Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196486 times)

rianne_mallows

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #120 on: May 29, 2011, 04:04:36 pm »
^i will not comment on how you can love your hubby's love child like your, kasi ako hindi din ako madaling magmahal..

sis, i feel for your husband sis.. siguro kaya mas lenient siya sa panganay niya kasi ramdam niya yung leniency mo naman sa totoong anak mo.. syempre, kawawa din yung bata kung ikaw mas sa anak mo kampi tapos siya walang kakampi.. although mali, this must be your hubby's way of balancing things
at hindi naman din porket ganun ang way ni hubby mo mas mahal na niya yung isa ;) kung ito ang fear mo, alisin mo na sa isip mo kasi remember pareho niyang anak yun..

factor din ang age sis.. ilang taon na yung mga bata? mas malaki kasi, mas iba ang way ng pagdiscipline.. baka din kasi yung malambing talaga yung bata.. ang yung anak mo hindi.. may ganun kasi ..

yung pagiging makulit ng kids when your hubby and in-laws are around is understandable.. that is very normal.. kasi alam ng bata na nagjan mga kakampi niya ;D.. talagang lumalabas ang kulit kapag ganyan.. huwag kang mainis.. bata yan  eh.. more so, pamilya mo na siya

mas maganda siguro discuss your feeling mo with your hubby, or better yet magcounselling kayo.. iba pa din kasi ang professional inputs and guidance...

fegloria1954

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #121 on: May 30, 2011, 02:04:31 pm »
Dear murasaki,

2 Questions:

Why do you call your child with your husband "anak ko" and the other child "anak niya"?

Where are your (you and your husband's) children?  The ones you would readily call "anak namin"?

Mommy Fe

mommyaimz

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #122 on: May 30, 2011, 03:38:24 pm »
right now our biggest problem is our financial obligations..we're stuck with our credit card bills and its awfully stressful to think kung saan namin kukunin ang mga pambayad.. :'( hay sana umulan mamaya ng pera..

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #123 on: May 30, 2011, 09:50:50 pm »
she's not my bio kid that's all.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #124 on: May 31, 2011, 02:20:45 am »
naranasan ko din maging housewife ng matagal, more than 2 years din before having a child and after having a child. mahirap talaga sa simula, hindi kasi sanay si hubby na wala akong work pero wala naman din siyang magawa dahil walang mag-aalaga sa bata e preemie pa yon.

pansin ko na pareho kaming madaling mabagot at pag naiinis siya, lagi niyang pinapansin na hindi ako nagwo-work kaya wala akong kahirap-hirap. nakaka-stress din na parang di na-appreciate yung mga hirap ko sa bahay at siguro masyado din akong sensitive noon dahil hindi nga ako kumikita, parang wala din akong freedom. minsan napuno ako, sinabi ko sa kanyang lahat ang galit ko at nag-dare pa ako na magquit siya sa trabaho at mag-alaga ng bata, maglinis ng bahay at magluto ng walang sweldo at ako na lang ang magwo-work..medyo nagising siya non. well, nagwork din ako eventually at naramdaman niya yung hirap kaya pinilit din niya akong mag-quit after 6 months of working lang. nag-quit ako hindi dahil gusto kong nasa bahay uli, dahil hate ko yung employer. so after a few months naghanap uli ako ng work.

sa mga moms or asawa na katulad natin, dapat talaga paminsan-minsan we say what's on our minds or we have to go somewhere far away from our spouse/partner para mahanap uli natin ang sarili natin at ma-feel natin uli ang worth natin..ganun sila para ma-feel nito ang importance natin kapag wala tayo don.

bad_angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #125 on: June 07, 2011, 10:00:32 am »

my hubby is a chain smoker. he finishes almost 2 packs of cigarettes a day... he's slowly turning into an alcoholic as well. he drinks almost every night and finished 500ML!!!

then he changes his attitude when he's drunk. di naman sya ganito before. i advised him to go into counselling. something could be bothering him and he wont tell me. ok naman work nya, family, friends. ok din kami. but only when he gets drunk, there's verbal abuse. he says nasty things about me that are so untrue. when i tell him about what he's done and what he's said to me, he doesnt have a clear recollection of it. di sya maniwala sakin na nasabi at nagawa nya yung mga bagay na yun while he was drunk. ive talked to his mom and sis, they agreed that he needs more understanding and support right now. but it's tearing me apart. ang bigat dalhin sa totoo lang. wala naman 3rd party so far... he's very proud of me and pati family and friends nya walang problema

boity

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #126 on: July 11, 2011, 04:45:03 am »
she's not my bio kid that's all.

sis, kumusta na relationship mo sa bata? sana ok na. sis, sana nag improve na relationship nyo nung bata. alam mo ba yung movie na "Ever After" ni drew barrymore? di ba hindi rin sya biological daughter, pero mabait naman sya. isipin mo na lang, ikaw na ang makikilala nyang nanay. maawa ka naman sana sa kanya na wala na syang mommy, yung totoong mommy nya. lalong magiging malaking problema kapag lumaki na yung bata. siguro, dapat tanggalin mo sa isip mo na hindi mo sya kadugo. tratuhin mo sya na parang anak mo. syempre sa pag aalaga mo, yung amoy nya na sabi mong hindi mo gusto, magiging amoy na na gusto mo kung ikaw mag aalaga sa kanya. kawawa naman yung bata, ilang taon pa lang, going through emotional stress na

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #127 on: July 11, 2011, 03:50:52 pm »
Hi sis. Thank you sa advice. So far ok naman ang relationship namen since grade 2 na sya busy na sa skul araw araw may assignment at ako ang tumututok sa kanya kasi nung kinder at grade 1 hindi ko talaga sya tinuruan kasi busy din ako sa anak ko at nung mga panahon na yun ayaw ko din kasi feeling ko bakit ako magaaksaya ng panahon. pero ngayon ok na kami. Iniisip ko na lang na 1 happy family kami matagal tagal na din na hndi sila nagkikita ng Bio mom nya since 2009 pa. kasi nalipat ng province bio mom nya.

Pag may time ako, ako na din nagaasikaso sa kanya bago pumasok iniipitan ko ng buhok at sinusuklayan. Sa gabi namann paalala ko lagi na magtoothbrush at vitamins. Minsan nga nagoopen hubby ko saken natutuwa daw sya sa pinapakita kong pagaasikaso sa bata although hindi sya saken lumabas nakikita nya daw ang concern ko. Actually hindi ko din naman kasi maaatim na kawawa sya tapos yung anak namen eh puno ng pagmamahal. Alam ko kung [textspeak!] ang mararamdaman nya kahit na minsan o naiisip ko na hindi ko sya anak.

Malambing na bata sinasabihan nya ko out of the blue ng I love you. Nagkikiss bago matulog o pumasok sa school.  Hindi talaga magand sa bata ang stress at ayoko din naman na magkaron sila ng conflict na magkapatid baka makuha ng anak ko yung feelings ko towards her sister kaya hanggat kayak o binubura ko nay un ang starting to live happily ever after

zaza

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #128 on: July 12, 2011, 02:04:47 pm »
hi murasaki... i love your positive attitude toward sa bata.... sana tuloy-tuloy na yan.... god bless

iyah_82

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #129 on: July 12, 2011, 05:01:17 pm »
started 2011 of this year naging unstable yung job ng hubby ko hanggang sa na walan ng project since january twice lang [textspeak!] nagkaroon ng project and untill now wala pa. Kaya ngayon sobrang baon na kami sa credit card kahit nakakapag bayad pero hindi bumababa kasi pagka bayad a few days swipe na naman pang grocery... hhaayyy... Lord sana magkaron ng effort asawa ko mag job hunt at hindi puro internet games lang inaatupag. Araw araw kasama nya anak namin pero nappabayaan nya, halata namin eh kasi pag anjan ako sa bahay ayaw lumapit sa kanya ng anak namin. Ewan ko ba bakit may ganung tao. Masiyado pa mapili sa trabaho at sahod buti sana kung graduate.

May mga araw na naiisip ko na maghiwalay na lang kami pero naawa naman ako sa 2 years old baby namin.  :'(  :'(  :'(

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #130 on: July 27, 2011, 11:07:36 am »
I have a stepdaughter. a little history. naging magBF kami ni hubby when she was 8 months old. paminsan minsan natutulog ako sa kanila, aloof sya saken kasi iiyak sya pag umaalis papa nya at kami lang naiiwan sa kwarto. and kinukurot nya din ako. instinct nya siguro na hindi nya ako mama nya or im a stranger for her. alam ko namang hindi ko mapipilit kaya ok lang. until pumunta ako abroad kilala nya pa din ako , pero kilala nya din bio mom nya pero hindi sila madalas magkasama. nung nasa abroad ako si lola nya ang kasama nya kaya parang naging second mother nya na mother in law ko. plus 1st apo kaya love na love ng MIL ko. kinasal kami nagsama then nawala sa picture yung bio mom kasi nalipat ng probinsya as of now 2 years na silang hindi nagkikita. si MIL naman last year nagabroad then this month umuwi until next year of MAY sya dito.

Since close sya sa Lola nya dun nanaman sya sa lola nya as in dun natutulog maghapon nandun , dun na din nanggagaling pag papasok. malapit lang naman ang bahay ni MIL samen kaya walang problema kung nandun sya. kaya lang parang napapansin ko lumalayo loob nya saken kasi siguro nandito na yung tunay nyang mommy (MIL). pag umuuwi sya samen hindi nya ako pinapansin. ok na sana kami nung wala si MIL isa kaming pamilya kaya lang nung bumalik sya feeling ko nawalan ako ng isang anak. siguro kaya din ganun si stepdaughter kasi wala sya gano na buildup na feelings for me? ganun kaya yun? tutok din kasi ako sa anak ko. hindi ko lang sure baka naiisip nya echapwera na sya kasi may anak kami ni hubby. malaki na din kasi 7 years old na.

gusto ko sana mabalik yung dati kaya lang mahirap kung nandito si MIL. ayoko sana magkaron ng anger sa puso nya towards me. towards us.

i_v_y

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #131 on: July 28, 2011, 12:12:23 am »

 Grabe naman mga sis ang mga problema niyo, kung sa kin yan heart attack na ko. I came here to share my bwisit kay hubby. Pero reading all your post baka sabihin nyo loka loka ako sa sobrang kababawan ko. Kaya nevermind... Hindi ko kasi kaya mga ganyang kabigat na problema. Pero u can always ask God,s guidance. ;)

kaaliw naman yung post mo sis. ako nagpunta dito para ireklamo yung asawa ko na super lakas maghilik. parang di ata counted yun dito. ang babaw ko.

pero here is what i can say about sa mga namomroblema sa kanilang mga asawa, i had my own share of miseries too which i shared here at some point but with the grace of God, I was able to surpass it. Maybe you can track my posts and see gaano naging masalimuot ang nangyari sa marriage ko.

There are things na hindi talaga naten kayang kontrolin, husband man naten yan or in laws naten o isang past which scarred us for the rest of our lives. SARILI lang naten ang kaya naten kontrolin.

I suggest mga sis, buy the book of Stormie Omartian,THE POWER of a PRAYING WIFE. The books tells wives na laging ipagdasal ang asawa in all aspects of his life. Believe me, prayer has done so many wonders in my marriage.

Pag natutulog ang asawa nio, mag lay hands kayo at ipagdasal nio sila.

All the best!

ishi_08

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #132 on: July 28, 2011, 03:31:38 pm »
sis i_v_y how much yung book , nasa national bookstore ba?
T

i_v_y

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #133 on: July 30, 2011, 04:00:45 pm »
nasa 800 plus yung bili ko kasi parang 3in1 sia na book, POWER OF A PRAYING WIFE, POWER OF A PRAYING PARENT, POWER OF PRAYING WOMAN.

But you can buy these books individually for about 300-400 pesos each.

Sa Powerbooks ko sia nabili pero im pretty sure meron din yan sa NBS.

FayeP

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #134 on: July 30, 2011, 04:15:33 pm »
HI!!

-mommy fe gloria,


ask ko po kun ano pong program un sinasabi nyo na nakatulong sa inyo? so far naman po ala pa kami major problem ni husband (except sa inlaws ko hehe) pero gusto ko po sana magjoin kami sa mga church programs or orgs para mapayuhan kami or matulungan if ever na may mangyari sa pagsasama namin...

sa ngaun po I'm pregnant with our first kid (baby boy, due in Oct.)...

we tried joining po sa Couples for Christ pero di po kasi kaya ng schedule namin dahil every Thursday un meeting sa Couples, parehas naman kami may pasok nun....


Thanks po sa reply...


=)

spc

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #135 on: August 01, 2011, 02:39:26 pm »
I really need insights on this issue...sana po reply kayo.

I left my husband for a month on our first year of marriage because of another women. I caught their sweet texts to each other and the last straw was may celphone pala sha from the girl and I did not know it. Nawala celfon nya nun and accidentally saw the fon from the girl. He claimed that they are just friends..I decided to go back because of the baby and financial reasons din...jobless ako nuin and I do not want to burden my parents. He said he will change. Ever since I came bacak we were still having the same issue. Caught him still texting the same girl but now walal na yun. enter naman yun facebook ngayon...was able to know his password sa fb accidentally and saw his messages to other girls flirting with them. messages like penge ng kiss...aagawin kita sa bf mo...asking a girl for a date...all these girls know he is married and di naman sha sineseryoso. but it still hurts...knowing na ganun pala ginagawa nya while i'm working my a** off! i confronted him and he said that he does not mean anything naman daw dun...biro lang daw yun. it is really hard kasi once bitten twice shy...am i just being a drama queen on this situation?

stormy_princess

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #136 on: August 01, 2011, 02:58:09 pm »
Right now, problematic talaga kami financially. Hindi ko na alam kung san pa kukuha ng panggastos sa mga susunod na araw. Sa dami ng obligations namin hindi na namin kinakaya ni hubby kahit pa na both of us working. Naaawa lang ako sa baby namin kasi sympre naaapektuhan din sya. Kasama namin sa haus yung bayaw ko mas maganda sana may katulong kami sa gastusin lalo na at may work sya kaso ang nakakainis eh sya pa mismo ang parang bata na kailangan imonitor from time to time. di ko naman masabi kay hubby kasi masasaktan yun. I feel lang na mas nasa akin ang bigat ng married life ngayon.

for marital emotions, i am beginning to think that we are not growing as a couple anymore. I cant feel my worth anymore. Hubby is getting insensitive to my feeling as a wife, as a woman. I feel like im no longer important.

Most of the time, naiisip ko kung wala kaya kaming anak at di pa kami kasal hanggang ngayon kaya kami pa rin? Maybe yes maybe no. i dont know.

Sana may time machine kahit 5years lang. May babaguhin lang ako. kaso wala na eh. Andito na ako kaya kailangan harapin kahit na mahirap.

sean-yugie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #137 on: August 01, 2011, 03:39:42 pm »
Hi sises, Please advice me po. My problem started when mahuli ko na may another girl ang asawa ko na katxt at na-proved ko na may relationship sila. My husband beg for forgiveness so ako naman nagforgive but since twice ko na sya nahulihan kaya medyo nawala na ang trust ko. But I tried na ibalik pero kahit ano gawin ko hindi pa rin maalis sa isip ko na magduda. I tried until one night 5 am na umuwi I asked him san sya galing hindi nya sinasabi kasi ang sabi nya kapag nagpaalam daw duda pa rin, eh pinapayagan ko naman sya kahit inaamin ko duda pa rin ako. When I confronted him sya pa galit sa akin na parang ako pa may kasalanan. Nagkataon na andun ang mother ko sa bahay namin kaya hindi ko sya pinatulan at baka ano pa mangyari sa mother ko kapag sinigawan nya ako.


murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #138 on: August 04, 2011, 02:01:34 pm »
Hi sissies, marami talagang babaerong lalaki at ang hilig maglaro kahit kasal na. buti na lang hindi babae ang hillig ng asawa ko kungdi motor. Hindi din babae ang ginagastusan nya kundi motor nya.haist =( pero ok lang at least hindi tao yung pinagkakaabalahan nya at ako lang ang babae sa buhay nya. Tungkol naman sa problem ni sis SPC communication . usap kayo make things clear kasi mukang hindi pa sya seryoso sa pagaasawa at medjo manipis ang muka nya ha nagwowork ka tapos sya paflirt flirt pa. na hindi naman daw seryoso? Eh san sya seryoso sayo? Kelan sya magseseryoso pag nakapagdecide ka na iwanan mo na sya? Usap kayo yung masinsinan para maliwanagan sya.

Eh ikaw sis wala ka kaya pagkukulang sa asawa mo? Baka may kulang kaya nawawala ang spark na noon nararamdaman nyo sa isa’t isa?

Kay sis stormy_princess mahirap talaga may kasama sa bahay na kamaganak ng sinoman kasi pag may pamilya na uunahin mo talaga pamilya mo no matter what. Wag ka muna giveup solution muna bago yang iniisip mo na hiwalay. Besides hindi naman ata kayo ng mister mo ang problema kundi financial dib a.esep esep muna ng best solution. Kung nagwowork na ang bayaw mo why not suggest na magboard na lang sya at step na rin yun para tumayo sya sa sarili nyang paa. Open mo sa mister mo at least naopen mo yung opinion mo at kailangan iconsider ng asawa mo ang opinion mo kasi asawa ka nya beside ang iniisip mo lang naman ang kapakanan ng pamilya nyo dib a. goodluck!

Sis sean_yugie mahirap talaga pag natapat ka sa lalaking mapaglaro maraming sakripisyo ang kailangan para maisalba ang pamilya. Sorry kung hindi kita mabigyan ng magandang payo na alam ko baka yung iba nating sissies dyan makapagbigay. Sa nakikita ko main problem ang pangbabae ng lalaki sa asawa nila. Pag ang trust ang nawala mahirap na mabalik ulit. Goodluck sis

tomasmomi

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #139 on: August 04, 2011, 03:46:48 pm »
share [textspeak!] mga sisses..
mabait [textspeak!] asawa ko pro kapag dumadating [textspeak!] time na nagaaway kmi lagi nya pinapansin [textspeak!] mga mali ko or worse hahanap [textspeak!] [textspeak!] ng mali ko para isumbat nya sakin...mabait [textspeak!] ako sknya..pro ayaw ko ng ganto....mahal ko [textspeak!] [textspeak!] pro pag nagcontinue to..bka mawala na.. :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close