watch now

Author Topic: lying ins  (Read 94599 times)

missFB

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #120 on: May 06, 2013, 02:19:37 pm »
sis a2007, san sa Pasig?  :) and yung name ng lying in and contact number na din sana. Thanks!  ;D

cheezecake

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #121 on: May 06, 2013, 02:29:07 pm »
ingat lang sa lying ins mga sis, my SIL used to be internist sa mga lying ins mga expired na daw yung ginagamit na gamot ang dahilan "ito lang ang meron dito e"

a2007

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #122 on: May 10, 2013, 11:42:38 am »
Me and my baby Clinic, kilala naman siya sa Pasig, malapit sa Rotonda, Pasig. (02) 628 43 47.

Meron din maganda, sa Marikina, VT Maternity, bandang Paliparan, malapit sa Blue wave, malapit sa Bayan, kilala din siya don, pero wala akong contact number.

pinkpotato

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #123 on: May 14, 2013, 10:39:35 am »
ingat lang sa lying ins mga sis, my SIL used to be internist sa mga lying ins mga expired na daw yung ginagamit na gamot ang dahilan "ito lang ang meron dito e"

wow grabe scary to. di naman libre sa lying in ah bat di sila umayos? besides kaya nila mag risk ng buhay ng tao?

dapat nirereport yan sa pulis sis. kawawa ang mabiktima.

xtindc

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #124 on: June 02, 2013, 02:00:00 pm »
hi mga sis.. im currently 36w5d pregnant with my 2nd child. im also on a budget constraint so as much as gusto ko manganak sa hospital mukang hindi talaga kakayanin.. so kinoconsider ko ng option yung lying in clinic dito malapit sa amin, kaso ngwoworry lang ako kung safe at ok ba talaga.. hay.. kaka stress magisip.. may chest pains din kasi akong nararamdaman tong pregnancy ko na to kaya nagaalangan ako. sana maging ok yung ecg results then makakapagdecide nako kung lying in talaga or hospital.

marjayrocks

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #125 on: June 05, 2013, 10:58:00 pm »
hello .. kakapanganak ko lan sa lying in.. 1330 binyaran ko to be exact... ^^

coquettish16

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #126 on: July 29, 2013, 12:41:48 pm »
^wow sis, super mura naman ng binayaran mo. :) congrats sa panganganak!

question mga sis na nanganak sa lying ins, pag painless ba wala talaga mararamdaman pag tinahi?

cloudzy_09

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #127 on: July 29, 2013, 03:43:21 pm »
Kung mag lying in ka tanongin mo muna ang OB kung yung condition mo is ok sa lying in may mga lying inn na OB nag papaanak pero kadalasan mga nurse at midwife ok naman lying inn kaya lang sa lying inn wala masyado pang emergency equipment at gamot pag nag ka problema sa baby at mommy so mas ok pa at tipid kung mag public hospital ka.


MsRisz

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #128 on: August 20, 2013, 09:58:23 pm »
ako from taguig mula nun pa, si dra gallego lang talaga tumingin sa akin, napagaling nya lahat ng sakit ko..  paso, skin allergies, lagnat, kung ano ano pa..  then affiliated sya sa taguig pateros hospital, 20-30k dun, so minus 40% from taguig at philhealth .. 12k na lang.. almost.. taz minsan i decided na dumalaw sa clinic nya talaga own by her sa st mary sa my tuktukan taguig, malapit sa puregold. 12200 un twilight and 10200 un indi, kasama na takehome meds..  maganda yung clinic nya. wala naman ako complications so far. okay lahat ng result ng lab ko, and 2nd baby ko na din ito. kampante ako sa ob ko . faith lang. importante yun, tiwala sa sarili mo din, wag magtipid kung alam mo naman na di talaga you kakayanin sa lying in.. napakaganda ng pakiramdam ko na kakayanin ko, im on my 38 weeks na in 2 days. dues ko is on sept 5, then ngayon umiinum na ko ng epo para mapalambot cervix ko. kasi ayoko talaga umabot sa due date,l takot ako ma cs...

eihsy11

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #129 on: November 14, 2013, 12:23:52 pm »
mga sis i'm considering din sa lying in clinics manganak, pag di ako nakapag avail ng green card sa makati med malamang lying in na ko. any suggestion near makati west rembo? or may sa upper bicutan taguig?

danne

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #130 on: November 15, 2013, 11:01:23 am »
Hindi ko sure if okay sa Taguig Pateros General Hospital sis. Pero they say na kapag taga Taguig ka, 40% discount sa bills mo.

eihsy11

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #131 on: November 15, 2013, 12:26:52 pm »
Hindi ko sure if okay sa Taguig Pateros General Hospital sis. Pero they say na kapag taga Taguig ka, 40% discount sa bills mo.


The problem sis is I'm not from Taguig, Makati resident talaga ko. Im working lang here in Taguig and plan na lumipat sa Taguig by January para malapit sa office.

danne

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #132 on: November 15, 2013, 12:57:53 pm »
ako din sis not from Taguig pero may barangay ID ako ng bicutan. Gusto mo kuha tayo kasi nagpapalit iyon kapag nagpalit ng barangay captain.

eihsy11

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #133 on: November 15, 2013, 01:00:19 pm »
ako din sis not from Taguig pero may barangay ID ako ng bicutan. Gusto mo kuha tayo kasi nagpapalit iyon kapag nagpalit ng barangay captain.

Hahaha. ganun ba sis, di kasi talaga ko taga rito. pano kaya, and Don't know din where is the barangay hall dito. hehe.. taga Taguig ka lang din pala Sis,

iam.Arianna

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #134 on: December 13, 2013, 04:52:44 pm »
Hi mga sis! :) anyone here po nanganak sa F.MANALO MATERNITY LYING IN located po sa Sta.Lucia, San Juan? Kamusta ang birthing experience nyo po dun? At sino po ang nagpaanak sainyo doon? Share nyo naman mga sis.. ;)
« Last Edit: December 13, 2013, 06:31:33 pm by mama squeak! »

katrinac

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #135 on: January 06, 2014, 09:14:01 pm »
Mga sis, i need your thoughts. Medyo naguguluhan ako. Ang lying in ba is for normal delivery lang? Dito kasi banda samin, may nakita ako Lying in pero sa labas, may nakalagay CS packages available din daw. E kung ganon, baka lumipat nalang din ako dun.  I heard mura din dun kasi. May nakita ako nag post dati 10K for Normal, semi private. Not bad na.  :) may private rooms din daw sila. Medyo na guluhan lang ako, kasi yung typical na lying in na alam ko, is maliit. yun madalas na kikita ko. e ito parang building sya, then sa labas, lying in nakalagay/. hhhm

GMGravity

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #136 on: January 07, 2014, 08:39:44 am »
katrinac actually sis if pwede lang ako sa lying in, iconsider ko talaga na doon manganak kasi classmate ko iyong OB doon and twice na nanganak doon sister in law ko and halos yata lahat ng neighbors namin kasi super lapit lang sa house namin.. pero as per my mom, hindi nila accept kapag first baby. So maghanap pa ako ng kakayanin ng budget namin. Kapag nag uusap kasi kami ng mother ko, parang bigla ko nanghihinayang kapag sinasabi niya na if sa ganito ako manganank, around 10k-15k lang magastos ko. Eh sa mga napagtanungan kong hospitals, normal delivery eh 30k plus na.

eihsy11

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #137 on: January 07, 2014, 09:40:50 am »
katrinac sis merong lying in sis na nagdedeliver din ng CS. depende sa lying in [textspeak!] medyo malaki siguro pwede mag CS sila basta kumpleto sila sa gamit. alam din naman ng mga lying in if carry nila paanakin ang isang mother or hindi, pag hindi kasi nila carry tsaka nila pinapalipat sa hospital. [textspeak!] asawa kasi ng kuya ko dapat sa lying sya dati manganganak, kaya lang pinalipat sya ng hospital kasi di daw nagbabago yung ie nya noon.. ganun po. check mo na lang sis sa lying in na sinasabi mo., sabi nga nila mas mura nga daw sa ganun.

GMGravity ako nga din sis eh, i ko consider ko din ang lying in if alam ko namang maganda manganak doon and also experience na din sa mga kakilala kong nanganganak doon. kaya lang naku, pag tinatanong ko si hubby na wag na lang ako sa hospital kung ano ano sinasabi nya. bakit pa daw ako kumuha ng green card sa makati med if sa lying in or ospital ng makati daw ako manganganak. haha. kulit ko lang. kasi kakapang hinayang din ang gastos. hehe. medyo mura na din kasi sa makati med pag may green card kaya kumuha talaga ko noon. sana lang di sila magtaas ng price pag EDD ko na para nas 20-35k gastos namin.

beigh

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #138 on: January 07, 2014, 02:42:42 pm »
Hi mga sisses, I'm a mother of 2, one 9 year old saka 1 yr. and 9mos old. Same sila sa lying in lang. Yung panganay ko sa Mendoza clinic sa Parang, Marikina. This was 9 years ago, ang monthly check up is P60.00 only, then you will pay for vitamins na iprescribe nila. Unemployed ako that time so I only buy vits. good for  7days, then babalik na lang ako to buy pag naubos na. Maliit lang tiyan ko and since this is first time, literally, hindi ako marunong "umire". Contrary to the"size of my tummy"-na they say is maliit, I gave birth to a bouncing 8.2lbs. baby sa Mendoza clinic. 15mins. ako sa Del. room, mga 4 ire bago nailabas baby ko. Gulat sila kasi anlaki niya (chubby- na mala longganisa arms and legs.)-This is normal delivery po ha. We paid almost 5k lang kasama na ang pag stay namin ng 24hrs. sa room (with elec. fan only with roommates). Hindi pa yata uso dito ang Philhealth and kahit uso or meron na, wala pa ako philhealth that time.

Sa 2nd baby ko po, dito naman ako sa Well Family-Cattleya Brgy. Rizal Makati. That time (year 2011-2012), P120.00 ang check up then babayaran mo din vits. Umabot naman 2k binayaran ko dito, binawas na kasi nila agad yung philhealth ko. Kasama na sa binayaran ko ang 24+12 hrs. na stay ko sa private room with aircon (solo room). With take home meds. pa (merong good for 1 mo., merong good for 1 week) and sample ng baby soap (bid size) and feminine wash.

I can say okay naman po kahit sa lying in lang. But then, for both lying ins na to, normal delivery lang sila,wala sila CS. If during check ups,makita nila hindi ka nila kaya sa normal delivery , they will recommend you sa hospital. I'm not sure sa Mendoza clinic if may changes na ha, dati kasi normal lang..

I hope nakatulong po sa mga sisses natin =)

katrinac

  • Guest
Re: lying ins
« Reply #139 on: January 07, 2014, 09:25:08 pm »
Naku mga sis, super thank you sa mga inputs nyo. Hubby and I might go there this coming Saturday, hanap narin ako ng OB. Medyo natuwa lang kasi ako nung nakita ko na may CS packages narin sila. Could be na nag level up yung lying na yun. Usually kasi na lying ins na alam ko for normal delivery lang. Sana okay ang maging lakad namin this weekend, kasi sayang din ang matitipid namin.

beigh - sis, na curious lang ako, ang mga lying in din ba eh may painless din sila? naku bilib ako sayo, at nakaya mo iiri si baby mo. ang laki 8.2! waah!

eihsy11 - yung sister in law mo ba sis eh nung pinalipat sa ibang hospital e nag CS din sya? Yung cousin ko kasi tried to give birth sa lying in, kaso bumaba heart beat nya, ending nilipat sya ibang hospital kaya na emergency cs. i'm thinking na kapag ganun okay din siguro dun sa nakita ko na lying in kasi may CS din sila. hehe! May difference nga ba between maternity clinic/lying in? or just the same. ang gulo haha. Di na ako makapaghintay pumunta dun.

GMGravity - hhhm, bakit kaya hindi pwede kapag first baby? baka siguro mahirapan ano? Balitaan kita sis sa magiging results ng lakad namin. Sana talaga okay na dito, para makalipat na ako. hirap mag settle eh. nanghihinayang nga lang ako, kasi i need to let go yung OB ko na super nice pa naman. sigh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close