@soulace
sis ok yan, may kausap kang priest, may spiritual director ka, may mag-gaguide talaga sayo. I remember when my father cheated on my mom, yung parish priest palagi ang iniiyakan at kinakausap ng mom ko. The priest advised my mom na, wag kang lalayas or umalis ng bahay, wag mong aawayin ang asawa mo or irehash yung mga ginawa nya, wag mong ipapaalam sa mga anak mo (pero nalaman ko) at higit sa lahat baguhin ang dapat baguhin.
Anyways, but your marriage is different.
You said, "I don't know what went wrong." Is there any way for you to know what went wrong? If there's no open communication, then there's no way na masosolve nyo yan. And kailangan ang communication should be constant in a marriage. Like simply saying to your partner, "nahurt ako when you said this, nainis ako when you did this, I was uncomftable in this situation," etc... kaya lang practise din yan...
Sis the hard work you put in your marriage is really commendable. Di ba yung mahirap na tanong, may kulang pa ba akong ginawa? At yung, anong meron yung babaeng yun na hindi nya nakita sa aken? Kaya lang sis pano kung merong naibigay yung babae na yun na hindi mo naibigay, like appreciation, admiration, respect, sweetness, sex? Am I asking a crappy question, one that you will answer BS? Pano mo sya bibigyan ng ganun kung ganyan ang attitude nya?
Serving your hubby though managing household, not nagging, assisting in finances are just small parts of the bigger picture. Maraming pang parts na kailangang i-deal. Hirap di ba? Kaya nga sabi, masalimoot ang buhay may asawa. Dami pasikutsikot. Dami kailangang gawin. And then there's this question, who should do the first move? The answer is the one who is more mature should make the first steps.
And hubby ko sis, lumaking senyorito... pero nuna nag-asawa na kami, nung wala pa kaming helper, nagtutulungan kami sa chores. Iniisip ko, minsan nasa approach na rin ng wife.
Hindi sa kinukunsinte ang asawa mo sis, ang sinasabi ko lang, stretch your self more. Alamin mo pa yung mga dapat alamin, gawin pa yung mga dapat gawin. Saka mo masasabi sa sarili mo na "I fought the good fight."
Kaya I advise you na basahin yung ebook... dun mo malalaman kung nagawa mo na ang lahat o kung may nagawa/nasabi ka na nakasakit at nagpalayo sa husband mo.