasi last week nagpipintura ako ng window grills, parang sarap ng feeling me bago kaming bahay kahit maliit pa lang hehe  ;D

heavendreamer

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #21 on: February 03, 2011, 09:05:46 am »
hi sis chardonnay,

naghihintay kami sa ngayon kung ano ang magre-reopen for RFO.. where do you think is the best Phase? iniisip nga namin kung saang phase maganda.. parang may nabasa ako sa youtube  nung ondoy daw, di nga binaha ang ER but if ever, phase 1 daw ang possible na mabaha.. totoo ba yun? and if it's ok with you, ask ko lang sana magkano nyo nakuha yung bianca nyo and when? para kasing noon ata nasa 3,600 pa lang.. tapos ngayon kasi yung mga pre-selling sa phase 6 nasa 4, 100 plus na... ang m.a.

hay, it's so inspiring to hear na you're happy with your property purchase with your sister and you're actually painting your own windows na... kahapon nga, umattend na kami ni husband ng pag-ibig seminar.. sarap-sarap ng feeling na we're startng a new stage in our marriage.. kahit na maliit lang basta nagtutulungan.. iba tlaga.. :))

chardonnay

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #22 on: February 05, 2011, 04:25:20 pm »
hi sis chardonnay,

.parang may nabasa ako sa youtube  nung ondoy daw, di nga binaha ang ER but if ever, phase 1 daw ang possible na mabaha.. totoo ba yun?

^ Aw sana naman hindi mangyari yun. Pero baka kaya nasabi kasi nung Ondoy, halos phase 1 pa lang yata nandun tas ngayon phase 6 na pala. Sana naman wag talaga.

Yup P3600+ pa lang nun. Yung nga lang, kahit phase 1 block 27 lang kami, nasa dulo kasi yung arrangement from block 1 galing sa harap then paikot kaya kainis nga nung nakita ko yung block 60 nasa harapan. Eh wala pa yun nung tumingin kami.

Research research ka pa sis. Di ko din kasi kabisado pano na itsura nung area kasi bihira ko puntahan yun before and nabigla talaga ako na in 2 years, sobrang dami na nadagdag eh nakita ko pa yun as one big blank space nung bumili kami :D

Kung preselling ang titingnan nyo,  check the site as a whole, wag per phase kasi pag per phase, kala mo lapit mo sa gate ng phase nyo, yun pala sobrang layo from the main gate w/c is dun sa highway. Dun kami medyo naloka nung una eh, parang ang lapit tingnan pag sa map lang pero sa ngayon medyo nasasanay na.

Goodluck sis!

iyatedi

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #23 on: February 07, 2011, 04:50:42 pm »
hi sis!  may thread na pala dito ng ER.  nice!

We had our tripping last Saturday.  Nagpareserve na kami ng asawa ko.
RFO pinili namin na Bianca, sa Phase 5 kami, yung currently ginagawa. Almost patapos na unit.  Actually, nagbackout lang yung original na kumuha ng unit.  Hopefuly sa April, lipat na kami.

Sis heaven, ask mo agent mo kung may available pang RFO.  Kasi nung nagsite visit kami, meron available na RFO.

Actually, nakakuha na kami ng ibang house & lot sa Binangonan, Rizal.  Tapos na nga down payment e,  kaso mag1year na di pa naconstruct.  Nagkaproblema kasi sa developer.  Maybe, di talaga para sa amin yun, kasi suko ako sa byahe doon.  Sobrang layo. 

So after ng tripping namin, I insist na magcommute kami ni hubby pabalik to know kung malapit nga sya sa QC, kasi sa Philcoa lang naman ako work.  Ok naman, yun lang medyo mabantot yung dadaanan sa may litex. Pero carry bells na yun.

Nice naman yung community.  malapit lang kami sa bagong clubhouse.  I'm sure matutuwa anak ko kasi maluwagluwag na ang mapaglalaruan nya! Naku sana magkita kita tayo doon mga sis!

heavendreamer

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #24 on: February 07, 2011, 09:44:00 pm »

hi sis,

buti ka pa nakapili na, medyo mapili kasi kami ng husband ko eh kaya medyo natatagalan kami... actually, nainform nga din kami last week nung agent namin may rfo daw sa phase 5 kaso sabi sa min pataas daw kaya di na kami pumunta... I'm glad na nagustuhan mo din dun. happy nga din ako na nakita ko na dun kasi nakakita na din ako sa ibang lugar pero since may friend kami dun at dun na siya lumaki mas naging comfortable na kami.. hehe hopefully, magkita nga din tayo dun someday.. :))

heavendreamer

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #25 on: February 07, 2011, 09:56:04 pm »
^ Aw sana naman hindi mangyari yun. Pero baka kaya nasabi kasi nung Ondoy, halos phase 1 pa lang yata nandun tas ngayon phase 6 na pala. Sana naman wag talaga.

Yup P3600+ pa lang nun. Yung nga lang, kahit phase 1 block 27 lang kami, nasa dulo kasi yung arrangement from block 1 galing sa harap then paikot kaya kainis nga nung nakita ko yung block 60 nasa harapan. Eh wala pa yun nung tumingin kami.

Research research ka pa sis. Di ko din kasi kabisado pano na itsura nung area kasi bihira ko puntahan yun before and nabigla talaga ako na in 2 years, sobrang dami na nadagdag eh nakita ko pa yun as one big blank space nung bumili kami :D

Kung preselling ang titingnan nyo,  check the site as a whole, wag per phase kasi pag per phase, kala mo lapit mo sa gate ng phase nyo, yun pala sobrang layo from the main gate w/c is dun sa highway. Dun kami medyo naloka nung una eh, parang ang lapit tingnan pag sa map lang pero sa ngayon medyo nasasanay na.

Goodluck sis!

ok sis.. thank you ha.. oo nga eh, kasi hirap din pag either di pa marunong mag-drive at walang sasakyan tapos medyo nasa loob.. hintay-hintay nga lang kami sana makita na namin ang perfect choice namin.. thanks ulit! :))

sikatuna Village QC

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #26 on: March 08, 2011, 11:44:43 am »
hello mga sis! sa ER din kmi nkakuha ng house ng husband ko fresca nman ang model sa phase 5 binisita namin last week at mukang malapit na rin matapos... :) :)
« Last Edit: March 08, 2011, 12:21:56 pm by sikatuna Village QC »

chelsee

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #27 on: April 29, 2011, 08:17:45 pm »
Baka pwede niyo rin ibigay yung sample computation... Yung monthly kase samen walang problema. Yung downpayment lang talaga... Kaya sana magbigay kayo ng sample computation. Thanks

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #28 on: July 05, 2011, 03:56:58 am »
wow nakakainspire naman kayo mga sisses

^sis try mo itong link na ito http://verdantpointeastwoodresidences.weebly.com/sample-computation.html

iheartkulot

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #29 on: August 01, 2011, 01:22:58 pm »
sisses,
ilang oras po ang byahe from ER to ortigas if magcommute lang ako? then pauwi, if galing rob galleria, paano po?

salamat

e.viv

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #30 on: August 03, 2011, 12:07:14 pm »
sisses, sana pumayag parents ko to pay yung down payment para makabili na rin ako house dito.

rainebowbrite

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #31 on: August 08, 2011, 06:35:41 pm »
Same question as Iheartkulot. Also, how much po fx from cubao and pati na rin yung tricycle? Wala kasi ako kotse. And 24 hours din ba tricicyle and fx? Kasi minsan 4am ang shift ko eh.

BTW, I read na hindi nga ito binaha nung ondoy pero pano naman yung papunta dito? Di ba binaha sa marikina?
« Last Edit: August 08, 2011, 07:14:27 pm by rainebowbrite »

chardonnay

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #32 on: August 16, 2011, 02:05:32 am »
^ FX from Cubao is P45-50, depende kung sa pila ka galing. Tricycle is P30 special (not sure kung 24 hrs). Alam ko yung fx 24 hrs except yung via litex na mas okay sana kasi 45mins -1 hr lang.

Pede naman via litex sis kung di pede sa marikina or batasan then san mateo.

rainebowbrite

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #33 on: August 18, 2011, 07:41:06 am »
^Thanks sis. Mapapamahal din pala kami sa pamasahe if lilipat dun. I was thinking of maybe renting muna dun for a bit to se e if it's ok to live there.

e.viv

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #34 on: August 18, 2011, 08:07:03 am »
may nakita akong page nito sa FB. sabe 'wala nanaman tubig.' Mahirap ba tubig dun?

chardonnay

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #35 on: August 18, 2011, 01:05:19 pm »
^^ OO sis medyo mahal fare kaya minsan natatamad ako umuwi. Pinapa smart padala ko na lang bigay ko kay mother hehe. Rent na lang din ako dito sa Cubao para lapit sa work.

rainebowbrite

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #36 on: August 18, 2011, 06:36:13 pm »
^I see. I rent near work lang din kasi pero I was thinking maybe mas maganda if sa suburbs tumira hehe. Too much magastos namin sa pamasahe pag dun pala. Hanap na lang ulit :)

chardonnay

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #37 on: August 19, 2011, 03:10:13 am »
Pinag iisipan din namin yan mag asawa. Sabi ko pag stay at home na ako, okay lang pero sa ngayon talo sa pamasahe. Baka pag semi retired na kami tumira dun hehe. Prob naman kasi halos lahat na ng housing ngayon malayo na eh. Mostly condo na lang ang choices around the metro.

Sis eviv, reg the water, nangyari na rin samin once pero nun lang daw nangyari yun. Last week na visit ko, me mga new maynilad water pipes na iniinstall.

e.viv

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #38 on: August 19, 2011, 05:45:38 am »
thanks sa reply sis chardonnay. pero dun sa pamasahe nga din ako matatalo kung sakali na tumuloy ako sa pagbili.

hi_landprincess

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #39 on: August 19, 2011, 06:04:31 am »
hello mga sis. May thread pala ng er dito. We have a unit sa phase 3 block 6 since dec 2004 pero hindi pa kami don nakatira. Nalalayuan kasi ako. We planned of selling our unit there.

Latest Stories

Load More Stories
Close