Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196019 times)

babypowder99

  • Guest
Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« on: December 02, 2010, 05:26:26 pm »
Marriage counselor anyone here? :D this is your chance to master your profession lol! btw: anyone here can contribute give advices and support.

since wala ako nakikita support group dito. kaya dito na natin e-discuss lahat ng common problem issues complaints etc.. at sana may in house marriage counselor na din na mag volunteer or somehow magaling lang talaga magbigay ng personal advice.  :)

newly wed here. so far wala pa naman ako ma e- share na problems , issues and complaints hehe...

post away mga sissies...  ;)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #1 on: December 03, 2010, 05:33:22 pm »
^sis, nagpost ka rin sa kerygma family! =)

Bakit di mo na lang derechuhin si cousin? You can tell her na ikaw mismo nahihirapan din, and sobrang nahihiya ka sa kanya kaso wala kang magawa... hindi ka nagwowork ngayon sis? hindi ka ba pwede manghiram sa immediate family mo?

Medyo kakaiba si hubby mo, pero ayaw ko na magcomment dun...

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #2 on: December 04, 2010, 08:53:12 pm »
amazingheart siguro dapat sabihin mo kay cousin na madedelay ang payment, and then make sure na this never happens again para di ka magigipit na.

maybe iniisip ng husband mo masmahirap mabaon sa credit card kaysa sa kamaganak ng asawa nya kasi sa credit card may interest tapos cumulative pa yun per month so napakabilis nun magaccumulate if magmiminimum lang sya plus interest. iniisip din nya siguro mangyayari in the long run, yung lang nagsuffer ang relationship nya sayo. basta tell him how you feel then palagpasin mo na. mukhang babayaran naman ni hubby mo sa end of the month ang cousin mo?

-------

ako ngayon ang problem ko, dahil stressful living w/ my mom dito sa bahay (badtrip sya sa relatives ni husband, yung sister ni husband nagpabraces sa mom ko nung May, 1/4 palang ng balance nababayaran, eh ang usapan noon magmomonthly installment, ngayon naman usapan 3 installments remaining balance wala natupad and nagigipit ang mom ko sa mga supplier nya ng brackets so minsan sa akin nababaling yung pagkabadtrip nagpaparinig na bubukod na sya, iiwan na lang nya kami magrent sa house pagka panganak ko, na lagi nalang sya gumagawa ng chores nagwowork din naman sya blah blah) eh sa sobrang badtrip ko at pagod nung isang araw medyo nagvent out ako kay husband. ang suggestion ba naman eh magstay nalang kami dun sakanila, papaalisin daw nya kuya nya sa room nila tapos gagawin nya room namin ng baby (im going to give birth on january) thing is ayoko dun, kung bubukod kami, gusto ko yung kami lang, siya pilit na gusto sumiksik sa house nila. eh ayoko nga dun dahil una nautangan kami na wala nang bayaran ng family nya. kapag nagstay kami dun laging masisilip ang pera. then di ako comfortable ng may ibang lalaki sa bahay kasi lumaki ako ng walang dad, and all girls kami sa house, tapos may sister syang mataray na hindi nya kinakausap, mahirap din kumuha ng food dun kasi baka kay sister na mataray makain mo yari ka, tapos ayun so i told him ayoko pero sinabi ko in a subtle way yun mga reason why (except dun sa utang nababadtrip sya kapag nabbring up utang ng family nya pero isa yun sa main reason why ayoko dahil ako lumaki sa family na hindi kami naguutangan na magrelatives) ayun sabi basta sa 2 months maternity leave mo dun tayo pagkapanganak mo, nagstay ako dito sainyo samin naman, tapos umiiyak na ko kasi frustrated na ko aba umalis lang pumasok office sabi ko wag na muna pagusapan madami pa pwede magbago ayaw pa din makinig. mga sis gusto ko nalang humiwalay. minsan nadedepress akong sobra na sana di nalang ako nagpakasal kasi buntis ako.  :-[ :-[

luxurious

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #3 on: December 08, 2010, 08:39:03 am »
hmm.. naku sis mahirap nga yang may conflict sa family..
sa akin naman, ask ko lang yung mga hubby nyo ba they give their payroll atm sa inyo? hehe. just wondering.. para may idea ako. pero dba dapat ganun? hayy.. yung kasi ang concern ko. Gutso ko ako magbudget ng money.

honey_iya

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #4 on: December 08, 2010, 09:25:28 am »
^Sa amin,si hubby parin may hawak ng ATM niya pero pinapakita naman niya yung receipt and payslip niya at binibigay niya lahat. allowance nalang binibigay ko sa kanya. sabi ko nga ako nalang may hawak kasi ganun din naman,sabi niya siya nalang daw para naman kahit 1 hour lang maranasan niya na may laman ang wallet niya hahaha ;D

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #5 on: December 08, 2010, 09:55:11 am »
@luxurious - sa case ko, nasa kanya atm nya. di ko nasisilip payslip nya at di ko alam how much sahod nya. nakakainis na nakakaoffend minsan pero mukhang wala ako magagawa kasi ayaw nya ibigay so pinapalagpas ko na lang. wag ko lang malalaman na may iba syang pinagkakagastusan or else itatarak ko sa lalamunan nya ang atm nya..  ;)

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #6 on: December 08, 2010, 11:05:45 am »
hmm.. naku sis mahirap nga yang may conflict sa family..
sa akin naman, ask ko lang yung mga hubby nyo ba they give their payroll atm sa inyo? hehe. just wondering.. para may idea ako. pero dba dapat ganun? hayy.. yung kasi ang concern ko. Gutso ko ako magbudget ng money.

yes! binigay nya ATM pati pin pero binalik ko kasi kawawa naman hehe. wala na nga laman wallet kukunin ko pa pinaghirapan nya pero surrender nya 70% ng sweldo nya and ang usapan 30% ng payroll nya sa kanya kahit ano trip nya gawin dun, pamigay, panginom, pambili ng whey protein, lagi naman nya bigay receipt ng atm (yung may balance before and after withdrawal) kahit di ko hinihingi.



showermist

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #7 on: December 08, 2010, 02:03:15 pm »
hmm.. naku sis mahirap nga yang may conflict sa family..
sa akin naman, ask ko lang yung mga hubby nyo ba they give their payroll atm sa inyo? hehe. just wondering.. para may idea ako. pero dba dapat ganun? hayy.. yung kasi ang concern ko. Gutso ko ako magbudget ng money.

naku sis, that's not always the case. lucky you if bibigay sa iyo ni mister ang payrol atm nya. 

showermist

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #8 on: December 08, 2010, 02:11:47 pm »
amazingheart,
try to understand your hubby too.  for sure sobra na syang napi-pressure at nai-stress sa credit card debt nya.  tama yung isang sis na mas mabigat pag di agad nabayaran yung utang sa credit card.

yung utang sa pinsan mo, pwede mo syang kausapin.  sabi mo nga immediate family mo na sya di ba, tell her na nagiging cause na yun ng bout nyo ng asawa nyo.  ng sobrang aga ninyong away--maygawd!  wala pa akyong isang buwang kasal?!  siguro naman maiintindihan ng pinsan mo yun.

lesson learned na rin ito sa iyo. don't be toooooo financially dependent sa husband mo.  be financially independent. and start as soon as possible.  para kung sakali mang mangyari ulet ang ganito, at least hindi ka na aasa sa kanya financially. 

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #9 on: December 08, 2010, 02:33:09 pm »
pagdating talaga sa pera at pangungutang isa to sa pinaguugatan ng away at hiwalayan. i came from a broken family. it was because of money and gambling naman. kung maiiwasan wag nalang mangutang sa relatives or tao. ang hirap maningil, nakakahiya din magipit tapos hindi makabayad on time. hay buhay sana umuulan nalang ng pera para wala nang away magasawa hehe.

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #10 on: December 08, 2010, 11:49:02 pm »
tama sis, i feel for you. ako din kapag yun utang ng kamag anak nya sakin at sa mama ko napaguusapan nanlalamig asawa ko sakin. parang nakakainis tuloy kasi pera lang naaapektuhan pakikitungo namin sa isa't isa. ngayon pa buntis ako minsan gusto ko magopen up sakanya, hindi ko magawa, kasi badtrip sya kasi gusto ko singilin ang relatives nya. anyway, ok lang yan sis, para sainyo din siguro iniisip ng asawa mo in the long run.

mahaba pa lalakbayin natin, ganun talaga kapag nagasawa, ang pera mo, pera nya, ang utang nya, utang mo na rin. unless may prenup kayo. hehe. minsan ako rin napapaisip ano ba itong pinasok ko. haha. pero papatunayan ko sa lahat na tama desisyon ko kahit mahirap.

mistiqshannen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #11 on: December 10, 2010, 04:52:42 pm »
@amazingheart: I suggest na kausapin mo ang pinsan mo about yun utang. If sure ka naman na babayaran ng asawa mo yun by end of month explain mo nalang na medyo nagipit wag mo na open yun credit card details. Para hindi rin magalit yun cousin mo sa asawa mo lalo lang kayo magkakaroon ng gap between you and your husband. Mahirap kasi sis if sisisraan mo yun asawa mo sa pamilya mo mahirap ibalik yun impression later kapag ok na. Asawa mo na sya dapat sa kanya ka kumakampi. Pero dapat nakapag usap na kayo na sure sya para hindi ka rin masira sa cousin mo.

Ngayon about that credit card malaki kasi ang interest talaga. Wag mo na sisihin yun flight nya me mababago ba? Gumawa nalang kayo ng paraan. Para din maayos at makasunod ka na din. Bago palang kayo pera na yun pinag aawayan nyo. Wag ganun..

@jesrora: sis natuloy pala yun asawa mo tumira sa inyo.
Isa lang masasabi ko. Hindi matatapos yan issue nyo dalawa hanggat di kayo nagbubukod na solo. If kaya nyo magsolo na kayo. Dapat sinasabi mo din yun concern mo sa asawa mo at dapat din nagpag uusapan nyo yan. At dapat si hubby open minded din hindi yun hala me nasabi ka na worries mo sa pamilya nya e galit na agad. Isipin nyo magkakanak na kayo. Hindi pwede isa lang masunod. Meet halfway. Mag usap kayo ano best. Ilatag nyo mga cons and pros tapos magdecide. Wag nyo na idamay yun mga pamilya nyo sa problema nyo lalo kasi gugulo. Yun about braces wag ikaw ang kumausap dun sa kapatid nya. Yun hubby mo pakausapin mo. explain mo nalang sa hubby mo na gipit din kasi mama mo. Baka magawan ng paraan.

About ATM naman bago kasi kami kinasal nasettle na yun mga issue na ganyan. Kasi dapat malinaw sa inyo dalawa at sa pamilya nyo ang stand nyo sa mga bagay bagay like.
1. Pera- sino ba maghahawak? Kami kasi joint kami. Walang pakialaman if sino malaki sweldo sa sino maliit. Bats tulungan kami. We open an account. Savings will go there. All expenses will be sum up and both kami magshare dun. Kahit sino pa samin mas malaki share we dont care. Ngayon hindi ko hawak ang ATM nya minsan nga pati ATM ko napupunta sakanya kasi sya ang toka sa mga bills payments. Nakalista na yun babayaran nya per month. Yun matitira diretso nya deposit sa joint account namin. Tapos yun pang grocery at palengke sakin naman. Then allowance na kami both.

2. Saan titira... Napag usapan din namin yan. nasabi ko at nasabi nya mga concerns kaya we decide we buy a house on our own. Nun una nagrent lang din kami ng room. wala kami pa problema.. Buti din kahit my mom and dad and sister stays with us na wala naman problem. Kasi mom at dad ko nag aalaga ng baby namin now. we just get a maid for household chores naman.

at kung ano ano pa mga concerns like pano palalakihin ang bata, pano didisiplinahin, religion, set up sa family if nagsusustento pa (sa case namin wala na), etc etc

jesrora

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #12 on: December 11, 2010, 03:57:27 am »
@mistiqshannen
naku di pa din, dito lang sya stay kapag may pasok sya kasi masmalapit sa work nya (so kapag may pasok ako at sya off magisa pa din ako pumapasok :( ), kapag wala syang pasok umuuwi sya sakanila. kaya masama loob ko ngayon third trimester ko lagi sya napapadalas umuwi sakanila. parang nababadtrip sya sakin madalas simula nung usapang pera. tapos namili ako ng gamit for baby gamit yung 13th month pay ko, eh ang gusto nya lahat ng pera pangipon para sa panganganak ko. parang hello? saan mo patutulugin anak mo? sa kutson??? oh well.

hinga nalang ako malalim. iniisip ko nalang malalagpasan din namin to. sad thing is kakaiba sya ngayon, and may woman's instinct na nagnanag sa utak ko na parang may mali. (makita mo sa thread ko dun sa we've got male) anyway sa usapang pera totoo, yung mom ko naprepressure na ko sa pilit nyang pagsabi na bumukod kami. oo gusto ko naman yun eh, kung kaya lang. si husband di pa permanent sa work, so ayaw nya bumukod, gusto nya sakanila kami stay, which wala kami sarili kwarto. sa bahay naman namin maluwag kasi wala naman tao. pero gusto ko talaga bumukod. siguro pagkapanganak ko at pagkaregular na sya sa trabaho. yun ay kung di nya ko iiwan.

@amazingheart
kamusta na kayo? malamig pa din ba? sana okay na kayo. basta minsan kapag financial issues as long na para sayo or sainyo palagpasin mo nalang. wag mo ko tularan nagiging nagger. ang hirap talaga ng bagong kasal, minsan ako naiisip ko parang sino ba to? eto ba yun taong pinakasalan ko? parang impostor ata? pero nevertheless mahal na mahal ko pa rin yun.


buggerbabe

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #13 on: December 13, 2010, 02:01:56 am »
Hello sisterettes.

Me too, married and base here in singapore. It was so hard for me kase I dont have relatives and friends here to voice out my marriage dilemas. As far as money is concern, he's salary goes to me. He has his own account but he trasferred he entired salary to me. He will only get 9% as his monthly allowance. Yes that's just 9%.

However, the only issue I have with him is that I felt na he gave more importance sa family nya kesa sa amin. Ako kase when I decided to get married, I focused sa kanya and I made him my priority on top of everything - carreer, family & friends. Pero sa kanya parang mas priority nya talaga ang family above me. Isang text lang ng family nya, aligaga sya. I told him already na learn to say no but still ganun pa rin sya. It's becoming so frustrating.

I want to runaway and escape from this marriage. We don't have child yet at we are just 2 years married. I am a product of a broken family and so as he but I felt that ubos na ang patience ko. It was so hard because I am away to my family & friends that's why I want to escape and runaway. There are times pag nagaaway kami at matutulog kami separately, I prayed na I'll die in sleep na kase di ko na kaya. Madaming beses that I did that and God forgive me for praying that. Right now, we are sleeping separately again & I really eat a lot sa dinner ko sa that i will happen. I even write a letter to my family to forgive me.

Sigh


bravo86

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #14 on: December 13, 2010, 02:38:33 am »
^2 yrs? no kids? aba, dapat parang nasa honeymoon stage pa lang kayo ah.
parang kulang lang sa masinsinang pag-uusap problem mo sis. di katulad ng iba dito na nagbabatuhan na ng plato at kaldero.

but i suggest na you better put it in writing. write him a very looooooooooong love letter.
mas mabuti yon, solo mo, lahat masabi mo, di hahantong sa argument, walang taasan ng boses, walang pag-aasim ng mukha.

konting gusot pa lang yan sis, wag nang palakihin. sige ka, sa tuluyang paghiwalay nyo ng tulugan nyan, later on, parang stranger na kayo sa isa't-isa. ;)

buggerbabe

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #15 on: December 13, 2010, 01:18:13 pm »
^ What I can feel right now is di ko na matagalan at ayawa ko na rin patagalin pa. I just want out and I don't feel that I want to fight for this marriage pa. I want to run away and escape :'(

mistiqshannen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #16 on: December 13, 2010, 01:39:20 pm »
Ang hirap talaga pag pera ang pinag aawayan. Aside family ng asawa,
@jesrora: Weird lang ewan ha hindi ko kasi naranasan na nun preggy ako e pinabayaan ako ng asawa ko. Madami nga syang sacripisyo kesa sakin e kaya natutuwa padin ako kahit me mga financila problems din kami. Pero nairaraos naman namin. Ika nga lahat naman nagsisimula sa umpisa. Marunong lang dapat tayo magwork ng relation at mag tiis. At dapat dalawa kayo.

Maybe hindi nya kaya ng pressure sa bahay nyo or wala lang talaga syang paki sayo or wala syang b@lls sorry ha pero for me bagsak yan asawa mo. Maybe kasi hindi ako nasa situation mo.

Kasi sabi mo wala kayo budget para bumukod e mag adjust kayo dalawa. Wala kayong choice e. Ganun lang tiis muna. Makisama nalang sa mga relatives. Kasi nun pinasok nyo yan dalawa kayo at dapat ready kayo. Pano nalang if sa mga dadating pa taon mas malaking challenges ang dumating sa buhay nyo? pano na.. diba.. I weigh nyo nalang if saan kayo pwede magmeet.  Habang hindi pa kayang bumukod.

@buggerbabe: Sis alam mo hndi solution yan death sa lahat ng problem. E kung mamatay ka sa tingin mo matutuwa mga taong nagmamahal sayo?
Mag usap nalang kayo ng asawa mo. Baka kasi naman hindi nya parin pwede totally maiwan yun family nya kasi they still need his support.
Nagsusupport ba sya financially pala? Or just emotional yun sinasabi mo aligaga na agad?


bravo86

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #17 on: December 13, 2010, 01:50:06 pm »
^^sis, GUY ako ha? ;)

ako, mahilig ako magsul-sol dito sa GT na maghiwalay ang mga couples lalo na pag mag BF-GF pa lang. ang iba kasi aanga-anga, sige pa nang sige, mga angkan ata ng GOMBURZA.

in your case, MARRIED kayo, feeling ko napakaliit lang ang problema nyo. pera-pera lang ang ugat, unlike sa iba dito na may 3rd party na, may umbagan at murahan pa.

SAVE YOUR MARRIAGE sis. nanggaling sa broken family kayo kamo, buo-in nyo ang sa inyo.

ask for counseling.
ask for guidance sa mga godparents nyo... yon ang role nila dapat
join marriage encounter seminars

basta, try to SAVE YOUR MARRIAGE sis. sayang. :(


ebiko

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #18 on: December 13, 2010, 03:01:44 pm »
Hello sisterettes.

However, the only issue I have with him is that I felt na he gave more importance sa family nya kesa sa amin. Ako kase when I decided to get married, I focused sa kanya and I made him my priority on top of everything - carreer, family & friends. Pero sa kanya parang mas priority nya talaga ang family above me. Isang text lang ng family nya, aligaga sya. I told him already na learn to say no but still ganun pa rin sya. It's becoming so frustrating.


Sigh

sis, gaano ba ka-importante yung text nila para maging aligaga si hubby mo sa pamilya niya? baka naman may sakit ang isa sa mga parents niya at sa kanya lang talaga makaka-asa ng tulong.

death is not the solution. may work ka ba?

buggerbabe

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #19 on: December 13, 2010, 03:18:51 pm »
mistiqshannen, thanks for taking time to respond. I cannot take it anymore. 2 years palang kami pero pagod na ako and I know di ko na kakayanin to stretch to many years. I am thinking of escaping na nga kaya lang ang problema is I quit my job and till January nalang ako. If my hubby don't process a dependent visa for me, uuwi ako. Im not ready to talk to him talaga and I don't know when am I going to be ready.

Yoko na talaga. I know I'm doing a shortcut process but I felt it was right

 

Latest Stories

Load More Stories
Close