Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196264 times)

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #760 on: April 08, 2019, 07:31:13 am »
^Ganyan din set-up namin sa in-laws ko. Need namin daanan sa village nila if meet up namin sila sa mall or restaurant. Kaya nagyayaya ako sa malapit sa house nila kasi if hahatid sundo mo pa galing sa malayo like Tagaytay, nakakapagod and gastos sa gas. Mahilig din dati talaga si mother-in-law magyaya ng last minute sa husband ko na tipong ako yung may original lakad, hindi siya mahindian. Buti yung husband ko nirerespeto na yung plano namin ngayon. Tinatanong na ako muna.

Isa pa talagang favorite ni mother-in-law gawin dati if may lakad siya with her high school friends, yayayain niya si hubby na tipong buffet tayo sa malayong resto (from Cavite kami, nasa QC ang resto). Si hubby naman gusto pagbigyan yung nanay.  Pagdating, we'd find out gathering nila mother-in-law with friends pala yun at hindi 'family' lunch.  Ang press release sa akin is that we'd eat there for her birthday. Kaya pala nagsuggest ako ng nearby restos ayaw ni hubby kasi daw may gusto yung nanay niya. Pagdating namin puro amigas ni mother-in-law to celebrate daw their batchmates' birth month.  ;D

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #761 on: April 08, 2019, 09:19:42 am »
thanks sisses for your replies :)

Sis, ano ba yung gusto mo marating? Like do you only want to be heard by your husband or do you want to come up with an agreement as to how many visits are sufficient?
:) on my part I can do every other weekend (2x a month na overnight), i will continue to be present on all events of his parents' life and holidays. si hubby naman nag iinarte na kapag di ako punta sa house nila, di rin daw sya pupunta. ang sakin if he goes there, i can visit my folks na lang. may mga siblings din naman ako, blood relatives.


i also suggested this sa husband ko na if gusto ni mother-in-law umuwi sa province nila to see her relatives and her high school friends, siya na lang sumama pero gusto ni hubby kasama ako.  ;D for me if you're willing to give in to your mother's requests often, ikaw na lang di ba lalo na if pagod ako or if pagdating ng monday ang aga ng start ng work ko. i have work kasi even during holidays kahit work from home so nakakainis yung sila madaming time magrest tapos ako may iisipin pang ibang tasks. i have nothing against seeing my mother-in-law and sister-in-law once a week pero yung need umuwi sa province to see their relatives, i decline if i don't feel like traveling. si mother-in-law nagtatampo pag di napagbigyan sa gusto niya.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #762 on: April 08, 2019, 12:40:16 pm »
Quote from: Fidelis
si hubby naman nag iinarte na kapag di ako punta sa house nila, di rin daw sya pupunta. ang sakin if he goes there, i can visit my folks na lang. may mga siblings din naman ako, blood relatives. 

Does it imply na hindi sya kumportable to be alone in the company of his family members or pagnag complain parents nya, sa inyo dalawa sisi? Hehe...

Mukha naman wala syang complain sa gusto mo. Pero maganda sya na mag-explain sa in-laws mo, sa parents nya, kung bakit di niyo kaya mas frequent.

Kung di nya kya to openly communicate sa parents nya, ikaw na lang. Minsan kailangan ding maging assertive eh. If they keep on pushing you, push back gently.

Mga younger Filipinos kasi very respectful sa mga matatatanda, nakakahiya to be direct in communication, kailangan makisama. So if the older ones keep on pushing you, you just silently take it but have negative feelings inside. Nagtitiis na lang by tolerating the situation. Siguro, baka kailangan ding maging Westernized kung kinakailangan.

Quote from: thebratinella
si mother-in-law nagtatampo pag di napagbigyan sa gusto niya.

Siguro, siguro lang, if I am a mother-in-law, I will emotionally distance na from my married children and children-in-law, meaning I won't expect or demand na for them to meet my emotional needs and instrumental needs (eg regular hatid sundo). Parang may pagka entitled na yung iba eh. Pabebe na siguro. Enough na yung may regular meet up, maging understanding din.

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #763 on: April 08, 2019, 08:37:55 pm »
^true. walang problema sa amin to meet up with them weekly pero ibang kaso kasi yung pag gusto umuwi sa province to see relatives and her high school friends or may gathering sa restaurant or mall somewhere, si hubby naiisip niya to drive for her kasi ayaw niya kasama si father-in-law. si hubby naman ayaw na siya lang, gusto isama ako. nakakapagod din yung give up mo yung time mo to relax or to do something else para pagbigyan siya on a weekend or holiday. dinadaan din minsan sa guilt trip si hubby so kami ang nag-argue kasi he wants to accommodate her request. one time sabi ko sa husband ko bakit kailangan kasama tayo sa gathering ng mga elderly? anong gagawin natin dun?  ;D one time sabi ng husband ko bakit pa need magtrick or treat ng anak namin? dapat umuwi na lang kami sa province kasi si mother-in-law daw nagyayaya na. sinagot ko na i want my daughter to experience other activities. iba yung trip ni mother-in-law sa gusto naman namin gawin.
« Last Edit: April 08, 2019, 08:40:35 pm by thebratinella »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #764 on: April 08, 2019, 09:24:12 pm »
^bakit daw kailangan kang kasama ng hubs mo?

Less stressful sana sayo kung sila na lang... tutal hindi mo naman nilalayo loob niyo sa kanila... Ayaw mo lang ng dagdag pagod...



thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #765 on: April 08, 2019, 09:34:51 pm »
Gusto ni hubby sama-sama kaming tatlo sa province pag nagyaya si mother-in-law. Honest ako na sabihin na I don't feel like it and I want to stay home, sila na lang. Para walang away di ba? Si mother-in-law excited to be in her happy place and siya willing to drive for her.. eh di sila na lang sana.  ;D Sabi ko nga sa close friend ko if masama ba ako na naiinis ako tuwing holidays or long weekend. Sabi niya hindi kasi naiintindihan daw niya na I want to do other stuff or go to other places. Kaya dati pag nag-announce na yung president ng holiday, niloloko na niya ako.  ;D Hindi kasi feel nila mother and sis-in-law kasama si father-in-law tapos ang mindset na ng husband ko maawa sa kanila kasi stressed daw sila because of him kaya he's making up for it. Pag may errands or requests sila kay hubby, nitry niya talaga pagbigyan. Gagawan niya ng way na adjust yung plans namin to also make room for their requests.  Kaloka. Choice naman nila yun to live with him. Sabi ko nga sa friend ko, hindi nabuhay si hubby to make up for his father's pagkukulang sa mother niya. Kasi yung tipong ginagawa ng couple together pag grown up na kids nila, hindi magawa cause madalas silang nag-aargue or nagkakainisan. Naiinis si mother-in-law kasama siya. Kaya pag nagyaya na mga friends niya to go somewhere na malayo, automatic si hubby gusto niya isama. Hindi niya naiisip na may family na and may iba ding mga gusto gawin. Naguguilty si hubby pag magdecline siya so kakausapin niya ako na puwede ba samahan natin si mama tapos after punta tayo dun sa gusto mo?  ;D
« Last Edit: April 08, 2019, 09:37:07 pm by thebratinella »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #766 on: April 09, 2019, 03:19:10 pm »
Oh, in a way parang nagiging parental child yung husband mo, sabi mo nga sya yung tumatayo sa lugar na dapat kinatatayuan ng father-in-law mo. Emotional and instrumental needs ng MIL mo parang inako na ng husband mo. And as for now, yun yung tama sa paningin ng husband mo.

That can be challenging kasi yan yung belief nya. Baka kasi pag hindi nya ginawa, he will feel bad about himself. Needless to say, may history family nila. Baka dati pa sya may pagka parental child.

Buti you're holding up. Hindi nya siguro maatim iwan ka pag umaalis sila. Baka he doesn't feel good din na iwan ka. One thing I can say about your husband is that, siguro kung paano nyang hindi maiwan mom nya, ganun ka rin nya hindi maiiwan. Hindi lang sa pag alis alis.

Although di pa rin maaalis, stressful family dynamics nila for you. Huwag naman sanang maging negative na ang repercussion sa marriage niyo.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #767 on: April 09, 2019, 03:19:14 pm »
Oh, in a way parang nagiging parental child yung husband mo, sabi mo nga sya yung tumatayo sa lugar na dapat kinatatayuan ng father-in-law mo. Emotional and instrumental needs ng MIL mo parang inako na ng husband mo. And as for now, yun yung tama sa paningin ng husband mo.

That can be challenging kasi yan yung belief nya. Baka kasi pag hindi nya ginawa, he will feel bad about himself. Needless to say, may history family nila. Baka dati pa sya may pagka parental child.

Buti you're holding up. Hindi nya siguro maatim iwan ka pag umaalis sila. Baka he doesn't feel good din na iwan ka. One thing I can say about your husband is that, siguro kung paano nyang hindi maiwan mom nya, ganun ka rin nya hindi maiiwan. Hindi lang sa pag alis alis.

Although di pa rin maaalis, stressful family dynamics nila for you. Huwag naman sanang maging negative na ang repercussion sa marriage niyo.

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #768 on: April 09, 2019, 06:13:41 pm »
In a way ganun mindset niya. Parang ngayon lang daw siya may chance bumawi or pagbigyan yung mother and sister niya. Ang masama lang kasi they fail to also set boundaries na tipong teka baka naman may iba silang plans or inconvenient for them. Yung sister niya kasi would request to be picked up from the airport or ihatid kahit madaling araw. This is not even a business trip ha. Gala niya yan abroad with relatives or friends. Si hubby agad option niya.

I remember when I gave birth, may duty si sister-in-law sa previous workplace in Makati. Gabi yung work niya. An hour after I arrived to the private room from the recovery room, nagsabi siya na aalis na siya for work. Si hubby sabi hahatid siya sa baba. After around 40 minutes to an hour, I had to go to the comfort room. Nagtext ako and call to know kung nasaan na siya. After a few missed calls, sinagot niya call ko. Sorry daw kasi malapit na sila sa Makati. Tumaas yung voice ko. Sabi ko what do you mean? Hinatid daw si sister-in-law. We live in Cavite so yung layo plus traffic kasi it was weekday. Nag-init talaga ulo ko. Sabi ko sino gusto mong isama ko sa cr to assist me? yung father mo?! Saka ang point ko sana naman si sister-in-law di ba nagdecline na tipong teka, kakapanganak lang ni ate. Asikasuhin mo muna. Inabot din ng around 2 years na pinag-aawayan namin yan. Aminado siya na hindi niya nakikita yun before. He admitted and apologized naman kasi sabi niya tama naman na ako na and anak namin ang family niya. Hindi dapat na pag may sinabi yung mother or sister niya, gagawin niya agad without asking me if okay. Yun lang kasi may times na yung mga hirit ni mother-in-law may kasamang guilt trip so nag-iinsist siya pagbigyan namin kahit masasagasaan plans namin. Sabi din ng cousin niya ang chika daw ni mother-in-law na nagtampo daw siya kay hubby before. Kaya aaminin ko there are times, I feel annoyed kasi nga dagdag stress pa instead na tahimik ang buhay.
« Last Edit: April 09, 2019, 06:15:17 pm by thebratinella »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #769 on: April 09, 2019, 06:31:37 pm »
^Mahirap talaga pag walang respect. Sa culture pa naman ng pinoy kapag kapamilya everything is fine kahit na mahirapan un isang kapamilya. Lalo na pag mas matanda sayo. Di uso ang equal respect (lalo na sa kids) dapat un mas matanda sayo ang igagalang.

Di ko kinaya un kapapanganak mo pa lang iiwan ka para lang paluguran un kapatid. Un kapatid naman manhid naturingan babae dapat sya mas makakaintindi na di dapat umalis ang hubby mo at ihatid pa sya. Bakit di mo isuggest na tutal mahilig sa gala ang mag ina bakit di bumili ng sasakyan at mag aral magdrive un sister nya.

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #770 on: April 09, 2019, 07:08:26 pm »
^sis, may vehicle sila before pero si husband pinagdrive nila. si sister-in-law hindi marunong tapos pag may gathering or lakad si mother-in-law na ayaw isama si father-in-law, cocontact si hubby para samahan namin sila. so iiwan namin own car namin sa house nila then we'll use their own vehicle para gumala.

yung husband ko nagkaroon ng realization na hindi na okay nung grabe na kami mag-away saka nung humagulgol ako sa sama ng loob kasi my best friend stopped speaking to me. 4 years na hindi kami nag-uusap ng (ex) best friend ko dahil sumama loob sa akin. may gathering/town fiesta sa kanila best friend and since single ako, i would stay sa kanila to be with her and her family. nung nag-asawa ako, i would go there pag ganung fiesta and christmas day. sinabi ko sa husband ko 2 weeks before that. a few days before ng fiesta, nagtext si mother-in-law na gusto daw umuwi sa bulacan. i told my husband na may lakad ako. sabi niya cancel ko kasi yung nanay niya nag-ask daw na sumama kami. sabi ko nauna yung plans ko. ayaw makinig. nung nasa biyahe nga kami na tahimik ako at masama mood, sinigawan pa ako na bumaba ng van. tumahimik na lang ako. after that uwi sa province, my best friend stopped texting me or even communicating via fb. seenzoned lang ako. kinimkim ko yun. i didn't tell my husband until one day, sa sakit, naiyak ako habang nasa kitchen kami. he asked me why. sinabi ko sa kanya. hindi daw niya alam na ganun ang nangyari. sabi niya kakausapin daw niya best friend ko. sabi ko no. ayoko. mukha naman akong pathetic nun. masama din loob ko sa best friend ko kasi parang hindi niya maintindihan na need ko makisama. honestly, until now masakit sa akin yung nangyari. i feel resentment pag humihirit sila mother-in-law ng mga requests nila or nastress kami dahil nagsusumbong na inaway ni father-in-law.

last december nga lumayas si mother-in-law sa bahay nila kasi nagdabog si sister-in-law. binenta yung vehicle nila tapos siya aattend daw ng kasal. alangan daw magcommute siya. hindi niya kinausap si mother-in-law. tumawag tita ni hubby nagpapanic kasi di daw macontact si mother-in-law. iritang-irita ako kasi nabulabog kami sa mga issues nila sa life. may grab naman kasi di ba?  ;D

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #771 on: April 09, 2019, 07:31:34 pm »
Meron talaga mga taong walang empathy, entitled, feeling nila sa kanila umiikot ang mundo, wala respeto sa boundaries. I was thinking na baka they're being enabled by your husband, kaya lang sabi mo gini-guilt-trip sya, this happens siguro whenever he says no.

It's hard to expect or to hope that other people will be considerate if they aren't capable of that. Yung husband mo ang kailangang mag firm up ng boundaries nya. Yung hindi sya mamanipulate. Sometimes guilt-tripping is a way to manipulate. Tska parang naaabuso yung husband mo without him feeling it. I guess hindi naman kayo dependent sa kanila.

He's not a bad person if he say no or if he doesn't budge with the guilt-trip. I get it that he wants to comfort them when his father gets argumentative or verbally aggressive. Pero meron naman na kayo regular meet ups, so enough na yun to comfort them. Providing comfort is different from serving their every whim. Baka mamaya paawa epek na lang yun to manipulate.

Sya yung kailangan ma-adjust yung mindset and maging firm yung boundaries. Maganda magblock lang kayo ng schedule sa calendar for them, then that's it.

Mahirap kasi if you and your husband are not on the same page. Kahit pa sobrang itim ng budhi ng in-laws, kung on the same team kayo ng husband mo, hindi masyado malaki ang impact sa marriage niyo.

Quote from: thebratinella
nung nasa biyahe nga kami na tahimik ako at masama mood, sinigawan pa ako na bumaba ng van

I hope once lang itong incident na sinigawan ka. Otherwise, more than in-laws, meron kayong ibang problema.

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #772 on: April 09, 2019, 07:45:53 pm »
 ^ Oo, once lang naman ganun. Aminado siya na may temper siya pero ayaw niya daw macompare sa father niya. Kaya pag tumataas ang boses, sinasabihan ko na din para kumalma. Ang maganda sa kanya nakikinig siya. Ang view niya kasi dati parang kinokontra ko nanay niya. Bakit daw pag yung nanay niya nagyaya, ayaw ko. Kasi sa totoo lang hindi naman madaling magbiyahe sa province tuwing weekend. Saka sabi ko nga sa kanya, hindi ko sinabi na we shouldn't spend time with his family. Once a week naman we used to meet them eh. Ang hindi ako okay yung sasama pa kami sa mother niya sa province. Ang tingin niya I antagonize him. Nung nasasagasaan na yung schedule ng racing niya dati ng pagyaya ng mother niya, dun na siya natuto magdecline. Kasi nga naman icancel niya yung pagpunta niya sa race track para pagdrive.

A few months ago nga nagpasundo mother niya. Umuwi sa province kasama ng tita. Sinabihan siya na sunduin sila so pumayag siya kasi 'minsan' lang daw. We went to Bulacan on Sunday morning. Around 2am. Nakaalis kami dun 5pm na kasi nawili yung mother niya sa meet up with her friends. Dumating kami sa Caivte gabi na kasi hinatid pa namin tita niya. Akala niya sagot ng mother niya yung gas. Nag-rant sa akin na napagastos daw siya at pagod siya. Tinawanan ko lang. Sabi ko o gusto mo naman di ba? Baka akala ng mother mo sagot mo lahat.   ;D Actually parang nadadala na siya kasi once stuck naman kami sa NLEX due to heavy traffic. Halloween nun. Masakit na daw likod niya and mga paa. Nakasmirk lang ako tapos hindi ko sinasagot habang nagvent out kasi siya naman payag nang payag. Ako passenger lang kung tutuusin. Isa pa sa ancestral house kami tumutuloy. Lahat ng rooms occupied na ng mga tito/tita/cousins so madalas sa sala kami natutulog. Pag may mga taong gising, mapipilitan ka bumangon kahit pagod or antok ka pa. Saka nakaassign ako magwash ng dishes. After meals sinasabi niya ako na maghugas. Kaya umaayaw ako kasi can you imagine dapat nasa bahay ako relaxing tapos nandun ako na hindi ako comfy tapos dishwasher pa ako. Siguro gusto niya pakita sa relatives niya na marunong makisama yung wife niya and willing to help. Kaya one time nung nag-away kami, sinabi ko sa kanya yan.
« Last Edit: April 09, 2019, 07:47:32 pm by thebratinella »

kvandenhaak

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #773 on: April 09, 2019, 09:46:33 pm »
There's something called emotional incest:

https://www.youtube.com/watch?v=QByahY5fuyo

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #774 on: April 10, 2019, 04:05:34 am »
^^bakit naman obligado or may nakatoka na sayo? Sa case ko never naman ako pinagawa sa house ng inlaws ko everytime kasi mag attempt na tumulong pinapaupo ako mag relax na lang daw kami mag asawa. We are very pampered talaga sa kanila everytime na pauwi kami palagi pa kami may bitbit na kung [textspeak!] ano minsan foods or something for my LO (toys, clothes etc.).

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #775 on: April 10, 2019, 10:14:11 am »
^^ yung mother-in-law and sis-in-law ko medyo codependent before. buti nakakahindi na yung husband ko kasi nga napag-usapan (more of napag-awayan) na namin yung kakapayag niya sa requests nung 2.

^ ewan ko ba, sis. siguro gusto niya pakita sa mga tito, tita and cousins niya na matulungin ako pero sino naman gaganahan na magtravel ka ng 3-4 hours on a weekend papunta sa province tapos wala kang tutulugang room and taga-hugas ka pa ng dishes after meals. sabihin na natin na need makisama dahil nga nagpunta ka sa ancestral home nila and nakikikain ka pero yung nakatoka ka sa chores, hindi okay. saka nalaman ko sa isang cousin nila na hindi naman sila 'required' umuwi lagi sa province. kung baga press release na lang ni mother-in-law para mapukaw emotions ng husband ko na miss na siya ng buong angkan.

may fault din naman husband ko kaya ganun. sinanay niya kasi nanay niya na lahat ng requests pumunta kung saan before pumapayag siya. kaya dapat sa mag-asawa, mag-usap muna and agree on things before mag-yes or no sa in-laws or even in making decisions about where to live, how much to give na tulong etc. sa early years kasi ng marriage namin, yung husband ko hindi pa yan naintindihan. he's 3 years younger than me. people-pleaser din kasi siya. he loves doing things for others lalo na relatives and making them happy. sa bait nga niya, ang dami niya pinautang dati na hindi na siya nabayaran. nakakaloka. mabilis siya maawa pero natuto na daw siya.

i learned to put my foot down on things that i don't like. isa na dun yung sinabihan niya ako to ask our broker if puwede pa bilhin yung house na katabi ng kinuha namin. alam ko reserved na yun so i told him no at bakit kailangan katabi talaga natin ng bahay yung sister mo?! after mag-away ng mother and sister niya  last year napag-usapan namin attitude ng sister niya. hindi naman daw namin puwede pabayaan siyempre someday. sabi ko of course lalo na if may sakit. siyempre as a family member sasaklolohan mo but i don't want to live in the same house. tumahimik siya. the way i see it, nainstill kasi ng mother niya sa kanya yung thought na he needs to take care of his sister. okay yun sa totoo lang eh pero not to the point na adult na, parang i-baby mo pa just because single na dapat nakatira sa same village as your family.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #776 on: April 11, 2019, 02:20:30 am »
^na imagine ko tuloy if un ex ko ang nakatuluyan ko stress din siguro ako may mga sisters din un na sa kanya na lang lahat inaasa at pansin ko talaga di ako priority nya. Ang hirap siguro ng ganyan matitigil lang siguro si sister inlaw mo if mag asawa na sya or ipush talaga na mag aral mag drive. Hussle naman talaga na ang layo ng biyahe tapos obligado ka pa gumawa di makarelax atleast if nasa house ka lang may option ka gawin later. Halos pareho time travel natin sa pag visit sa inlaws kaya madalas ineenjoy ko na lang ang pag stop over sa magandang views or sa good resto or if may magandang activity sa near city pinupuntahan namin.

thebratinella

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #777 on: April 11, 2019, 09:50:57 am »
Thankful ako na naiintindihan na ako ng husband ko ngayon. Kung dati hindi niya makita yung point ko, now okay na. Napagod na din siguro na pag nakita ng mother niya na may pinuntahan kaming ibang place instead na sumama sa kanya sa province, nagtetext sa kanya para mag-express ng tampo.  ;D Now we cancelled our Bicol trip for the Holy week kasi nagsave kami. Nagpapagawa na kami ng house namin. So far wala pa naman alok si mother-in-law umuwi sa province with her unless sinabihan husband ko na di pa nishare sa akin.  ;D

Si sister-in-law no bf since birth. Mukhang walang plan mag-asawa. Parang baby yun sa kanila. Si father-in-law naglalaba and plantsa ng clothes niya and si mother-in-law nagluluto ng food nila. Pinaghahandaan pa siya ng baon before pumasok ng work. Kaya good luck talaga if alone na siya sa bahay or wala na parents niya.

yukishih

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #778 on: April 12, 2019, 02:55:22 am »
Hi, Sisses. I need advice. May issue ako sa asawa ko and he rubbed in my face that I am hindering his growth for this alone. Ganito kasi yon, andito kami sa ibang bansa. Si hubby may mga friends  na din sa workplace nya na kahit isa wala akong nakilala pa. If may event sila ang wives, partners are not allowed to go with them. Its exclusive only sa kanila daw. Okay lang naman sa akin yon. Pero lately kasi si hubby nagwowork out and nagjoin sa yung competition yung parang obstacle course which is for wellness. Then nagwowork out kasama itong new set of friends nya. Tapos the other nighg bigla akong sinabiha maghiking daw sila overnight. Hindi nagpapaala he was merely telling me na he is going for a hike overnight. Tinanong ko ang kasama nya sabi nya sya at usa pang married man 1 single man tapos 2 female friends. Ang isa single parent ang isa naman may partner pero overseas. I dont know kung bakit bigla nag iba ang pakiramdam ko. Yung gut feel ko iba. Kasi sisses dito laging kasama ang inuman. Baka mali nga ako na sabihin may inuman kapag hiking. Pero yun kasi ang issue ko pano if nareach location tapos may inuman. Pano if nalasing tapos alam mo yon may ibang nangyari ma di dapat mangyari. I am not doubting si hubby pero hindi ko rin madiscount yung fact na pano kapag nalasing at may mangyari ng isa sa kanila ng babae. Anong excuse sorry lasing ako di ko sinasadya? Sabi ko sa kanya nagtetrain na kayo ngayon bakit kailangan overnight pa. Bakit kailangan umabot pa sa ganon. Ang temptation everywhere yan. And the best way para hindi ka matempt is to avoid it. In short di ako nag agree sa gusto nya. Hindi naman sya nag papaalam kasi decided na eh. Kumukuha na ng tent nalaman ko na lang sa kaibigan ko. Nanghihiram na. Tapos nagalit na para bang wala akong karapatan to feel anything. Sabi nya I am hindering his growth dahil lang sa hiking. Wala daw akong tiwala. Sa kanya oo may tiwala ako pero pano if intoxicated ka na ng alcohol? Pano pala if bigla kayo nakaramdam ng itch after drinking. Lalo puring puri sya nung babae. So nagalit ako. Hindi ko makuha ang point nya bakit ko nahinder ang growth nya ng dahil sa hiking lang. kasi lahat naman sinuko. Sumasabay sya sa mga kasama nya. Ako itong walang ME time kasi lagi kong kasama mga bata. Galit ako sises. At thi

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #779 on: April 12, 2019, 08:19:28 am »
^It sounds like your husband really wants to go to that hiking trip. Is coming with him not an option this time? Is that a company outing or inarrange lang nilang magkakaibigan?

Irregardless,  it is unfair for him to say that you are hindering his growth. I think you are already kind enough to let him do the things that he is doing right now. If he wants to grow, it should be the two of you growing in tandem-not growing apart..

 i know galit ka this time and if i were in your situation, I would feel the same. But  try to settle this matter and really talk to your husband in a calm way before siya mag-hiking. Kasi mahirap na umalis siya na galit kayo sa isat isa.


I would really wish na kasama ka dun. If it is not possible, I hope he will decide not to come considering merong opposite sex na kasama and that kind of adventure(hiking) creates a strong bond sa mga taong nandun. Mahirap na baka kung saan pa mauwi. With or without the influence of alcohol, kung may nadedevelop na na strong feelings, it wont be surprising if something happens.. Plus, the fact that you dont really know  his friends- what kind of people they are, what moral standards they have- it
makes everything doubtful.

Btw,  how is your marriage lately? Intimate pa rin ba kayo sis?

« Last Edit: April 12, 2019, 08:35:05 am by lordknight_aiz.18 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close