Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196513 times)

jazhmine012005

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #160 on: August 23, 2011, 03:47:21 pm »
@murasaki: sis alam mo feeling ko din minsan yan na hindi nya alam na nahihirapan na ako sa ginagawa nya, kapag im trying to tell him naman lagi syang may ibabatong dahilan sakin. Minsan nga din iniisip ko, kapag siguro may nangyari sakin or kay baby dun lang sya matatauhan (pero sana sakin na lang wag kay baby if ever)
Last day lang nag-away kami, kasi bagong gising sya bagong gising din naman ako then we had our lunch na tapos when I came up sa room andun sya, then he asked me "kung pwede dun muna daw ako sa kabilang room kasi mag sisigarilyo sya" ee di si ako naman medyo sumimangot tapos bigla sya nainis nag-walk out before sya mag-wLk out sabi nya he asked naman daw nicely and hindi naman daw nya ako tinataboy bat kaylangan daw mag ganun yung muka ko, ee di sa isip isip ko "kahit naman palabasin mo ako maaamoy ko pa rin yun smoke pag pasok ko and kahit na mag-spray ka pa nang Glade ganun pa rin may kumakapit na amoy pa rin." tapos nung sasabihin ko na sana yun bigla nya sinabi na hindi daw sya gumagastos nang 150 weekly for Glade para sa wala lang kaya ayun tumahimik na lang ako kasi for sure mahabang argument na naman.

kapag hina-high blood na sya tapos yung tipong hindi sya makahinga tumitigil na ako talaga pero minsan di mawala sa isip ko kung totoo ba talaga yung nangyayari sa kanya or nag-iinarte lang sya, kasi everytime na nagaaway kami ganun ang nangyayari, pero pag sila nung mama nya hindi naman....

Sana lang one day ma-realize nya ginagawa nya before pa ma-late ang lahat.

Dont worry im not offended sa message mo, thanks for the reply sis.

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #161 on: August 24, 2011, 09:59:51 am »
   sarado sis ang utak ng asawa mo at obviously hindi nya talaga alam na masama ang ginagawa nya sayo at sa anak mo regarding sa paninigarilyo at sa stress na binibigay nya sayo. sa katwiran pa lang baluktot na baluktot na what more sa ibang bagay. gaya nga ng sabi mo hindi daw sya gumagastos sa glade para lang sa wala, sana maisip nya na mas malaki ang gagastusin nya pag nagkasakit kayo magina.

   ang asawa ko palagamit din ng emosyon nya pag nagaaway kami kasi nung bata pa sya ganun na sya at kilala ko sya na takot mamatay. pero pag seryoso na talaga alam ko naman at pag inarte lang keber kong pansinin sya. hay nakakstress magasawa pero wag na wag nating isipin na makipaghiwalay lagi nating iisipin na maayos ang lahat sa pag nagusap at magkakaron ng linaw sa pangangailangan ng bawat isa. dati iniisip ko pag nagaaway kami hiwalay na agad pumapasok sa isip ko, nito lang naisip ko na hindi kailangan hiwalay kasi pede naman ayusin at sa hinaba haba ng pagprepare namen ng kasal mapupunta lang sa ganun?at sa hinaba ng pagiging mag BF/GF Naku hindi ako papayag kung kailangan namen magadjust gagawin ko…ika nga Give and take…wag take ng take! At wag din give ng give. Balance lang dapat to have peace and harmony.

jazhmine012005

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #162 on: August 25, 2011, 11:23:42 pm »
   sarado sis ang utak ng asawa mo at obviously hindi nya talaga alam na masama ang ginagawa nya sayo at sa anak mo regarding sa paninigarilyo at sa stress na binibigay nya sayo. sa katwiran pa lang baluktot na baluktot na what more sa ibang bagay. gaya nga ng sabi mo hindi daw sya gumagastos sa glade para lang sa wala, sana maisip nya na mas malaki ang gagastusin nya pag nagkasakit kayo magina.

   ang asawa ko palagamit din ng emosyon nya pag nagaaway kami kasi nung bata pa sya ganun na sya at kilala ko sya na takot mamatay. pero pag seryoso na talaga alam ko naman at pag inarte lang keber kong pansinin sya. hay nakakstress magasawa pero wag na wag nating isipin na makipaghiwalay lagi nating iisipin na maayos ang lahat sa pag nagusap at magkakaron ng linaw sa pangangailangan ng bawat isa. dati iniisip ko pag nagaaway kami hiwalay na agad pumapasok sa isip ko, nito lang naisip ko na hindi kailangan hiwalay kasi pede naman ayusin at sa hinaba haba ng pagprepare namen ng kasal mapupunta lang sa ganun?at sa hinaba ng pagiging mag BF/GF Naku hindi ako papayag kung kailangan namen magadjust gagawin ko…ika nga Give and take…wag take ng take! At wag din give ng give. Balance lang dapat to have peace and harmony.


Sabi nga nang relatives nya buti daw natatagal ko si husband sa ugali nya, sa isip ko naman sinasabi ko for sure magbabago din sya, sabi mo nga sis kung kaylangan mag adjust magaadjust kami pareho and hindi ko rin igigive-up yung pinagsamahan namin dahil lang sa problem na ganito. Give and take naman kami pareho pero minsan siguro nasosobrahan yung give ko kaya ganun nangyayari hehe
Kpag may problem kami lagi kong iniisip part ng marriage life yun and it will make our relationship much stronger kapag nalampasan namin lahat :)

Thanks sa advice sis and sa pakikinig buti na lang may GT nakakapag labas tayo ng sama nang loob or opinions natin sa mga bagay bagay hehe :D

iamnumberone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #163 on: August 29, 2011, 09:13:58 pm »
hi everyone, i would like to ask your opinion sa set up namin ng hubby ko. since this is the first time na magsespend kami ng pasko together and new year as a family. may konting issue lang sa husband ko. nasanay kasi sya umuuwi sa province nila sa family nya parents and siblings every new year. tapos nagsabi na sya sa akin na dun sya mag spend ng new year dahil naging ugali na nya yun at bday ng kapatid nya. Naisip ko na ang panget ng ganun, may pamilya na sya tapos priority nya mag new year dun kesa kasama kami ng new family nya. ewan ko, pero yun ang desisyon nya. isama ko daw baby nmin or ako sumama, eh 1month pa lang si baby di pwede ibyahe pa.. ano opinion nyo? tia

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #164 on: August 29, 2011, 10:09:34 pm »
^Hi sis, siguro pag-usapan nyo kasi First Christmas and New Year nyo together. I think, majority if not all husband and wife,talagang hinahati kung saan magi-spend ng Christmas and New Year.
Kung sa family mo pag Christmas, perfectly acceptable naman to spend New Year sa Family ng Hubby mo. Siguro gusto lang din nya na makilala mo pa ng husto ang family nya pati traditions.
Tama ka rin naman na family nya (kayo ng baby mo) ang priority pero family pa rin nya ang parents nya. It's a give and take. Tayong mga Misis, need nating makisama.
Ang unang Christmas namain ng hubby ko, sa Boracay namain ginawa kasi dun sya nakadestino. Our panganay is only 4 months at that time and yes, ibinyahe ko baby ko. Kaming 2 lang at sinundo na lang kamin   ni hubby sa airport.
Then,uwi kami sa parents ko ng new Year, dun naman ang New Year Celebration.

So almost yearly, hinahati namin ang sked. It's also good na malapit ka sa family ni guy para pag laki rin ng baby mo, kilala nya lahat ng kamag-anak. Perfectly acceptable yung ganyang arrangement.
Yung In-laws ko naman (parents ni Hubby) ay US-based na kaya hindi na sila kasali sa equation ng Christmas/New Year Celebration hatiaan. Yung mga kapatid ng hubby ko ang pumupunta ng either Christmas or New Year sa amin or sometimes kami naman.

basta sis, dapat lang na kasama ka ni hubby kung saan man sya mag se-celebrate. Ang hindi acceptable ay yung mag-isa lang syang pupunta dun sa parents nya.

passionfruity

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #165 on: August 29, 2011, 10:13:45 pm »
Normal lang sa mag asawa ang dumaan sa adjustment period. actually in marriage adjustment is constant.so open communication is a must. mapaguusapan naman yan eh..dati nga husband ko nung mga early days of marriage namin umuuwi pa sa kanila para lang lang maligo..naiilang daw sya maligo sa bahay namin (kasi nakatira pa kami nun sa parents ko).

So about your matter mag usap kayo..as days go by sa marriage nyo have time para pag usapan mga set up na gusto nyo iimplement sa tahanan nyo as family..tho hindi nyo yan mabibigla baguhin lahat ng nakasanayan natin while we were single pero lahat ng bagay in marriage eh mapaguusapan talaga..its just a matter of open communication and open mind with each others wants needs and preferences.

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #166 on: August 29, 2011, 10:29:53 pm »
^^^ Sis iamnumberone, normal lang naman ang feelings mo. I also can't believe it na sa Boracay kami magki Christmas. I'm not totally happy with it kasi gusto ko kasama ng parents at siblings ko. Pero symepre,, married na ako, so give and take talaga. I need to go where my husband is. Ok naman yung Christmas namin, talagang nanibago ako. Parang gusto ko pa maiyak pero syempre di na tayo single, iba na talaga ang buhay sa kinasanayan. Yes, constant communication yan sis. Talk to your hubby. Basta,dapat nagkakasundo kayo sa mga decision nyo.

mslcgrey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #167 on: August 30, 2011, 12:16:52 am »
to sis iamnumberone: usually, how many times a year does your husband go to the province to visit his family? let say nakakauwi lang siya during Christmas break lang or other very special occasions, i think it is reasonable na gusto nya dun kayo magspend ng new year... it does not mean na gusto niya umuwi dun eh hindi na kayo ang number one priority niya... as our other sisses here say... talk about it... compromise if kailangan...
i already foresee this happening with me and my bf... he is from bacolod while i'm from laguna...he only get to go home twice or thrice a year...which includes new year... so if ever he wants to spend it there...it will be ok with me
now about your baby, why don't you get the advice of your pediatrician about this? if ok lang i-travel, just make sure that your baby's trip will be very comfortable for him or her...
hope you solve this issue asap.... ;)

iamnumberone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #168 on: August 30, 2011, 08:19:00 pm »
thanks for the reply :) you're right, communication is the key. adjustment period pa nga kami. di nga lang ako makakasama sa kanya for new year coz walang magaalaga kay baby angel. maybe next year pa [textspeak!]. :-\

Msfi

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #169 on: August 30, 2011, 10:28:22 pm »
sis iamnumberone

as always, key word sa mas maayos na relationship eh compromise sa kahit na anong issue. Di natin pwedeng igiit yung nakasanayan natin dahil ang mga hubby natin eh may nakasanayan din.

may point si mslcgrey, kung minsan lang makauwi si hubby mo sa kanila eh better na mag-agree sa kanya.  Baka yun lang ang time na magkakasama silang family na complete. Pwede naman kayo sa kung saan mo gusto ng christmas. Mas important eh yung magkakasama ka, hubby mo at baby nyo kahit saan nyo i-spend ang mga holidays & special occasions.

Dati we spend christmas sa inlaws ko overnight night na kami dun at sa amin ng new year. But since mawala na pareho ang inlaws ko half day lang kami dun ng christmas, nagbibigay lang ng gifts then sa amin na.  Sa totoo nakakamiss din na wala na mother & father in law ko, parang kulang lagi ang christmas.


murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #170 on: August 31, 2011, 08:28:13 am »
Sis adjustment ng iyan. kung san pumapasok kayo sa pagkakaiba ninyong dalawa. eh hindi na kayo single kung nasan ang isa dun din ang isa with anak. gaya ng sabi nilang lahat hati ang sked. dalawa naman ang holiday xmas and new year, y not xmas sa family mo then new year sa husband's family naman. o di ba lahat masaya. plus mamimeet pa ni baby husband's family.

Star19

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #171 on: September 05, 2011, 02:18:42 pm »
actually wala naman ko problem kay hubby mmm...meron man di ko na lang pina pansin pero sabi kasi sa side niya mama's boy daw hehe pero saknya hindi labo noh?

dati daw kasi sa mag kakapatid siya yung bad pero nung naging kami ni hubby yun nag bago siya hehe naging ok na siya

oyetken

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #172 on: September 05, 2011, 11:43:28 pm »
hi mga sis, pls.can you give me some advices how to work out this relationship , nung mag bf/gf pa lang kami ni hubby nag abroad na siya 2 yrs. on kami  then nakaipon umuwi here sa pinas for 1 month vacation lang for our civil wedding bitin nga , before ang sweet pa namin tru text messages or call, now we have our own son 5 y/o. and until now nasa abroad pa din  and every year 1 month lang lagi ang vacations niya, alam nyo i have this feeling minsan na i fall out of love or cold with him boring ang marriage life namin but never kong sinasabi,  he's too busy for his work and wala kaming communication minsan lang , tru email lang, as a wife i understand him but sometimes think i always said to him about our family na can you give us some time naman hinde lang puro work now  alam mo ba yung feeling na gusto kong ibalik yung dati ,sweetness to make warm our relationship, pero pag nageeffort naman ako sa kanya parang bale wala lang and hinde kasi siya showy bout feelings before naman sweet siya maybe matured enough, i dunno we almost 6 years ganito ang set-up namin mag asawa and minsan nga para hinde ko na siya kilala, since nung maliit siya marami siyang exprience broken family sila , nasanay na mag isa..maybe may pagkukulang din ako .. same lang kami..   .. papaano ko ba gagawin or sisimulan  uli na hinde maging boring ang marrige life namin dati naman hinde ganito sadyang busy lang siya sa work. , i love him gusto kong ibalik yun dati siya ... ano ang feeling ng mga guys kung binibigayn sila ng effort ng mga wife nila.. pls help me .. cenya na napahaba po .. thanks 

realshaddy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #173 on: September 08, 2011, 03:12:39 pm »
mga sis, may questions lang ako

kase 5 day work week si hubby + 2 days rest day. ok lang ba na sa 5 day work week nya e my boys night out sila maximum of 3 days a week (usually 2x a week)? late na sya umuuwi mga 2am na, alam naman nya na ako lang mag isa ba house namin at wala ko kasama. very minimal din ang text messages nya or hindi tumatawag pag nasa inuman. pero lage naman sya nag papaalam. pag rest day nya nasa house lang sya talaga at hindi umaalis. ok lang ba yun mga sis? and sabi kase ng bestfriend ko, pag nasa labas daw si hubby wag ako masyado ma text, kase "me" time daw ni hubby yun. pero kung ganon kadalas, ok pa ba yon?

TIA

gnrn_026

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #174 on: September 26, 2011, 01:05:17 am »
nakakainis lang.. yung hubby ko napakabait nun nanliligaw, as in sweet, gentleman.. lahat na.. pero nun nagsama na kami, ayan na.. unti unti ng nawala.. as in lahat nawala.. huli na kung magsisisi pa, may anak na kami.. :(

gnrn_026

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #175 on: October 07, 2011, 01:33:05 pm »
nakakainis na!

smoothie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #176 on: October 07, 2011, 10:19:48 pm »
mga sis, may questions lang ako

kase 5 day work week si hubby + 2 days rest day. ok lang ba na sa 5 day work week nya e my boys night out sila maximum of 3 days a week (usually 2x a week)? late na sya umuuwi mga 2am na, alam naman nya na ako lang mag isa ba house namin at wala ko kasama. very minimal din ang text messages nya or hindi tumatawag pag nasa inuman. pero lage naman sya nag papaalam. pag rest day nya nasa house lang sya talaga at hindi umaalis. ok lang ba yun mga sis? and sabi kase ng bestfriend ko, pag nasa labas daw si hubby wag ako masyado ma text, kase "me" time daw ni hubby yun. pero kung ganon kadalas, ok pa ba yon?

TIA

how do you feel about it sis?

dati payag akong gumimik si hubby ng mag isa but hindi regular. but since something happened, siya narin nag kusa na huwag ng umalis ng bahay unless kasama or pag basketball lang. and hindi narin ako ganun kadali pumayag sa mga alis alis niya.

anyway, sa akin kasi parang sobra ata yung 3x a week. okay lang lumabas pero not weekly. kasi may asawa ka ng tao. iba na dapat ang priorities mo. asawa or anak mo. hindi ka na pwede makipag sabayan sa mga single mong kaibigan dahil sila walang responsibility kung hindi ang sarili nila.


but that's just me.

boaVista

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #177 on: October 08, 2011, 02:34:36 am »
Gusto ko lang mag vent out. Hubby is in dubai, yong company nila isa nagbibigay ng budget once a month for their happenings. Last wednesday they went sa isang bar sa karama. Kinabukasan eto na nakatag sa kanya mga pics may mga sweet na pics together wid girl kasayaw nya. How would you handle that? Nanginig mga laman ko sis. Sabi sa ken ni hubby mali daw [textspeak!] iniisip ko pinag tripan lang daw sha at sha lang [textspeak!] kinunan ng pics lahat naman daw sinayaw yong babae, nung una d ko na sana papansinin i will try to understand na baka nga ganun lang nga, d ko lang kinaya ang mga comment at kantyawan naka tagged pa sa mismong fb nya yong pictures, we have  44 common friends most of them family and relatives ko. Ginawa ko pinagsabihan ko yong nag tag at medyo inaway ko. Hindi rin ako nakapag pigil nag comment ako sa photos ng "what a shame."  Parang guilty ako kasi two of his collegue medyo napag salitaan ko. My bestfriend told me na its fair enough to do that para daw malaman nila na hindi ang ginawa nila coz they make fun out of that pic na pati daw ako is na embarass isa pa respeto. Nagparinig pa sa comment yung visor nila na sabi daw my hubby needs air from time to time. Bandang huli parang ako pa yung masama eh. Over react daw ako at selosa. Napaka insensitive nila. Si hubby naman akala nya ok ok lang gawin ang ganun dahil limitado naman daw naiinis ako ang t**** nya sobra.

ishi90210

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #178 on: October 08, 2011, 05:31:13 am »
^sis, i don't think you're overreacting. natural lang yun kasi nakakagigil lang talaga. pero sa isip ng mga boys, wala lang yun. buti ka nga you had the courage na sitahin sila. i don't think i can do that. kausapin mo na lang sis si hub mo. sabihin mo you feel uncomfortable pag ganun ginagawa nya. and ask him kung ano mararamdaman nya if ever baliktad yun situation? what if ikaw yun nasa picture na ka-cozy ang isang guy then your friends tagged him pa. siguro naman mapapaisip na sya nun no.

euwie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #179 on: October 08, 2011, 06:40:27 am »
sis boavista, hindi sa tinatakot kita ah. i live in dubai for almost 7 years na and i can tell you na usong uso dito ang kabitan, maniwala ka man sa hindi. yung palusot ng asawa mo na lahat naman ng lalaki sinayaw yung babae tapos sya lang ang napagtripan picture-an, tama ba yun? ginawa nya pa rin, sinayaw pa rin nya yung babae na hindi man lang naisip mafifeel mo. isipin mo, dapat magpasalamat ka pa nga sa nagpicture sa kanila at least alam mo nangyayari di ba. opinion ko lang ah, maski sino pa sinayaw ng babae na yun, wala akong paki basta wag syang makikisayaw sa kahit kanino man. parang buhay binata pa kasi para sa akin yung ganung actions. don't think na overreact ka at selosa. kasi kung totoo yun, edi hindi mo na sya pinayagan lumabas in the first place di ba. hindi ko sinasabing may ginagawang kalokohan asawa mo dito, pero warning lang sis ah, maraming malandi dito sa dubai, keber sila kung may asawa at anak pa ang mga lalaki.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close