Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196209 times)

passionfruity

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #80 on: January 03, 2011, 03:49:45 pm »
manghihingi naman ako ng opinion nyo mga sis.  last night we had a fight dahil sa SIL ko.  may pinakisuyo kasi kami na padadala pag-uwi nila dito.  pina-pack ko mabuti sa mom ko para di masira/mabasa yun impotant items saka para na rin di na sila mahirapan sa pag-ayos.  nun dinala ng kapatid ko sa bahay nila ang bungad ni SIL "ano yan? bubuksan ko yan" sabi ng kapatid ko "ah.." (obviously natameme sya).  then SIL went on "ikakalat ko yan sa maleta", to which my sis replied "ah ganun ba? e sige basta ingatan lang daw baka masira." ang sagot ni SIL "bahala na, bahala na".  dahil ayaw ng marinig ng kapatid ko ang kabastusan ni SIL sinabi nagpaalam sya agad kay MIL at sinabi na lang na nakakahiya sa taxi driver na naghihintay sa labas. I was so furious while talking to my mom and sis on the phone that I constantly called SIL a demon even if hubby could hear it.  I told hubby to tell his sister to just leave the items and my mom will pick it up next week.he said he already called SIL and told him the items were already in their box and everything she said was a joke.  sa tingin nyo ba biro ang ganyang pananalita?  I confronted hubby and told him to stop covering up for SIL, I even said "kaya ganyan kademonyo yang kapatid mo dahil kinukunsinti nyo at di nyo kayang baliin sungay nya. pasalamat ka wala mommy ko dun dahil kung sakaling inatake si mommy dahil sa kanya ako mismo papatay sa demonyong kapatid mo".  hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa galit.  instead of apologizing to my family for what his sister did pinagtanggol pa kapatid nya.  I know I went over board pero sobrang galit ko talaga na pati pamilya ko binastos ni SIL.

sorry kung napahaba ang kwento.


I had an issue din with my 2 SIL before na feeling ko pinagtatakpan pa ng hubby ko at ako pa ang lumabas ng kontrabida.His mother had even been foul to my mom to the point na nagbanta na mga tita ko na pag my nangyari sa mom ko makikialam na sila.Pero Im a person lang talaga siguro na di maeffort in a way na if you dont like I dont like you either. I just let the time to find its way na masettle mga  hostility namin sa isat isa.Then time came I had a confrontation with one of my SIL.as in sagutan with slight high voice in between conversation.Pero we partways with a relieved hurt and anger.I guess.. At before sya umalis ng bahay ko sabi ko mas gusto kong nagsisigawan tayo at least naririnig natin both sides..Kesa yung silent treatment tayo pg nagkikita ;)

But of course if you can deliver a conversation with out yelling with each other mas better dba?kaso pag magkaiba talaga ng views di maiwasan ang tension..

MY bottom line here is open and honest communication with your SIL.and of course both must be open minded and share same goal.Ang masettle ang friction with each other at hindi para palakihin lang lalo ang away and prove whos tougher and whos righteous.

officebusters

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #81 on: January 04, 2011, 02:58:46 pm »
oh my! ako never p ko nasaktan ni hubby for 17 yrs n kasal kami. bakit pumapayag ka kasi na ginaganyan ka.? hindi na magbabago yan kung hahayaan mo til pagtanda nyo ganyan ka. if i were you iiwanan ko yan hindi enough na pakainin mo ko sa labas or bigyan ng pera pang shopping. hay naku kanya na lang pera nya.. sorry pero inis kasi ko sa mga ganyang lalake. ikaw make up your mind!

fegloria1954

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #82 on: January 04, 2011, 03:09:29 pm »
My husband and I have been married almost 35 years, during which we have experienced countless joys - as well as many difficulties – and I wondered if anyone else could really understand the downward spiral to misery that we were going through.  Fortunately for us, there were couples and priests who cared.  They presented a program to us, encouraging us to go on – and not just to endure, but to grow, together, as a couple.  And we thank them, as we continue to go through the road of forgiveness and healing.

Mommy Fe
« Last Edit: January 04, 2011, 06:38:49 pm by fegloria1954 »

mizizlim

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #83 on: January 04, 2011, 04:29:17 pm »
mga sis...need your opinions...

away kami ni hubby dahil sa pagpapautang.  lagi kasi syang puntahan ng utangeros at utangeras, pati mga freeloaders na kamag-anak (bitterness talaga o!).

anyway, meron kaming friend na lumapit sa amin recently, nanghihiram para naman sa medical treatment ng asawa nya.  sa akin naman, since nga para naman sa gamot, sabi ko ok lang.  pero wag naman yung full amount kasi medyo mabigat bigat.  60k kasi yung hinihiram.

sabi ko sa asawa ko, ang rule naman sa pagpapautang is ipahiram mo yun lang kaya nyong pakawalan na pera ng matagalan or yung tipong kahit di mabayaran e hindi mo naman iindahin.  e hello no, mabigat sa amin yung 60k considering sweldo namin, plus meron din kaming mga parating na gastos related sa work-up namin sa doctor.

ipinipilit ba naman nya na ipautang yung buong 60k.  e sabi ko sa kanya kahit kalahati na lang sana.  kasi nga may sarili din kaming stuff na kailangan paglaanan.  at sabi ko sa kanya pag binigay nya ang full amount magagalit talaga ako sa kanya.

ayun!  binigay pa din nya buo tapos maiintindihan ko naman daw kasi yun.  napikon talaga ako! 

hindi naman ako nagpapakaselfish kasi sabi ko naman tumulong kami e, pero syempre kinoconsider ko lang din yung mga sarili naming gastusin.

masama ba ako mga sis dahil nagagalit ako?!  kung kayo ba ang nasa lugar ko e ok lang yun?


evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #84 on: January 04, 2011, 04:55:16 pm »
^ ayaw ko mang gatungan ka pero magagalit din ako kung ako nasa sitwasyon nyo. conjugal money yan tapos nagdecide sya magisa na ibigay ang buong amount. tsk!

animal_lover

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #85 on: January 04, 2011, 05:54:34 pm »
^^i don't think you're being selfish at all, sis. You're actually being very reasonable and realistic. Ganun din kasi pananaw ko pagdating sa mga pautang. Magpahiram ka ng amount na di ikakasama ng loob mo if ever di mabayaran.

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #86 on: January 05, 2011, 12:46:53 pm »
hay nako, inis ako sa 2nd SIL ko ... yung perang pang-pa-vaccine sana ng anak e, ipina-utang lang sa kapatid. i asked kung bakit -- hindi sinasabi ni hubby, i assumed na kailangan ng parents yung pera, so ok lang. come new year, ako ang gumastos sa lahat, food, ng pang noche buena, walang iniabot si hubby, kasi nga 1k na lang daw pera niya, dahil napadala na niya yung 3k sa kapatid.

then yesterday, nabasa ko sa cp ni hubby, na kaya pala humihiram si SIL ng 3k, kasi na-short sila sa spa clinic nila. o di ba?  >:( 

itong asawa ko, binigay agad, without even asking me kung gaano ka-importante yung vaccine, hindi kami nagpa-bakuna kasi may fever si baby.  >:( >:( >:(

pie06

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #87 on: January 05, 2011, 05:34:21 pm »
^hay naku sis magagalit din ako sa hubby ko kung ganun na mas inuna pa yung pambayad sa pleasures kesa needs to think na para sa baby nyo dapat [textspeak!] pera para sa vaccine.    >:(

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #88 on: January 06, 2011, 01:54:05 pm »
^ you mean, nasa abroad siya, at lahat ng sweldo niya, sa credit card lang napupunta? 2 months na? ano work niya?

sana man lang nagbigay ng chocolate sa mom mo, gesture sa ina ng asawa niya. hindi naman siguro sobrang mahal ang isang pack ng chocolate.  :D

since si hubby mo ang gumamit sa pera na inutang ninyo sa cousin mo -- dapat siya din mismo ang nakikipag-usap, siguro naman, hindi maniningil ang cousin mo kung hindi niya ito kailangan. baka next time na kailanganin ninyo ng financial help, magdadalawang isip na sila magpahiram sa inyo sa ugali pa ng hubby mo. ano ba nationality ng hubby mo?

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #89 on: January 06, 2011, 02:10:51 pm »
^ ouch! grabe ha. euro ang pera niya! malaki ang palit non dito.  :)

my sister works in spain, may mga friends siyang spanish pero hindi naman sila mga "kuripot"   ::)

anyway, kausapin mo na lang cousin mo na habaan na lang pasensiya niya/nila, or better yet, hanap ka na muna ng "raket", while waiting for your ticket.

pie06

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #90 on: January 06, 2011, 02:26:00 pm »
sis amazingheart, kahit sabihin man ni hubby mo na wala ciang pambayad sa cousin mo dahil nagbabayad pa cia sa credit card nya pero kahit man lang [textspeak!] 20% ng utang nya sa cousin mo ay binayaran nya.  Although tama dun sa previous posts mo tama cia na malaki kasi ang interest pag di nya kagad yung credit card pero ano ba naman yung magtabi man lang cia ng kaunti para sa cousin mo.  Nakakahiya talaga yun sa cousin mo at tama ang isang sis natin dito na malamang di na cia or kayo pautangin ng cousin mo pag nangailangan ulit kayo ng pera.  Baka pati ibang kamag-anak nyo din rin kayo pautangin in the future kasi alam na nila yung nangyari sa isang kaanak nila.

About sa pasalubong like chocolates, naging tradition na kasi dito sa atin na magbigay ng pasalubong kahit chocolates man lang na siguro wala yun sa culture ng foreigner husband mo at di nya alam.  Inexplain mo na lang sana sa relatives and family mo.

pie06

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #91 on: January 06, 2011, 02:35:50 pm »
^ang ugali kasi nya sa wife ok pero sa kamag anak hindi. kinausap ko na cousin ko kaso yong asawa daw nya ang galit kasi nangako kasi si hubby na pagbalik nya babayaran kaya pinahiram ni cousin kung alam nga lang daw ng cousin ko na di nya mabayaran sana dina lang nya inabono. kaya ayun ako na ang nahihiya tapos puro nega na ang sinasabi sa aswa ko na walang kwenta kasi di marunong tumupad sa usapan. kaya problema ko eto ngayon. pag sinabi ko na naman sa hubby ko mag aaway na naman kami.

eto nga rumaraket ako ng online para naman may pambayad din ako ng net ko. kasi ayaw nya ako mag work kamusta naman pero di naman nagbibigay paano kaya yun kakainis talaga.

sis, kung ako nasa situation mo pagsabihan ko ulit si hubby about sa utang nya sa cousin mo kahit mag-away pa kayo.  Ireremind ko lang sa kanya na nagpromise siya at dapat nyang tuparin yun kasi me mga pangangailangan din naman yung family ng cousin mo na dapat din nilang bayaran.  Hay naku kung ayaw pa rin ng hubby mo kung ako yun tatakutin ko cia na kakasuhan ng estafa ng asawa ng cousin mo si hubby and me kakilala si cousin mo sa Immigration na pwede ciang ipablacklist dito sa Pinas... hahaha... baka sa takot ng hubby mo eh magbayad na cia   :P

pie06

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #92 on: January 06, 2011, 02:56:31 pm »
^naku sis nakakainis  >:(  naman pala yang hubby mo nilait pa ang pinas.  Aminin man natin na maganda ang Europe at based sa story ng mom ko na nakagpagtravel na dun not sure kung sa Spain or Italy yung nakwento nya na Mercedes Benz ang mga taxi sosyal!  Pero marami namang magagandang places dito sa Pinas na mapagmamalaki natin at I'm sure di pa napupuntahan ng hubby mo yun. 

chin66ay

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #93 on: January 26, 2011, 04:51:33 pm »
sis mommy_she, grabe mahilig pala ang hubby mo... advice lang sis, dapat di ka na naghalungkat... sabi nga diba, what you dont know wont hurt you. baka panlipas oras lang niya ang site na yun. now that you know, and no doubt that it's him kahit ideny niya pa, try to work it out. sa tingin mo bakit siya pumupunta sa forums na ganito? ano kaya ang magagawa mo?

sis amazingheart ang hirap talaga pag money pinag-aawayan. sana maayos na para di ka na manlamig kay hubby mo!

ako naman yung in laws ko palaging umuutang sa amin. and since panganay siya, laging nakaasa kapag may family problem... e naaapektuhan si hubby. di siya makatrabaho kapag may away mom and dad niya. mom niya bi polar, dad niya diabetic... parehong may episodes! hayyyyyy....

shekou

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #94 on: January 26, 2011, 11:10:42 pm »
hello sa mga sis :) post ko na dito problem ko need ko talagang ilabas ito i feel i'm gonna explode any moment.

here it goes...were just married recently, I know my hubby had a GF in between our relationship, di ko sya masisi kasi in our 7.5 yrs of being GF/BF almost 2 yrs  lang kaming nagkasama kasi pareho kaming nag abroad, in fairness sa kanya inamin nya naman sa akin... to cut the story short i forgive and forget what he had done kaya nga kami nakasal...
pero just tonight i saw a video of him together with his ex in their actual sexual intercourse i was really shocked and i don't know what to do... at this point back na si hubby sa abroad and doon din nakatira yung ex nya... my mind is really thinking bad and i need some opinion and in sight to what to do. were miles apart...

chin66ay

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #95 on: January 26, 2011, 11:25:29 pm »
sis shekou, para matahimik ang loob mo, you have to confront him. if you keep it to yourself, mapapraning ka lang, hindi makakatulog and mawawalan ng tiwala. di ka naman niya pakakasalan sis kung gusto pa niyang magloko. baka lumang video na yun. you know, some men kasi they have that fantasy e.

shekou

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #96 on: January 26, 2011, 11:33:49 pm »
sis chin66ay i already confronted him sabi nya past na yun... nasasaktan ako kasi sabi nya before once lang daw nila ginawa pero base sa nakita ko hindi ganun eh... and felt he betray me again...

aleng_maganda

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #97 on: January 27, 2011, 01:06:16 am »


 Grabe naman mga sis ang mga problema niyo, kung sa kin yan heart attack na ko. I came here to share my bwisit kay hubby. Pero reading all your post baka sabihin nyo loka loka ako sa sobrang kababawan ko. Kaya nevermind... Hindi ko kasi kaya mga ganyang kabigat na problema. Pero u can always ask God,s guidance. ;)

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #98 on: January 27, 2011, 08:53:29 am »
hello sa mga sis :) post ko na dito problem ko need ko talagang ilabas ito i feel i'm gonna explode any moment.

here it goes...were just married recently, I know my hubby had a GF in between our relationship, di ko sya masisi kasi in our 7.5 yrs of being GF/BF almost 2 yrs  lang kaming nagkasama kasi pareho kaming nag abroad, in fairness sa kanya inamin nya naman sa akin... to cut the story short i forgive and forget what he had done kaya nga kami nakasal...
pero just tonight i saw a video of him together with his ex in their actual sexual intercourse i was really shocked and i don't know what to do... at this point back na si hubby sa abroad and doon din nakatira yung ex nya... my mind is really thinking bad and i need some opinion and in sight to what to do. were miles apart...

curious lang ako sis, san mo nakita yung video? may date ba ito?

pretty_lexie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #99 on: January 27, 2011, 09:20:25 am »
Naku mga sis makikisali na nga me, my husband confronted me recently lang & ask me what my problem was. Since i gave birth kasi to my daughter never na  naging ok ang relationship namin iniwasan ko talaga sya though we used to live in same house since magkaiba ang sched namin hinde kami madalas magkita during weekends lang, sunday to be exact.

I told him that i knew he was having an affair with someonelse, ang mahirap tanggapin nag do sila & sort of nahawa yata si hubby sa girl though im not sure. One time kasi nabasa ko text ng husband ko sa friend niyang doctor na he was experiencing pain kapag naihi siya & inamin niya sa friend niya na nakalimutan niya daw magkapote.
He's friend gave him 2 medicine to drink & told him na wag makipag do sakin kasi baka mahawa me magulat nalang ako may ganun me. but during the confrontation my gAsssss idinedeny pah kamusta ka naman, never daw siya nakipag do sa iba. He was flirting daw yun daw hinde niya madedeny.

i just told him kapal ng face value niya, sinabi ko buong tinext niya at ng friend niya pati yung gamot na pinapainom sa kanya. Aba ang sabi lang eh sori & now he was acting as if nothings happened.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close