watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103797 times)

hunny_ally

  • Guest
^its the mentality na akala nila porque't nakakaangat tayo sa kanila financially, eh pinupulot Lang natin ang pera. Para bang we have a never ending balon of money. They think just because most of us works in an office and sila hard manual work, eh we have it easy. Hindi nila alam the work we do is hard too, if not harder. At least sila they get siesta in the afternoons.

My mom had a maid before na nalaman-laman Lang namin na tinatapon the leftover rice sa outside trash can ng neighbor namin. Pinagsabihan na yan kasi dahil she tends to give all the leftover rice to the dogs. Ayaw kasi mag-sangag ng Kanin sa breakfast. Siyempre it's more work to do that than cook fresh rice. So ang ending sa kapitbahay nakikitapon para di mahuli. Pinagsabihan ng maid ng neighbor namin na wag gawin yun kasi sayang yung pera. Ang sagot ng katulong "Hayaan mo sila marami naman silang pera." Nagsumbong si maid sa amo niya, then eventually the neighbor told my mom. Galit na galit mom ko. She told the maid na wag na Lang niyang isipin about the money na nilulustay niya. Just think about how her own family walang makain sa probinsiya and here she is throwing perfectly good food. Nakakainis.

I'm lucky though that my "angels" now walang kiyeme sa food. Well except for one na Hindi kumakain ng beef. Di ko naman siya puwedeng mapilit if Ayaw talaga. But at least she doesn't have any qualms with eating leftovers or canned goods. Meron silang request from time to time. Like iinstead of creamer, if puwedeng powdered milk since there are times they don't want to drink coffee and prefers milk. Wala naman silang demands on the brands, so pinagbigyan ko din. Or minsan they request during wet marketing if puwede magpabili ng ingredients for a particular gulay dish. Usually cheap ones lang like pang-pinakbet or pang-ginataan, so ok Lang.

Vera

  • Guest
Yes, otherwise specified.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
ang aarte nga mga maids ngayon. Ibang iba sa mga maids dati na tumatagal talaga at walang kaarte arte. Karamihan ngayon, mga maids patay gutom lang ang peg kung maka laklak ng supplies.. hindi inom eh, LAKLAK! hindi kain, LAMON!pinapaspasan na parang may ka kompitensya siya sa pag ubos ng food supplies.Teh? may contest? wala namang eat all packs within 5 minutes or less na contest. Pwedeng huminga.
« Last Edit: March 10, 2012, 12:07:38 am by hazelbrown_eyes27 »

fayxxx

  • Guest
Pwede naman but she just can't touch my floss from breadtalk or my saved mango bravo from contis. :P

goldenrose

  • Guest
Hay nako mga sis... I share your sentiments.  We had a maid that is so PG na halos lahat na ata ng food sa house feeling kanya.  Eto pa ang malupit... pag my gathering sa house nauuna pang kumain kesa sa amin.  Feeling bisita.  Of course, we entertain our guest so dapat alagaan nya ang anak ko o kaya mag asikaso.  Hinde. Pag alam nyang hawak ko  O kaya ng asawa ko ang bata.  Mauuna pa yun.  I remember one time, my mother in law is very furious last noche buena.  Her cake na bigay ng brother in law ko halos ubusin nya.  Di pa nakakakain si mama isang slice na lang natira.  Nauna pang kumuha sa aming lahat.  Eh favorite pa ng byenan ko.  Ayun. Nagsumbong sa asawa ko kaya tinago na namin ang last piece sa ref makakain lang ang mother in law ko.  Napansin lahat ng buong angkan ng asawa ko  so nakakahiya talaga. Pero mas nagalit ako nung birthday ko eh ako ang nagserve sa bisita cya ang kumakain.  PG talaga.  Di ko alam kung addict lang cya sa food na parang laging uubusan o medyo alang manners lang talaga. Pati mga chips sa bahay inuubos nya. Cya pa ang nagbubukas.. tas mag ooffer as if cya ang nabili.

Naghahanap kami ng bagong yaya/maid ngayon.  Naistress ako ng husto sa kanya.  Pero another story kung bakit namin cya pinaalis.  Pinababayaan kasi ang anak ko. Aside from "PGness" adik din sa tv.  Kahit mamatay sa iyak dahil gutom baby ko di pinapansin basta my tv.  Nahuli ko mismo. Hay nako Goodbye yaya!

nicolle

  • Guest
yun isang helper ko mabait sya at di naman sya malakas kumain,,minsan nga sya pa ang nag iinsist na kainin yun bread dahil sayang daw,,kasi nga pag 3days na yun tinapay ko feeling ko luma na so ayoko na ipakain sa kanila.... pero yun added helper ko naku po naloka ako kasi may nakalabas na akong spread na nutella at ham sandwich pero nagulat ang dady ko at kumuha pa ng reno at nagbukas sya ng walang paalam,,oks lang naman sakin yun pero sana lang di ba unahin muna kung ano yun nakaopen...hayyy di na lang ako nagsalita para walang gulo. 8)

enjey

  • Guest
Natatawa ako at naloloka while reading this thread! Yaya ko ganito din.  Hinde sya malakas kumain pero marunong mamili ng mga imported at expensive food. Hinde ko masyadong masabihan kasi medyo related sa family ng hubby ko. Pero uuwi na daw sya ng probinsya at the end of the month. And im thinking kung anong mas magandang way pag nakakuha ako ng kapalit.

Sa amin kasi, kami lang ni hubby and 5 month na baby. Hinde kami ng bbreakfast dahil puyat pa kay baby. Im a houseiwfe pero bihira din ako magmeryenda. Ano ba dapat food nila aside from coffee, bread, palaman?  Do you provide chips, cookies, biscuits, juice, milo, milk or kung ano pa? I was thinking kung tatanungin ko yung bagong yaya kung ano gusto. Kaso based sa experience ko sa yaya ko ngayon, parang ayoko na.  Sosyal kasi ang taste nito eh.

nicolle

  • Guest
hi sis enjey yun sakin kasi kung anong pagkain namin ay pagkain din ng hh,, basta ang sabi ko lang ay pag may pagkain ay kumain pero pag wala ay wala (joke ko lang sa kanya yun nung 1st day nya)  kahit papano naman ay laging madaming pagkain dito kasi nga matakaw ang mga kasama ko sa bahay.. 8)
siguro sis ang itanong mo sa kanya ay yung di nya kinakain like me kasi yun ang tinanong ko sa hh ko,,pra maiwasan kong iluto yun di nya kinakain or if mailuto ko yun di nya kinakain ay nagpprepare ako ng ibang food for her. :) kasi mabait naman yun hh ko so kahit papano ay may special treatment sya... :)

akthung

  • Guest
yung mga maids na pasaway may kanya kanyang reason. para sa akin, its best that i don't share food all the time as a reminder of their place. but you have to watch out talaga, even sa pag luluto may maids na who will reserve the best meat or the best cut for them. etc

pregnantgirl

  • Guest
ang ginagawa ko since ako naman ang taga luto,,ako ang pumipili kung anong part ng chicken ang ibibigay ko sa maid ko..minsan parehas kami ng dami ng ulam,,sa hubby ko yung mas madami..pag may dessert naman like fruit salad,binubukod ko siya ng ibang Tupperware.o kaya naman sa meryenda magluluto ako sopas naka bukod na yung lalagyan niya pero di ko naman masyado tinitipid kasi matipid naman yung sopas hehe..pero pag mga snacks may kanya-kanya kaming taguan eh..sa kwarto niya nandun snacks niya pati breakfast..sa kwarto namin mag asawa nakatago snacks rin namin..buti nga alam na niya rule sa bahay na ag may pagkain sa ref alam niya pag di ko sinabi kumuha wag niya gagalawin..natuto na rin nung tumagal..

enjey

  • Guest
Actually, sa ulam, carry ko naman. Mas hinde ko alam kung pano yung ibang food like snacks, etc.  Willing naman ako magprovide ng extra food kaso di ko alam pano approach para sabihin na wag naman OA. Like etong si current yaya, bumili ako powdered juice. Pero hinde nya iniinom (hinde kasi kami nagjujuice). Sabi nya hinde daw masarap. Tas nakita ko bumili sya del monte in can. Although sarili nyang pera yun. Kahit minsan gusto kong iprovide yung ganun sa kanya pero hello naman, wag naman mahal noh. Like nung 1 time pinagrocery ko sya manok, sabi ko bili na din sya ano gusto nya snack for the week kasi hinde nya kinakain yung pancit canton. Aba nung bumalik, mga goldilocks ang binili! Waaaahhh.

Im planning to be stricter na talaga sa next na yaya. Kaso hinde ko talaga alam kung pano. Pag ako bumili, baka hinde kainin. Pag sya naman bumili baka oa naman ang bilhin!

enjey

  • Guest
Mga sisses, can you share naman ano sample snacks, breakfast ang binibili nyo for them?

DV

  • Guest
^Goody sliced bread
Great Taste 3-in-1
assorted canned ulam
powdered juice (something o'clock, I forgot the brand)
biscuits (Hansel, etc)
powdered chocolate drink (Choquick?)
Ludy's peanut butter/coco jam
assorted instant noodles

Iyan yung ibinibili ko sa grocery para sa breakfast/snack ng maid para kapag wala kami o feel lang nyang kumain. Thankfully hindi naman sya mapili. Lahat ng pagkain na naka-serve sa mesa (breakfast to dinner) pareho lang sa aming pamilya.

enjey, kung hindi nya type yung mga binibili mo, you can give her weekly snack budget at sya na lang bahala bumili ng gusto nya. Kung gusto nyang mag-Del Monte pineapple juice, bahala syang magtipid in other things, like coffee.

Sa akin, basta greedy and choosy sa pagkain ang maid, siguradong hindi ko mapapagkatiwalaan yan pagdating sa ibang bagay. So far, isa palang ang naging maid namin na ganyan and I had to let her go kahit pa maayos syang maglinis sa bahay.

pregnantgirl

  • Guest
Sis enjey--ang arte-arte naman ng maid mo..akala mo mayaman..kung mapili di wag..

ako strict na kung strict..budget ang snacks ng maid ko kasi mahirap ang buhay ngayon..

15/30 ako mag grocery..eto ang list ko ng stock niya:

1. 1 balot na tasty
2. Liver spread at Star Margarine--pwede na yan..kasi nung bago siya dito humirit sa akin na peanut ang favorite niya.porki nakita sa kwarto namin ni hubby na may peanut butter gusto pati siya meron..
3. 1 pack Milo-yung malaki ..hindi naman yung sobrang laki--pag gusto ko siya pag trip-an Chocquik ang binibili ko..ayaw daw niya noon eh,Milo lang daw gusto niya..sa province nga nila hndi siya umiinom ng Milo eh..demanding ang ga**,mukha ng buntis sa pagka matakaw..
4. 1 balot biscuit- presto cream
5. 1 balot Inipit mamon cake
5. 1 pack Dingdong
6. 2 small chippy or any chips
7. assorted noodles


bale ang breakfast niya noodles saka tasty,may milo pa siya..minsan pag madami tira ulam sa gabi,binibigyan ko sya ng pang breakfast..di naman siya nauubusan ng noodles kasi palagi may 1 box ng noodles dito..kaso minsan ayaw na kainin nagsasawa na..kahit di ganun ka bongga yung snacks at breakfast niya,bawi naman sa lunch at dinner kasi once a week lang mag gulay dito sa bahay kaya madalas karne kinakain niya..


hazelbrown_eyes27

  • Guest
Milo(small pack)
Magnolia or 8 o clock
Marie
fudgie bar
Kong Guan bisquits

enjey

  • Guest
Thanks mga sisses! Wala na talaga ako ma say sa yaya ko. Buti na lang aalis na sya next week. I will definitely take note of your sample food. I really hate the feeling na pinapafeel nya sa akin na madamot ako. Kagaya ngayon, sabi nya decaf ang kape nya so binilhan ko sya ng decaf. Tas may pasalubong si hubby last week na imported cappucino na 3 in 1. Pagkakita ko ngayon, 5 na lang yung isang box! 12 pcs yun at isa pa lang naiinom ko kasi bihira ako magkape ngayon dahil breastfeeding.  Tatago ko na nga lang yung ibang box. Di bale, i learned from my experience. Ngayon lang kasi kami nagkaron ng kasama talaga sa house as husband and wife. Tinanong ko din mom ko, sabi nya, kasi sa bahay namin, madami tao kaya carry lang. Yung isang bote ng nutella, usually 2 weeks nauubos with or without helper. E ngayon kaming magasawa, sanay kami na yung isang bote e aabot ng 3 months! Kaya gulantang ako nung naubos kagad. And to think may peanut butter din naman sa ref.

Haay. Sana maging okay ang makukuha kong kapalit. Wish wish wish.  :D

yapeegurl

  • Guest
The yaya/helper can eat anything in the fridge except for those that I specifically ask her not to touch.. Eto ang mga favorite namin ng son ko and husband.. all else she can eat.. ayaw ko din as much as possible na may tinatapon na pagkain.. very strict kami sa expiration date ng mga goods.. hindi naman sya picky sa pagkain and almost all the time siya ang kumakain ng mga tira...

goldenrose

  • Guest
sis enjey... kakaloka ang yaya mo sis. Baka kaya namimili ng food its because she knows its her only chance to eat those kind of foods. Same with my previous yaya na lahat na lang pinapatulan.  Siguro dahil galing province and 1st time sa manila.  Pero minsan dapat matuto din silang makiramdam.   Sana makahanap na tayo ng matinong yaya.  Ang hirap kaya mag alaga mag isa.  My mother in law is at our house ngayon habang naghahanap ng bagong yaya.   :)

pinkpotato

  • Guest
The yaya/helper can eat anything in the fridge except for those that I specifically ask her not to touch.. Eto ang mga favorite namin ng son ko and husband.. all else she can eat.. ayaw ko din as much as possible na may tinatapon na pagkain.. very strict kami sa expiration date ng mga goods.. hindi naman sya picky sa pagkain and almost all the time siya ang kumakain ng mga tira...

Exactly.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
ang aarte nga ng mga yaya! yaya ng pamangkin ko may mga snacks na siya ah! she would still ask if she can get sky flakes from us, at!! gusto niya ipalaman din ang cottage cheese sa sky flakes! arte!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close