Author Topic: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)  (Read 66812 times)

SarSi_Em

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #200 on: August 13, 2015, 02:43:37 pm »
^ sensya na pero now lang talaga ko nakabasa ng ganito, ang dami ko guy friends pero never ko sila nakita naging katulad mo, usually, inuman lang tapos parang wala lang, at halos lahat din sila one week -a month nakaka hanap ng kapalit.

ex ko nga wala pa one week  ;D

feeling ko naman makakaya mo yan. simula lang naman lahat masakit. pero sana maayos pa rin kung anuman problems nyo, baka pwede naman mapag usapan pa.

TomHansen

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #201 on: August 13, 2015, 03:12:34 pm »
^ Maybe because thats my weakness, i dont have close friends na nadyan palagi or makakausap and hindi rin ako mahilig lumabas and i dont drink.. Maybe thats how they cope kapag maraming kaibigan ako since walang makausap nagf-forum na lang.. Good for them ako it'll probably take years tsk tsk..

Yung ex mo naman baka rebound yun, or  bago kayo magbreak sila na nung girl...

Thanks, kakayanin ko naman ito focus na lang muna ako sa work ngayon..

SarSi_Em

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #202 on: August 13, 2015, 04:27:37 pm »
tom cancer ba zodiac sign mo?  ;D

siguro nga dahil may mga barkada at saka pag nasa work di na nila iniisip drama nila sa buhay, so busy bees rin kasi sila..

kay ex yeah, nag uusap na sila ni girl since last year pa, feb daw sila nag start maging close, so i guess, hintay lang nya ako unang mag let go, kaya ayun bilis bilis naman nya ni post about them. >:(

anyways, paka busy ka na lang din muna.

same din tayo, sa bahay lang ako, so alam ko un ganyan pakiramdam  ;)

TomHansen

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #203 on: August 13, 2015, 04:35:20 pm »
^ Ayun na nga nag-uusap na sila nuon pa, yun ang delikado when talking to female friends lalo pa di mo alam na nag-uusap sila.. - for me it's already a form of cheating..

Scorpio ako, pero anung meron sa cancer na zondiac?

Haha sarap kaya sa bahay, nuod nuod lang ng movies/series, browse browse - tipid pa!.. :D

mysterioza_me

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #204 on: August 14, 2015, 10:25:08 am »

Haha sarap kaya sa bahay, nuod nuod lang ng movies/series, browse browse - tipid pa!.. :D

True to pero pag may problem ako ayaw ko sa bahay kasi nagkukulong lang ako sa room.

Try mo mag-out of town with your best buddy or siguro naman may close friends ka sa office na pwede mo makasama at makausap ng seryoso. Ako mga ka-close officemates ko kasama ko, di naman kasi ako mabarkada.

Ako ni-block ko all forms of communication kasi nung time na yun tiyak na masisira yung paninindigan ko pagkumontak siya. Masakit mag-let go pero mas masakit maghold on sa isang tao na sinukuan ka na.

lovely_carrot

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #205 on: August 14, 2015, 01:21:43 pm »
I decided to deactivate my Fb account and 4 months after the breakup gumawa ako ulit ng bago, less mutual friends and i only accepted the people i want to share my life moments with.. As in zero contact, kaya naman kung gugustuhin. And also i guess its my pride, sya kasi ang nakipagbreak so i just gave him what he wanted

TomHansen

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #206 on: August 23, 2015, 07:28:54 pm »
Tried my best na hindi siya kontakin, now 2 weeks after our breakup
-minessage niya ako sa fb, di ko nireplyan
-tinawagan ko kinukumusta at tinatanong kung galit ako sa kanya, hindi ko sinagot ng maayos

I miss her so much pero papaano ako makakamove on kung kino-contact niya ako.. :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #207 on: August 23, 2015, 07:41:52 pm »
Naipost ko na ito dun sa moving on tips pero mas appropriate ito dito:

http://www.loveshack.org/forums/breaking-up-reconciliation-coping/breaks-breaking-up/366654-caliguy-no-contact-guide-updated

I miss her so much pero papaano ako makakamove on kung kino-contact niya ako.. :(

Alam mo naman kung papaano mai-stop ang communication and pagcontact niya sa iyo, ayaw mo lang gawin, I think ::)

SarSi_Em

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #208 on: August 23, 2015, 09:26:38 pm »
today is my 100th-day NC.

ok na ko, di pa  100% pero mas nakakaya ko na un pain, kaya ko na rin sya iblock pag naiisip ko, kaya ko na rin gumalaw, dati kasi wala ako gana sa lahat ng bagay.

lumalabas na rin ako ng bahay, marami nako nakilala new friends.
maraming bago natutunan, maraming lugar napuntahan..
lahat nagawa ko now dahil wala sya..

sya lang ang nawala sakin, pero ang dami naman pumalit sa kanya.

syempre may times pa rin naka feel ng sobrang lungkot.
pero ayaw ko na mag pa talo.. ang saya saya nila, nakakatulog sila ng mahimbing.. bakit ako papa talo sa kanila? kaya ko rin maging mas masaya.

kaya mga pusong durog, sa simula lang talaga mahirap pero mas kawawa naman tayo kung papatagalin pa natin pagdurusa natin habang sila nagsasaya.
kaya tigilan na pagiging hopia, kung umayaw na sila, umayaw na rin tayo, wag na sila pansinin, di sila kawalan sa buhay natin, may papalit at papalit sa kanila.. aja!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #209 on: August 23, 2015, 10:24:38 pm »
Agree ako sa iyo sis SarSi_Em, yan din ang naging motivation ko kaya napadali pagmove on ko. Nagfocus ako sa kung ano ang pumalit kesa sa kung ano ang nawala. Nagkabuhay ako at nagka-social life nung nawala siya, tumuwid pati career ko at ang dami kong natutunan sobra.

Wala na akong time at dahilan para malungkot dahil sa kanya, siya nga masaya e dapat ako din.

Sa simula lang masakit at mahirap. Pero tama lang na tapusin na agad kasi pagtumagal pa you'll end up too f*cked and more damaged.

iam_me

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #210 on: August 26, 2015, 09:42:16 pm »
Mahirap pero much better if no contact after the breakup para madaling maka move on

zarazan

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #211 on: August 28, 2015, 11:58:07 am »
Almost two months na of no-contact. What I did was I was the one who told him to block me.  Yun last request ko sa kanya. Block niya ako and my closest friends. Para no way to stalk him talaga.   Effective!!!!

Though after a month, inunblock niya ako. Feel ko, siya ngayon nacucurious. 

Girls, try to do this. Siya yung sabihin niyo magblock sa inyo. Minsan kasi, ang dali mag-unblock especially pag naeemo kayo.

SarSi_Em

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #212 on: August 28, 2015, 01:37:01 pm »
sis zarazan, yan sana wish ko pagawa sa kanya, ako kasi nag blocked,  pero more than 3 mos na kami d nag uusap, ayaw ko na mag initiate pa ng convo. lakasan na lang ng pag pigil sa pag stalk tho, un ika 100 days ko ng NC nag check ako ng fb nya, naka private na lahat so ok lang din d nya ko i block.


best thing nangyari sa breakup namin, umaayos ang tulog ko, d na ko gising sa gabi  :D

zarazan

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #213 on: September 03, 2015, 08:16:01 am »
^haha same tayo sis. Nalessen yung breakouts ko due to puyat :)) we can do this. It does get easier. May days talaga na pahirapan, but one day at a time talaga.

akosimaiatot

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #214 on: September 05, 2015, 05:13:11 am »
we will be better in time, we just need to be determine and positive about this ..sabi nila it will take 21 days to develop a habit its my 24th day of NC and so far nabawasan na yung urge ko na itxt or tawagan sya tho I sometimes missed her , my dilemma is kapag darating ang weekend , doon ako inaatake ng sudden sadness ..ilang weekend paba ang lilipas sakin? 

pretty_macy

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #215 on: September 12, 2015, 02:22:54 pm »
hi there, im just new here..gusto ko lang din i-share, bagong break lang din kami ng ex ko and honestly sobrang na mimiss ko na sya. Minsan gustung gusto ko sya i message pero sa tuwing naiisip ko na sya ang nakipag break sakin, pinipigilan ko na [textspeak!] ang sarili ko na wag na lang baka iignore lang ako at hanggang ngayun umaasa pa din ako na kokontakin nya ulit ako...haays, ano bang dapat gawin?

TomHansen

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #216 on: September 23, 2015, 10:28:28 pm »
Muntikan ko nang mabreak ulit ang NC pero imbes na imessage ko iniwan ko na lang sa room yung phone ko at nagmukmok na lang sa isang sulok dito sa bahay.. :P

mysterioza_me

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #217 on: September 23, 2015, 11:11:20 pm »
Muntikan ko nang mabreak ulit ang NC pero imbes na imessage ko iniwan ko na lang sa room yung phone ko at nagmukmok na lang sa isang sulok dito sa bahay.. :P

Good job bro atleast nalalabanan mo na ang temptation. Never ako nagbreak ng NC with my EX-bfs. Pero kanina na-break ko NC (not with my ex-bf nor bf though), sabi ko pa naman magpapabebe muna ko. Sad to say I didn't get a reply, nagsisi pa ko na nagmessage ako sa kanya. Ang panget pala ng feeling kasi  i'm are trying to justify pa na baka busy or too late na nung nagmessage ako kaya tulog na. Paghindi pa ko makareceive ng reply, magsend na lang ako ng last message saying my goodbye para lang alam ko na tapos na.

lenzyfrancisco

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #218 on: September 28, 2015, 01:55:02 pm »
Much better walang contact. The more kasi na kakausapin ko sya mas lalo lang akong di makaka move on nun.

TomHansen

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #219 on: September 28, 2015, 09:30:29 pm »
^ Sis delete mo yung number, block mo sa facebook, unfollow mo muna accounts ng family niya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close