sis,tama si showemist,it doesnt matter kung related or not sa tinapos mo ang job mo, basta enjoy ka at happy sa ginagawa mo,yun ang importante.
Ako, im a nurse,nung nurse ako jan sa atin,lagi ko sinasabi hindi ako masaya,kasi madaming pressures both sa trabaho at sa ka-trabaho. kaya nag pursige ako maka abroad. Now na nandito na ko,hindi pa din ako masaya,kasi sobrang napapagod naman ako. Kasi jan sa atin 8 hrs lang trabaho, dito 12 hours,tsaka hirap kasi nasa ibang bansa ka, at karamihan ng katrabaho mo ibang lahi. Yun na lang fact na nasa ibang bansa ka,mahirap na. many times, gusto ko na bumalik sa pinas,kc mas relaxing jan sa atin,kahit mahirap ang buhay,masaya mga tao. Dito,rat race talaga. Puro trabaho,konti lang leisure- kasi manghihinayang kang gumastos.
Kaya nasa saiyo yan, kung saan ka ba mas magiging happy,dun ka. Ako kasi kahit alam kong sa pinas ako magiging happy,di na ko pede bumalik kc may pamilya na ako dito,tapos hindi pa pinoy asawa ko,kaya kahit gusto ko ng umuwi jan,hirap mag decide. Pray hard sis,para bigyan ka ni Lord ng guidance sa decision mo.