Hello mga sissies... I am new here... I want to share din ng marriage life ko...
We are 6years married and 2 yrs kaming mag bf gf before we got married, so far 8yrs in total...
We were both students pa sa Baguio nung nagbf gf kami.my bf (hubby ko na ngayon) is unico iho na since his brother died due to leukemia 13 years ago.ang parents nya working abroad (italy) for almost 25 years na.so meaning si hubby since kinder,lumaki na lang sya sa mga tita nya (may sarili silang bahay, mga tita nya nakikitira sakanila para alagaan sila ng kuya nya na 5yrs ang gap nila) lumaki silang magkakapatid na mababait na bata at marespetong tao.
2nd yr HS na si hubby nung nag asawa na kuya nya at tumira na rin sa kanila pamilya ng kuya nya,pero yung SIL nya,di sila magkasundo ni hubby.kaya lumaking bulakbol si hubby dahil ayaw nya mag stay saknila because of her SIL.until namatay kuya nya,at umalis na sa bahay nila yung pamilya ng kuya at sya na lang natira sa bahay nila mag isa.Naging malungkot ang buhay ng asawa ko dahil wala na nga syang parents na nakakasama, wala pa yung kuya nya.Nagsimulang napabarkada danil walang guidance from family.natutong uminom,yosi, and drugs na rin. Naging babaero, at kung sino sino inuuwi nya sa bahay nila since mag isa nga lang siya nakatira sa kanila. May kaya sila,kaya laging financer si hubby sa mga drinking sessions nila,nahilig ding makipag drag race ng motor at ilang beses ng nadisgrasya at muntik mamatay. At napapabayaan din nya pag aaral nya,kundi dropped, failed ang mga subjects,tapos mga apat lang na subject ineenrol nya twing semester e dapat mga 8 to 10 subjects per sem.
Nakilala ko si hubby na ganyan ang buhay.di nya problema ang pera,problema nya kasi mag isa na lang sya.kaya sa bakada nya nakita ang pamilyang akala nya makakabuti sa kanya. Hanggang sa naging bf ko sya. Nagsimulang nagbago set up nya sa buhay dahil sakin, nahinto nya ang drugs, at naimproved ang studies.kasi talagang tinutukan ko sya.pero ang pagyoyosi at alak hirap nyang tanggalin.since ako din kasi nun chain smoker din pero di ako umiinom.malamig kasi sa Baguio kaya hirap tanggalin. Medyo gumanda takbo ng buhay ni hubby dahil sakin. Hanggang sa nabuntis nya ako at di namin natapos ang college kahit graduating na sana ako nun pero sya malayo pa.6years na sa college si hubby pero pang 2nd year palang mga natapos nya nun, so we stopped studying nung malaki na tyan ko,nagpakasal kami ng bongga sa church ng super laki na ng tyan ko,umuwi kasi parents nya para ipakasal kami. Akala ko happy ending ang kasal na yun kasi sa unang taon ng pagsasama okey okey pa...
Then eto na nga kalbaryo ko sa pagsasama namin...
May attitude si MIL, pero sa kabila nun dahil nga unico iho si hubby, sunod luho sya at nadadamay lang kami ng mag ina nya... Binigyan kami ng business which is computer shop at usapan namin ng parents nya na di na kami bibigyan ng alawans dahil sa may business na kami plus kami na din ang nag aasikaso sa mahigit 1hectare nilang palayan. Pero sa kabila ng yun, continues pa rin nil kaming binibigyan ng alawans,at lahat din ng expenses namin binibigay ng byenan ko,as in naging maswerte kami sa ganung set up, kahit kumikita nakami ng 30k monthly sa shop,may monthly allowance pa kami at pag anihan, 50 to 60k na ani din,sobrang ayos na ayos na sana,pero kasi si hubby lumaking maluho kaya di kami nakapag ipon at kulang pa samin yung mga yun,halos araw araw kasi kami kumakain sa labas, at mayat mayang kain kaya kaming tatlo ng anak ko e talagang malulusog.1year na ganung set up, at may bisyo pa din si hubby kasi na inom at yosi.
1year na ganun ang set up namin.hanggang sa natauhan ata mga byenan ko dahil sa mga buyo ng mga amigas nila sa italy.na kesyo sumusobra nadaw kami,kesyo sila nagpapakahirap dun tapos kami pasarap sa mga pinaghihirapan nila.may business na nga daw kompleto pa daw sa alawans,na parang nauntog ang mga byenan ko.hanggang sa naghigpit na nga sila dahil di nga daw kami matututo kung kukunsintihin nila kami.kaya pinutol nila alawans namin, wrong timing din nung time na pinutol alawans namin e nag uumpisa ng humina kita ng shop dahil sa nakawan ng kable ng internet sa kalsada at lahat ng residente samin wala ng internet connection (since baryo samin somewhere in Pangasinan iisa lang ang internet provider which is digitel) kaya humina dahil puro offline games na lang meron e puro online games ang hanap ng mga customer, tapos yun pa yung time na bagyo bagyo dito, nalugi din ang palayan dahil binaha at halos di nabawi ang puhunan nung anihan,nag umpisa na dun ang kalbaryo namin sa pera,since sanay nga sa luho nahirapan kaming mag asawa sa ganung sitwasyon.and yes, tama mga sis, pera ang malaking factor ng pag aaway ng mag asawa.lagi mainit ulo namin ni hubby, sigawan dito sigawan dun, dabugan dito dabugan don.e ang anak namin formula milk pa so isa pang problema namin sa gastusin yun,plus diaper pa.di kami tinulungan ng byenan ko,hinayaan kami. Sa kabila pa ng problemang financial namin ni hubby,mas lalo pa syang nagbisyo,araw araw na sya umiinom,lagi kaming iniiwan ng anak ko sa bahay ng kami lang at yung kasambahay namin.madaling araw na umuwi,pero never naman nambabae. Walang araw na di kami nag away,dahil din sa bisyo nya na yosi alak na walang kamatayang ganun, naging pabaya pa sa hygiene si hubby kaya laging mabaho sa pang amoy ko, e sensitive pa man din ako sa ganun,nandidiri ako sa amoy.dumating yung time na napuno nako sa ginagawa nya,na parang gusto ko na lang syang layasan.at hindi lang yun mga sis, ang pinakamasakit sa lahat, may ex syang hinanap kami sa fb at kini claim nyang may anak sila ni hubby. Never syang nakwento ni hubby sakin na nag exist pala yun as gf nya,dahil di naman daw nya yun sineryoso, isa lang daw sa mga nakafling nya.at ang masakit pa,matigas nyang sinasabi na never naman daw may nangyari sakanila nung girl which is taliwas sa sinasabi ng girl na maraming beses daw may nangyari sakanila, to think na lahat naman ng mga exes namin ni hubby e naikwento na namin sa isat isa kaya wala na dapat secrets from the past.e itong girl wala sa kwento ni hubby kaya sobrang windang ako.pero malakas talaga ang kutob ko na nagsisinungaling si hubby na wala nangyari sa kanila nun.hanggang sa napaamin ko sya, dahil kako kung di sya magsasalita hihiwalayan ko sya, sa takot nyang totohanin ko yun,humagulgol sya na umamin pero once lang daw yun nangyari at di na naulit pa at nagmakaawa sakin na wag ko daw sya iiwan.kaya dun ako parang naniniwala Na true nga siguro yung sinasabi nung girl.pero iniinsist oa rin ni hubby na imposible daw na magkaanak nya dun,in fairness,maingat si hubby talaga maski nung magbf kami,never syang nagdeposit puro sya widthrawal.nung nabuntis nya ako pahirapan pa yun kasi may prob pala sya sa sperm count nya dahil pinacheck up ko sya nung napansin nyang may maliit na bukol sa balls nya at na found out nga na kulang sperm count nya pati at may ginse capsule from japan binigay ng doctor sknya, after one month na nagtake sya nun puro deposit kami saka lang ako nabuntis,so di ganun kadali makabuntis si hubby.hanggang sa nagself investigate ako sa girl,yung mga friends nya sa list at mga kamag anak nya na nakikita kong nagcocomment sa wall nya, sila ang pinagtatanungan ko kung true na may anak nga sya sa pagkadalaga, ultimo yung batang pinost nya na yun daw ang anak ni hubby sakanya nakachat ko, and I found out na walang anak yung girl kahit may asawa na ngayon di daw sila magkaanak,at yung mismong batang sinasabi nya na anak nila ni hubby ay hindi pala talagang 9yrs old kundi 13 years old at tita daw nya yung girl na ex ni hubby.nagduda nadin ako sa girl nung tinanong ko ilang taon na yung bata at kelan bday nya, iba iba ang sinasabi at dinadahilan pa nya na kesyo dumating daw asawa nya mamaya na lang daw kami usap,e pede naman nya sagutin yun agad kung talagang alam nya ang sagot,mukhang di pa sya nakapagcalculate sa pagpapanggap nya.and nalaman ko na ang laki pala ng galit nya sa hubby ko dahil pinagtaguan pala sya ni hubby nung panahong yun dahil di naman sya sineryoso ni hubby at sya tong habol ng habol.so ayun,nagkapatawaran kami ni hubby at nagpromise nako na di ko na kakausapin yung girl at natapos na nga dun yung issue na yun.
And about sa financial issue na namin ni hubby,grabe ang nangyari after naranasan naming magutom as in ni piso wala kami.dun dumating yung time na may friend ako na pinakilala samin si God,yung tipong pinaramdam samin na andyan Sya talaga,(kasi naman di ko naman talaga ganun kakilala si God before,ang alam ko lang sa Kanya since bata pako is parang Santa Clause na hihilingan ng hihilingan)marami kaming natutunan,na dapat pala sa lahat lahat, si God dapat ang center para maging maayos ang pagsasama ng lahat kasi iga guide tayo ni God,maraming mga revelations and maraming pinamulat samin ,natuto kaming magtipid ni hubby,natuto kaming pahalagahan ang pera namin,nagwork ako, nagwork din si hubby,naging importante na samin bawat piso ng pinaghirapan namin. Naranasan na namin paano paghirapan ang pera at narealize namin kung gano kahalaga yun. And ang pinakamagandang nangyari,naging stronger ang pagsasama namin,mga ugali naming magagaspang nabago at pati bisyo ni hubby alak at yosi na talagang mahirap nyang tanggalin,isang iglap nahinto nya,with the help of our Almighty God, lahat ng yun naging madali na samin.kahit anong problema dumating,masaya pa rin kami ni hubby,kahit nga wala kaming pera di na nagiging hadlang samin yun para maging masaya.and naging sweet pakami sa isat isa, very open na din kami for communication,kung may mga ayaw ako o sya open kaming pag usapan at ayusin... So far ngayon, we happily live together with our 2nd child (1 month old) na gift samin ni God, dahil tagal na namin hiniling sa kanya na makabuo ulit after 6 years... Ngayon may business kami at so far sapat na para samin...
Sana po nagustuhan nyo ang kwento ng buhay namin bilang mag asawa... Napahaba lang kasi inspired. hehe...