Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196200 times)

Bridgette*

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #780 on: April 12, 2019, 09:48:05 am »
Bakit kailangan nyang magalit? I don't see the logic bakit kailangan nyang magalit at may pa-hinder hinder his growth pa sya eh pinapayagan mo naman pala. Ang insensitive din naman na nagaadvise na lang sya ng trip nya at hindi nagpapaalam. Gather yourself and tama na wag ka makipag usap sa kanya na galit ka. And try to explain to him na hindi magandang tignan na sasama sya don. Don't nag or something, mas maganda kung may diplomasya ka makipag usap sa kanya. Kung di sya madaan sa diplomasyang usapan, bigyan mo sya ng choices or ultimatum. Kung gusto talaga nya tumuloy, either sasama ka or ibibigay nya sayo yung isang buwan nyang sweldo or magiging katulong sya sa bahay or isusumbong mo sya sa inlaws mo lol. Wala na kong maisip na iba basta ganon. Wag ka patalo. Go siz.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #781 on: April 12, 2019, 10:13:48 am »
Ano ba character ni husband? Flirty, friendly. May kids na pala kayo diba dapat mas engage sya sa family activities? "Me time"ok naman yan lalo na if sport so un hiking na may camping din? Saan place mo? Usually camping family activities or with friends and family. Gaano kadalas ang me time ni mister? Medyo alarming kasi un hindi man lang nagsasabi sayo ano sya single? Paano if may iseset ka na lakad for family tapos di mo alam may sariling lakad pala sya? Tapos si husband may pa guilt effect na defensive. Mukhang di lang ito ang huling beses na mauulit ang ganyan scenario kasi mukha hook na si husband sa mga ka buddy nya. Tapos ikaw wala ka me time diba dapat partner kayo pag aasikaso sa mga bata kahit pa stay home ka (if ever). Need mo na iheart to heart si husband.

bratty

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #782 on: April 12, 2019, 11:40:20 am »
Valid yung nafi-feel mo sis. Sana mapag usapan nyo yan bago sya umalis.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #783 on: April 12, 2019, 11:52:14 am »
@yukishih

Parang hindi ganun ka-transparent husband mo sa mga activities nya at kung sino palagi nyang mga kasama sa mga regular events at activities. Parang you're being left out of his individual world? Sa mag-asawa kasi magandang may sharing of individual lives.

Sabi nya hindi pwede ang partners and wives sa events nila, pero may female members. Ano daw rason? Maintindihan sana kung exclusively for men eh.

Ang husband ko kasi triathlon naman, meron din syang team. Open to wives and partners ang events and gatherings nila.

Kumakain ng oras at money ang triathlon. Kaya issue ko rin yang me-time na yan at nakikipagsabayan sya sa mga ka-team nya na malalaki na mga anak. Pero nadadaan naman sa compromise. Usap lang.

Like sa tanong ni lordzknight, how is your marriage? If you think you're drifting apart, time to do something to bring back the closeness. Aside from lack of transparency with his individual world, he also doesn't want to be influenced by you, which happens pag naglalayo na ang loob ng mag-asawa. O kaya baka dominant type lang sya na hindi marunong makipag-compromise, sya lang nasusunod palagi.

 Also check din how you communicate, kasi if you're feeling emotionally insecure, natural lang to be emotionally charged.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #784 on: April 12, 2019, 10:16:12 pm »
I see lack of respect from husband. Gusto magbuhay binata. You're a couple and the least he can do is at least invite his buddies at home and introduce you as his wife. And you should be planning as a couple. Yes, foreigners do that too so I hope he isn't going to use culture as an excuse. It's a huge waving red flag...in every aspect!

kaythrielle

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #785 on: April 13, 2019, 07:13:00 am »
This is not just about the hiking...may mas malaki pang issue yan si hubby mo. I hope the two of you work it out.

 Try mo kaya yung... oh i forgot, there is this book/ pdf file about some steps the wife can do to the husband para maging okay yung marriage. I forgot the name but maybe the other sisses can help. There is even a thread here somewhere about it.

Good luck sis.

three8one

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #786 on: April 14, 2019, 03:13:22 pm »
@yukishih

mali din kasi diskarte ng hubby mo eh, kung sinama ka lang muna nya kahit once lang  sa mga lakad nya at nakilala mo mga sinasamahan nya, mawawala na yung doubt mo and pwede na sya maka hirit ng solo lakad. yun, doon pwede na sya gumawa ng milgro.. tsk tsk maling mali...  ;D siempre half biro lang m'am..  :) serious doon sa sana sinasama ka nya sa mga activities nya kahit observer ka lang or anything na at least kasama ka para yun nga para mapagpag yung mga doubts mo. tama yung mga ibang nagcomment pag ganyan may mga sariling plano na hindi ka involve most probably meron yan ginagawa na pag natuklasan mo eh hindi mo magugustuhan. kahit sino sa inyo dalawa ng mister mo, pag may ginagawa kayo na kayo lang ang nakakaalam, sigurado ikakapahamak ninyo nyan sa bandang huli. mag open ka sa hubs mo and tell him na mag sabi sya ng totoo and magsasabi ka rin ng totoo ng walang paligoy ligoy pa. latag mo lahat ng mga concerns mo about him. at pag nagusap kayo wag mo hayaan na emotion mo ang mag maneuver ng usapan. dapat isip ang pairalin mo para maparating mo sa hubby mo yung tamang gusto mo sabihin at mangyari.

bow!  :D

kaythrielle

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #787 on: April 19, 2019, 10:50:56 pm »
This is not just about the hiking...may mas malaki pang issue yan si hubby mo. I hope the two of you work it out.

 Try mo kaya yung... oh i forgot, there is this book/ pdf file about some steps the wife can do to the husband para maging okay yung marriage. I forgot the name but maybe the other sisses can help. There is even a thread here somewhere about it.

Good luck sis.

Secrets of Fascinating Womanhood

yukishih

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #788 on: May 11, 2019, 01:36:19 pm »
Hi, Sisses. Friendly. Its for work daw sabi nya. Good news is di na sya tumuloy sa hiking kasi sinabi ko na if tutuloy sya maghiwalay kami. I mean ayoko umabot sa point na may mangyari at masaktan ako. Sabi nya for my piece of mind daw hindi na sya sasama. Intimate pa din naman kami. These past few weeks daming argument dahil sa hiking at di kami mag agree. Wala daw malice sa kanya. Eto pala pinakilala ako sa girl. She doesnt look like natuwa sya nung nakita ako. Sinama ako sa gym. Then after that in a few days the girl messaged my husband. Sabi nya she booked herself daw sa gym na kung san malayo sa amin. She gave out the schedule and time pero iniba nya ang araw ng usual na workout nila. Pati ang lugar. Red flag for me. Bakit kailangan paalam at gawin na tuesday dati naman thursday sila. Sinabi ko sa asawa ko sabi nya hindi naman sya pupunta. Sabi ko i have a very strong feeling why she did that para hindi ako makasama. Although, I dont join kasi hindi ko naman gusto ang ninja workout na yan. Then ignore ignore ako. Eto na hiking time... hindi nga sumama hubby ko di ba? Mega text ng photos itong girl kasama naman ibang grupo pero may isang photo na sinama nya solo nya pasimple. May we wish you were here pa at ganitong emoji ☺️. Kada may message may ☺️. Sabi ko napipikon na ako sa babaeng yan. Pinagalitan ako sabi wala daw yon ibig sabihin. Kasi group activity sya kaya nagmemessage at nagpapadala ng photos. Sabi ko bakit di magpadala ang iba bat sya itong text ng text. Sabi ni hubby respetado naman daw sya sa work. Sa assessment nya maayos naman daw itong babae. Sabi ko so, ang assessment ko doesnt count? Bilang babae i know when someone is trying to flirt or actually flirting. Sabi ko message ng message. Ano yan may pablushing blushing pa na emoji. If work yan or of nagmemessage lang dahil sa group activity di dapat ganyan ang message. Nakakaloka! Btw, fulltime working din ako. Pareho kami ni hubby.

yukishih

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #789 on: May 11, 2019, 01:43:33 pm »
*peace of mind

lays04

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #790 on: May 11, 2019, 10:11:27 pm »
Hello mga sis.

Silent reader here pero pakiramdam ko kailangan ko na ng advise at ayoko iopen sa mom or closest friends ko.

Masama ba akong asawa kung pakiramdam ko sobra sobra na pagtulong ni hubby sa family nya (parents & family ng kapatid nya).

Kay hubby dependent ang parents nya, as in no other source of income or savings kundi un monthly allowance na pinapadala ni hubby. Enough na para sa monthly expenses naman nila. Wala sakin kaso yun dahil pagdating sa magulang wala ako say dahil nagpapadala din ako sa parents ko to help them (however, my parents are not dependent to me & even has their savings for emergency).

Kinakasama lang ng loob ko, parang ginagawa nadin nya obligasyon monthly ang magpadala sa family ng kapatid nya. Nawalan ng regular work ang kapatid nya so as a help nagbigay kami pang puhunan sa pang business sana. 30k for RTW. Akala ko okay na yun. Pero hiniling ng mom nya kung pwede tulungan sa monthly expenses at being the mabait na anak, never nag say ?no? ang husband ko. Kahit na pag aawayan namin. Ngayon more than 2yrs nadin regular na may monthly support kay hubby ang kapatid ny n 10k a month. Tapos this month nakita ko nagpadala sya ng 40k. BTW, hindi sya nagsasabi, nalalaman ko nalang. Sama loob ko kasi tinulungan na sila para makapag start ulit at malalakas pa naman sila para makadiskarte on their own.

Tapos the other day, nag message ang MIL ko na gusto daw bumili ng motor ng [textspeak!] ko. Kaso kulang ang pera nya ng around 50-60k so nanghihinhi kay hubby. Being the mabait na anak, kahit alam ko alam nya sasama look ko, ang sagot niya ay ?ok nay mag iipon lang muna ako?. pinapag init ulo ko, may motor naman at kotse na, bakit kailangan bumili pa. Hindi naman importante yun para ilapit pa sa hubby ko lalo alam din naman nila na nagpapadala din husband ko sa isa nilang anak.

Masama ba ako kung naiinis ako ngayon at pakiramdam ko sobra na? Hindi ko pinapansin si hubby ngayon at pakiramdam ko may idea na sya. Tinatanong nya if bakit ako may toyo pero parang hindi ko pa kaya makipag usap sa kanya.

Pakiramdam ko patagal ng patagal bumibigat responsibility ni hubby sa first family nya (parents and siblings pati na sa mga pamangkin). Ayoko maging madamot pero pakiramdam ko hindi naman ako ganun kasi pag nagbabakasyon kami sa pinas ako pa nga namimili ng pasalubong sa side nya, kung ano meron side ko ay meron din sa side nya. Pati sa balikbayan box equally divided. Pero parang sobra na. :(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #791 on: May 14, 2019, 03:41:45 am »
^Para sa akin sobra na pati kapatid cargo pa ng asawa mo. Grabe for 2 years walang makuha work? Bakit ka magpapamilya kung di mo pala kaya buhayin.

Isa yan sa mga dahilan kung bakit di ko na inayos ang problem namin ng ex ko dahil sa mga ganyan obligasyon sa parents at mga kapatid. Never kasi naging ok sa akin na maging so nakikita ko na magiging buhay ko if sya nakatuluyan ko.

lays04

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #792 on: May 14, 2019, 04:58:59 pm »
Minsan pumapasok nadin sa isip ko ang annulment ☹️

chinablue

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #793 on: May 16, 2019, 11:54:59 pm »
hello sis! OFW ba kayo ni hubby? gaano katagal na kayong kasal? do you already have children? wala naman masama na tumulong sa family in times of need pero hindi dapat nakadepend sa hubby mo totally lalo na at bumubuo na din kayo ng sariling pamilya at ikaw na dapat ang priority niya. tendency kasi ng family niya is mamihasa lalo na at hindi naman natanggi ang hubby mo. talk to your hubby sis. wag mong kimkimin kase you'll only resent him and his family more.

Evolet027

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #794 on: May 17, 2019, 08:12:54 pm »
@lays04, sobra na yang hubby mo. Ask mo kung gusto na ba nya bumalik na lang sa pamilya nya or magtayo ng pamilya nyo. Ganyan ganyan hubby ko eh, kakainit ng ulo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #795 on: May 21, 2019, 02:18:24 pm »
Walang masama sa pagtulong sa family lalo na sa magulang. Pero walang tulong na panghabambuhay - sa magulang ok lang. Yung 2yrs na tulong sa kapatid sobra-sobra na yun. Literal na binuhay at sinustentuhan para magpalaki ng itlog or mani yung tao na yun. Walang kahirap-hirap may 10k/monthly kaya bakit pa magbabanat ng buto. Kailangan ninyo mag-usap ng asawa mo, palamig ka lang muna sis baka magkainitan kayo.

highness127

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #796 on: May 21, 2019, 08:16:36 pm »
Sis lays04..

Tama mga sissies natin, walang masama na tumulong sa unang pamilya lalo na sa magulang lalo na kung kelangan at walang matakbuhan. Ngunit, subalit, datapwat! ang pangbigay ng MONTHLY allowance sa kapatid na may sariling pamilya ng ilang taon ay iba na. I'll totally understand kung masama ang loob mo. Kahit sino sasama ang loob. Nakabigay na kayo ng pang puhunan nila - wala ba silang kinikita doon? Hindi obligasyon ng asawa mo ang pamilya ng kapatid nya.

Do you have children of your own ba sis? And how is he in terms sa own family nyo?

Kelangan nyo pag -usapan yan sis. Habang tumatagal, mas lumala mga ganyan situation. Oo, expect na magkakaron kayo ng argument, pero kelangan pag -usapan. Siguro dapat maging clear yung limitations ng pagbigay nya ng 'tulong' sa pamilya nya. Tulungan nyang dumiskarte ang kapatid nya hindi yung bigay lang sya ng bigay.

Good luck sis...i'll pray for you.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #797 on: May 22, 2019, 11:02:30 am »
Dami ko kilala na OFW or immigrant or may asawang foreigner na gigawang ATM ng pamilya sa pinas. Hindi nila alam ang iba baon sa utang nakakasad pa na un iba tumanda na dito walang ipon tapos nagigipit pa sa amin pa uutang. Di natatapos ang obligasyon after mag paaral sa mga kapatid mga pamangkin naman.

Never ako nag give in sa ganyan kahit na parinig sa akin ang family/relatives ko na pag aralin/tulungan ko si ganito si ganyan. Lalo na pang luho pambili ng mobile phone, laptop etc. Sinasabihan ko uunahin ko muna anak ko at pamilya ko bago ang iba. Hindi ako magpapakahirap mag double work or tipirin ang sarili ko or anak ko kagaya ng ibang pinoy dito  para sa pamilya sa pinas.

baby_yummy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #798 on: May 24, 2019, 02:34:16 am »
madami din akong kakilalang ganyan ang sitwasyon sis.. ang mashashare ko lang is learn how to help them to stand on their own feet.

Focus on this saying: Give a Man a Fish, and You Feed Him for a Day. Teach a Man To Fish, and You Feed Him for a Lifetime

"Spoon feeding" like giving alms lagi is a bad thing kasi they will be leeches that's gonna suck your family dry. Not bad to think about you and your family's future.. remember ang cargo mo is si Hubby and kids... extended family should understand your priorities in life.

at pag dating kay hubby talk things straight up... mas mahirap yung hinde mo nasasabi yung nasa loob mo baka dumating yung time na sumabog na yung feelings mo

rics

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #799 on: May 24, 2019, 09:50:30 pm »
even my own SIL is like that. hindi naman monetary, pero halos lahat na lang, ultimo dog shampoo ihihingi na padalhan sila. Pati gown for grad ball sagot pa rin ng sister ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close