Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196054 times)

lilstar

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #40 on: December 19, 2010, 01:45:11 pm »
Thanks sis, yup we're living together na at may anak na din.. ang reason naman nya e kesa daw salubungin nya ang galit ko baka mag away kami lalo.. hayyysss..

Update lang sis, nag usap na kami, susubukan daw nyang di umalis pag may tampuhan kami.. nakakaloka.. >:(

StrawberryJammy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #41 on: December 19, 2010, 08:51:47 pm »
i understand how you feel, nakaka wala nng amor ang nilalayasanan palagi, you should warn him about that na hindi ka na natutuwa. childish act yun, mahilig sya umiwas sa problema, sabihin mo lang na hindi ba nya napapansin na mas lalong lumalala kapag lumalayas sya at hindi kayo naguusap?

goodluck sis, kelangan mo lang mapagsabihan yang hubby mo.

lilstar

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #42 on: December 20, 2010, 07:00:59 am »
^ thanks sis.. Yup kinausp ko sya. sabi ko if inulit nya pa yun, aalis na lang  kami ng anak ko. uuwi nako sa parents ko. :( sabi naman nya, wag na daw kami umalis, pipilitin nyang harapin ang galit ko at di umiwas.

sana nga mga sis.. Kakainis kasi kapag ganun, tapos pag uwi nya parang wala lang.. ako galit na galit pa din sya, kalmang kalma na.. hayyss..

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #43 on: December 20, 2010, 08:15:23 am »
I want to unload this, Im a first time mom- actually been 4months since i gave birth to a baby boy. Hubby and I were together for several years and ngayon lang dumating ang inaasam naming baby.

My problem is: My husband keeps on lying to me na mag oovertime work siya for our financial thing. Pero just recently nun thursday when i decided to go home sa bahay namin with my  mom, coz we're living separately from our in-laws, may bahay kami sarili at wala kami katulong kya ako nagdecide to go home sa bahay ng parents ko para di ako mahirapan mag-alga ng baby namin who is already 4 months old. Although few weeks na akong magisa sa bahay in day time till mga around 8pm-naalagaan ko mag isa ang  baby namin, dati kasi may kasama kmi yun anty ng husband ko, pero umalis since magpapasko, nagbakasyon. Kaya ako umuwi samin, di ko lam nun thursday na yun na pag uwi ko eh maninibago ang baby namin, di dumedede at iyak ng iyak, mahirp din patahanin at the same time patulugin, pero buti na lang at may duyan nuon, i texted him (my hubby) of what is goin on, i was expecting na mag aalala siya na di dumedede the whole day ang baby namin at susunduin niya kami after office hours niya, pero wala, i texted him around 10pm to pick us up, pero di pa daw tapos ang ginagawa niya. kaya i decided na duon n alang kami matulog at bukas na lang kami pasundo.  the following day, my husband sent a wrong text msg na wag daw siya itatag sa picture sa fb, duon ako naghinala na di Overtime work ang ginawa niya kundi party at nakipag inuman. kinonfront ko sia sa text, pero nun una dineny pa niya, siempre s agalit ko ninag ko siya ng kun ano...       tapus ako pa sinabihan niya na kun magpapsundo pa ba daw ako o aawayin ko lang siya, kaya sinabi ko bahala siya.  siguro natauhan kaya tumawag siya nun at humihingi na ng sorry. pero galit talaga ako kasi it was his 3rd  time to do that na magsinungaling sa akin dyan sa mga ka-opisina niyang puro babae at single na walang ginawa kundi ang gumimik dahil mas younger age sila na sinasamahan ng hubby ko, hubby ko lang din ang may car sa kanila kaya todo hatid sila after ng gimmik, di ko nimik hubby ko nuon, nagpakacivil ako  at nag uusap lang kami tungkol sa baby, pag may ibang tao kinakausap ko siya, pero pag wala di ko siya iniimik at binubungangaan ko talaga siya. di naman siya gaanu sumasagot.  Sa FB nakita ko pics nila, wala naman something fishy pero nainis talga ako sa comment nila na ng pagppasalamat dahil hinatid sila isa isa ng hubby ko. na sana kami ang sinundo dahil yun anak namin di nakadede ng matino. nagpost ako duon using my hubby's account nagpakilala akong wife, sa galit ko nsabi ko na sana di sa kanila gawin ng mga magiging husband sa mgiging anak nila yun ginawa ng husband ko sa amin ng anak ko, siempre sumagot yun isa sa knila, wag daw ako magsalita about karma thing dahil di naman daw nila pnilit husband ko na sumama at di din nman daw nila tinuruan magsinungaling husband ko. sinagot ko, sabi ko im wondering why niya ginagawa to ngayon samantalang dati di [textspeak!] niya nagagawa at worst 3 time in a row, nun una sabi ko pinalampas ko dahil ako lang, inunawa ko, second yun pregnant ako na di naging madali ang pagbubntis ko, ngayong may anak kami inulit niya para lang sa bday na yan or kun ano ano dine out. sabi ko pa, kun sa bagay masrap nga naman yun mag naghahatid. tpus sinabi ko din na di nila maiintindihan yun sitwasyon ko dahil di nila alam kun gaanu ka-overwhelming ang maging isang ina at asawa at the same time.  sabi ko, once is enough, twice is too much and thrice is idiocracy, and idiocracy should be stop, sabi ko, pinapalakas ko na lang loob ko dahil sa twing nakikita ko husband ko naiiyak ako sa galit at naiinis dahil sinungaling siya. dinagdag ko pa na di ako ang mawawalan ng pamilya at anak. wala pa naman sagot so far, pero di na ako magsasalita kun sakaling sumagot pa sila.

 di ko kasi matanggap ngayon na may anak na kami ginagawa pa din niya yun, i want him to teach a real hard lesson. i spoke with his mom and told what happened, sinabihan naman niya hubby ko,  kahit papaanu nabawasan loob ko. pero di na matanggal sa isip ko na minsan magduda kasi puro babae yun bakit di niya magawang tanggihan. tpus di man lang inisip nun mga yun na pamilyadong tao na yun niyaya nila, sana duon pa lang  naisip na nila. pero di ko naman kontrolado lahat ng bagay kaya di ko din alam... basta nasabi ko yun sama ng loob ko sa knila.

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #44 on: December 20, 2010, 08:59:39 am »
^ sabihan mo yung hubby mo na mag-set siya ng priorities niya. kung sino ba ang priority niya sa buhay, work, family or friends.

ok lang naman na lumabas paminsan-minsan, pero ang kainaman sa hubby mo e, ihatid pa sila sa mga bahay-bahay nila, this i don't really understand sa mga ibang "single" ladies -- bakit kailangan pang magpahatid kung pwede namang may baba-baan sila na pwede na silang mag-take ng taxi, jeep or bus para hindi naman istorbo sa "pamilyadong tao" na kasama nila. imagine mo naman kung ang gimik nila ay nasa QC tapos taga-valenzuela si hubby, tapos may uuwi ng cainta, ihahatid mo pa rin yun dahil nga sa pakikisama.


for hubby, may mga lalaki talagang ganito noh, nakaka-inis, andon na yung feeling na gusto mong secured yung mga kasama mo kaya hinahatid mo sila, pero yung security mo sa daan, beyond 1 am na nasa lansangan ka pa e, andon na ang lahat ng possible danger. nakaka-inis lang ikaw na housewife ang nag-a-alala, sa akin kasi, hangga't hindi kumpleto yung tao sa bahay, hindi ako mapalagay at hindi maka-tulog. lagi ko nga sinasabi kay hubby -- ang aso nga hinahanap para umuwi kapag gabi, ang tao pa kaya.

 

mistiqshannen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #45 on: December 20, 2010, 10:30:19 am »
@mae: sundan mo kaya yun FB post mo na. Buti hindi nyo pala sya pinipilit. Now you know that he has other responsibilities. Kaya wag nyo na sya ayain. at wag na kayo magpahatid isa isa. Kahit pilitin pa kayo ng hubby ko..

Mag usap nalang kayo ng hubby mo baka hanggang ngayon hindi pa nya nageget over yun pagiging binata nya. He should start deciding ano ba talaga ng gusto nya gumimik nalang habang buhay or asikasuhin ang pagiging ama nya. Its ok to go out pero pwede naman siguro magsabi sya diba. Baka kasi naman di mo rin pinapayagan. Alam mo sis aside sa dapat magset sya ng priorities ikaw din dapat magtiwala ka sa asawa mo kahit lahat ng kasama nya mga babae at single. You know your husband sa tagal nyo magkasama alam mo if he is capable of cheating. Its true na we get hurt pag nakikita natin our man goe sout with women diba kahit kamo wala naman pero dapat we also know to set our nagging limitation. Ok lang magalit if me dapat nga ba ikagalit.

Pag usapan nyo nalang yan. sabihin mo nalang s akanya if kaya naman nya magsabi papayagan mo naman pero syempre hindi sa lahat ng oras. kasi sabihin mo yun tiwala minsan mo lang sirain yan habang buhay mo na irerepair yan. kasehodang magpakaeffort ka yun lamat will always be there ready to be cut and open again. parealize mo sa kanya. and let him know how you feel.


lilstar

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #46 on: December 20, 2010, 10:36:47 am »
Sis sumakit ang dibdib ko sa case mo..

kausapin mo na lang sis ang hubby mo na wag na nya gawin ulit.
Tama lang ang ginawa mo sa FB.., kung ako din yun, di lang yun ang magagawa ko. Ewan ko ba kung bakit may mga babaeng alam na nga na may asawa na si lalaki e todo lapit at pahatid pa. Di man lang isipin na may pamilya na yung tao. Mga walang respeto.. grrr...

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #47 on: December 20, 2010, 12:43:09 pm »
Di ko n nasundan yun post, i had checked it just now, and di na makita yun post na yun, baka binura na nila... i wanted to use again status changer sa FB ng hubby ko and shout sarcastically na "masarap maging single- gimik dito, inom duon... lalo na pag isa isa tayo hinatid... knowing family man ay, single single-an pala!..."

pero medyo nag-uiusap na kmi ni hubby ngayon... kaso di pa din matanggal sa isip ko... =(

che2008

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #48 on: December 20, 2010, 01:48:09 pm »
Mga sis, normal bang layasan ako ni hubby everytime na may tampuhan kami? Lagi nyang ginagawa sakin yan, di sya uuwi ng 1 week. Kesa pag usapan namin ang problem, lagi syang di umuuwi. Pinapatagal nya ang problem.. Ginawa na nya sakin ito for 6 times.. Normal pa ba ito?


ganyan din asawa ko. everytime mag aaway kami umaalis siya o pag nasa labas siya hindi siya uuwi ng bahay doon siya sa kanila magpapalipas ng gabi... ganon din ang reason niya ayaw niya magsalubong ang galit namin hays talaga..

We are not yet married, planning stage pa lang, pero sa ginagawa nya nawawalan ako ng gana. Help mga sis. Parang gusto ko na din mag alsa balutan at babalik na lang kami ng anak ko sa parents ko.. hayyyyyysss TIA

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #49 on: December 20, 2010, 06:45:00 pm »
@mae18
nakakaimbyerna naman talaga yun mga single ladies na ganun noh! bakit gigimik kung di naman makauwi magisa? tsk!

kung ako sayo alam ko mahirap wag mo nalang nag husband mo, tutal pasko na palagpasin mo nalang, sana walang fishy na nangyayari. malay natin harmless lang paghatid nya at nagsinungaling sya kasi alam nyang magagalit ka talaga. anyway yun nga wag mo nalang nag kasi baka lalo magtrigger ng pag-gimik nya. sabihan mo nalang na sana next time sabihan ka at he knows his priorities. sabihin mo to sa malambing na way. reverse psychology ba hehe.

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #50 on: December 21, 2010, 01:56:10 am »
^ hi sis musta na kayo hubby mo? ok na ba kayo

kami eto pasensya na lang ginagawa ko habang malayo pa sya, minsan lang naiinis ako sa pagiging kuripot nya di sya marunong mag share magpapasko pa naman wala man lang kahit anong bigay hayyy buhay :(
sis atleast husband mo mukhang ikaw or family nyo priority. ano pinagkukuriputan nya ngayon? hehe kuha ka nalang source of income mo and gawa ka secret account para kapag gusto mo gumastos meron ka mahuhugot....

ganyan din husband ko sa pagkakuripot sa akin, nakakainis kapag bibili ako gamit ng baby namin nagagalit sya kesyo magastos daw ako bakit kelangan pa mamahalin blah blah (pera ko naman ginagamit ko pambili!!!), pero kapag dating sa pamilya nya bigay agad (sa conjugal fund namin sya kumukuha!!). ewan ko ba. basta ayoko na lang palakihin... minsan gusto ko inag ng inag na dapat ang priority na nya kaming family nya eh... kaya lang nakakatamad na din.. gusto ko nga magrelocate kami sa malayo para talagang matutukan namin marriage namin pero ayaw nya..

at naku ay naku iniignore ko nalang mga pahaging nya about sa mga plans nya samin financially at kung saan titira, i already told him what i want pero di nya gusto. and gumawa ako ng secret account ko, nakuha ko kasi half ng maternity benefit ko.

naiimbyerna lang ako kasi pilit nyang gusto kaming tumira sakanila, which overcrowded na, may kahati pa kami sa kwarto, kahit sabihin ng MIL ko na sa sala nalang sila matutulog kasi kulang sa room at ayos lang sakanila, diba??? nakakahiya plus hindi okay yung environment for a newborn baby. ewan ko ba kung kelan magiging independent ang husband ko sa nanay nya.

mali ba ko??? na tumanggi na sakanila tumira? kapag dito kasi samin lagi wala tao, solo pa namin yung isang room, magbibigay lang kami sa rent, utilities, groceries ng 5k monthly. pwede na diba? may taga luto pa kami! internet etc...

naiirita kasi sya lately sa mother ko eh. o well thats another story. hirap pala talaga pag nagasawa noh. pati pamilya nya eh pinakasalan mo din so makikisama ka talaga.
« Last Edit: December 21, 2010, 02:32:11 am by jesrora »

mistiqshannen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #51 on: December 21, 2010, 12:23:08 pm »
@jesrora: That is why i dont like living with in laws. Ok lang if ang babae titira sa parents nya with the guy kasi mostly quote and quote ang lalake hindi naman lahat e madaling kausap. hindi masyado nagpapalaki ng issue.

unlike kapag ikaw nasa bahay nila naku ewan hehe

ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #52 on: December 21, 2010, 12:46:06 pm »
^ korek ka jan sis!

for me, much better na tumira na lang sa mismong house ng parents kesa sa mga in-laws, mahirap na lalo na kung may mga kapatid pa siya. hindi malayong magkaroon ng clash.

for me, since may house kami [although rent lang] ang gusto ng in-laws ko dati, doon ako sa kanila manganak, panay ang pilit sa akin ng in-laws, kasi nga gusto ng MIL ko na siya ang unang mag-a-alaga sa anak ko, BUT hindi ako komportable sa MIL ko, kasi ayoko yung ways nila, at naman, may magulang naman ako na mag-a-alaga sa akin.

e pati din si hubby, kung ano gusto ng ina, e yun din ang susundin, e sobrang tigas ng ulo ko, ayoko. sabi ko sa kanya, "uuwi ako sa ina ko, at alam kong mas maaalagahan ako ng ina ko." then sabi ko din kay hubby --- sa mga kapatid mo, kapag nanganganak sila, sino ang una nilang tinatawag -- nanay ba ng asawa nila? syempre, hindi, mismong nanay nila." -- atleast naintindihan naman ni hubby yung punto ko. at syempre, alam mo din na ma-a-alagahan yung anak mo ng mabuti, dahil mabuti ang pag-a-alaga nila sa yo.

at sa financial naman, kung wala ka man pera, hindi mo na kailangang mahiya na humingi/humiram sa magulang mo.

mistiqshannen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #53 on: December 21, 2010, 01:07:48 pm »
tsaka minsan if iba ang ways ng MIL tapos iba sayo. Minsan namimisinterpret.
Kaya lalo nagkakaroon ng gulo. Best padin talaga bumukod, second option tumira you the girl's parents

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #54 on: December 21, 2010, 09:44:01 pm »
Sis sumakit ang dibdib ko sa case mo..

kausapin mo na lang sis ang hubby mo na wag na nya gawin ulit.
Tama lang ang ginawa mo sa FB.., kung ako din yun, di lang yun ang magagawa ko. Ewan ko ba kung bakit may mga babaeng alam na nga na may asawa na si lalaki e todo lapit at pahatid pa. Di man lang isipin na may pamilya na yung tao. Mga walang respeto.. grrr...

Oo nga eh, kakainis talaga ng sobra, ngayon sa twing nakakausap ko hubby ko galit ako lage, panu lage ko naalala yun pangloloko niya.

Plano ko nga sanang isa isang i-message yun mga babaitang yun, kaso baka naman magmukha na akong walng breeding... tska baka isipin tamang hinala ako.. mabuti na lang medyo napagtimpian ko pa...

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #55 on: December 21, 2010, 09:48:49 pm »
@mae18
nakakaimbyerna naman talaga yun mga single ladies na ganun noh! bakit gigimik kung di naman makauwi magisa? tsk!

kung ako sayo alam ko mahirap wag mo nalang nag husband mo, tutal pasko na palagpasin mo nalang, sana walang fishy na nangyayari. malay natin harmless lang paghatid nya at nagsinungaling sya kasi alam nyang magagalit ka talaga. anyway yun nga wag mo nalang nag kasi baka lalo magtrigger ng pag-gimik nya. sabihan mo nalang na sana next time sabihan ka at he knows his priorities. sabihin mo to sa malambing na way. reverse psychology ba hehe.

oo nga, nakakabwisit talga! naku sis, hirap naman na di magna-nag ang isang babae... kaya ko yun siguro for a few seconds, pero kasi naman, lam mo yun, twing io-open up niya yun tungkol sa opisina niya talgang naiimbyerna ako... end of contract na dapat siya duon nun dec 20, tapus may offer sa knya yun dating company na mas malaking company pero di niya pinapansin, eh yun direct hiring itong work niya kun san pumirma na naman siya ng kontrata niya agency lang and contractual.. sabi ko di ko lam kun ano meron dyan sa opisina mo kun bakit di mo maiwan iwan, eh ang unang plano namin was 1 year lang siya sa company na to taps lilipad na siya to singapore, o di kaya mag-aapply sa technohub kaso  nag enjoy yata ang mokong sa kumpanya niyang to, kaya ngayon nagpirma na naman ng kontrata.                                                                                ang nakkapikon, paiba iba siya, lapit na tuloy ako magduda.  >:(

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #56 on: December 22, 2010, 12:02:55 am »
@jesrora: That is why i dont like living with in laws. Ok lang if ang babae titira sa parents nya with the guy kasi mostly quote and quote ang lalake hindi naman lahat e madaling kausap. hindi masyado nagpapalaki ng issue.

unlike kapag ikaw nasa bahay nila naku ewan hehe

so true!!! di naman sya inaapi dito sa bahay, minsan lang kasi my mom thinks na super tamad si husband or walang pakielam sa paligid, like if maghuhugas sya ng dishes, yung dishes lang nya huhugasan nya. or if he's from work, makita nya si mom sa living room, diretso sya akyat sa room namin. diba??? parang disrespect, kami kasi pinalaki na laging nag-greet ng goodmorning, goodevening eh. kaya nanibago mom ko medyo biniro nya na pasarcastic "ikaw naman andyan ka na pala di ka man lang bumati birthday mo pa naman di tuloy kita nabati". at yung husband ko lagi sya nagluluto ng own food nya.  :( minsan nakakalungkot kasi ako di ako marunong magluto so i tell my mom buy ka ng ganito kasi fave ni husband nyan tapos paluto ng ganito kasi gusto ni husband ganitong luto. si husband naman hindi nya kakainin, tapos magluluto sya canned goods or processed meat. sa bahay kasi nila ganun sya, iba lagi pagkain sa niluluto ng mom nya. laging fastfood or bili sa kanto, bbq or whatever. im thinking kaya gusto nya sakanila nakakagalaw sya ng kahit anong gusto nya. ako din naman kaya ko gusto samin nakakagalaw ako ng kahit anong gusto ko.

tsaka minsan if iba ang ways ng MIL tapos iba sayo. Minsan namimisinterpret.
Kaya lalo nagkakaroon ng gulo. Best padin talaga bumukod, second option tumira you the girl's parents

^ korek ka jan sis!

for me, much better na tumira na lang sa mismong house ng parents kesa sa mga in-laws, mahirap na lalo na kung may mga kapatid pa siya. hindi malayong magkaroon ng clash.

for me, since may house kami [although rent lang] ang gusto ng in-laws ko dati, doon ako sa kanila manganak, panay ang pilit sa akin ng in-laws, kasi nga gusto ng MIL ko na siya ang unang mag-a-alaga sa anak ko, BUT hindi ako komportable sa MIL ko, kasi ayoko yung ways nila, at naman, may magulang naman ako na mag-a-alaga sa akin.

e pati din si hubby, kung ano gusto ng ina, e yun din ang susundin, e sobrang tigas ng ulo ko, ayoko. sabi ko sa kanya, "uuwi ako sa ina ko, at alam kong mas maaalagahan ako ng ina ko." then sabi ko din kay hubby --- sa mga kapatid mo, kapag nanganganak sila, sino ang una nilang tinatawag -- nanay ba ng asawa nila? syempre, hindi, mismong nanay nila." -- atleast naintindihan naman ni hubby yung punto ko. at syempre, alam mo din na ma-a-alagahan yung anak mo ng mabuti, dahil mabuti ang pag-a-alaga nila sa yo.

at sa financial naman, kung wala ka man pera, hindi mo na kailangang mahiya na humingi/humiram sa magulang mo.

sobrang totoo! alam nyo ba this weekend nagovernight kami dun, tapos bumili nga si SIL ng sterilizer for me so excited ako, then when husband saw it (yun kaldero na sterilizer kasi gusto ko i-buy eh yung electric one kasi makakalimutin ako and di ako magsstop sa work so mas convenient para sa akin yun plus masmahal ang gas kaysa kuryente!) tingin sya sakin tapos tumawa, ako naman di nagpahalata na im disappointed kasi respect din. tapos biniro nya mom nya "mama ano ka ba di pwede bottles na binili nya dito kasi mamahalin yun 1k 3bottles. hello! BPA free kaya yun, pinakamura na nga binili ko na pwede din for breastfeeding eh. tapos nacommentan tuloy ako na maluho or something. eh its for my baby naman. and it was my money na pinaggastos ko! then ask sila if i have enough bottles na kasi may nabibili daw dyan na mura sabi ko okay na muna ako dun sa 4 bottles kasi im planning to breastfeed, if i need more il buy nalang as needed. sabi ba naman mahirap magbreastfeed kesyo il be working yung isang apo nila (sa pinsan ni husband, sila kasi nagpapalaki at nagsusupport dun financially dahil unemployed ang cousin ni husband and separated) napalaki naman nila sa formula. blah blah. and sa pagpapaligo sya muna daw magpapaligo pagkagaling hospital, kesyo si other apo sa dibdib pa natutulog nuon, kasi di naman marunong si cousin magalaga. i mean, okay lang, i really appreciate na gusto nila maghelp sakin while i'm healing pero i also want to do those first time stuffs diba, and if magpapatulong ako mas gusto ko yung mother ko. kasi mascomfortable ako sa mom ko. hindi maintindihan ni husband yun. til now pinipilit ako na sa maternity leave ko dun kami sakanila, masikip na mainit pa maalikabok pa!  >:( >:( >:( dami pang tao! >:( >:(

kung meron talagang funds gusto ko bumukod, si husband ayaw. pwede naman daw sakanila! libre pa daw. grrrrr. feeling ko ayaw nya lang magshare sa household namin ng 5k monthly kasi naiinis sya sa mom ko. (kasama na dun lahat ha! utilities + groceries + own room + internet diba sulit na yun? 4 naman kami makikitira samin ako, baby, sya, dog ko)

im so torn!

and sa mom ko i can borrow her money anytime, one time nga when i was on LOA nitong pregnancy ko so no pay, sya nagbayad ng credit cards ko, tapos binigyan pa nya ko allowance pag balik ko ulit sa work.

now i plan na pagkapanganak ko i won't take the money nalang na inoffer nila na itulong samin, kasi may work naman si husband may enough money na kami kapag normal delivery (kapag na CS i plan na magloan nalang or use credit card) kasi gusto ko yung wala masabi sakin ang inlaws or mom ko. kasi this is our responsibility eh. so di ko dapat pasa sa iba. hindi ba parang magiging rude yun? na tatanggihan ko help nila financially?

sorry napahaba sa kwento, naiinis lang talaga ako sa mga nangyari this weekend!!

oo nga, nakakabwisit talga! naku sis, hirap naman na di magna-nag ang isang babae... kaya ko yun siguro for a few seconds, pero kasi naman, lam mo yun, twing io-open up niya yun tungkol sa opisina niya talgang naiimbyerna ako... end of contract na dapat siya duon nun dec 20, tapus may offer sa knya yun dating company na mas malaking company pero di niya pinapansin, eh yun direct hiring itong work niya kun san pumirma na naman siya ng kontrata niya agency lang and contractual.. sabi ko di ko lam kun ano meron dyan sa opisina mo kun bakit di mo maiwan iwan, eh ang unang plano namin was 1 year lang siya sa company na to taps lilipad na siya to singapore, o di kaya mag-aapply sa technohub kaso  nag enjoy yata ang mokong sa kumpanya niyang to, kaya ngayon nagpirma na naman ng kontrata.                                                                                ang nakkapikon, paiba iba siya, lapit na tuloy ako magduda.  >:(

ano bang sabi ng husband mo whats his reason na pumirma again ng contract if masmaganda offer nung isang company? maybe hindi sya stressed sa company nya ngayon? important din kasi sakanila yun eh. and syempre siguro work environment. wag ka nalang magduda sis, kung hindi kaya... bantayan mo pero wag mo pahalata.  ;D

mahirap talaga wag mag nag. ako kapag gusto ko na talaga magnag ginagawa ko nalang umaalis ng room or keep myself busy. kasi naexperience ko na nung nagging nagger ako eh lalo nabaling atensyon nya sa iba. pero syempre di ko rin pinapalagpas yung mga bagay na mali or ayaw ko. i tell him ayaw ko nito. but not paulit ulit. and i try not to make sumbat or ungkat of the past. dati ganun ako eh. ngayon narealize ko its bad na.

hay ngayon holidays nga din napapadalas ang nightouts and inuman ng husband ko with his single friends, kabwunan ko pa ha! so di ka nagiisa, pero ang kaibahan natin wala syang car so he can't make hatid and i think he won't do that.  hindi sya ganun kagentleman, and kung ginawa nya yun paikutin ko buntot nya! swerte naman ng mga kaibigan nya gigimik tapos papahatid... ano asawa ko bus driver???

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #57 on: December 22, 2010, 12:05:08 am »
ang haba pala ng replies ko. sorry po  ;D

StrawberryJammy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #58 on: December 22, 2010, 08:27:13 pm »
this is getting really frustrating! my hubby is always sick! napaka sakitin nya! ang daming naapektuhan kapag umaatake kung ano anong sakit! kapag sumakit na ulo nya wala na! bed ridden na at hindi na makakilos! i'm really frustrated because i'm pregnant and he's suppose to take care of me lalo na ngayon malapit na due date ko ang dami kong nararamdaman! pag masakit ang tyan ko at pati sya masakit ang ulo wala na kaming natatapos! how can he take care of me and the baby if he's always getting sick! he refuses to get help from me or the doctor! nanggigigil na ko kasi araw araw nalang laging masakit! naiiyak ako sa galit na bakit naman ganon! kung hindi naman ako buntis hindi naman magrereklamo! kaso nahihirapan na din ako lalo pa nakikita ko syang lagi nalang nakahiga sa sakit ng ulo! nasasaktan ako dahil hindi ko na alam nangyayari sa kanya! sinasabi ko sa kanya na mag pa check na kami dahil baka bigla nalang syang mamatay na dahil hindi na normal yung araw araw masakit! baka may tumor na sya but he refuses! I'm angry and tired and hopeless na hahayaan nyang tulungan ko sya! nagrereklamo syang masakit pero ayaw nya ng tulong! i don't know what's wrong with him! i'm so angry talaga!!! ahhhhhhhhh!!!

 >:( >:( >:( >:( >:( >:(

animal_lover

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #59 on: December 22, 2010, 09:33:13 pm »
^uuy relax ka lang sis. Breathe in, breathe out. Again. Hehe. Baka manganak ka ng wala sa oras nyan. Bat daw ayaw nya pacheck up? Si hubby ko naman complete opposite. Konting discomfort ko lang gusto padoctor na agad. I gave birth via CS kasi last June and naging hypertensive din ako kaya mashadong praning si hubby. Anyway sis, convince mo talaga si hubby magpadoctor. Sabihan mong hindi advisable sa condition mo to worry.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close